You are on page 1of 4

Mother Barbara Micarelli School, Inc.

San Miguel, Sto. Tomas, Batangas


Taong Panuruan 2022-2023

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 10
MODESTY _____________________________________________________________
Apelyido Unang Pangalan Gitnang Inisyal
COMPASSION _____________________________________________________________
Apelyido Unang Pangalan Gitnang Inisyal

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.
Panatilihing malinis ang talaan ng mga tanong at ang sagutang papel.
Gumamit ng itim o asul na panulat lamang.

STEM OPTION VARIETY. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa negatibo at hindi makaturungang pagtrato sa


mga tao dahil sa kanilang pagkakaiba?
A. Diskriminasyon
B. Gender Equality
C. Multiculturalism
D. Minority Groups

2. Ano ang tawag paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan?
A. settlement
B. migrasyon
C. pagbabakasyon
D. pagtatrabaho

3. Ano ang migrasyon?


A. pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mamamayan
C. pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar ng
pinagmulan
D. pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente

4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng migrasyon?


A. May mga turistang dumarayo sa Boracay dahil sa angking ganda nito.
B. Naglakbay sa mga banal na lugar ang mag-anak nina Mateo.
C. Naatasan ng kanyang manager si Lucas na magtungo sa malayong lugar para sa
usaping pang-negosyo.
D. Nagtungo ang Pilipinong si Juan sa ibang bansa upang doon ay manirahan at
magtrabaho para kumita ng malaki.
5. Ano ang pangunahing layunin ng MNLF o Moro National Liberation Front?
A. Maangkin ang buong Pilipinas at magtatag ng sariling pamahalaan
B. Malaking halaga kapalit ng pakikipagkasundo nila sa pamahalaan
C. Magkamit ng pagsasarili (independence) ang Lupaing Bangsamoro
D. Ang mga Bangsamoro Freedom Fighter ay hindi dapat nakikipag-ayos sa GRPH

6. Ayon sa Konstitusyon, “The State shall guarantee equal access to opportunities for public
service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Sa anong Artikulo at
Seksyon ng 1987 Kontitusyon ito inilahad?
A. Artikulo 1 Seksyon 26 C. Artikulo 1 Seksyon 27
B. Artikulo 2 Seksyon 26 D. Artikulo 2 Seksyon 27

7. Ano ang tawag sa sadyang paglikha ng takot sa pamamagitan ng karahasan sa


kagustuhang magkaroon ng pagbabagong politikal?
A. terorismo
B. migrasyon
C. feminismo
D. racism

8. Bakit itinuturing na suliraning pandaigdig ang terorismo?

A. sakop ito ng pandaigdigang batas


B. pinapalala ng globalisasyon ang terorismo
C. nagaganap ito sa maraming bahagi ng daigdig
D. maraming Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo

9. Alin sa mga sumusunod na batas tungkol sa diskriminasyon sa trabaho ang tumutukoy sa


hindi pantay na sahod at nakabatay sa kasarian?
A. VAWC
B. Equal Pay Act of 1963
C. Magna Carta for Disabled Persons
D. Age Discrimination in Employment Act of 1967

10. Paano nakakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang brain drain?


A. nabibigyan ang mga manggagawang Pilipino ng pagkakataong makapagsanay at
makapagtrabaho sa ibang bansa
B. napapantayan ng mga manggagawang Pilipino ang mga banyaga sa kaalaman at
kasanayan sa trabaho
C. nawawalan ng mga magagaling na manggagawang may kasanayan ang mga
industriya ng ating bansa
D. wala sa nabanggit

GROUP TERM VARIETY. Piliin ang katumbas na titik ng hindi kabilang sa pangkat.

11. MGA ISLA SA WEST PHILIPPINE SEA


A. Spratly B. Thomas C. Scarborough D. Deccan

12. MGA BANSA NA KASAMA SA WEST PHILIPPINE SEA


A. Philippines B. Taiwan C. China D. India

13. DAHILAN NG PAG-AAGAWAN NG TERITORYO


A. Wika B. Kultura C. Relihiyon D. Nasyonalismo
14. MGA ISYUNG PANTERITORYAL NG PILIPINAS
A. Spratlys B. Sabah C. Scarborough D. Arabian Sea

15. PERSON OF INTERNATIONAL LAW


A. Permanenteng Populasyon
B. Malinaw na Teritoryo
C. Pakikipagkapwa
D. Pamahalaan

16. POLITICAL DYNASTY


A. Aquino B. Cojuangco C. Enrile D. Marcos

17. URI NG KORAPSIYON


A. Paglustay C. Pangingikil
B. Lagay System D. Pagpapataw ng Interes

18. ESTRUKTURA NG MGA PANGKAT TERORISTA


A. moral B. liderato C. pondo D. mga kasapi

19. TERORISMO SA PILIPINAS


A. New People’s Army
B. Minority Groups
C. Abu Sayaff
D. Moro National Liberation Font

20. MGA ANYO NG TERORISMO


A. Etniko B. Pang-ideolohiya C. Kalakasan D. Maka-relihiyon

Ability to Interpret Relationship. Ang bawat pangungusap ay nagsasaad ng tamang


pahayag. Piliin ang titik A kung ang pangalawang pangungusap ay sumusuporta sa unang
pangungusap at titik B kung hindi angkop.

21. Ang corruption(korapsiyon) ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng


opisyal ng isang institution DAHIL ito ay pang-aabuso sa hawak na posisyon upang
magkaroon ng pakinabang.A
22. Sinasabing laganap ang tax evasion o ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis lalo sa
pribadong sektor DAHIL ang ilang anyo nito ay ang hindi pagdedeklara ng lahat ng kinita,
sadyang pagdaragdag sa ginastos o expenses, at hindi pag-file ng tax returns ng mga
kinitang dapat buwisan.B
23. Kapag laganap ang graft at corruption, babagsak ang ekonomiya ng isang bansa DAHIL
maraming nagtatayo ng negosyo na mga dayuhang negosyante sa ating bansa at
nawawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino. B
24. Ang political dynasty ay nagiging ugat ng pang-aabuso at pagmamalabis sa
kapangyarihan ng mga namumuno DAHIL ang pagkontrol ng mga dominanteng pamilya
sa kapangyarihan ay isa sa mga balakid sa tunay na pag-unlad. A
25. Ang Fat Dynasty ay kilala bilang isang uri ng political dynasty DAHIL ipinapakita nito kung
paano namamayagpag ang isang lupon ng mga nanalong magkakamag-anak sa isang
eleksiyon. A

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat pahayag sa loob ng
kahon.

A. Embezzlement C. Fraud E. Tax Evasion


B. Bribery D. Extortion
26. Paggamit ng negosyanteng si Janet Lim Napoles ng mga pekeng foundation o non-
governmental organization sa ilalim ng kanyang kompanya A
27. Sistema ng mga fixer – mga taong nangangakong mapabilis ang pagkuha at pagproseso
ng mga dokumento kapalit ng bayad sa kanila B
28. Karaniwang ginagamit dito ang blackmailing o sapilitang paghingi ng salapi. D
29. Ito ay ang pamemeke ng mahahalagang dokumento upang makakuha ng salapi ng iba.C
30. Isang intensiyonal na pag-iwas sa pagbabayad ng buwis. E

A. Political Corruption D. Administrative Corruption


B. Petty Corruption E. Public Corruption
C. Grand Corruption

31. May kinalaman sa pagbabalangkas ng batas na maaaring pumabor sa ilang tao o


pangkat A
32. Hindi matapat na paggamit ng kapangyarihan bilang opisyal ng gobyerno E
33. Kinakasangkutan ng mas mababang halaga ng salapi at karaniwan ay bata o bagong
opisyal ng gobyerno B
34. May kinalaman sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga sangay ng pamahalaan D
35. Kinasasangkutan ng malalaking halaga ng salapi at matataas na opisyal ng pamahalaan
C

ESSAY. Ipaliwanag at patunayan ang iyong sagot.

(36-40). Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang magagawa mo sa pagpapalaganap ng


multiculturalism at pag-iwas sa diskriminasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
pagsulat ng tatlo hanggang limang pangungusap.

You might also like