You are on page 1of 1

IKALAWANG MARKAHAN

ESP 9: MODULE 3
ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO
I. Sa paglipas ng panahon, matututuhan mo kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang
malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa
nang may pananagutan. (Esteban, S. J. 2009).
 Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”,-ang paggawa ay isang aktibidad ng
tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng
ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto
 Sinabi sa panulat ni Pope John Paul II sa kaniyang akda na Laborem Exrcens.
 na ang paggawa ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang
kalikasan o kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
II. Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa
1. Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan.
4. May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan
na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa.
5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.
III. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang mga sumusunod:
A. nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan;
B. napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain;
C. napatataas ang tiwala sa kaniyang sarili;
D. nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao;
E. nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang kapwa at
ang mapaglingkuran ang mga ito;
F. nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay;
G. nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan namaipagpatuloy
ang kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito;
H. nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapwa;
 nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
 Nakalulungkot na may mga taong tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan
(means) sa pagkamit ng tunguhin.
 Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag-
aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.
IV. Ang Subheto at Obheto ng Paggawa
 Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at teknolohiya
na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
 Nilikha ang teknolohiya upang gawing perpekto ang gawain ng tao.
 Ang teknolohiya ay kakampi ng tao. Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng
nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao
sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang
pagiging malikhain.
 Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang
bansa ngunit sa wari ay nakaliligtaan na unti-unting nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya
sa mundo – ang paggawa na daan tungo sa
(1) pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan (2) pagkamit ng kaganapang
pansarili at (3) pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
 Dahil sa kaniyang taglay na natatanging kakayahan bilang tao, ang tao ay binigyan ng Diyos ng
karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha.
 Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Prep. By: Rhaby Aceret

You might also like