You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO sa

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Baitang 4


Kwarter 4 Linggo 1 Bilang 1
Paaralan __________________________________________
Pangalan: _______________________________________ Seksyon: __________________

I. Panimulang Konsepto
Ang buhay ay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin kung kaya’t mahalagang gumawa
ng kabutihan hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapuwa. Mahal ka ng Diyos kaya inaasahan
Niyang aalagaan mo ang iyong sarili bilang tanda ng pasasalamat sa buhay na ipinagkaloob Niya.
Pagbutihin mo ang iyong mga ginagawa na magbibigay sa iyo ng malusog at magandang buhay.
Magiging masaya ka sa lahat ng oras kapag maingat ka sa iyong sarili at may mabuting pakikitungo
sa ibang tao. Nararapat din na ingatan, igalang at pahalagahan ang kapuwa mo na nilikha rin ng
Diyos.

Ang buhay ang pinakamagandang biyayang kaloob sa iyo ng Diyos. Bukod sa iyong sarili
ay biniyayaan ka rin ng makakasama mo sa pagtuklas ng kahalagahan ng Kaniyang mga nilikha,
ang iyong kapuwa. Ikaw at ang iyong kapuwa ay may pananagutan upang gawin ito. Alagaan at
mahalin mo ang iyong sarili gayundin ang iyong kapuwa.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay
- sarili at kapuwa-tao

III. Mga Gawain


Gawain 1:
Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang gawaing nabanggit ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sarili at kapuwa. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi.
_____1. Pagtitiis ng gutom upang matapos agad ang gawain.
_____2. Hindi pagtulog sa tamang oras dahil sa paglalaro ng mobile games.
_____3. Maligo agad pagkatapos maglaro ng basketball.
_____4. Magpahinga matapos maglinis ng bahay.
_____5. Kumunsulta sa doktor kapag may karamdaman.
_____6. Bigyan ng pagkain ang kaklaseng walang baon.
_____7. Iwanan ang kapatid na nadapa sa daan.
_____8. Pagsabihan ang kaibigang namimintas ng kapuwa.
_____9. Iwasan ang makapagsalita nang masakit sa kapuwa.
_____10. Pinagtawanan ang kalarong nadapa.
Tanong:
Alin-alin ang bilang na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili at kapuwa? Magbigay ng maikling
paliwanag tungkol dito?
______________________________________________________________________________

Gawain 2:
A. Gaano kadalas mo naipakikita ang pagpapahalaga sa iyong sarili at kapuwa. Lagyan ng
tsek (√) ang hanay ng iyong sagot. Maging matapat sa pagsagot sa bawat bilang.

Ginagawa ko ba ang mga ito?


Palagi Minsan Hindi
1. Nagpapasalamat ako sa
Diyos sa buhay na
ipinagkaloob sa akin.

2. Inaalalayan ko ang aking


kaibigang maysakit.

3. Tinitiyak kong malinis ang


aking katawan araw-araw.

4. Nasisiyahan ako sa
tagumpay ng aking kapuwa.

5. Iginagalang ko ang saloobin


o opinyon ng aking kaibigan.

B. Bilangin ang dami ng mga gawain na may sagot na palagi, minsan, at hindi ginagawa.
Isulat ang sagot mo sa talahanayan na nasa ibaba.

SAGOT Bilang
Palagi
Minsan
Hindi

Kilalanin ang iyong sarili batay sa naging resulta ng iyong sagot.


Palagi Resulta
Apat o limang puntos Mahusay na napahahalagahan ang
sarili at kapuwa
Dalawa o tatlong puntos Hindi gaanong napahahalagahan ang
sarili at kapuwa
Wala o isang puntos lamang Hindi napapahalagahan ang sarili at
kapuwa.
Kailangang sikaping mapahalagahan
ang sarili at kapuwa
Tanong:
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
____________________________________________________________________
2. Ano ang iyong gagawin upang mapahalagahan ang iyong sarili at kapuwa?
_____________________________________________________________________

IV. Pagpapalalim

Handog ng Diyos ang iyong buhay kung kaya’t nararapat mo itong pahalagahan, ingatan at
alagaan. Naipakikita ang pagpapahalaga sa sarili kapag ang mga kilos at ginagawa mo ay para sa
iyong kabutihan at katiwasayan. Ang halimbawa nito ay ang wastong pag-aalaga sa iyong
kalusugan at katawan. Naipakikita ito sa pamamagitan ng tamang pamamahinga kapag napapagod,
pag-inom ng gatas, pagkain ng mga masustansiyang pagkain, regular na pag-eehersisyo,
pagpapanatiling malinis ng katawan at iba pa. Maaaring maging sanhi ng iyong karamdaman ang
hindi pag-aalaga at pagmamahal sa sarili.

Bukod sa sarili, dapat mo ring pahalagahan at igalang ang iyong kapuwa dahil katulad mo,
likha rin sila ng Diyos. Maipakikita mo ang pagpapahalaga sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan at pagmamalasakit sa kanila. Ang pagtulong sa kapuwa sa oras ng
pangangailangan, pagdamay sa kanila kapag may problema o sa panahon ng kalungkutan,
pagbabahagi ng iyong biyaya sa mga kapus-palad o biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol at
baha ay ilan lamang sa mga kilos na nagpapakita nito. Ang simpleng paggalang at hindi pananakit
sa kapuwa ay patunay din na mayroon kang pagpapahalaga sa kanila. Ang pagpapaalala rin sa
kanila na mag-ingat palagi ay pagpaparamdam ng pagmamalasakit at pagmamahal.

Kinalulugdan ng Diyos ang taong may pagpapahalaga sa buhay na ipinagkaloob Niya – ang
iyong sarili at kapuwa-tao. Ang pagpapahalaga sa sarili at kapuwa-tao ay patunay ng pagmamahal
at paggalang sa Diyos na may likha nito.

V. Sanggunian

MELC (EsP4PD-Iva-IVa-c-10)

Inihanda ni:
LEA B. PEREZ
JOSEPHINE B. MIEN

You might also like