You are on page 1of 1

EsP 9 – Lecture #3

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

Kahulugan ng Paggawa

- Ang paggawa ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may


pananagutan.
- Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nagangailanagn ng orihinal, pagkukusa, at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng
pagbabago sa anumang bagay.
- Ang paggawa ay anumang gawain- pangkaisipan man o manwal

Mga Layunin ng Paggawa

1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
4. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.

Subheto at Obheto ng Paggawa

Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao ang kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t
ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa.

a. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus
kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.

b. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa
lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang
kapuwa.

c. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao
ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang
produkto.

Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa

Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isang
bagay para sa iba.

Ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng paggawa


nakakamit ng tao ang mga sumusunod:

❖ Suporta para sa pansariling pangangailangan

❖ Pagpapayaman ng pagkamalikhain

❖ Mataas na tiwala sa sarili

❖ Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba

❖ Pagkakataong isabuhay ang tunay na pagbibigay

❖ Pagiging kabahagi sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapuwa

❖ Magampanan ang tungkulin sa Diyos.

You might also like