You are on page 1of 2

2ND QUARTER Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod

WEEK 6 ng dignidad ng tao at paglilingkod EsP9TT-IIe-7.1


SUBJECT AREA: Edukasyon sa Pagpapakatao
GRADE LEVEL: 9
NAME OF TEACHER:
NAME OF STUDENTS:
GRADE AND SECTION:

PAGPAPAUNLAD
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinaka angkop na
sagot at isulat ang titik nito sa isang buong papel.
1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:

a. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos


b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
2. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:

a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang
pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya
ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
DRAFT March 31, 2014
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid
para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa
lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa
paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na
siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran.
Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala
siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng
kapwa bago ang sarili.
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at
teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
5. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa
yari ng mga damit ng mga banyaga
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa DRAFT March 31,
2014
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa
mga timpalak sa buong mundo

PAKIKIPAGPALIHAN
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan sa ibaba
a. Mga langgam na naghahakot ng pagkain
b. Isang ibong gumagawa ng pugad
c. Isang kalabaw sa bukid na ginagamit sa pag-aararo
d. Isang taong nagtatrabaho

Layunin ng Langgam Layunin ng ibon sa Layunin ng kalabaw sa Layunin ng tao sa


sa kanilang ginagawa kanilang ginagawa kanilang ginagawa kanilang ginagawa

PAGLALAPAT
Panuto: Pagkatapos na isulat ang bawat layunin na bawat isa sa itaas na bahagi, sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa isang buong papel.
a. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga nilikhang may buhay ng Diyos?
b. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa?
c. Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa na inyong naitala? Bakit o bakit
hindi?
d. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao?
e. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiranan.

You might also like