You are on page 1of 33

Pagpapahalaga

sa Buhay na
Ibinigay ng
Diyos
Ang ating buhay ay kaloob sa atin ng
Diyos. Kailangan natin itong
pahalagahan sa pamamagitan ng
pagmamahal sa ating buhay, sa ating
kapwa, at sa mga bagay sa
ating paligid. Dapat nating tandan na ito
ay para sa ating Diyos. Magpasalamat
tayo sa mga biyayang ating natatanggap
at maging masaya kung ano man ang
mayroon tayo sa ating buhay.
Sa modyul na ito, iyong…

1. Naitatala ang iba’t ibang gawaing


nagpapakita ng pagpapahalaga sa
buhay na ibinigay ng Diyos.
2. Naibabahagi ang mga paraan ng
pagpapahalaga sa ibinigay na buhay ng
Diyos sa pamamagitan ng isang awit.
Panuto: Piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat
ito sa sagutang papel
1. Ano ang diwa ng pahayag na ito ni Leo
Buscaglia? “Ang iyong buhay ay biyayang
galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay
ang biyayang iyan, ay iyong ihandog
sa Kaniya.”

A. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ay


ibabalik sa lumikha sa pamamagitan ng
pagpapahalaga nito
B. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay
kung magpapasalamat tayo sa Kaniya.
C. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog
natin sa Diyos.
D. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha
nito.
2. Sino ang nagpapakita ng wastong
pagpapahalaga sa buhay?

A. Si Mika na mahilig kumain ng mga sitsirya at


softdrinks.
B. Si Karen na sumasama mag-jogging sa
parke.
C. Si Dan na madalang maligo.
D. Si Bok na mahilig magpuyat dahil sa kalalaro
ng ML
3. Sa anong paraan mo mapasasalamatan ang
Diyos sa ibinigay na buhay sa iyo?

A. Alagaan ang katawan


B. Tumulong sa mga nangangailangan.
C. Magdasal nang taimtim.
D. Lahat ay tama maliban sa titik B
4. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita
ng pagpapahalaga sa buhay?

A. Ang malinis na katawan ay tiyak na malalayo


sa mga sakit na maaaring makasira sa buhay
ng tao.
B. Mahalaga ang pagkain ng masustansiyang
pagkain upang mas mapatibay ang espiritwal na
aspekto.
C. Nakabubuti ang pag-ehersisyo para sa
malusog na katawan.
D. Lahat ay tama.
5. Niyaya ka ng mga kaibigan mo na
magbisikleta tuwing Sabado, sasama ka ba?

A. Oo, para mas maging husto ang aking


pangangatawan at marami ako matutunan sa
mga lugar na aking mapupuntahan.
B. Oo, dahil marami ang sasama at masaya
mamasyal kasama ang mga kaibigan
C. Hindi, dahil nakakatamad at ayaw kong
umitim ang aking balat.
D. Hindi, dahil ayaw ko pawisan
Muli nating balikan ang mga
mahahalagang konsepto na
natalakay noong
nakaraang Linggo.
Panuto: Punan ng sagot ang
graphic organizer tungkol sa
mga paraan upang
maipakita ang iba’t ibang
paraan ng pagpapasalamat
sa Diyos.
Isasagawa
Ko ang mga
Natutunan Ko
Basahin tula sa
ibaba. Sagutin ang
mga tanong
pagkatapos.
Buhay
Norberto C. Ebuen
Nilalang tayong kawangis,
Isasagawa
Ng Maykapal na sakdal linis,
Anak tayong kagila-gilalas,
Ko ang mga
Kabanalan ang nilalandas

Mula ulo Natutunan


hanggang paa, Ko
Ihandog natin sa Ama,
Ugaliing manalangin,
Sumamba at mangilin.
Alagaang mabuti,
Ang ating katawan,
Lumayo sa bisyo,
Isasagawa
At tawag ng laman.

PagmamahalKo saang
kapwa, mga
Natutunan
Ipakita sa gawa,
Tulungan natin,
Ko
Naghihirap nating kapwa
Irespeto ang bawat isa,
Isasagawa
Na walang pagtatangi
Ito ang banal na utos,
Ko ang mga
Ng Diyos na dakila.

Natutunan Ko
1. Sino ang kawangis natin na binanggit
sa unang bahagi ng tula?
2. Ano ang mabuting handog na
katanggap-tanggap sa Diyos?
3. Sa iyong palagay, bakit dapat nating
tulungan ang ating kapwa?
4. Sino ang dapat nating irespeto?
5.Paano natin matutulungan ang ating
kapwa sa panahong may pandemya?
Ang ating buhay ang pinakadakilang kaloob ng
Diyos sa atin. Mahalaga na maunawaan natin
ang layunin ng ating pagkakaroon ng buhay.
Ang
Isasagawa
pagpapahalaga sa ating buhay ay pagpapakita
ng ating pagtanggap sa biyayang ito mula sa
Ko ang mga
ating Maykapal.• Nararapat lamang na
pasalamatan at gamitin sa kabutihan ang buhay
Natutunan Ko
na ito. Mahalaga ang magkaroon ng magandang
relasyon sa Poong Lumikha. Ang mga
biyayang bigay Niya ay magagamit na paraan ng
pasasalamat sa Kaniya. Gamitin
ang mga ito nang maayos upang magampanan
mo ang misyon Niya para sa iyo. Ang
pangangalaga sa buhay ay paraan ng pagdakila
sa Kaniya. Matutong manalangin at kilalanin ang
kadakilaan ng Poong Maykapal.
Narito ang mga halimbawa ng
pagpapahalaga sa buhay.Ang kalusugan
ay kaakibat ng ating buhay. Ang malusog
Isasagawa
na pangangatawan ay
nangangahulugang magandang buhay.
Ko ang mga
Narito ang ilan sa maaring gawin upang
mapangalagaan at mabigyan ng
Natutunan Ko
pagpapahalaga ang buhay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng
malusog na kalusugan.
Para sa pisikal na aspekto.
• Kumain ng masusustansiyang
pagkain- . Sa masusustansiyang pagkain
ay
Isasagawa
makakamit ang malusog, masigla, at
Ko ang mga
malakas na pangangatawan.
• Pag-eehersisyo - Sa pag-eehersisyo ay
Natutunan Ko
mas mapapalakas ang
pangangatawan ng isang tao. Maliban
dito, mas mapagaganda ang hubog ng
katawan.
• Pagiging malinis sa katawan - Ang
malinis na katawan ay tiyak na malalayo
sa mga sakit na maaaring makasira sa
buhay ng tao.
Para sa emosyonal na aspekto
• Ugaliing mag-yoga o mag-meditate -
Nakabubuti ang pagme-meditate at
pagyo-yoga para sa malusog na emosyon.
Isasagawa
Nakaka-relax ito at nakakalma ng anomang
hindi kaaya-aya at sobrang emosyon.
Ko ang mga
Para sa aspektong espiritwal
• Magdasal - Mahalaga ang pagdarasal
Natutunan Ko
upang mas mapatibay ang espiritwal
na aspekto.
• Pagsisimba - Ang pagsali o pagdalo sa
mga misa tuwing Linggo ay
kasinghalaga din ng pagdarasal. Ang
pagsisimba ay ang pinakamataas
na anyo ng pananalangin
Sagutin ang sumusunod na
Gawain sa oras ng OFFLINE
Sched
1.PAGYAMANIN
2.ISAISIP
3.ISAGAWA
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Mapalad ang tao dahil
bukod sa binigyan siya ng
buhay ay ginawa siyang
_________________.
A. kawangis ng Diyos.
B. kaibigan ng Diyos.
C. kamanlilikha ng Diyos
D. katuwang ng Diyos
2. Sa paanong paraan mo
maipakikita ang pagpapahalaga sa
buhay?

A. Subukang gamitin ang


ipinagbabawal na gamot
B. Kumain ng mga paboritong
pagkain lamang
C. Mag-ehersisyo araw-araw
D. Pagpupuyat sa panonood ng mga
telenovela
3. Ano ang pinakamahalagang
natanggap mong regalo mula sa
Diyos?

A. Ang aking mga kaibigan


B.Ang aking talento
C.Ang aking buhay
D.Ang aking karapatan
4. Sino ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa buhay?
A. Si Carlo na hinahayaan lang ang
kaklase makipagsuntukan dahil
ayaw niyang madamay.
B. Si Marga naiingit sa kaniyang
kapitbahay na mayaman.
C. Si Tina na tuwing Linggo ay
nagsisimba.
D. Si James na masayang
naglalaro kahit madaling araw na
5. Ngayogn pandemya paano mo
napahahalagahan ang iyong buhay?
A. Magsuot ng facemask at face shield
B. Pumila nang magkalayo at may
distansiyang 1-2 metro bawat tao
C. Iwasan ang paglabas sa bahay kung
wala namang mahalagang
gagawin.
D. Lahat ay tama at aking gagawin,
dahil mahalaga ang aking buhay

You might also like