You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Mandaluyong City
ADDITION HILLS INTEGRATED SCHOOL

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


IKAAPAT NA MARKAHAN

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Isulat ang titik ng sagot sa kuwaderno.

1. Kailan idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar?


A. Agosto 12, 1972 C. Setyembre 12, 1972
B. Agosto 21, 1972 D. Setyembre 21, 1972

2. Anong samahan ang binubuo ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa hindi kanais-nais
na gawain ng mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka?
A. Abu Sayyaf Group
B. New People’s Army
C. Moro National Liberation Front
D. Communist Party of the Philippines

3. Anong samahan ang binubuo ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaang
tinatawag nilang Republika ng Bangsamoro?
A. Abu Sayyaf Group
B. New People’s Army
C. Moro National Liberation Front
D. Communist Party of the Philippines

4. Anong partido ang nagtipon sa Plaza Miranda?


A. Lakas Kampi C. Masang Pilipino
B. Liberal D. Nacionalista

5. Ano ang tawag sa nagbibigay ng karapatan sa mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng


paglilitis?
A. Curfew C. Warrant of Arrest
B. Martial Law D. Writ of Habeas Corpus

6. Anong samahan ang itinatag noong 1968 ni Jose Maria Sison?


A. Abu Sayyaf Group
B. New People’s Army
C. Moro National Liberation Front
D. Communist Party of the Philippines

7. Ano ang tawag sa isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang
mga panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob, at karahasan?
A. Curfew C. Warrant of Arrest
B. Martial Law D. Writ of Habeas Corpus
8. Bakit idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar? Ito ay dahil _________.
A. lumiit na ang populasyon ng bansa
B. lumubha ang suliraning kaayusan at katahimikan
C. nais niyang maging pinakamayamang bansa ang Pilipinas sa Asya
D. gusto niyang ipakulong ang lahat ng mga Pilipinong hindi niya kaanib

9. Ano ang kahulugan ng akronim na EDSA?


A. Epifania Delo Santos Avenue C. Estrada Delo Santos Avenue
B. Epifanio Delos Santos Avenue D. Estrada Delos Santos Avenue

10. Si Pangulong _ang nagdeklara ng Batas Militar.


A. Aquino B. Arroyo C. Marcos D. Ramos

11. Ang mga sumusunod ay mga nangyari sa panahon ng Batas Militar MALIBAN sa isa.
A. Pagbabawal sa rali
B. Pagwewelga ng mga manggagawa
C. Pagkumpiska ng sandata ng mga tao
D. Pagbigay karapatan sa pamamahayag

12. Siya ay isang senador at kilalang kritiko ng administrasyong Marcos.


A. Benigno Aquino Jr. C. Eugenio Lopez Jr.
B. Benjamin Cervantes D. Lino Brocka

13. Kailan pinaslang si Benigno Aquino Jr.?


A. Agosto 12, 1893 C. Agosto 21, 1883
B. Agosto 12, 1983 D. Agosto 21, 1983

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng Batas Militar?
A. Yumaman ang mga magsasaka
B. Lalong naghirap ang mga Pilipino
C. Nagkaroon ng sunod-sunod na rali
D. Nagkaroon ng maraming patubig at mga gusali

15. Kailan ginanap ang biglaang eleksyon o Snap Election?


A. Pebrero 7, 1896 C. Pebrero 17, 1896
B. Pebrero 7, 1986 D. Pebrero 17, 1986

16. Siya ang nanalo sa ginanap na Snap Election at pumalit kay Pangulong Marcos.
A. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Fidel Ramos D. Joseph Estrada

17. Paano isinagawa ng mga mamamayang Pilipino ang EDSA Revolution?


A. Nagdaos ng marahas na rali
B. Nagpadala ng sulat kay pangulong Marcos
C. Nagpost sa Facebook ng mga hinaing at opinyon
D. Nagdala ng mga bulaklak, rosaryo, pagkain, at buong tapang na sinalubong ang mga
sundalo at tangke ng pamahalaan
18. Kailan nagsimula ang EDSA Revolution?
A. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 24, 1986
B. Pebrero 23, 1986 D. Pebrero 25, 1986

19. Ang EDSA People Power 1 Revolution ay nagpakita ng mabuting katangian ng mga Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito?
A. matiisin C. mayabang
B. matapang D. maaasahan
20. Bakit mahalaga ang Saligang Batas?
A. Ito ang nagpahina sa pamamahala ng pangulo.
B. Ito ang pinagbatayan ng kultura ng mga Pilipino.
C. Dito nakasalalay ang programang ipapatupad ng bansa.
D. Nakasaad dito ang pagpapahalaga sa mga karapatang pantao.

21. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa labis na kapangyarihan ni Pangulong Marcos sa
panahon ng batas militar?
A. Itinatag ang mga unyon.
B. Dumami ang pumanig sa kanyang pamamahala.
C. Sinuportahan siya ng taong- bayan at mga mayayaman.
D. Nagdaos ang taong-bayan ng People Power Revolution.

22. Ano ang isa sa masamang epekto ng pagpatupad ng batas militar sa Pilipinas?
A. Pagbabayad sa utang ng bansa
B. Paglabag sa karapatang pantao
C. Pagdami ng mga negosyanteng namumuhunan
D. Pagkakaroon ng batas sa pagpapalaya sa mga rebelde

23. Ano ang patunay na naibalik ang karapatan ng mga mamamayan?


A. Pagbuwag ng Kongreso
B. Pagpakawala sa mga nakulong
C. Pagkaroon ng iba’t ibang selebrasyon ang mga Pilipino
D. Pagkabuo ng pansamantalang Saligang Batas o Freedom Constitution

24. Bakit naging mahalaga sa mga Pilipino ang Rebolusyong EDSA?


A. Nakatulong ito sa mga sundalo.
B. Napaalis nito si Pangulong Marcos bilang pangulo.
C. Naging daan ito para sa pag-unlad ng mga produkto ng bansa.
D. Naging daan ito para matugunan ang suliranin sa kahirapan sa
pamumuhay.

25. Sa pagkahalal kay Corazon C. Aquino, muling naibalik ang demokrasya. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI nagpapakita sa pangangalaga nito?
A. Pagpapatuloy ng mga rally sa lansangan
B. Pagpapatupad sa mga programa ng pamahalaan
C. Pakipagkasundo ng pamahalaan sa mga rebelde
D. Pagpasunod sa mga alituntuning itinakda ng Saligang Batas

26. Ano ang nagdulot ng malaking banta sa demokrasya sa Pilipinas?


A. pamimigay ng ayuda
B. pagkakaroon ng patubig
C. pagpapatupad ng batas militar sa bansa
D. pagbabago sa saligang batas ng kalayaan o Freedom Constitution

27. Bakit nahirapan ang taong-bayan sa ilalim ng Batas Militar?


A. Naipatupad ang Green Revolution
B. Tumaas ang presyo ng mga bilihin
C. Tumaas ang kriminalidad sa mga lalawigan
D. Nadagdagan ang kita ng mga manggagawa
28. Paano nagwakas ang Rebolusyong EDSA?
A. Pagkakaroon ng dagliang halalan o Snap Election
B. Pagkapanalo ni Corazon C. Aquino bilang pangulo
C. Pagtiwalag nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos sa pamahalaan
D. Paglisan ng pamilya ni Pangulong Marcos at ilang mga kaibigan patungong Hawaii

29. Ano ang idineklara ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao upang malupig ang mga
terorista na naghahasik doon ng kaguluhan?
• tokhang C. smoking ban
• batas militar D. extrajudicial killings

30. Alin ang nagpatunay tungkol sa “Hello Garci’ scandal?


A. Pinaalis kung saan nagtipon-tipon ang mga tao
B. Maraming mamamayan ang nawalan ng tiwala sa pangulo
C. May mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang umalis
D. Lumitaw ang mga sinasabing wiretapped telephone conversation sa pagitan nina
Pangulong Arroyo at Komisyoner Garcillano

31. Ito ay suliraning tumutukoy sa mga likas na sakuna sa ating bansa.


A. Terorismo
B. Droga
C. Kahirapan
D. Kalamidad

32. Ito ay tumutukoy sa katiwalian ng mga opisyal ng pamahalaan at non- government organizations.

A. Droga
B. Kahirapan
C. Korapsyon
D. Pandemyang COVID-19
33. Ito ay ang suliraning nakakasira sa kaisipan at kinabukasan ng mga taong nahuhumaling dito.
A. Terorismo
B. Droga
C. Kahirapan
D. Korapsyon

34. Ano ang pangunahing dahilan bakit nilusob ng pangkat ng Abu Sayyaf at Maute ang bayan ng
Marawi?
A. Nais ng kanilang pangkat na kunin ang lahat ng pera at yaman ng lungsod.
B. Nais ng kanilang pangkat na i- hostage ang mga tao dito.
C. Nais ng kanilang pangkat na kilalanin sila bilang pinakamalakas na pangkat ng terorista
sa Pilipinas.
D. Nais nilang makubkob ang kapitolyo at magtayo ng watawat ng ISIL at gawin ang
Marawi na Islamic State.

35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paglabag ng karapatang pantao?
A. Pag-agaw sa ari-arian ng isang tao.
B. Pag-aresto at pagkulong sa isang tao ng walang warrant of arrest.
C. Pagboto sa taong nais mong mahalal sa isang pwesto sa pamahalaan.
D. Pagtawag na terorista sa isang tao o organisasyon na walang sapat na ebidensya o batayan.
36. Alin sa mga sumusunod ang programa ni Pangulong Cory?
A. No “Wang-wang” Policy C. Education for All
B. 4Ps D. JEEP

37. Alin sa mga sumusunod ang programa ni Pangulong Ramos?


A. Philippines 2000 C. Expanded Value Added Tax
B. JEEP D. 4Ps

38. Sinong pangulo ng Pilipinas ang humarap sa impeachment trial?


A. Joseph Estrada C. Cory Aquino
B. Benigno “Noynoy” Aquino D. Fidel V. Ramos

39. Sinong pangulo ang nagpatupad ng K-to-12 Program bilang reporma sa edukasyon?
A. Joseph Estrada C. Cory Aquino
B. Benigno “Noynoy” Aquino D. Fidel V. Ramos

40. Sino sa mga sumusunod ang may programang 4Ps?


A. Joseph Estrada C. Gloria Macapagal Arroyo
B. Cory Aquino D. Fidel V. Ramos

41. Pagsugpo sa ibat-ibang mga sakit.


A. Kalusugan C. Pagkakautang sa bansa
B. Edukasyon D. Polusyon sa ingay

42. Pagbabawal at panghuhuli sa mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok


A. Korupsiyon C. Ipinagbawal na gamot
B. Edukasyon D. Polusyon sa hangin

43. Pagtatangkang pagsugpo sa korupsiyon sa tulong ng Electrica Procurement System


A. Kalusugan C. Ipinagbawal na gamot
B. Polusyon D. Korupsiyon o Katiwalian

44. Pagpapabuti ng kurikulum.


A. Droga C. Edukasyon
B. Kabuhayan D. Polusyon

45. Paglalapat ng mabigat na parusa.


A. Ipinagbabawal na gamot C. Kalusugan
B. Kabuhayan D. Populasyon

46. Ano ang pinakamahalagang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas ang
ibat’ibang suliranin sa bansa?
A. Aktibong makilahok sa mga programa
B. Hindi makialam sa mga programa ng pamahalaan.
C. Maging disiplinado sa personal na gawain lamang.
D. Pagtutol sa mga nakasaad na programa ng pamahalaan.

47. Upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa, alin sa mga sumusunod ang nararapat
gawin ng mga mamamayan?
A. Bumili ng mga imported na produkto.
B. Tangkilikin ang ating sariling produkto.
C. Maging bahagi sa pagtitinda ng mga produkto ng ibang bansa.
D. Mag-ipon upang makabili ng mamahaling produkto ng ibang bansa.
48. Ano ang tawag sa mga produktong binibili ng mga mamamayan tulad ng mga pagkain, gamot, tela,
sapatos, damit at iba pa?
A. kalakal C. paglilingkod
B. paggawa D. prodyuser

49. Tumutukoy sa serbisyong ipinagkaloob ng doktor, guro, tindera at iba pang katungkulan sa kanyang
kapwa at lipunan.
A. kalakal C. paglilingkod
B. paggawa D. prodyuser
50. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansa, ano ang maari mong gawin upang mapangalagaan
ang ating likas na yaman?
A. Pagsama sa mga nagkakaingin.
B. Pagtapon ng basura sa ilog at kalsada.
C. Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan.
D. Pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.

You might also like