You are on page 1of 14

Week 2

Sagutan ang mga sumusunod:


GAWAIN 1, pahina 3-5
GAWAIN 5, pahina 8
Kagawaran ng Edukasyon PAGSUSULIT pahina 9-11
Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT CITY

Pangalan: _______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: _______________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
Ang Pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa.

I. Panimula
Ang gawaing pampagkatuto ito ay makakatulong na magabayan ka na
maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa
panawagan ng Diyos na mahalin natin ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t
higit ang ating kapuwa. Sa pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating
tunay na pananampalataya na nagpapalalim ng ating espiritwalidad.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal
sa kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3)
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal
sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagbabahagi ng mga paraan upang makatulong sa kapuwa;
2. mapaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapuwa sa
pamamagitan ng pagbuo ng akrostik;
3. makapagtatala ng mga karanasan na nagpapakita ng pagmamahal sa
kapwa; at
4. makapagbibigay ng hakbang upang mapaunlad ang espiritwal na
buhay bilang tanda ng pagmamahal sa Diyos.
IV. Pagtalakay

‘Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa kautusan?’ Sumagot si


Jesus, ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman
ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili. Sa
dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo
ng mga propeta.’’ (Mateo. 22:36-40).

Ang pagmamahal sa kapuwa ang daan upang mapalalim ng tao ang


kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

Madaling mahalin ang ating mga sarili lalo pa’t kasa-kasama natin ito
saan man tayo magpunta. Ang ating sarili ang “pinakamalapit” sa atin kung
kaya’t natural at normal lamang na mahalin natin ito.

Dahil sa pagmamahal natin sa ating mga sarili, kung minsan ay hindi


nagiging madali ang magmahal sa ating kapwa dahil madalas, bilang tao ay
namamayani sa ating puso ang pagkamakasarili. Ngunit kailangan nating
mahalin ang ating kapuwa dahil ito ay isang utos ng Diyos. Hindi maaaring
sabihin ng tao na mahal niya ang Diyos kung hindi niya minamahal ang
kaniyang kapuwa dahil anuman ang ginagawa natin sa ating kapuwa ay sa
Diyos natin ito ginagawa.

Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi maaaring


paghiwalayin. Mababasa sa Mabuting Balita (Matt. 22:34-40) ang tungkol sa
pagtatanong ng isang Pariseo kay Jesus kung alin sa Jewish Law ang
pinakamahalaga. Mula sa sampu, binuod ang mga batas sa dalawang
pinakaimportanteng utos batay sa paliwanag ni Jesus sa Pariseo: Ang
pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa. Hindi maaaring
paghiwalayin ang dalawang utos na ito. Lagi itong magkasama ayon na rin sa
ilang talatang mababasa sa Bibliya.

Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan


sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon
ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Mas nagiging
maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama
itong pagmamahal.

Ang pag-ibig ang nagtutulak sa tao upang magbahagi ng kaniyang sarili


sa iba. Sa oras na magawa niya ito, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal
niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino,
yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali.

2
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos nang may kasamang
kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. Ito ay lalong lumalalim kung
isinasabuhay niya ang kaniyang disenyo bilang kawangis ng Diyos at kung
paano niya minamahal ang kaniyang kapwa.

Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit


napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid
na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang
Diyos na hindi niya nakikita?”

Sinabi ni Mother Teresa: “Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito


ang tunay na pagmamahal, ang magmahal nang walang hinihintay na
anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa
rin”. Ganito ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa – isang klase ng
pagmamahal kung saan ang Diyos ang nakikita niya sa mukha ng taong
kaniyang pinaglilingkuran. Kaya nga, upang mapatunayan ng isang tao na
mahal niya ang Diyos ay kailangan niyang mahalin ang kaniyang kapuwa.

Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kaya’t imposibleng


maghiwalay ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa. Siya ang sentro at
inspirasyon ng lahat ng pag-ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay
Niya para sa atin. Magkakaroon lamang ng katuturan ang isang pag-ibig kung
ang pag-ibig natin sa ating kapuwa ay gaya ng pag-ibig natin sa Diyos. At
magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa Diyos kung magagawa
nating mahalin at kahabagan ang ating kapuwa. Ipinadama ng Panginoon
ang labis na pag-ibig Niya sa atin, ibalik natin ito sa pamamagitan ng
pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa.

V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Kung ikaw ang nasa bawat sitwasyon, paano ka tutugon. Isulat ang
iyong sagot sa bawat patlang.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
Kabuuan -10 puntos

3
1. Kumatok ang iyong kapitbahay na si Monica at humihingi sa iyo ng
tulong dahil ang kaniyang anak ay may malubhang karamdaman. Noong
araw na iyon, sakto lamang ang iyong pera para sa inyong gastusin sa
bahay. Ano ang iyong gagawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Papasok ka sa paaralan. Napansin mong may isang batang naka


wheelchair ang hindi makaalis dahil napasabit ang gulong nito sa bakod.
Ano ang dapat mong gawin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____
3. Bago ninyong kaklase si Jaypee. Galing siya sa isang malayong
probinsya. Lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan at
hindi niya maintindihan ang lengwaheng gamit ninyo. Ano ang dapat
mong gawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Isang araw, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may


nakita kang isang babaeng nakahandusay sa kalsada at walang malay.
Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang kapitbahay
ninyong si Aling April na laging gumagawa ng tsismis sa iyong pamilya.
Ano ang dapat mong gawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4
5. Si Norman ay isang musikero. Marami syang tattoo at hikaw sa katawan.
Isang araw, dumalo siya sa inyong simbahan. Habang kayo ay nasa
pagsamba, narinig mong pinag-uusapan siya ng iyong mga kaibigan dahil
sa kanyang hitsura. Ano ang dapat mong gawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_

Gawain #2:
Panuto: Bumuo ng Akrostik gamit ang salitang PAG IBIG sa pamamagitan
ng pagsulat ng mga pangungusap na nagsisimula sa bawat letra ng salitang
ito. Ang mga pangungusap na ito ay dapat naglalahad ng kahalagahan ng
pagmamahal sa kapuwa. Isulat sa kahon ang sagot.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
Kabuuan -10 puntos

P
A
G

I
B
I
G
5
Gawain #3
Panuto: Itala ang mga hinihingi ng talahanayan sa ibaba. Isulat sa
talahanayan ang sagot.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
Kabuuan -10 puntos

Karanasan na Aral na itinuro sa iyo


Naidulot nito sa buhay
nagpakita ka ng ng Diyos sa
mo
pagmamahal sa kapwa karanasang iyon

Halimbawa: Mas naging payapa ang Natutunan ko ang


Nakaaway ko ang aking kalooban dahil magpakumbaba at mas
aking kaklase noong nawala ang dala dala piliin ang pakikipag
ako ay nasa grade 8 pa kong galit at naging ayos kaysa pag ganti at
lang dahil nag aasaran matalik kaming pananakit.
kami. Kahit nasaktan magkaibigan.
ako mas pinili kong
makipag ayos sa kanya
at humingi ng pasensya
sa mga hindi
magandang nasabi
dulot ng aking pagka
pikon.

1.

2.

3.

4.

6
Gawain #4
Panuto: Ang pagpapaunlad ng ating espiritwal na buhay ay tanda ng
pagmamahal natin sa Diyos. Basahin ang imbentaryo sa ibaba at isulat kung
paano pa mapapaunlad ang mga sumusunod na kilos. Isulat sa talahanayan
ang sagot.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
Kabuuan -10 puntos

KILOS PARAAN UPANG MAPAUNLAD ITO

Pagdarasal

Pagbabasa ng Bibliya

Pagsamba

Pagtulong sa kapwa na
nangangailangan.

7
Pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa
iba.

Gawain #5
Panuto: Kumatha ng bukas na liham sa Diyos na nagpapahayag ng
pagtitiwala, pananalig sa kanyang presensya, pagmamahal sa Diyos at
pagmamahal sa kapwa. Isulat ang liham sa loob ng kahon.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
kabuuan -10 puntos

8
VI. Pagsusulit
Panuto: Basahin at piliin tamang sagot. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa


kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
B. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisisimba.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting
ugnayan sa Kaniya.
D. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos
kung minamahal din ang kapwa.

2. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Jomalyn at hindi nakalilimot na


magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit
ganito, malupit si Aling Jomalyn sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan
niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Jomalyn ng
kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.

3. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang


matutuluyan dahil naanod nang baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
B. Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
C. Tatanggapin sila ng maayos.
D. Hindi sila papansinin.

4. Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang
nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
B. Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.

9
5. Alin ang wastong pag-uugali sa pakikitungo sa kasambahay o katulong?
A. Mag-utos ng sunud-sunod dito.
B. Sigawan at palaging pagalitan.
C. Magsumbong sa mga magulang ng hindi totoo tungkol dito.
D. Mahalin at igalang din sila.

6. Ang marapat na pakikitungo sa kapuwa ay ________


A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
D. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.

7. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng


sumusunod maliban sa _______________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal


sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana kasi umalis ka ng
bahay nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na mahuli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

9. Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang


pagmamahal at ___________________.
A. pagiging matagumpay
B. relasyon sa kanyang kumunidad
C. pananampalataya sa Diyos
D. pagkakaroon ng samahan

10. Sa ________________, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan


sa taong iyong minamahal.
A. pananampalataya
B. pagtulong
C. pagsisikap
D. pagmamahal

10
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at sagutin kung Tama o Mali. Isulat
ang mga sagot sa patlang.

11. ______________ Ito ang pinakamahalagang utos “Ibigin mo ang iyong


kapwa gaya ng iyong sarili”.

12. ______________ Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon


ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

13. ______________ Magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa Diyos


kung magagawa nating mahalin at kahabagan ang ating kapwa.

14. ______________ “Ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa”,


hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang utos na ito.

15. ______________ Natural at normal ang magmahal sa sarili.

VII. Repleksyon/Pangwakas

Panuto: Batay sa iyong mga natutuhan sa gawaing pampagkatuto na ito,


tukuyin mo ang iyong mga naging reyalisasyon. Isulat ang sagot sa kahon.

Ang mga bago kong natutuhan sa


aralin

Ang napulot kong aral mula sa


aking mga isinasagawang kilos.

11
VIII. Mga Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., Arnedo, Patricia Jane S., Guevara, Goeffrey A., Valdez, Earl P.,
Rivera, Suzanne M., Yumul, Benedick Daniel O., Rito, Glenda N., Gayola, Sheryll T.
2019. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 12. Unpublished Modules.

Gomez, M. G. at Briones, E. H. 2016. Lilok 10. Batayang Aklat. Trinitas Publishing, Inc.

Macabeo, A. 2019. Butil sa Pagpapahahalaga 10. St. Augustine Publications, Inc.

12
13
1. D 6. C 11. MALI
2. D 7. C 12. TAMA
3. C 8. C 13. TAMA
4. A 9. C 14. MALI
5. D 10. D 15. TAMA
PAGSUSULIT
Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang
Rubriks sa pagbibigay ng marka.
GAWAIN #1, GAWAIN #2, GAWAIN #3, GAWAIN #4 at GAWAIN #5
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Renz B. Policarpio
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

14

You might also like