You are on page 1of 5

CARTHEL

Science Educational Foundation, Inc.


San Vicente, San Manuel, Tarlac
Email address: csef2013@yahoo.com

Mala-masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


I. LAYUNIN
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod.

II. NILALAMAN
PAKSA: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao
SANGGUNIAN: Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 55-58, Modyul sa Edukasyon
sa Pagpapakatao 9 LM p. 96-101
KAGAMITAN: Laptop

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:


a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at 72 pagkamalikhain
2. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang
pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din
siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang
bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang silid para
sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang
siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil
gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan
na siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi
nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa pangungusap ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at
teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
5. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan
ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa
yari ng mga damit ng mga banyaga
c. Si Romeo na nag-e-export ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa
mga timpalak sa buong mundo
6. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
8. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. sa prosesong pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. sa kalidad ng produktong nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. sa katotohanang ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya
ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang
kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapang kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng
tao ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kanya ng kanyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang
lahat ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa. Gabay sa Pagwawasto ng Kasagutan
1. B 2. D 3. A 4. C 5. C 6. B 7. A 8. D 9. A 10.D

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pangganyak


Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at
paglilingkod.
2. Naipahahayag ang kahalagahan at layunin ng paggawa.
3. Nasusuri ang iba’t ibang layunin ng paggawa. Alin sa sumsunod ang iyong gawi kapag gumagawa ng
isang bagay?
1. Kapag ako ay gumagawa, ako ay…  Kasimbagal ng pagong  Kasimbilis ng rabbit
2. Kapag ako ay inatasan ng isang gawain…  Ginagawa ko kaagad  Ipinagpapaliban ko muna
3. Mas gusto kong gumawa kapag  Ako ay nag-iisa lang  Marami akong katulong
4. Kapag ako ay gumagawa…  Tinatapos ko muna bago ako magpahinga  Nagpapahinga muna ako
kahit hindi pa tapos
5. Sa paraan ng paggawa…  Ako ay masinop at malinis sa paligid  Hinahayaan kong makalat at magulo
ang paligid Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili?
2. Makatutulong ba ang iyong mga gawi sa paggawa? Ipaliwanag.
3. Paano mo mapapaunlad ang iyong gawi sa paggawa?

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto


Pangkatin ang klase sa lima. Magsagawa ng survey sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggng Grade 10 sa
loob ng paaralan. Pumili ng tiglilima bawat Grade Level at tanungin: (gawin sa loob ng 20 minuto)
(Collaborative/Inquiry-Based Approach)  Bakit kailangang maghanapbuhay ng tao?

Sagutan ang sumusunod na katanungan at magbahagi sa klase.


1. Alin sa mga dahilan ang mas nangingibabaw sa lahat? Bakit kaya?
2. Batay sa resulta ng survey, ano ang inyong nabuong kongklusyon?

D. Paglalahad ng bagong kasanayan


Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao?
Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?
.
E. Paglalapat sa Aralin
Ang gawi at pananaw sa paggawa ay maaaring makatutulong o hindi makatulong upang matapos ang
gawain. Kung positibo ang iyong pananaw para sa isang gawain, ito ay ginagawa mo nang may kaluguran
at malalim na dahilan. Mahalagang natitiyak natin ang ating layunin sa paggawa at nakikita natin ang
kabuluhan nito para sa sarili at sa kapwa. Ang tao ay may mataas na pagturing sa paggawa lalo na kung
tiyak niya ang kanyang layunin at nakatuon dito ang kanyang isip at damdamin. Ang walang
pagpapahalaga sa gawain at hindi nakikita ang dignidad nito, kalimitan ay tamad. Ngunit ang isang taong
nagpapahalaga sa dangal ng gawain ay maraming natatapos gawin.
F. Pagtataya
Sumulat ng isang malayang tula tungkol sa kahalagahan ng paggawa na may isang saknong o higit pa.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach) Kraytirya Positbo at maliwanag ang mensaheng nais
ipabatid. (6 puntos) Isa o higit pang saknong (2 puntos) Natapos sa takdang panahong inilaan (2 puntos)

G. Takdang Aralin
Panuto:
1. Magsasagawa ng panayam sa isang miyembro ng pamilya o sa isang kapitbahay na
manggagawa.
2. Pillin mong kapanayamin ang isang nakikita mo na taos puso sa kaniyang paggawa lalo na
para sa mga taong nangangailangan (marginalized) o mahihirap. Maaaring siya ay magmula
sa iba’t ibang karera, trabaho o negosyo sa track na akademik, teknikal-bokasyonal, sining at
disenyo at isports.
3. Tandaan ang mga patakaran na ipinaiiral ng pamahalaan ngayong panahon ng Bagong
Normal sa gagawing panayam.
4. Batiin ang kapanayamin (Halimbawa: “Magandang umaga, Aling Lydia.”)
5. Gamitin ang sumusunod na tanong sa panayam:
a. Ano po ang iyong trabaho?
b. Ano po ang motibasyon mo o nagtutulak sa iyo na piliin ang trabaho o negosyong ito?
c. Ano po ba ang iyong layunin sa paggawa?
d. Ano-ano po ang mga hamon na pinagdaanan mo sa paggawa: ang mga problema o
balakid na iyong nalampasan o kinakaharap?
e. Ano po ang kabutihang naidulot ng iyong taos pusong paggawa para sa mga
nangangailangan (marginalized) o mahihirap na iyong pinaglilingkuran?
2. Gumawa ng sariling pormat na susulatan sa resulta ng iyong panayam.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 3:
1. Tiyak ang mga nakuhang sagot mula sa panayam
2. Nagawan ng malinaw na sintesis o paglalahat ang kabutihang naidulot ng taos pusong
paggawa para sa mga nangangailangan (marginalized) o mahihirap na pinaglilingkuran
3. May patunay na larawan ang panayam
4. May komprehensibong ulat at pagninilay ang ipapasang output ng panayam.

Inihanda ni:

Ginoong JohnB. Luzadas


Grade 9 - Tagapayo

Sinuri Ni:

Gng. Jessica P. Malicdem


Punong Guro

You might also like