You are on page 1of 26

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at

Pagtataguyod sa Dignidad ng Tao

Inihanda ni:

ARLENE S. PLAZA
Guro sa ESP9
Nakatulong sa iyong pag-unlad ang
iyong natutuhan buhat sa nakaraang
aralin. Tinuruan ka nito upang
makasunod sa batas na nakaayon sa Likas
na Batas Moral.
Ngayon naman ay maiintindihan mo
sa aralin na ito kung bakit mahalaga ang
paggawa.
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na
Gawain ng tao kung ito ay halimbawa o
hindi halimbawa ng paggawa. Isulat ang H
kung ito ay paggawa at DH naman kung ito
ay hindi paggawa.
1. Pagtitinda ng gulay

2. Pagkain ng burger

3. Pakikipag kwentuhan
4. Pagtatahi ng damit

5. Paglalaro ng ML

6. Pagkumpuni ng appliances
Ano ang mga pangunahing katangian ng lahat ng
halimbawa ng paggawa?

Ano ang mga pangunahing katangian ng


lahat ng halimbawa ng hindi paggawa?
Gawain 2:
Panuto:
1. Bumuo ng isang pangungusap na nagpapakita
ng isang pagkilos na ang tao ay patuloy na
gumagawa para sa kanyang sarili at sa iba.
2. Mula sa pangungusap na nabuo, mag isip ng
isang bagay o larawan bilang simbolo ng iyong
pangungusap.
3. Iugnay ang pangungusap na iyong nabuo at ang
simbolo na ginamit mo. Ipaliwanag.
Panimula:
• Ang paggawa ay isang bagay na hindi
na matatakasan at kailangang harapin sa
bawat araw.

Ano ang PAGGAWA?

 Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may


layuning makatugon sa pangangailangan
ng kapwa.
 Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao
para sa paggawa (Institute for Development
Education, 1991)

 Ang paggawa ay isang Gawain ng tao na


nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa
at pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay
magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.
Mga Layunin ng Tao sa
Paggawa

 Kumita ng salapi na kaniyang kailangan


upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat
at pagbabago ng agham at teknolohiya

Maiangat ang kultura at moralidad ng


lipunang kinabibilangan.
 Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan.

 Upang higit na magkaroon ng kabuluhan


(purpose) sa pag-iral ng tao. Ang buhay na
walang patutunguhan ay walang katuturan
at ang paggawa ang nagbibigay ng
katuturan dito.
Subheto at Obheto ng Paggawa (Subject
and Goal of Labor)
 Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang
gumawa ngunit binibigyang-diin na ang
paggawa ay para sa tao at hindi ang tao
para sa paggawa. Hindi maaaring ituring
ang tao bilang isang kasangkapan na
kinakailangan para mapagyaman ang
paggawa; bagkus, kailangan niya ang
paggawa upang makamit niya ang
kaniyang kaganapan.
PAGGAWA

• Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa


at kasama ang kapwa. Ito ay paggawa
ng isang bagay para sa iba.
• Ang panlipunang kalikasan ng paggawa
ang tunay na tataya sa paggawa.
TANDAAN:

 Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang


ng salapi; tunay na pinakamataas na
layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong: (3-5 pangungusap)
1. May pagkakataon / o karanasan ka ba
na ikaw ay nakatulong sa iyong kapwa?
Anu-ano ito? Paano mo ito ginawa?
2. Bakit mahalaga ang paggawa at
pagtulong sa tao o kapwa?
3. Anu-ano ang mga mabubuting
naidudulot nito sa ating pagkatao?
PERFORMANCE TASK #4: Pangkatang
Gawain.
1. Bumuo ng 4 na grupo. Ang bawat
pangkat ay magsasagawa ng sumusunod
na Gawain sa tahanan, paaralan o
pamayanan.
Pangkat 1: Mag-aalaga ng maysakit o kaya
ay nakababatang kapatid (kakilala o kamag-
anak)
Pangkat 2: Tumulong sa paglilinis o
pagsasaayos ng halamanan sa paaralan.
Pangkat 3: Tumulong sa guro sa pagtuturo
ng remedial classes o tutorial.
Pangkat 4: Tumulong sa magulang sa
mabibigat na gawaing bahay.
2. Gagampanan ang mga papel na ito sa
loob ng isang buong araw.
3. Ang lahat ng mga karanasan ay
kailangang ibahagi sa isang blog sa isang
social networking site, o kaya naman ay
Iprint at ipasa sa guro. Maglakip ng mga
larawan na patunay sa pagsasagawa ng
Gawain.
4. Matapos ang Gawain sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
a. Naging masaya ka ba o hindi sa naging
Gawain? Bakit o bakit hindi?
b. Ano ang pinakamahirap mong
naranasan? Ipaliwanag.
c. Ano ang natutunan mo mula sa
pagsasagawa ng mga naiatas? Ipaliwanag
d. Ano ang nagtulak sa iyo upang tapusin
ang Gawain? Ano ang iyong naging
damdamin nang matapos ang Gawain?
e. Ano ang nabago sa iyong pananaw sa
paggawa? Ipaliwanag.
Panuto: Buoin ang bawat letra ng salita at
isulat ito sa patlang bilang isang
pangungusap.
PAGGAWA O PAGKILOS AY SIMBOLO NG
PAGIGING RESPONSABLENG INDIBIDWAL
1. pagka amy tigaya yam ilagan _______
_______ _______ _______ _______
2. ngalaw rapmahi an hobatra sa ngota
minadodeter _______ _______ _______ _______
_______ _______ _______
3. nga watba timongsen kitainki ay lamu
sa litub ng nganrunuka _______ _______
_______ _______ _______ _______ _______
_______ _______ _______
4. lamankaa ya hankapangyari laanpinaniniwa
ito gn ongta may gandipaninin _______ _______
_______ _______ _______ _______ _______ _______
_______
5. nga liksikpanana ng mankaala ay inggawa
sankinabuka-pang _______ _______ _______ _______
_______ _______ ______
Mga sagot:

1. Kapag may tiyaga may nilaga


2. Walang mahirap na trabaho sa taong
determinado
3. Ang bawat sentimong kikitain ay mula sa butil
ng karunungan.
4. Kaalaman ay kapangyarihan pinaniniwalaan ito
ng taong may paninindigan
5. Ang pananaliksik ng kaalaman ay gawaing
pang kinabukasan
Maraming salamat sa pakikinig!   

You might also like