You are on page 1of 22

Aralin 7

ANG PAGGAWA BILANG


PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Ano ang iyong KPL?
• Ano ang iyong KUNG PWEDE
LANG sa oras na ito?
H o DH
• Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa ng
Gawain ng tao kung ito ba ay halimbawa ng
paggawa.
Halimbawa o ‘di Halimbawa
Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa ng
Gawain ng tao kung ito ba ay halimbawa ng paggawa.

• Pagtitinda ng gulay.
• Pagkain ng pizza.
• Pakikipagkwentuhan.
• Pagtatahi ng damit.
• Paglalaro ng ML
• Pagkumpuni ng sirang appliances
• Pagsusulat ng mga kwento.
Ano ang mga katangian ng
mga halimbawang naibigay?
• Produktibo
• Pagkakakitaan
• Ginagamitan ng lakas at isip, at talent
• Humahasa sa mga kakayahan
Ano ang mga katangian ng mga
hindi halimbawang naibigay?
• Satisfaction ng sarili
• Umuubos ng oras
Panimula:
• Ang paggawa ay isang bagay
na hindi na matatakasan at
kailangang harapin sa bawat
araw. Mahalagang kilalanin ang
paggawa bilang malaking
bahagi ng iyong pag-iral bilang
tao. Ito ay itinuturing na isang
tungkuling kailangang isagawa
nang may pananagutan
(Esteban, S. J. 2009).
Ano ang paggawa?
• Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may
layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapwa.
• Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari
itong mano-mano o nasa larangan ng ideya.
(Work: The Channel of Values Education)
Ano ang paggawa?
• Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao
para sa paggawa (Institute for Development
Education, 1991).
• Ang paggawa ay isang gawain ng tao na
nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay
magbubunga ng pagbabago sa anumang
bagay.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Kumita ng salapi na kaniyang kailangan
upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Kailangan ng taong
gumawa para mabuhay. Hindi maaaring
maging katulad siya ng isang parasite na
laging iniaasa sa iba ang kaniyang
ikabubuhay. sa pamamagitan ng paggawa,
napagyayaman ang kaniyang dangal.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat
at pagbabago ng agham at teknolohiya.
Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang
malalim na pagnanais na maibahagi ang
kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng
lipunan.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Maiangat ang kultura at moralidad ng
lipunanang kinabibilangan. Ang paggawa
ay nararapat na patuloy na nagpapayaman
sa kultura ng lipunan na kinabibilangan.
Hindi nito dapat na pinapatay ang ating
pagkakakilanlan para lamang makasunod sa
agos ng modernisasyon.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa
mga nangangailangan. Kailangan ng taong
gumawa upang tumugon sa ninanais ng
Diyos at paunlarin ang sangkatauhan. Ang
paggawa ay isang moral na obligasyon para
sa kapwa at sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Upang higit na magkaroon ng kabuluhan
(purpose) sa pag-iral ng tao. Ang buhay na
walang patutunguhan ay walang katuturan at
ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan
dito.
Subheto at Obheto ng Paggawa
Obheto
• Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan
ng mga gawain, resources, intrumento, at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya,
Unti-unti nailalayo ang tao sa kaniyang esensiya sa mundo-
ang paggawa tungo sa:

• Pagbuo ng tao sa kaniyang pagkakakilanlan at


kakayahan
• Pagkamit ng kaganapang pansarili
• Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang
kaganapan.
Subheto at Obheto ng Paggawa
Subheto
• Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao
ang kakayahan na gumawa at gumanap sa
iba’t-ibang kilos na kailangan sa proseso ng
paggawa.
Subheto at Obheto ng Paggawa
(Subject and Goal of Labor)
• Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang
gumawa, ngunit binibigyang-diin na ang
paggawa ay para sa tao at hindi ang tao
para sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang
tao bilang isang kasangkapan na
kinakailangan para mapagyaman ang
paggawa; bagkus, kailangan niya ang
paggawa upang makamit niya ang kaniyang
kaganapan.
Panlipunang Dimensyon ng
Paggawa
• Ang paggawa ay paggawa
para sa kapwa at kasama ang
kapwa. Ito ay paggawa ng
isang bagay para sa iba.
• Ang bunga ng paggawa ng tao
ang nagbubukas para sa
pagpapalitan, ugnayan at
pakikisangkot sa ating kapwa.
Ang panlipunang kalikasan ng
paggawa ang tunay na tataya
sa paggawa.
TANDAAN:
• Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi;
tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay
ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?


• Ano ang mga mabubuting naidudulot
nito sa ating pagkatao?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• http://asianjournal.com/news/files/2014/10/z.jpg
• http://static.rappler.com/images/labor-day-
infographic-carousel-05-01-2013-rappler.jpg
• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
3/3c/The_hand_that_will_rule_the_world.jpg

You might also like