You are on page 1of 38

Pag-usbong ng

Nasyonalismong
Filipino: Ikalawang
Bahagi
Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay
ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral tungkol sa
pag-usbong ng nasyonalismong Filipino.
Nakapaloob dito ang iba pang pangyayari o salik na
nagbigay-daan sap ag-usbong ng damdaming
nasyonalismo ng mga Filipino. Makikita sa larawan
ang tatlong paring martir na may malaking
bahaging ginampanan sa pagkamit ng diwang
makabansa ng mga Filipino noong panahong iyon.
Sa modyul na ito, ikaw ay…

1. Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa


pag-usbong ng nasyonalismong Filipino;
2. Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Filipino (MELC); at
3. Naipamamalas ang paghanga sa mga Filipinong
nagpakita ng malasakit sa bansa.
Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot
sa hiwalay na papel.
1. Ang sumusunod ay nagbunsod ng
pagkakaroon ng nasyonalismo sa
mga Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. Isyu ng Sekularisasyon
B. Cavite Mutiny ng 1872
C. Pagbitay sa GomBurZa
D. Pagdating ng mga Amerikano
2. Ano ang naging epekto ng pagbitay
sa tatlong paring martir?
A. Maraming mga Filipino ang natakot
na lumaban.
B. Maraming Filipino ang tumakas at
namundok.
C. Maraming Filipino ang nagalit sa
kapwa nila Filipino.
D. Maraming Filipino ang nagnais na
magkaroon ng reporma.
3. Ano ang tawag sa isyung patungkol sa
mga paring Filipino na nagnanais na
muling ibalik sa kanila ang pangangasiwa
sa mga simbahan?
A. Propaganda
B. Sekularisasyon
C. Mutiny
D. Nasyonalismo
4. Sino ang arsobispo na naniniwalang walang
kasalanan ang talong pari kaya naman hindi niya
pinatanggal ang kanilang abito habang binibitay?
A. Meliton Martinez
B. Pedro Pelaez
C. Jacinto Zamora
D. Jose Burgos
5. Ano ang isang patunay na malaki ang epekto ng
pagbitay sa GomBurZa sa pagkamit ng damdaming
makabansa ng mga Filipino?

A. Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang nobela sa


tatlong paring martir.
B. Lumaya ang Pilipinas dahil sa pagdating ng mga
Amerikano.
C. Humina ang kapangyarihan ng Spain sa
pagdating ng mga Amerikano.
D. Kaagad na sumiklab ang himagsikan pagkaraang
bitayin ang
GomBurZa.
Pag-usbong ng
Nasyonalismong Filipino
Ikalawang Bahagi
Ang mapaniil at mapang-abusong paraan ng
pangangasiwa ng mga Espanyol sa Pilipinas ay
nagdulot ng mga kaguluhan at pag-aalsa mula sa iba’t
ibang panig ng bansa. Dahil sa kalabisan sa
pagpapatupad ng mga patakaran, maraming
katutubong pangkat ang nagkaisa laban sa mga
Espanyol. Isa sa mga pag-aalsang naganap ay ang
pagtutol sa mga patakarang pangkabuhayang
ipinatupad ng mga Espanyol. Hindi man nila ito
lubusang napagtagumpayan, ito naman ang umpisa ng
pag-usbong ng damdaming makabansa na siyang
nagsulong ng kanilang labis na paghahangad ng
kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop na
Espanyol.
Buuin ang episodic organizer sa
pamamagitan ng paglagay sa bilog ng
mahahalagang pangyayaring may
kaugnayan sa pag-usbong ng
nasyonalismong
Filipino. Pagkatapos ay isulat sa mga kahon
ang ilang detalye sa bawat pangyayari.
Maliban sa pagbukas ng Suez Canal, paglitaw ng
mga Ilustrado, at pagdating ng mga kaisipang
liberal at ni Gobernador Heneral Carlos Maria
dela Torre ay may sumunod na mahahalagang
pangyayari ang nagpaigting sa diwa ng mga
Filipino hanggang sa makamit ang damdaming
nasyonalismo.
Sekularisasyon at ang
Tatlong Paring Martir
Isa pang mahalagang pangyayari noong ika-19 na siglo
na naging salik sa pag usbong ng kamalayang Filipino
ang sekularisasyon. Ang sekularisasyon ay ang
pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang
pamunuan ang mga parokya.

Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol


na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng
Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit, at
Dominican. Paring sekular naman ang tawag sa mga
Filipinong pari na hindi maaaring mapabilang
sa alinmang samahang relihiyoso.
Nag-ugat ang suliranin mula sa pagtutol ng mga
paring regular na pamunuan ng mga paring sekular
ang mga parokya. Ito ay sapagkat kaakibat ng pagiging
pinuno ng parokya ay ang malawak na kapangyarihan
at impluwensiya gayundin ang yamang mula sa kaban
ng simbahan. Ibinalik sa mga paring regular ang mga
parokyang hawak ng mga paring sekular. Hinaing ng
mga Filipinong pari ay diskriminasyon ang ginawang
pagtanggal sa kanilang katungkulan. Bunsod nito,
nagsimula ang isang kilusan sa pamumuno ni Padre
Pedro Pelaez.
Noong 1872, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Cavite
na kinabi- bilangan ng mga sundalong Filipino na
naglilingkod sa isang arsenal dito. Ito ay pinangunahan
ni Fernando La Madrid, isang sarhentong Filipino. Nag-
aklas ang mga sundalo nang tanggalin ang ilan sa
kanilang mga pribilehiyo tulad ng hindi pagbabayad ng
buwis at hindi pagsali sa sapilitang paggawa.
Agad na nasugpo ng mga Espanyol ang pag-aalsang
ito, at dinakip ang mga napagbintangang pinuno nito.
Kabilang sa mga dinakip ang mga paring sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Pinagbintangan silang mga pinuno ng pag aalsa sa
Cavite upang mapatahimik ang noon ay mainit na isyu
ng sekularisasyon.
Nilitis ang GomBurZa at isinakdal ng mga bayarang
testigo, piskal, at abogado. Hinatulan sila ng
kamatayan at ginarote noong ika-17 ng Pebrero 1872.
Sa pagkamatay ng tatlong pari ay napaigting ang
damdaming makabansa ng mga Filipino laban sa mga
mananakop.
Sa pangkalahatan, masasabing nagkaroon ng
epekto ang mga pangyayari sa
labas ng bansa noong ika-18 siglo sa
paglaganap ng malayang kaisipan sa Pilipinas,
na siyang nagpakilos sa mga Filipino upang
ipaglaban ang mga karapatan at kalayaan.
Ang paglipas ng merkantilismo ay nagbigay-
daan sa pag-usbong ng malayang kalakalan
at ang kaakibat na malayang kaisipan
Ang pagwawakas ng kalakalang galyon ay
naghudyat din sa pagsisimula ng bagong panahon sa
Pilipinas kung saan naging maigting ang pakikibaka para sa
reporma at, kalaunan, ang pagsiklab ng himagsikan.
Mahalagang kilalanin ang malaking naiambag ng kaisipang La
Ilustracion mula sa Europe sa mga pagbabagong ito dahil
ang ideya ng kaliwanagan ang nagsilbing tulay ng Spain at ng
Pilipinas sa pagtawid mula sa konserbatismo tungo sa
modernismo at liberal na kaisipan, at sa pagkabuo ng
kamalayang makabayang naka- batay sa mga karapatan at
kalayaang ibinunsod sa Cadiz Constitution ng 1812. Bagama’t
hindi maaaring sabihing ito ang tanging pinagmulan ng
kamalayang makabayan sa Pilipinas, mahalagang salik ito sa
naging tunguhin ng isang anyo ng pakikibaka ng mga
mamamayan laban sa kolonyalismong Espanyo
Sagutin ang sumusunod na
Gawain sa oras ng OFFLINE
Sched
1. PAGYAMANIN
2. ISAISIP
3. ISAGAWA
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ano ang naging epekto ng pagpapatalsik sa mga
paring sekular sa kanilang pangangasiwa ng mga
parokya?
Isasagawa
A. Nakaramdam ng diskriminasyon ang mga paring
Filipino. Ko ang mga
B. Nagdiwang at nagsaya ang mga paring Filipino.
Natutunan
C. Walang naging epekto ito sa mga Filipino. Ko
D. Wala sa nabanggit.
2. Sino ang namuno sa pag-aalsang naganap sa Cavite
na sinasabing tumagal lamang ng dalawampu’t limang
oras? Isasagawa
A. Padre PedroKo
Pelaez ang mga
B. Sarhento Fernando La Madrid
Natutunan
C. Arsobispo Meliton Martinez Ko
D. GomBurza
3. Anong aklat ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na inialay
niya sa kabayanihan ng tatlong paring martir?

Isasagawa
A. Noli Me Tangere
Ko ang mga
B. El Filibusterismo
C. Tapunan ng Lingap
D. Makamisa Natutunan Ko
4. Ang sumusunod ay mga bunga ng pagbitay ng
GomBurZa maliban sa isa. Ano ito?

Isasagawa
A. Ito ay higit na nakagising ng diwang makabansa ng
mga Filipino.
Ko ang mga
B. Inialay ni Dr. Jose Rizal ang kanyang nobela na Noli
Me Tangere.
Natutunan Ko
C. Marami ng Filipino ang nagalit sa mga Espanyol.
D. Nabuksan ang kaisipan ng mga Filipino na panahon
na upang humingi ng
pagbabago sa pamahalaang Espanyol
5. Ano ang kaugnay ng pag-aalsa sa Cavite sa tatlong
paring martir?

Isasagawa
A. Pinagbintangan ang tatlong pari na sila ang namuno
sa pag-aalsa. Ko ang mga
B. Lumahok sa labanan ang tatlong paring martir sa
Natutunan Ko
pag-aalsa sa Cavite.
C. Ang mga pari ang nanguna sa pag-aalsa sa Cavite.
D. Ang GomBurZa ang nag-udyok na lumaban sa mga
Espanyol.

You might also like