You are on page 1of 9

SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

Pangalan:___________________________________________ Petsa:_______________
Baitang at Seksyon:___________________________________ Skor:________________

I.PAKSA / MELC:
Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Hal. Pagpapaliwanag na ispiritwalidad na ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman
ang paniniwala; pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa.

II.PAGTATALAKAY:
Paglalahad ng Sariling Karanasan ng Pagmamahal sa Diyos.

Pagbasa ng orihinal na likhang-tula ng guro.

Mga Tanong:
1 Batay sa tula, ano -ano ang mga paraan upang maipakita natin ang ating
pagmamahal sa Diyos upang mapaunlad ang ating ispiritwalidad?
2. Lahat ba ng nabanggit sa tula na mga paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos ay iyong naipamamalas?
3. Alin-alin ang nagagawa mo sa tuwina?
4. Alin-alin ang hindi mo pa naisasagawa o paminsan-minsan mo lang
nagagawa?

1
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

III. PAGSASANAY 1
Panuto: Suriin ang antas ng iyong pagmamahal sa Diyos bilang patunay ng pagpapaunlad
ng iyong ispiritwalidad. Bilugan ang numero ng iyong kasagutan sa tulong ng mga
sumusunod na gabay:
5 = Lubos na Napakataas
4 = Mataas
3 = Katamtaman
2 = Mababa
1 = Lubos na Napakababa
Mga Gawaing Nagpapakita ng
Pagmamahal sa Diyos Puntos
1. Maluwag sa loob ko na tinatanggap ang lahat ng
pagsubok at dagok sa buhay na kaloob sa akin ng 1 2 3 4 5
Panginoong Diyos.
2. Taos-puso akong nagsisisi at humihingi ng kapatawaran
sa Diyos para sa mga kasalanang aking nagawa. 1 2 3 4 5
3. Ipinapanalangin ko hindi lamang ang aking pansariling
kahilingan kundi pati ang aking kapwa para sa 1 2 3 4 5
pagkakamit ng pandaigdigang kaligtasan at kapayapaan.
4. Iginagalang ko ang paraan ng
pananampalataya, paniniwala at tradisyon ng ibang 1 2 3 4 5
relihiyon.
5. Kung may isang malaking desisyon akong gagawin,
humihingi ako ng payo at senyales sa Diyos upang ako 1 2 3 4 5
ay makapagpasya.

Pagsasanay 2

Panuto: Suriin ang kinalabasan ng iyong sariling pagtataya ng iyong antas ng pagmamahal
sa Diyos. Gumawa ng repleksiyon kung paano mo pa mapauunlad ang mga gawaing
nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos na may mababang puntos.

Dugtungan ang pangungusap:

Mababa ang aking puntos sa bilang ______ .

Upang mapaunlad ko ang aking pagmamahal sa Diyos sa aspektong ito, simula ngayon ay
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

Pagsasanay 3
Panuto: Naisasagawa mo rin ba o ng iyong pamilya ang mga ipinakikitang pagmamahal sa
Diyos na nakikita mo sa larawan? Sumulat ng 3-5 na pangungusap kung kailan, gaano
kadalas o paano mo/ninyo ito isinasagawa.

1. Pagdarasal bago kumain 2. Pananalangin nang taimtim

3. Pagdarasal bago matulog/paggising 4. Pagpunta sa pook-dasalan

3
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

5. Pag-aaral ng salita ng Diyos 6. Pagpuri at pagdakila sa Diyos

VI. Panapos na Pagsubok

Panuto: Paano mo naipakikita ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos? Magpasya at


lagyan ng tsek ang wastong kolum ng iyong angkop na sagot.

Ako ay may Pananampalataya at Hindi Bihira Minsan Lagi


Pagmamahal sa Diyos po po po po
1. Nagbabasa ako ng banal na kasulatan (Bibliya,
Koran) upang matutunan ang mga salita ng
Diyos.
2. Kahit hindi ko pa nakikita ang pisikal na anyo
ng Diyos, nakikita ko Siya sa lahat ng Kanyang
nilikha kaya pinahahalagahan ko ang mga ito.
3. Umaasa na ako ay Kanyang gagabayan at
tutulungan sa mga panahong may suliranin
ako.
4. Sinisisi ko ang Diyos sa lahat ng hindi
magagandang pangyayari sa aking buhay.
5. Hindi ko nakakalimutang magpasalamat
sa Diyos sa lahat ng biyaya at magagandang
pangyayari sa aking buhay.

4
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

Mga Sanggunian

Bautista, M. A. & Tecson, R. R.(2017). Gawi 6 Edukasyon sa Pagpapakatao.


Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.

De Guia, M.N. & Dango, J.C. (2016). Pagpapakatao 6 Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

Marte, N.C. & Punsalan, T. G. (2018). Paano Magpakatao 6 Batayan at Sanayang


Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila: Rex Bookstore, Inc.

http://www.jesusnosama.com.br/criancas/pintar/orando6.jpg

https://www.churchofjesuschrist.org/media/image/girl-child-3f4d927?lang=eng

https://www.google.com/search?q=a+boy+and+a+girl+praying+before+sleep
ing+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjWq9iNndHqAhVDzYsBHUOPCZsQ2 cCegQIABAA&oq=a+boy+and+a+girl+praying+before
+sleeping+clipart&gs_lcp

https://www.pinterest.ph/pin/313352086553744228/

https://www.google.com/search?q=family+bible+studyclipart&tbm=isch&ve d=2ahUKEwj-1NjGndHqAhWxI6YKHWjlC-
MQ2cCegQIABAA&oq=family+bible+studyclipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQB
xAeOgcIABCxAxBDOgQIABBDOgIIADoFCAAQsQM6CAgAEAgQBxAeOgYIAB

https://www.google.com/search?q=family+pray+to+church+clipart&tbm=isc h&ved=2ahUKEwjT38-
Bn9HqAhUPTZQKHYjECs4Q2-

https://www.google.com/search?q=child+praying+to+God+cdrawing&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwj17omv6tbqAhXYAKYKHSX4C1YQ2-

https://www.google.com/search?q=children+kneeling+and+praying+drawin
g&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8trLYvdvqAhX1xosBHWruA-

https://www.google.com/search?q=graphic+organizers+examples&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjFmK3fsNjqAhVyx4sBHXZyCXwQ2

https://www.google.com/search?q=thinking+kids+clipart&tbm=isch&ved=2 ahUKEwj_j-
D5_9jqAhUyHKYKHQNoD1sQ2cCegQIABAA&oq=thinking+kids+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAM
gYIABAFEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAA

https://www.google.com/search?q=thinking+boy+clipart&tbm=isch&ved=2a hUKEwiNi-
v8_9jqAhUL4ZQKHXr3DkkQ2cCegQIABAA&oq=thinking+boy+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAM

https://www.google.com/search?q=thinking+girl++clipart&tbm=isch&ved=2
ahUKEwi51eOpvdvqAhUMvZQKHegqAasQ2-

SUSI SA PAGWAWASTO

Mga Pagsasanay
Iba-iba ang sagot.

5
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

I.PAKSA / MELC:
Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Hal. Pagpapaliwanag na ispiritwalidad na ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman
ang paniniwala; pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa.

II.PAGTATALAKAY:
Sa araling ito, mapag-aaralan at matutunan mo ang mga katangian ng pagkakaroon ng
sariling kapayapaan para sa pakikitungo sa iba. Ikaw ba ay nakapagpapakita ng kapayaan sa
iyong kapwa?

Ano ang kahalagahan ng isang batang may sariling kapayapaan para sa pakikitungo sa iba?

A. B.

Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa itaas at sagutan ang sumusunod sa inyong
kwaderno.
1. Ano sa tingin mo ang ipinahihiwatig sa bawat larawan?
2. Sa iyong palagay, naipakikita ba sa larawan ang pagkakaroon ng sariling
kapayapaan? Bakit?
3. Paano naipakikita ng larawan ang sariling kapayapaan sa kapwa?
4. Ano-ano ang mga bagay na dapat mong gawin upang maipakita mo ang iyong
sariling kapayapaan?
5. Bakit mahalagang naipakikita mo sa kapwa ang kapayapaan sa lahat ng oras?

KAPAYAPAAN KO, NAIPAKIKITA KO!


Ang pagpapakita ng kapayapaan sa kapwa ay napakahirap gawin kung ikaw ay puno ng
hinanakit at mapagmalaki sa iyong sarili. Maipakikita lamang ang kapayapaan sa sarili kung
taglay mo ang mga sumusunod:
 Marunong kang humingi ng kapatawaran kung ikaw ay nagkakamali.
 Marunong kang tumanggap ng pagkakamali ng iba.
 Marunong kang makinig at umunawa sa iyong kapwa.
 Hindi ka nagmamalaki sa mga tao sa iyong paligid.
 Hindi mo ipinagmamayabang ang mga bagay na mayroon ka.
 Taglay mo ang kababaang loob sa lahat ng oras.

6
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

Tandaan din natin na naipakikita lamang natin ang kapayapaan sa iba kung may ankin
tayong kababaang loob, hindi nagtatanim ng galit sa ating kapwa at may puso tayong
maruong tumanggap at umunawa sa mga sitwasyon na ating kinakaharap sa buhay.
III. PAGSASANAY 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng bawat sitwasyon na nagpapakita ng kapayapaan at
ekis (x) kung hindi.

___1. Sa kabila ng paghihirap ng iyong pamilya patuloy kang naniniwala na aahon din kayo
sa hirap.
___2. Nagtanim ka ng galit sa kaibigan mo na nagsabi sa iyo ng masama.
___3. Patuloy ka pa rin nagsisimba kahit hindi natupad ang iyong kahilingan.
___4. Humingi ka ng tawad sa nakababata mong kapatid na napagtaasan mo ng boses.
___5. Tahimik ka lang sa klase kahit inaasar ka ng iyong mga kamag-aral.

Pagsasanay 2
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang salitang tintutukoy sa Hanay A. Isulat ang wastong titik sa
patlang.
Hanay A Hanay B
____ 1. Ang kabaliktaran ng pagkamataas,
kahambugan o kayabangan ng isang tao. a.pagkamakumbaba
____2. Kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan, b. naipakita ang katiwasayan sa
paligid at sa iyong kalooban.
c. moral
____3. Pagpapakita ng kabutihan o d. kapayapaan
kagandahang asal sa iyong kapwa.
e. pagkamahinahon
____4. Ito ay ang pagiging kalmado sa
anumang pagsubok. f. Pagkabukas-isipan
____5. Ito ang dapat taglayin ng tao
sa pagkamit ng kapayapaan.

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ang mga nawawalang salita sa patlang.

1. Kung ikaw ay marunong humingi ng kapatawaran sa iyong kapwa ikaw ay may _________.
2. Kung ikaw ay hindi marunong magtanim ng galit at pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan
sa iyong kalooban ikay ay may _________.
3. Ang taong marunong makinig sa kanyang _________ ay hindi mapapariwara at may kapayapaan.
4. ______ ang kapayapaan kung taglay mo ito sa iyong puso at isipan.
5. Ikaw ay may mataas na ______ kung taglay mo ang kagandahang asal sa lahat ng oras.

VI. Panapos na Pagsubok

Panuto: Basahin at unawaing mabuti kung ang bawat sitwasyon ay nagpapakita ng kapayapaan.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
____1. Pinagsabihan ka ng iyong mga magulang dahil nakalimutan mong gawin ang
kanilang iniutos sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Hihingi ako ng paumanhin kahit hindi ko sinasadya.
b. Hihingi ako ng paumanhin pero hindi bukal sa aking kalooban.
c. Hihingi ako ng paumanhin at padamog kong gagawin ang inutos sa akin.
d. Hihingi ako ng paumanhin pero sisimangutan ko sila.
____ 2. Aksidenteng nabasag ni Zander ang paso ng kapitbahay. Ano ang kanyang gagawin?
a. Itutuloy ang paglalaro at magkunwaring walang nangyari.

7
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

b. Sasabihin niya sa may-ari ang totoo at hihingi ng paumanhin.


c. Sasabihin niya sa may-ari pero mangangatwiran siya.
d. Uuwi siya ng bahay na parang walang nangyari.

___ 3. Alam mong nasaktan mo ang damdamin ng kaklase mo dahil sa sinabi mo sa


kanya. Ano ang gagawin mo?
a. Balewalain mo na lamang ang iyong nasabi sa kaklase.
b. Maiinis ako sa aking sarili kung bakit sinabi ko iyon sa kanya.
c. Kakausapin ko ang kaklase ko at hihingi ako ng paumanhin.
d. Sasabihin ko sa kanya na okay lang magalit siya sa akin.
___ 4. Mainit at sagabal ang pagsusuot ng face mask at face shield kaya inaalis mo ito kung
walang tao. Nakita ka ng kawani ng barangay at pinagsabihan ka. Ano ang sasabihin
mo?
a. Sabihin ko na wala siyang pakialam sa gusto ko.
b. Pasalamatan ko siya dahil pinakikialaman niya ako.
c. Mangatwiran ako at sabihin na walang ibang tao na nakakita.
d. Pasalamatan ko siya at hihingi ako ng paumanhin.
___ 5. Pinauwi kayo ng iyong guro at pinagsabihan dahil wala kayong suot na face shield
habang kumukuha ng gamit sa paaralan? Ano ang mararamdaman mo?
a. Hihingi ako ng paumanhin at bukal sa loob ko siyang susundin.
b. Hihingi ako ng paumanhin pero hindi na ako babalik.
c. Maiinis ako sa kanya dahil pinauwi kami.
d. Magagalit ako sa kanya at ipapakuha ko na lang sa iba.

Mga Sanggunian

Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta EdD, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6


(Vicarich Publication and trading, Inc 2016) 35-36

MGA LARAWAN
Department of Education Image Bank

Prepared by:

MA. GLENDA B. PUASA JUDITH S. RAGA


Teacher I Teacher II

Quality Assured by:

GEROME R. NEGAD NORA L. DELANTAR


MT-1 MT-1

DONATO P. SALIPOT FE LEAH S. ARTUGUE


HT-II TIC

8
SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

SUSI SA PAGWAWASTO

.a 5 .d 4 .c 3 .b 2 a 1.

Panapos na Pagsusulit

moral 5.
naipakikita 4.
konsensya 3.
kapayapaan 2.
loob a- ngkababa 1.

Pagsasanay
I II

.F 5 .E 4 .c 3 .d 2 a 1.
Pagsasanay II

/ 5.
/ 4.
/ 3.
x 2.
./ 1

Pagsasanay I

You might also like