You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Pangkat: _______________________________
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:
MELC 35: Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa
kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality,
isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin
sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo. EsP8PBIIIb-9.3
ALAM Mo Ba…
Birtud ng Pasasalamat: Balik ay Lugod at Mabuting Ugnayan sa Kapwa
Ayon kay Cicero: “Ang pasasalamat ay hindi lamang pinakadakila sa lahat ng mga
birtud kundi ang magulang ng lahat ng iba pa”. Ano kaya ng ibig nyang sabihin dito? Ano
ang pasasalamat at bakit ito itinuturing na magulang ng lahat ng birtud?
Para sa iyo, ano ang pasasalamat? Gaano ka kadalas magpasalamat sa mga taong
nakakagawa sa iyo ng kabutihan at sa mga biyayang iyong natatanggap araw-araw? Ano
naman ang nararamdaman mo kapag naririnig mo ang salitang Salamat o Thank you?
Ang pasasalamat ay saloobin ng isang taong marunong kumilala sa kabutihang
ginawa ng ibang tao sa kanya. Gaano man ito kaliit, kung alam nya ang kahalagahan ng
pasasalamat ay mamarapatin nya itong kilalanin at tingnan bilang isang biyaya.
Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ang patuloy na pagsasagawa
hanggang sa ito ay maging isang birtud. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, mayroong
tatlong antas ng pasasalamat: (1) pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa, (2)
pagpapasalamat at (3) pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng
makakaya. Ang pagtanaw sa mabuting kalooban ng ibang tao ay maaring matumbasan ng
pagganti rin ng mabuting kalooban sa iba pang tao bukod sa pinagkakautangan ng loob. Ibig
sabihin di naman kailangan na kung sino ang tumulong sa iyo ay sa kanya mo rin ibabalik
ang kabutihan kundi ito ay maari mong maibalik sa pamamagitan ng pagtulong o pagbibigay
ng kabutihang loob sa nangangailangan kakilala mo man o hindi.
Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong bahagi ng
buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na patuloy na
gumagabay sa kanya. Nagiging daan upang maging malakas at magkaroon ng pag-asa sa
buhay at malampasan ang anumang pagsubok. Samakatuwid, ang pasasalamat ay
humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng pagtuon sa mga
pagpapalang natatanggap mula sa Diyos. Dahil alam mong pasalamatan ang Diyos na
nagbibigay ng iyong mga pangangailangan at tumutugon sa iyong mga panalangin
natututuhan mong gantihan ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa rin ng
mabuti sa kapwa. Halimbawa, ako ay nakapagtapos ng pag aaral dahil sa tulong ng isang
kaibigan, maari kong maipakita ang pasasalamat sa kabutihan niya sa pamamagitan ng
pagbibigay ko sa kanya ng regalo o kaya ay tutulong din ako sa ibang nangangailangan sa
abot ng aking makakaya ng walang inaasam na kapalit. Sa ganitong paraan nakakabuo ako
ng magandang pakikipag-ugnayan sa aking kaibigan at sa ibang tao na aking natulungan.
😊
Subalit sadyang may mga tao na kahit ano ang gawin mong kabutihan sa kanila ay di
pa rin marunong kumilala sa mga ito. Bagkus iginigiit na dapat lang naman na matamo nila
ang mabuting kalagayan o makamtan ang kailangan. Ito ang tinatawag na Entitlement
mentality, kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat. Isa itong masamang ugali dahil bukod
sa di kinikilala ang ginawang kabutihan ng kapwa ay naniniwala sila na anumang inaasam
ay dapat bigyan ng dagliang pansin. Dahil sa masamang ugali na ito ay nagkakaroon ng
hidwaan o di di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao.

Ikaw, kailan ka huling nagpasalamat sa mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?


Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang taong mapagpasalamat, o iniisip mong
karapatan mo naman na matamo ang magandang bagay na mayroon ka kaya di na
kailangan magpasalamat?

Gawain A: Number Game


Panuto: Gamit ang mga numerong may katumbas na alpabeto. Alamin kung anong salita ang
mabubuo sa bawat pangkat ng numero sa mga sumusunod na bilang. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. 5 14 20 9
20 12 5 13 5 14 20
2. 2 9 18 20 21 4
3. 2 9 25 1 25 1
4. 11 1 2 21 20 9 8 1 14
5. 16 1 19 1 19 1 12 1 13 1 20
Gawain B: Slogan ko, Gabay ko
Panuto: Sa isang malinis na papel o bond paper, bumuo ng slogan tungkol sa iyong
natutunan sa aralin. Gawing malikhain ang iyong awtput.
Narito ang pagtatasa ng puntos sa iyong gawain.

RUBRICS

Kraytirya Napakahusay (5) Mahusay (3) Di-kahusayan (1)

Di naipakita at
Ang mensahe ay Di-gaanong naipakita
Nilalaman magulo ang
mabisang naipakita ang mensahe
mensahe

Napakaganda at Maganda ngunit di


Maganda at malinaw
Pagkamalikhai napakalinaw ng gaanong malinaw
ang pagkakasulat ng
n pagkakasulat ng mga ang pagkakasulat ng
mga titik
titik mga titik

Kaugnayan sa May malaking Di-gaanong may Kaunti ang


Paksa o Aralin kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan ng
ang islogan ang islogan islogan sa paksa
Malinis na malinis at
Malinis ang Di-gaanong malinis
Kalinisan kahanga-hanga ang
pagkakabuo ang pagkakabuo
pagkakabuo

Gawain C: Tsart ng Pasasalamat


Panuto: Gamit ang mga salitang nabuo mo sa Gawain A, pumili ng 3 salita at magbigay ng sariling
pananaw tungkol dito. Ilahad kung paano mo mapapaunlad sa pang araw-araw na buhay ang pagiging
mapagpasalamat. Maaring gamitin ang tsart sa ibaba bilang gabay.

Salitang napili: Pananaw ko: Paunlarin ko: (magbigay ng


konkretong paraan)
(2-3 na pangungusap)

Halimbawa: - Ito yong mga bagay na - Magpapasalamat ako sa


natatanggap mula sa aking pamamagitan ng pagsunod sa
1. biyaya
mga magulang. kanilang utos.
- Mga kakayahan na mayroon - Magsasanay at ibabahagi sa
ako (pagguhit, pagkanta..etc). iba ang aking kakayahan.

Ikaw naman:
1. (2pts.) (2 pts)

2 (2 pts.) (2 pts.)

3. (2 pts.) (2 pts.)

Note: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Bibigyan ng 2 puntos ang bawat bilang na
may angkop na sagot sa napiling salita.

Sanggunian:
EsP 8 Modyul para sa Mag-aaral – Unang Edisyon, 2013 pp 240-242
https://www.scribd.com/doc/274341227/Rubrics-Para-Sa-Islogan
quotations of gratefulness - Bing images
Answer Guide/Gabay sa Kawastuhan
Gawain A:
1. Entitlement
2. Birtud
3. Biyaya
4. Kabutihan
5. Pasasalamat

Inihanda ni:

LUZVIMENDA V. FERNANDEZ/SJNHS
luzvimenda.fernandez@deped.gov.ph

Sinuri nina:

CHRISTOPHER F. STA. CRUZ


Head Teacher I

MYRENE C. NATIVIDAD
Head Teacher II

EsP Consultants

You might also like