You are on page 1of 37

Karapatan at Tungkulin

Karapatan
Ang tinatawag nating karapatan ay ang pagtukoy sa
kapangyarihang moral na gawin at pakinabangan
ang mga bagay na kailangan ng isang indibidwal sa
kanyang estado ng buhay.
Kaakibat din nito ang isang obligasyon
sa kanyang kapwa na igalang ito.
MGA URI NG KARAPATAN
1. KARAPATAN SA BUHAY- pinakamataas na antas sa lahat ng uri
ng karapatan, sapagkat kung wala ito hindi magagamit ng tao at
maisasagawang maayos ang iba pang karapatan ng isang indibidwal.
2. KARAPATANG SA PRIBADONG ARI-ARIAN- isa sa mga uri
ng karapatan na tumatalakay sa usaping ari-arian ng isang tao upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo upang
mapakinabangan sa lipunan.
3. KARAPATANG MAGING MALAYA- ang lahat ng tao ay may
karapatang maging malaya at gawin ang lahat ng gusto ngunit
kailangan pa rin ang pagkakaroon ng matalinong pagpapasya kung
naaayon ba ang ginagawa.
Ayon nga sa Artikulo 3, Seksyon 1 ng
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas:
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan,
o ari-arian ang sinomang tao nang hindi
sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan
ang sinomang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas.
Kung ang karapatan ay ang pagtukoy
sa kapangyarihang moral:
Obligasyong moral ng isang
indibidwal na gawin o hindi gawin (o
iwasan) ang isang gawain. Ito ay
nakasalalay sa malayang kilos-loob ng
isang tao.
tungkulin
Ang tungkulin ay ang pagtukoy naman
sa kapangyarihang moral ng isang
indibidwal na gawin o hindi gawin (o
iwasan) ang isang gawain. Ito ay
nakasalalay sa malayang kilos-loob ng
isang tao.
Ano ba ang mga dapat na gawin ng isang
indibidwal para magkaroon ng kabuluhan
ang tinatawag nating karapatan? Bakit
sinasabi na moral na gawain ang paggawa at
pagtupad ng tungkulin?
LIKAS NA BATAS MORAL /
Ito ang batayannatural law
sa mga karapatan na itinakda ng
lipunan o pamahalaan. Ito ang nagpapataw ng
obligasyon na igalang ang karapatan ng bawat
indibidwal.
Pagsunod sa Batas na Nakaayon sa Likas na
Batas Moral
TO. TOMAS DE AQUINO
“Lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip.”
“Lahat ng tao ay may
kakayahang
makaunawa sa
kabutihan.”
max scheler
“Ang pag-alam sa
kabutihang ito ay hindi
lamang gumagalaw sa
larangan ng pag-iisip
kundi sa larangan din ng
pakiramdam.
Ang mabuti ang laging pakay at layon ng
tao. Ang isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May
matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga
motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa
mabuti.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti,
likas sa atin na maging makatao (panig
sa tao): ito ang kaisa-isang batas na
hindi labagin ng ninuman. Ang
lumabag dito ay lumalabag din sa sarili
niyang kalikasan.
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Human Rights) ng Nagkakaisang Bansa (United
Nations)
Para sa kanila, tunay na napakahalaga
na mapangalagaan ang dignidad ng tao.
Naniniwala sila na nakasalalay ang pag-
unlad ng bansa o ng mundo sa pagkilala
sa pantay na karapatan ng mga tao.
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Human Rights) ng Nagkakaisang Bansa (United
Nations)
Ang bawat estado (state) ay nagsisikap
iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang
pagkilala sa karapatang pantao.
Ipinapahayag nila sa kanilang konstitusyonang
mga karapatan ng bawat mamamayan at ang
paggarantiya ng estado na bigyang proteksyon
LIKAS NA
BATAS
MORAL
“First, do no harm.”
Ang Paggawa bilang Paglilingkod at
Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Ang Paggawa
Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari
itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay.
Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng
mga nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto.
Ang Paggawa
Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang
isagawa nang may pananagutan.
Resulta ito ng pagkilos ng tao na naglalayong
makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
Nangangailangan ito ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain.
Sinabi sa panulat ni Pope John Paul II
sa kaniyang akda na Laborem Exrcens,
ang paggawa ay anomang gawain –
pangkaisipan man ito o manwal,
anoman ang kaniyang kalikasan o
kalagayan na makatao, nararapat para sa
tao bilang anak ng Diyos. Bilang siya
ay maraming kaya at alam na gawin.
May mga bagay na inilaan na gawin ng
tao dahil siya
ay katangi-tanging nilikha.
Mga Mahahalagang Layunin ng
Paggawa
1. Ang tao ay gumagawa
upang kitain niya ang
salapi na kaniyang
kailangan upang
matugunan ang kaniyang
mga pangunahing
pangangailangan.
Mga Mahahalagang Layunin ng
Paggawa
2. Makapag-ambag
sa patuloy na pag-
angat at pagbabago
ng agham at
teknolohiya.
Mga Mahahalagang Layunin ng
Paggawa
3.Maiangat ang
kultura at
moralidad ng
lipunang
kinabibilangan.
Mga Mahahalagang Layunin ng
Paggawa
4. May kakayahan
din ang tao na
gamitin ang
paggawa sa
pagtulong sa mga
nangangailangan.
Mga Mahahalagang Layunin ng
Paggawa
5. Ang paggawa ay
nagbibigay ng
dahilan sa pag-iral
ng tao.
Ang Subheto at Obheto ng
Paggawa
Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain,
instrumento at teknolohiyang ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto. Ang nakagisnan ng tao na uri ng
paggawang ginagamitan ng kamay, pagod at pawis ay unti-
unti nang nagbabago dahil sa pagtulong ng mga
makabagong makinarya, na tao rin naman ang nagdisenyo at
gumawa. Hindi maipagkakait na ito ang nagdulot ng malaking
pagbabago sa sibilisasyon.
Napakalaking tulong ang naibibigay ng teknolohiya:
napadadali nito ang trabaho ng tao at naitataas ang
kaniyang produksiyon. Nilikha ang teknolohiya
upang gawing perpekto ang gawain ng tao. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga
teknolohiya na patuloy na makatutulong upang mas
maging madali ang paggawa para sa tao. Ang
teknolohiya ay kakampi ng tao. Ngunit dahil din sa
mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway”
ng tao.
Nawawalan na ng malawak na
kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na
niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na
nahahasa ang kaniyang pagiging
malikhain. Dahil inaako na ng makina ang
bahagi ng tao, hindi na nakikilala ang
kaniyang pagkamalikhain at malalim na
pananagutan.
Mahalaga ito upang patuloy na maramdaman ng tao
ang kaniyang halaga sa proseso ng paggawa. Ang
pagdami ng mga teknolohiya sa paggawa ang siyang
umaagaw sa tao sa kaniyang trabaho. Lumalabas na
ang tao na ang nagiging alipin ng teknolohiya. Tunay
na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa
palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang
bansa ngunit sa wari ay nakaliligtaan na unti-unting
nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa
mundo.
Ang tao lamang ang may kakayahan na kumilos
bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip; siya ang
may kakayahang magpasya para sa kaniyang sarili
at may kakayahang kilalanin nang lubusan ang
kaniyang sarili. Nasa kaniya ang kakayahan na
gumawa at gumanap ng iba’t ibang kilos na
kailangan sa proseso ng paggawa.
Samakatwid, maituturing na ang subheto ng
paggawa ay ang tao.
Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa,
ngunit binibigyang-diin na ang
“paggawa ay para sa tao at hindi ang tao
para sa paggawa”.
Hindi maaaring ituring ang tao bilang isang
kasangkapan na kinakailangan para
mapagyaman ang paggawa; bagkus, kailangan
niya ang paggawa upang makamit niya ang
kaniyang kaganapan.
Pakikilahok at Bolunterismo
Nang likhain ng Diyos ang tao sinabi Niya “hindi mainam
na mag-isa ang tao bibigyan ko siya ng makakasama at
makakatulong” (Genesis 2:18)
Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapwa sapagkat
hindi siya mabubuhay na mag-isa. Ang kapwa ay bahagi rin
ng lipunan, kung kaya’t ang bawat tao ay may pananagutan sa
kanya. Hindi makakamit ng tao ang kanyang kaganapan
kung hindi siya nakikipamuhay na kasama ng iba.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., “mahalaga sa
pagpapakatao ang pagkilala ng tao na
kailangan niya ang lipunan dahil binubuo
siya ng lipunan at binubuo niya ang
lipunan.”
Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao. Ang
ibig sabihin, nagkakaroon ang buhay ng
saysay sa kanyang nakaraan, kasalukuyan
at hinaharap.
Ang Pakikilahok
Ito ay isang tungkulin na
kailangang isakatuparan ng lahat
na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang
panlahat.
Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na
makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon
kay Sherry Arnsteinis:

Impormasyon. Sa isang tao na nakikilahok,


mahalaga na matuto siyang magbahagi ng
kanyang nalalaman o nakalap na
impormasyon. Makatutulong ito upang
madagdagan ang kaalaman ng iba.
Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na
makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon
kay Sherry Arnsteinis:

Konsultasyon. Ito ay mas malalim na impormasyon.


Ito ay bahagi na kung saan hindi lang ang sarili mong
opinyon o ideya ang kailangang mangibabaw kundi
kailangan pa ring makinig sa mga puna ng iba na
maaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang
proyekto o gawain.
Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na
makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon
kay Sherry Arnsteinis:
Sama-samang Pagpapasya. Upang lalong maging
matagumpay ang isang gawain mahalaga ang pagpapasya ng
lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi ng
nakararami. Sa pagpapasya kinakailangang isaalang-alang
ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili
kundi sa mas nakararami.
Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na
makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon
kay Sherry Arnsteinis:
Sama-samang Pagkilos. Hindi magiging matagumpay ang
anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat. Tingnan mo ang
walis tingting. Hindi ito makalilinis ng kalat kung isa lamang
tingting ang gagamitin; ngunit kung ang bawat tingting ay
pagsasama-samahin, mabilis itong makalilinis ng paligid.
Ganyan din ang tao. Kung ang bawat isa ay kikilos ng sama-
sama para makatulong sa kanyang lipunan tiyak makikita natin
ang tunay na pagbabago nito.
Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na
makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon
kay Sherry Arnsteinis:
Pagsuporta (Support). Ang isang gawain kahit ito ay mahirap
ay napapadali kung ang bawat isa ay nagpapakita ng
pagsuporta dito. Hindi ito tumutukoy sa tulong pinansyal
lamang. Ito ay maaring ipakita sa pagbibigay ng talento o
kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay nanggagaling sa
iyong puso. Ngunit mayroong mga taong nakikilahok
lamang dahil sa kanilang pansariling interes lamang o
pansariling layunin.
Ang Bolunterismo
Ito ay isang paraan ng paglilingkod at
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at
sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na
hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito
ay marami ring katawagan tulad ng
Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o
Bahaginan.
Mga Benepisyo sa Pagsasagawa ng
1.
Bolunterismo
Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay
naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng
lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at
relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi
lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.

You might also like