You are on page 1of 19

Modyul 7:

Ang Paggawa Bilang


Paglilingkod at Pagtataguyod
ng Dignidad ng Tao
“Napaglilingkuran
ko ang ating
bayan”
Ano ba ang kahulugan ng paggawa?

Bakit ito mahalaga para sa isang


tao?

Karapat-dapat bang maunawaan ng


lahat ang tunay na esensiya ng
paggawa?
Ang Mga Layunin
ng Paggawa
1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang
kailangan sa kaniyang pangunahing
pangangailangan.

Hindi mabubuhay ang isang tao kung hindi ito


magtatrabaho. Sa kasalukuyang panahon, pera na ang
mahalaga sa pangaraw-araw na buhay dahil isa sa mga
papel nito ang pagbili ng mga produkto at serbisyong
kailangan ng tao.

Kailangan ng tao ang gumawa para mabuhay.


2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat
at pagbabago ng agham at teknolohiya.

Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim


na pagnanais na maibahagi ang kanyang kakayahan
para sa ikauunlad ng lipunan. Dahil sa natatanging
talino na ipinagkaloob ng Diyos,napagyayaman ang
agham at teknolohiya.

Ginawa ang mga ito bilang katuwang at hindi


kapalit ng tao.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad
ng lipunang kinabibilangan.

Ang paggawa ay mayroong panlipunang


aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananhgutan
ng tao para sa pag-angat ng kultura at moralidad ng
lipunang ating kinabibilangan.
4. Upang tulungan ang mga
nangangailangan.

Ang paggawa ay isang obligasyon,isang


tungkulin ng isang tao. Kailangang gumawa ang tao
upang tumugon sa ninanais ng diyos at sa
pangangailangan ng panatilihaim at pagyamanin o
paunlarin ang sangkatauhan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan
ang pag-iral ng tao.

Ang buhay na walang patutunguhan ay walang


katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng
katuturan dito.

Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon ay hindi


dapat nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa
kapurihan ng Diyos.
Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga
pangangailangan
Napagyayaman ang kanyang pagkamalikhain
Napatataas ang tiwala sa sarili
Nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at
makasalamuha ang kaniyang kapuwa at ang
mapaglingkurang ang mga ito
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na
pagbibigay
Nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi
ng lipunan na maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at
bigyang katuparan ito
Nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sa
sarili at ng kapuwa
Nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos
Ang Subheto at
Obhetibo ng Paggawa
Ang obhetibo ay ang kalipunan ng mga
gawain,resources,instrumento at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng produkto.

Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang


gawain ng tao. Ito ang dahilan kung bakit patuloy
ang tao sa paglikha ng mga makinarya na
makatutulong upang mas maging madali ang
paggawa para sa tao.
Ang teknolohiya ay katulong ng
tao.
Ngunit dahil sa mga pangyayaring ito, unti-
unting nagiging “kaaway “na tao ang
teknolohiya,nawawalan na ng malawak na
kontribusyon ang tao sa paggawa,hindin na niya
nararamdaman ang kasiyahan at hindi nahahasa
ang kaniyang pagigingb malikhain.
Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa
sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa,ngunit unti-unti ng nailalayo sa tao
ang kaniyang tunay na esensiya sa mundo--ang
paggawa na daan tungo sa;
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang
tao para sa paggawa.

Naranasan mo na bang gumawa ng isang


bagay nang hindi humingi ng tulong ng
iba?
Ano ang iyong damdamin ng makita ang
iyong nagawa?
Ang Panlipunang Dimensiyon ng
Paggawa
Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang
dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas na
nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa.
Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at
kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isnag
bagay para sa iba.hindi ba’t alam naman natin
na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa
kapakinabangan ng mas nakararami?
Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang
tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi
magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala
ang kaniyang kapuwa,kung walang mga
pamantayang pangkaayusan ng lipunan na
naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa
mangagawa,kung hindi magkaugnay ang mga
hanap-buhay,na umaasa sa isat-isa
(interdependent)at hindi nagtutulungan ang
lahat upang gawing ganap ang bawat isa at ang
pinakamahalaga,hanggat hindi magkakaisa ang
isip,materyal na bagay at paggawa upang sila ay
maging buo.
Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa
kung paano niya pagsisiskapang hubugin ang
pagkatao tungo sa kabutihan.

Ang paggawa ay higit pa sa pagkita


lamang ng salapi:ang pinakamataas na
layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.

You might also like