You are on page 1of 19

MODYUL 7: ANG PAGGAWA

BILANG PAGLILINGKOD AT
PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD
NG TAO
Ano ang kahulugan
ng Paggawa?
•Ayon sa aklat na "Work: The Channel of Values
Education," ang paggawa ay isang aktibidad o
gawain ng tao. Maaari itong mano-mano,
katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong
nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip
ng patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at
komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng
pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapuwa. Kung tayo ay
gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos
lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ang
may kakayahan sa paggawa.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao


2
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng
pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang
mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging
kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawa awag
na paggawa.

Ang paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man o manwal, kalikasan o kalagayan


nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga bagay na inilaan
na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad


3
ng Tao
Mga Layunin ng
Paggawa
• Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
• Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng
agham at teknolohiya.
• Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang
kinabibilangan.
Mga (Ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at
hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan ng tao
para sa pag-angat ng kultura at moralidad ng
Layunin ng lipunang ating kinabibilangan.)

Paggawa • Upang tulungan ang mga nangangailangan. Ang paggawa ay


isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao
• Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-
iral ng tao.
(buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang
paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.)

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 5


•nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga
pangangailangan;
•napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain;
Sa •napatataas ang tiwala sa sarili;

pamamagitan •nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao;


•nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at
ng paggawa makasalamuha ang kaniyang kapuwa at ang mapaglingkuran ang
nakakamit niya mga ito;
•nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na
ang pagbibigay:

sumusunod: •nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng


lipunan na maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at bigyang-
katuparan ito;
•nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sa sarili
at ng kapuwa;
•nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 6


Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa
upang kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.
Nakalulungkot na may mga taong tinitingnan ang paggawa bilang
tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin.
Inaakala ng marami na ito na ang kaganapan ng kanilang pagkatao. Ang pagbibigay ng
Ngunit sa maraming mga pagkakataon, nahihinuha ng tao na kahit iyong lahat ng
gaano kalayo na ang kaniyang narating, kahit gaanong yaman na ang panahon at pagod
sa paggawa ay
kaniyang naipon, o kahit gaano na kataas ang paggalang ng ibang tao
hindi dapat
sa kaniya dahil sa kaniyang nakamit, ay hindi pa rin makakamit ng tao nagwawaglit sa
ang tunay na kaligayahan na siyang pinakahuling tunguhin ng tao. pag-aalay nito para
Kailangang maging malinaw na ang pagbibigay ng iyong lahat ng sa kapurihan ng
Diyos.
panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag-aalay
nito para sa kapurihan ng Diyos.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad


ng Tao 7
Ang Subheto at
Obheto ng
Paggawa
Ang Subheto at
Obheto ng Paggawa
• Ang Obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Ang nakagisnan ng tao
na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti- unti ng nagbabago
dahil sa pagtulong mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisenyo at gumawa.

• Napakalaki ng tulong na naibibigay ng teknolohiya: napapadali nito ang trabaho ng tao at


naitataas ang kaniyang produksiyon. Ngunit dahil sa teknolohiya ay unti-unti ng nagiging
kaaway ng tao ito, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggwa, hindi na
niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain.

• Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palantandaan ng pag-unlad ng ekonomiya


ng isang bansa, ngunit nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensiya sa mundo - ang
paggawa na daan tungo

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 9


Ang Subheto at
Obheto ng Paggawa Ang paggawa ay
para sa tao at hindi
ang tao para sa
paggawa
• 1. Pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan,
• 2. Pagkamit ng kaganapang pansarili, at
• 3. Pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
• ✓ Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa, ngunit mahalagang tandaan na
ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Hindi maaaring ituring
ang tao bilang isang kasangkapan na kinabibilangan para mapagyaman ang paggawa;
bagkus, kinakailangan ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
• ✓ Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o produktong
bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay tao. Ang produkto ng
paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumagawa nito. Mas
kailangan manaig ang subheto kaysa sa obheto ng paggawa.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 10


Ang Panlipunan
Dimensyon ng
Paggawa
Ang Panlipunan
Dimensyon ng
Paggawa
• Ang paggawa ay may panlipunang deminsiyon. Ang gawain ng tao ay likas
na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang bunga ng paggawa ng
tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa
ating kapuwa
• Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa.
Ito ay dahil sa magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang
kapuwa, kung walang ang mga pamantayan pangkaayusan ng lipunan na
naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa manggagawa, kung hindi
magkaugnay ang mga hanapbuhay, na umaasa sa isa't isa at hindi
nagtutulungan ang lahat upang gawin angg ganap ang bawat isa at
pinakamahalaga, hangga't hindi magkakaisa ang isip, material na bagay at
paggawa upang sila ay maging buo
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
12
Ang Panlipunan
Dimensyon ng
Paggawa
• Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya
pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan. Hindi ito
nakabatay sa anumang pangyayari o yaman. Mahalagang iyong tandaan
na: ang paggawa ay higit pa sa pakita lamang ng salapi; ang
pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 13


MARAMING
SALAMAT PO
Quiz Time
Identipikasyon
1. Ang _______ ng paggawa ay ang kalipunan
ng mga gawain, resources, instrumento, at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto.
QUIZ TIME 2. Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang
________
3. Upang higit na magkaroon ng
________(meaning) ang pag-iral ng tao.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 16


Identipikasyon

4. Ang paggawa ay isang aktibidad o


gawain ng tao ayon sa aklat na
___________.
QUIZ TIME
5. Ang _________ ay anumang gawain -
pangkaisipan man o manwal, anuman ang
kalikasan o kalagayan nito, na makatao,
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 17


Magbigay ng limang
QUIZ TIME (5) mga Layunin ng
Paggawa

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao 18


Para saiyo, para kanino ka
gumagawa at bakit?
1pt = hindi maayos ang pagpapaliwanag

3pts = medyo maayos

5pts = naunawaan at maayos ang pagpapaliwanag

ang puntos × 2 = ang iyong iskor


9/3/20XX 19
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

You might also like