You are on page 1of 25

ESP 5

WEEK 8 DAY 1​
Nagagampanan nang
buong husay ang
anumang tungkulin sa
LAYUNIN: programa o proyekto
gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan
EsP5P – IIi –29
MGATUNGKULIN
TUPARIN AT
PAHALAGAHAN
Ano ang
mapapansin sa
larawan?

4
Tayo ba dapat ang
tatakbo para Sa
teknolohiya o tayo
ang magpapatakbo
nito?

5
Sa paanong paraan
mo maipakikita ang
pantay na pagtingin
sa ideya ng iba?

6
Ang pagganap sa tungkuling ibinigay sa iyo ng
buong puso at tiyaga ay napakahalaga. Ang
paggamit ng media at teknolohiya sa paggawa
ng mga gampanin ay isa ding mahusay na
pamamaraan upang mas lalo pang maabot ang
de-kalidad na epekto o bunga nito.

7
Ang mga gawaing nakaatang sa iyo ay lubos
na mapagtutuunan ng pansin kung ito’y
gagawin ng buong kusa at lalakipan ng
pagiging malikhain sa paggawa, gamit nag
teknolohiya. Mahalaga din ang papel ng mga
taong nakapaligid sa atin.

8
Sila’y may malaking tulong din upang mas
lalo pang mapagbuti ang ating mga gawain.
Kaya’t ano man ang kanilang suhesyon,
tanggapin mo ito lalo na kung
makapagdudulot ito ng mabuti sa iyong
gawain.

9
Marami sa mga gawaing
pampaaralan ang nangangailangan
ng pakikiisa ng mga bata upang
maging matagumpay ito. Ilan dito
ay sa mga paglalaro, paligsahan,
pagdiriwang at iba pa.
Bilang kabahagi at miyembro ng isang
grupo o pangkat, bawat isa ay may
kani-kaniyang tungkuling dapat
gampanan. Mababa man sa tingin ng
iba ang tungkuling sa iyo ay nakaatang,
gawin ito nang buong puso, may
kasiyahan at pakikiisa na hindi
naghihintay ng anumang kapalit.
Sa pakikiisa natin sa mga gawaing
pampaaralan nararapat nating gawin
ito nang bukal sa ating kalooban at
hindi napilitan lamang. Ang
pagpapakita ng tunay na
nararamdaman ay nangangahulugang
tapat ka sa iyong sarili gayundin sa
iyong kapwa.
1. Ano-ano ang kakayahang
nabanggit sa tula?

2. Ano ang dapat mong gawin


sa kakayahang ipinagkaloob sa
iyo ng Poong Maykapal?
3. Ano ang katangian o asal
ang nais ipahiwatig ng tula?

4. Paano mo malilinang ang


kakayahan at talentong
ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?
5. Paano ka nakikiisa sa
mga gawain iniatang/
itinakda sa iyo?
Ano-ano ang gagawin mo sa sitwasyon na ito.
Naatasan ka na maging lider sa isang pangkat sa
inyong klase dahil magdiriwang ng Buwan ng Wika,
bawat pangkat ay magpapakita ng pagtatanghal,
ano-ano ang iyong tungkulin bilang isang pinuno ng
pangkat para matagumpay ninyong maisagawa ang
pagtatanghal? Isulat sa loob ng malaking puso ang
iyong gagawin.
Paano mo
magagampanan ang
isang tungkulin sa
paaralan?
Basahin ang sumusunod na katanungan. Isulat
ang titik ng iyong kasagutan sa iyong papel.

1. Ano ang dapat mong gawin sa


talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?
a. Huwag pansinin
b. Paunlarin
c. Itago
2. Paano mo malilinang ang talentong
ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?

a. Sumali sa mga programa sa paaralan.


b. Huwag sumali dahil nahihiya ka.
c. Magsinungaling na hindi mo kaya.
3. Ano ang kailangan para lalong
malinang ang iyong kakayahan?

a. Pagtitiwala sa sarili.
b. Pagtatago sa iyong talento
c. Pagpapakitang -tao.
4. Paano nakatutulong ang teknolohiya sa
pagpapaunlad ng iyong talento?

a. Nakikilala ang mga artista


b. Napapalawak ang kaalaman
c. Nagiging mayabang ang isang tao
5. Ano ang ginagawa mo kung naatasan
ka ng iyong guro sa isang gawain?

a. Ginagawa ito kung nakikita ng guro.


b. Ginagawa ang iniatas ng gawain nang
buong husay.
c. Umaasa sa tulong ng kaklase.
Takdang-aralin:
Gumawa ng isang simpleng pangako
sa anyong patula, pa-rap o pakanta na
nauukol bilang ikaw ay kasapi o
miyembro ng isang pangkat.
SALAMAT…..

You might also like