You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: __________________________________________ Petsa: ________________ Baitang at


Pangkat: _______________________________
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:
MELC 33: Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at
mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. EsP8PBIIIa-9.1

ALAM Mo Ba…
Pagkilala sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap.
Musmos pa lamang ay itinuturo na ang birtud na ito ng ating mga magulang. Maging ito ay materyal na
bagay, papuri mula sa isang tao, o tulong mula sa isang kaibigan ay lubos nating ipinagpapasalamat.
Ayon nga sa isang kasabihan, “Gratitude…remember…there is a lot that you can be grateful
for…if you just look…and see.” Marami tayong dapat ipagpasalamat kung atin lamang titingnan at
makikita ang halaga nito, maliit man o malaki.
Mahalaga na maipakita ang ating pasasalamat sa kabutihang-loob ng ating kapwa. Ikaw, ano-
ano ang mga ipinagpapasalamat mo sa iyong buhay? Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa
ginawang kabutihan ng iyong kapwa? Naipapakita mo ba ito ng may sinseridad? Maraming paraan
kung paano natin ito maipapakita. Ating alamin sa pagpapatuloy ng ating aralin.
Gawain A: Tree of Gratitude
Panuto: Sa isang papel o bond paper, gumuhit ng isang puno at isulat sa bawat dahon ang mga
pinasasalamatan mo sa iyong buhay o kabutihan ng iyong kapwa. Kulayan ang mga dahon ayon sa nais
mong kulay mula sa pinakamatingkad (pinakamahalaga) hanggang sa pinakamapusyaw (di gaanong
mahalaga). Gamitin ang pagiging malikhain.

Gawain B: Paraan ng Pasasalamat


Panuto: Mula sa Gawain A ay pumili ng limang pinakamahalaga na ipinagpapasalamat mo sa iyong
buhay o kabutihang ginawa ng iyong kapwa at isulat ito sa unang kolum. Sa pangalawang kolum
naman ay ang iyong paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. Isulat ito sa sagutang papel gamit ang
gabay na halimbawa sa ibaba.

Ipinagpapasalamat mo sa buhay o Paraan ng pagpapakita ng pasasalamat


kabutihang ginawa ng kapwa
Halimbawa: Tinulungan ni Ate sa paggawa ng Kusa ko siyang tutulungan sa mga gawaing
proyekto bahay kahit hindi siya humihingi ng tulong.

1.

2.

3.

4.

5.

Mga Tanong:
1. Batay sa natapos na mga gawain, ano-ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili?
2. Ano ang iyong naramdaman noong ipakita mo ang iyong paraan ng pasasalamat sa iyong kapwa?
Bakit kailangan nating magpasalamat sa kabutihan ng iyong kapwa?
3. Ano ang naidudulot ng pagsasabuhay ng birtud ng pasasalamat sa pagpapalago ng iyong
pakikipagkapwa at sa iyong kapwa?

Gawain C: Gratitude is the Best Attitude


Panuto: Magbigay ng limang hakbang upang mapanatili ang pagsasabuhay ng birtud ng pasasalamat.
Isulat ang iyong sagot sa isang colored paper o bond paper.

Rubrik ng Gawain C: Gratitude is the best


Attitude

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang


5 pts 3 pts 1 pt
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May kakulangan ang
ispesipiko ang mga mga hakbang. ibinigay na mga
hakbang. hakbang.

Presentasyon/Pagiging Maayos at Maayos ang Hindi nagpapakita


malikhain malikhain ang pagkakagawa at ng kaayusan at
pagkakagawa at madaling pagiging malikhain
madaling maunawaan. sa paggawa.
maunawaan.

Organisasyon Organisado, Malinaw, at Maraming bahagi


malinaw, at simple simple ang ang hindi malinaw,
ang pagkakalahad pagkakalahad ng ang pagkakalahad.
ng bawat hakbang. bawat hakbang.

Kabuuang Iskor = 15

Sanggunian:
EsP 8 Modyul para sa Mag-aaral – Muling Limbag 2014, pp 227-234
https://www.pinterest.ph/pin/231442868321140881/
https://www.autodraw.com/
https://www.canva.com

Inihanda ni:

GUADELYN A. ALCANTARA / ANHS


guadelyn.alcantara@deped.gov.ph

Sinuri nina:

CHRISTOPHER F. STA. CRUZ


Head Teacher I

MYRENE C. NATIVIDAD
Head Teacher II

EsP Consultants

You might also like