You are on page 1of 33

Ang Paggawa

Bilang
Paglilingkod At
Pagtaguyod Ng
Dignidad Ng Tao
Ayon kay Papa Juan Pablo II sa kanyang
ensiklikal,
“Ang trabaho o paggawa ay anumang
gawain ng tao – manwal man o
intelektuwal—anuman ang kalikasan o
kalagayan nito, anumang pagkilos na
maaring kilalanin at dapat kilalanin bilang
trabaho, sa gitna ng maraming mga
gawaing kaya ng tao at itinakda sa kanya
ayon sa kanyang kalikasan at mismong
pagkatao.”
Nilikha ang tao na mamuhay sa
sanlibutan bilang siyang
kawangis ng Diyos mismo at
inilagay siya rito upang
pamayanihan ang daigdig.
Kaya sa simula’t simula pa ay
tinatawag na siya upang
magtrabaho. Ang trabaho ang
isa sa mga katangiang
nagbubukod sa tao sa ibang
nilikha.
Tao lamang ang may
kakayahang magtrabaho, at siya
lamang ang nagtatrabaho, at siya
lamang ang nagtatrabaho, siya
lamang ang gumugugol ng
buhay sa mundo sa
pagtatrabaho.
Kaya taglay ng trabaho ang tatak ng tao
at ng sangkatauhan, ang tatak ng isang
taong gumagalaw sa loob ng kumunidad
ng kapuwa-tao. At ang tandang ito ang
nagtatalaga sa panloob na katangian ng
pagtatrabaho; sa isang pananaw, nasa
pagtatrabaho ang pagkatao nga tao.
Anumang paggawa, kung
tunay at buong husay ay
maghahatid ng kabutihan
sa bawat isa.
Paggawa bilang
Likas na
Katungkulan sa
Sarili
Ang paggawa ay
tumutulong sa pag-
unlad ng buhay.
Ito ay isang likas na
katungkulan sapagkat ang
bawat tao ay may obligasyong
moral na pangalagaan ang
kanyang sarili at hindi maging
pabigat sa iba.
Ang katungkulan ng tao na
ingatan at pagyamanin ang
buhay na ipinagkaloob sa
kanya ay nagpapahayag ng
obligasyon niyang
gumawa.
Paggawa Bilang
Pinagmulan ng
Kayamanan
Ang paghahanapbuhay ay
hindi lamang isang
katungkulang moral ng tao.
Ito rin ay maaring pagmulan
ng kaligayahan at kayamanan.
Mangyayaring masisiyahan
ang isang tao dahil sa
paggawa kung nagkakaroon
ng kaganapan ang kanyang
pagkatao dahil sa kanyang
ginagawa.
Maaring magkaroon ng
kayaman dulot ng paggawa
kung nakabubuo o nakalilikha
ng mga bagong produto mula
sa nilikha ng Diyos.
Moral ng
Kahalagahan ng
Paggawa.
Ang pagtatrabaho ng
tao ay ayon sa
kalooban ng Diyos.
Nilikha ang tao upang
maging kabahagi ng Diyos
sa Kanyang gawain sa
pamamagitan ng paggawa.
Ang lakas, isip at damdamin ng tao
ay instrumentong ibinigay ng Diyos
upang mapabuti niya ang kanyang
kalagayang pansarili at pangkapwa.
Ang paggawa ay isang
banal na pagtingin sa
pananagutan ng tao na
mapabuti ang kanyang
sarili.
Panlipunang
Dimensiyon ng
Paggawa.
Ang pagtatrabaho ay hindi
lamang isang gawaing personal
na ginagawa ng isang tao para sa
ikasisiya ng kanyang sarili. Ito
ay isang panlipunang proseso na
ang layunin ay mapangalagaan
ang lipunan.
“Ang isang mabuting
pagtatrabaho ay nakatutulong
sa tao sakanyang pagpapatuloy
sa buhay. Ito ay nagiging
batayan ng pag-ibig, sa sarili, sa
pamayanan, sa pamilya at sa
kapuwa. “
_Andres Bonifacio_
 
Ang bawat isa ay
binigyan ng talino at
kakayahan upang
maitalaga ang sarili sa
isang taos- pusong
paggawa.
Tayo ang katuwang
ng pamahalaan sa
pagpapabuti ng
lipunan.
Anumang gawain mo
ay nagbibigay-daan
upang magkapag-
ambag ka sa paglago at
pag-unlad ng lipunan.
Hindi epektibo ang anumang
pagbabago kung ang
mismong mga tao ay hindi
magbabago, kikilos at gagawa
ng buong husay para sa
ikauunlad ng lipunan.
Mga
Mahahalagang
Layunin ng
Paggawa
1. Ang tao ay gumagawa
upang kitain niya ang salapi
na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang mga
pangunahing pangangailangan
2. Makapag-ambag sa
patuloy na pag-angat
at pagbabago ng
agham at teknolohiya.
3. Maiangat ang
kultura at moralidad
ng lipunanang
kinabibilangan.
4. May kakayahan rin
ang tao na gamitin ang
paggawa sa pagtulong
sa mga
nangangailangan
5. Ang paggawa ay
nagbibigay ng
dahilan sa pag-iral
ng tao.

You might also like