You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress

00
Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

0 Pagmamahal sa Diyos
Ikatlong Markahan - Modyul 1:

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan: Paaralan:
1
ALAMIN

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang


kapwa? Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang
pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ikaw, paano mo minamahal ang
iyong kapwa? Paano ka nagbibigay sa iyong sarili upang paglingkuran sila? Mga
ilang katanungan na maari mong pagnilayan habang dumaraan ka sa bahagi ng
modyul na ito.
Sa modyul na ito ay magabayan ka na maunawaan na bilang pinaka
espesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin
natin ang lahat ng Kanyang nilikha lalo’t higit ang ating kapwa. At pagkatapos
sa araling ito ang mga mag-aaral ay:

A. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos.


EsP10PB-IIIa-9.1

Handa ka na bang palawakin ang iyong kaalaman? Kung ang sagot mo ay


oo, inaasahan sa modyul na ito ang iyong aktibong pagsunod sa bawat gawain
upang makamit ang bawat kompetensing ninanais matamo.Nakahanda ka na
bang makaalam at makialam sa pagtuklas sa paksang ito?

SUBUKIN

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at bilugan ang titik
ng pinakatamang sagot.

1. Sa aklat ng Mateo 22:37-39 MBB "Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon


mong Diyos nang buong ____________, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-
iisip.
a. mundo b. takot c. puso
2. “Ibigin mo ang iyong ________ gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili."- Mateo 22:37-39
MBB.
a. magulang b. buhay c. kapwa
3. “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay
_________________ .”Audio ng 1 Juan Kabanata 4.
a.Pag-ibig b.Walang hanggang c.Makapangyarihan
4. “Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay _____________.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.

2
b. Mali, dahil maipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting
ugnayan sa kanya.
d.Tama, dahil maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung
minamahal din ang kapwa.
5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik na pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsasabuhay ng aral ng
Diyos.
c.Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d.Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga
salita.
6. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakakalimot na magdasal. Siya
rin ay nagbabasa ng Biblia bago matulog sa gabi. Kahit ganito,malupit si
Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan niya ito kapag sila ay
magkamali.Nagsasabuhay ba si Aling Cora sa kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ginawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Biblia ay ikinalulugod ng Diyos.
c.Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d.Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa.
7. Sinasabi sa Hebreo 11.1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa
mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay-bagay na hindi
nakikita. “Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
a.Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.

b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa


Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya umaasa sa pagmamahal sa Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng
Diyos.

8. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Panalangin d. Pag-ibig
9. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin
sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa
tawag ng Diyos.
10.Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a.Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b.Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos.
c.Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
d.Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa

3
BALIKAN
Sa nagdaang modyul, bilang kabataang katulad mo, napakabilis ang araw
para sa iyo, kung kaya’t napakabilis din ang pagsagawa ng pasiya.Lagi mong
tandaan na sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan Niya ng
isip at kilos-loob. Ito ay para gamitin sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at
kilos. At dahil may isip at kilos-loob ang tao, magagamit niya ito sa pagsasagawa
ng mabuting kilos na nagpapakita ng pagmamahal hindi lamang sa kapwa kundi
lalo’t sa Diyos.

Gawain 1: Ako Talaga Ito!

Panuto:

1. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao sa sumusunod na
aspeto(pangkaisipan,panlipunan,pangkatawan,emosyonal, at espiritwal).
2. Isulat ang sagot sa patlang.

PANGKAISIPAN PANGKAISIPAN
Hal.Makalilimutin __________________________
__________________________
_
PANGKATAWAN PANGKATAWAN
Hal.5’0 feet ang __________________________
tangkad __________________________

PANLIPUNAN PANLIPUNAN
Hal.Naglilingkod ________________________
bilang Guro. ________________________

EMOSYONAL
EMOSYONAL __________________________
Hal.Masayahin __________________________
__

ESPIRITWAL ESPIRITWAL
Hal.Naniniwala at __________________________
may tiwala sa __________________________
Diyos. __________________________

4
Mga Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong nabanggit?


2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espiritwal? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga? Bakit?

TUKLASIN
Gawain 2 : Sana all
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang
espiritwalidad.

Espiritwalidad

Sagutin ang mga tanong:


1. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng tao ang kanyang
espiritwalidad? Patunayan.
2. Ano ang magandang dulot nito sa tao? Ipaliwanag.
3. Paano ito makatulong sa pagpapaunlad ng pananampalataya.

5
SURIIN

Gawain 3: Ito ang Totoo!


Panuto:
1.Sagutan ito na may katapatan.
2.Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng
paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum.

Palaging Paminsan Hindi Paliwanag


ginagawa -minsang ginagawa
ginagawa
1.Pagdarasal
bago at
pagkatapos
kumain.
2.Pagdarasal
bago
matulog at
pagkagising sa
umaga.
3.Pagbabasa ng
Biblia/
Pag- aaral ng
salita ng
Diyos.
4.Pagsisimba/
Pagsamba

5.Pagtulong sa
kapwa na
nanganga
-ilangan.

6.Pananahimik o
personal na
pagninilay.

Tanong:
1.Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?
2.Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?
3.Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

6
Ugnayan sa Dios at Pagmamahal sa Diyos

• Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong


naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam?
• Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong
iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang
tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Mas nagiging maganda at
makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.

Ngayon ay inaanyayahan kitang tumigil sandali at tanungin ang iyong


sarili:
Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong
kapuwa?

• Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba.


Naipakikita niya ang kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao,
masasalamin sa kaniya ang pagmamahal sa Diyos dahil naibabahagi niya ang
kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang
pasubali.Ito ang makapabibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang
makakasagot ng dahilan ng kanyang pag-iral sa mundong ito.

Paghahanap ng Kahulugan sa Buhay

• Sa paglalakbay na ito kailangan ng tao ng


makakasama upang mapagaan ang kaniyang
paglalakbay. Ito ay ang kapwa at ang Diyos.

Tanong: Ikaw ba ay gumagala o naglalakbay


sa iyong buhay?
• Ang bawat isa ay mayroong misyon sa buhay.
• Sa paglalakbay ng tao mahalagang malinaw na ang kanyang pupuntahan ay
walang iba kundi ang Diyos.Ang pinakabuti at pinakamahalaga sa lahat..

Tanong: Ikaw, alam mo ba ang dahilan ng iyong pag-iral sa mundo?

Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa Pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa


Kapwa

• Ang tao ay naghahanap ng kahulugan sa kanyang buhay.Bakit siya umiiral sa


mundo? Dahil dito kailangan niya ang pananampalataya.
• Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
• Sa pananampalataya naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi
makikita.
• “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang

7
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1)
ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AT SA KAPWA ANG TUNAY NA
PANANAMPALATAYA.
JUAN 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,subalit napopoot naman
sa kanyang kapatid ay isang sinungaling.Kung ang kapatid na kaniyang
nakikita ay hindi magawang ibigin,paano niya maibig ang Diyos na hindi
niya nakikita.

• Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay


ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.Wika nga ni Apostol
Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay
patay” (Santiago 2:20).

• Sa ating bansa o kahit saan sa mundo, magkakaiba ang mga turo o aral tungkol
sa pananampalataya ng bawat relihiyon (Kristiyanismo,Islam,Buddhismo at iba
pa.) ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layunin na magkaroon ng malalim
na ugnayan ang tao sa Diyos at kapwa.

Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya? Ito ba ay


pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?

• Ayon kay Carl S. Lewis ang AGAPE (Divine love) ay isang uri sa pagmamahal na
pinakamataas sapagkat ito ang pagmamahal na walang kapalit.Patuloy na
nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy na nagpapakasala ng tao
ay patuloy pa rin Niyang minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya.
"Sumagot si Jesus, “ Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip” unang utos.
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili”
ikalawang utos.
-Mateo 22:37-39 MBB

• Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos.
Sisikapin natin na mahalin ang ating kapwa dahil ito ang palantandaan ng
pagmamahal natin sa Diyos na lumikha. Ngayon ay tatanungin kitang muli,
nagsusumikap ka ba na magmahal sa Diyos?

8
PAGYAMANIN
Gawain 4: Hindi Ko Sinasadya!
Panuto: Naririto ang isang sitwasyon na maaari mong pagnilayan at bigyan ng
angkop na pagpapasiya.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Sitwasyon:
Si Vicky ay pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan. Bilang isang
pinuno ay nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para sa kaniyang mga
kasama. Ito ay matagal na niyang pinaghandaan at marami siyang tiniis na hirap ng
kalooban mula sa kaniyang mga kasama dahil maraming tumututol dito. Bago
dumating ang araw ng recollection ay sinabi niya sa kaniyang mga kasama na hindi
maaaring hindi sila dumalo sa gawaing ito dahil hindi na sila maaaring magpanibago
o magrenew sa kanilang tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat. Kinagabihan
bago idaos ang recollection ay naisugod ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa
kaniyang sakit. Walang ibang maaaring magbantay sa kaniyang asawa maliban sa
kaniya dahil ang mga anak niya ay nasa ibang bansa. Ngunit may mahalaga siyang
tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya ang
malaking responsibilidad para sa gawaing iyon.

Tanong: Kung ikaw si Vicky ano ang iyong gagawin at bakit?

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN


Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon – 10 puntos
Presentasyon – 5 puntos
Kabuuan – 25 puntos

9
ISAISIP

Gawain 5: Gagawin ko, dahil inisip ko

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap sa pamamamagitan ng pagsulat ng


angkop na titik upang mabuo ang salita. Gamitin ito sa sariling
pangungusap.Isulat sa may patlang ang sagot.

1. Bilang pinaka-espesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa


panawagan ng Diyos na mahalin natin ang lahat ng Kanyang
N _ L _ _ H A lalo’t higit ang ating kapwa.

2. Ang pagmamahal sa kapwa ay susi ng P _ G _ A _ A _ A L _M


ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

3. Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang


pananampalatayang walang K A _ A _ I P na gawa ay patay”
(Santiago 2:20).

4. JUAN 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,subalit napopoot


naman sa kanyang kapatid ay isang S _ N _ N _ A _ I N G. Kung ang
kapatid na kaniyang nakikita ay hindi magawang ibigin,paano niya
maibig ang Diyos na hindi niya nakikita.

10
ISAGAWA

Gawain 6: Ang Aking Kahinaan

Panuto: Sumulat ng apat mong kahinaan tungkol sa espiritwalidad. Sa tapat nito


magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas
mapaunlad mo ang iyong pananampalataya sa Diyos.

ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI


ANG AKING PAGPAPASIYA

a. a.

b. b.

c. c.

d. d.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN


PA NAPAKAMAHU MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMU
MAN SAY (8) (6) LA
TA ( 10 ) (4)
YAN
Kali Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
dad ang pagpapaliwanag ang isaayos at
pagpapaliwanag at nakapagtala pagpapaliwanag nakapagtala
ng at nakapagtala ng tatlong at nakapagtala ng isang
ng apat na kahinaan ng dalawang kahinaan
Pag kahinaan (katamtamang kahinaan (may (malaki ang
Pa (buo at pagpapa-liwanag) kaunting kakulangan
li maliwanag) kamalian ang )
Wa pagpapa-
nag liwanag)

11
PAGTATAYA
SET A : Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilogan ang
pinakaangkop na sagot.

1. Sinasabi sa Hebreo 11.1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan


sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay-bagay na hindi
nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya umaasa sa pagmamahal sa Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng
Diyos.
2. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon
na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Panalangin c. Pananampalataya d. Pag-ibig
3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin
sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa
tawag ng Diyos.
4. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban
sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos.
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa
5. Sa aklat ng Mateo 22:37-39 MBB "Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang
buong pag-iisip. Ang pahayag na ito ay mababasa o matagpuan sa Biblia sa:.
a. Mateo 22:37-39 MBB b. Mateo 23:37-39MBB c. Mateo 24:37-39MBB
6. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Ang salitang
ito ay:
a. Tama, dahil ito ay payo ng ating mga magulang
b. Tama, dahil ito ay salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia
c. Mali, dahil ito ay pansariling interes lamang
d. Mali, dahil ang salitang ito ay hindi nagsasabi ng totoo.
7. “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't Ang Diyos
ay pag-ibig .” Sa Biblia ito ay wika ni:
a. Apostol Juan b. Apostol Santiago c. Apostol Pablo
8. “ Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
b. Mali, dahil maipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting
ugnayan sa kanya.
d. Tama, dahil maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung
minamahal din ang kapwa.

12
9. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik at pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsasabuhay ng aral ng
Diyos.
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang
mga salita.
10. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakakalimot na
magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Biblia bago matulog sa gabi. Kahit
ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan
niya ito kapag sila ay magkamali.Nagsasabuhay ba si Aling Cora sa
kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ginawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos
b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Biblia ay ikinalulugod ng Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa.

SET B: Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

______1. Ano ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at


pananampalataya sa Diyos.
a. Pagmamahal sa bansa b. pagmamahal sa kapwa c. Pagsasamba
______2. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”.Ibig sabihin:
a. Naipahayag ito sa sarili ang una bago ang iba.
b. Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong
sarili.
c. Ang kapwa ay hindi dapat gumawa ng masama.
______3. Sino ang nagwika sa salitang ito, “Ang pananampalatayang walang
kalakip na gawa ay patay” (Santiago 2:20).
a. Apostol Juan b. San Mateo c. Apostol Pablo
______4. “ Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,subalit napopoot naman sa
kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang
nakikita ay hindi magawang ibigin,paano niya maibig ang Diyos na hindi
niya nakikita. Ito ang salita ng Diyos na nakasulat sa:
a. Juan 4:20 b. Lukas 4:20 c.Mateo 4:20
______5. Ito ang palantandaan ng pagmamahal natin sa Diyos na lumikha.
a. panalangin sa kapwa c. pagsasamba kasama ang kapwa
b. mahalin ang kapwa
______6. Ito ay isang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
a. Pananampalataya b. Pagsamba c.pagdarasal
______7. Ito ang isang pinakamataas na uri ng pagmamahal.
a. Philia b. Pag-ibig na walang dangal c. Agape
______8. Ito ang pagmamahal pangkaibigan.
a. Eros b. Philia c. Agape
______9. Ito ang isang dahilan sa pag-iiral sa tao.
a. ang mamuhay kasama ang kapwa b. Pagsisikap c.panalangin
______10.Ito ay makatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng
isang tao. Ibig sabihin ang pagbabasa ng:
a. Aklat pang Espiritwal o Biblia b.Historical book c.Story books

13
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 7 : Ang Aking Gampanin

Panuto: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya,


paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang tunay na kahalagan sa
pagmamahal sa Diyos? Isulat ang iyong sagot sa kahon na inilaan.

1. Pamilya?

2. Paaralan?

3. Pamayanan?

Pamantayan sa Pagawasto ng Gawain

PAMAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMUL


TAYAN (10) (8) (6) A
(4)
Kalidad Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
ng ang pagpapaliwa ang isaayos
Pagpapa pagpapaliwanag nag pagpapaliwa (malaki ang
liwanag (buo at (katamtama nag (may kakulangan,
maliwanag) ng kaunting nagpapakita
pagpapaliwa kamalian na kaunting
nag) ang kaalaman)
pagpapaliwa
nag)

14
SUSI SA PAGWAWASTO

10.d 10.d 10. a


9.d 9.b 9. a
8.b LING 8.d 8. a
4.SINUNGA 7.a
7.b. 3. KALAKIP 7. c
6.d LALIM
6.b 6.a
5.c 2.PAGPAPA 5.a 5.b
4.d 1.NILIKHA 4.a 4.a
3.a 5 3.d 3.c
2.c Gawain 2.c 2.b
1.c 1.b 1.b
Subukin Set A Set B
Pagtataya

Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa
Mag-aaral,pp 235-253.

Bumuo sa Pagsulat ng
Modyul

Manunulat: Jonathan C. Umbaña, T-I


Napolan NHS, Pagadian City Division
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:

15
Regiion IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, sunset Are visions you’ll never
forget Region IX
Oh! That’s Region IX Our..
Here the Badjaos roam the seas Eden...
Here the Samals live in peace Hardworking people Land...
Here the Tausogs thrive so free Abound, Every valleys and
With the Yakans in unity Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the 11
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like