You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9

Pangalan: Iskor: ________________


Pangkat bilang: Petsa:________ Lagda ng Magulang:
___________

Panuto: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA PATLANG. (Capital Letters Only)
1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa
A.Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B.Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
C.Resuta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
D.Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
2. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:
A. Si Mang Erwin ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong
trabaho. Hindi lang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa
mga tao kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Marco ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong
maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Windel ay isang batang pumupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamng siya
sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaraln dahil gusto niyang
makapagtapos.
D. Mula pagkabata, si Nene ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng
kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi na nabayaran. Bilang kapalit, si
Nene ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
_______3. Ang tao ay gumagawa upang kitai ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan.Ang pangungusap ay:
A.Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B.Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C.Mali, dahil hindi nararapat na pera angmaging layunin sa paggawa.
D.Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya ?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawak ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
_______ 5. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamgitan
ng kanilang paggawa?
A. Si Joseph na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.
B. Si Leomar na gumagawa ng mga damit nayari sa materyal na tanging sa bansa nakikita inililipat sa yari ng mga damit
ng mga banyaga.
C. Si Leonard na nag-eexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.
D. Si Criselda na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunanng bansa na inilalahok sa mga
timpalak sa buong mundo
6. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangang bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa
D. Lahat ng nabanggit.
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa.
A. Ang paggawa ay pagagawa parasa kapwa at kasama ang kapwa .
B. Ang pagagawa ay pagawa ng bagay para sa iba .
C. Ang pagagawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan ,ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa
D. Ang pagagawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha.
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
A. pagbibigay ng limos sa pulubi sa kalye
B. pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
C. pagbibigay ng bagsak na grado sa mag-aaral na hindi tumupad sa kinakailangan sa klase
D. wala sa nabanggit.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

9. Ang katarungan ay kilos na pangunahing nagmumula sa:


A. loob ng bawat tao B. pamahalaan C. pulis D. batas
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi aspeto ng pagsasanay ng katarungan sa loob ng pamilya?
A. Ipinauunawa kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa.
B. Nililinaw ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t-ibang tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo.
C. Pagtuturo na isaayos ang iyong mga pagkakamaling nagawa sa ugnayan mo sa iba sa pamamagitan ng masasakit
na sermon.
D. Ipinaaalala palagi ng mga magulang na kailangang gawin ang mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba.
11. Ayon sa kanya, ang katarungan ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap.
A. Dr. Manuel Dy Jr. B. Max Scheler C. Sto. Thomas de Aquino D. Andre
Sponville
12. Ang mga sumusunod ay patunay na umiiral ang katarungang panlipunan maliban sa:
A. May makatarungang pasahod sa mga empleyado.
B. Tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
C. Pagkuha ng maliit na porsyento lamang sa budget ng isang proyekto.
D. Pagbibigay ng patas na pagkakataon sa mga tao na mabigyan ng ayuda sa panahon ng pandemya.
13. . Ito ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kanyang tungkulin sa isang
institusyon.
A. kapuwa B. kalipunan C. kababayan D. kumpanya
14. Isang gawain na nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay maisagawa. Kailangang may
angking kahusayan ang gagawa nito.
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagpupunyagi
15.Ayon sa kanya ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang
kanyang responsibilidad sa sarili, kapuwa at sa Diyos.
A. Dr. Manuel Dy Jr. B. Max Scheler C. Pope John Paul II D. Andre Sponville
16. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong
pagpapaubaya.
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagpupunyagi
_______17. Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagkamalikhain
18. Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip.
Orihinal at bago ang produkto, bunga ito ng ideyang maging iba at kakaiba.
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagkamalikhain
19. Ito ang tawag sa pagtitiyaga upang maabot at makamit ang layunin at mithiin sa buhay?
A. pagpupunyagi C. katalinuhan
B. malikhaing ideya D. kabayanihan sa bayan
20. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagkamalikhain
21. Ito ay mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang tao.
A. Pagpupunyagi B. Tiyaga C. Kasipagan D.
Pagkamalikhain
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan?
A. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa C. Hindi umiiwas sa anomang Gawain
B. Ginagawa ang gawain na may pagmamahal D. May hinihintay na kapalit
23. Alin sa mga sumunusunod ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng pagiging marunong makuntento?
A. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa C. Pagiging simple
B. Kaligayahan D. Pagkilala sa kailangan at kagustuhan
24. Si Maicah ay may nagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain nang walang pagmamadali at buong
pagpapaubaya. Anong katangian mayroon sa Maicah?
A. Paggawa B. Tiyaga C. Kasipagan D. Pagkamalikhain
25. Sino ang may mahalagang papel sa paghubog ng iyong pagiging makatarungan?
A. Magulang B. Guro C. Kapitbahay D. Kamag-anak
26. Ang mga sumusunod ay patunay na umiiral ang katarungang panlipunan maliban sa:
A. May makatarungang pasahod sa mga empleyado.
B. Tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
C. Pagkuha ng maliit na porsyento lamang sa budget ng isang proyekto.
D. Pagbibigay ng patas na pagkakataon sa mga tao na mabigyan ng ayuda sa
panahon ng pandemya.
27. Alin sa mga sumusunod ang negatibong katangian ng isang taong may pangarap?
A. Marangal B. Oportunista C. Mapanampalata D. Mabuti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

28. Ito ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan
kung ito ay ayon sa
kalooban ng Diyos.?
A. Karapatan C. Kayamanan
B. Kapangyarihan D. Kapanatagan
29. Ilang katangian ang dapat mong isabuhay upang taglayin ang kagalingan sa paggawa?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
30. Ang pagkatuto bago ang paggawa, pagkatuto habang ginagawa, at pagkatuto pagkatapos gawin ang isang
gawain ay nabibilang sa anong katanguan ng paggawa?
A. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
B. Nagtataglay ng Positibong Kakayahan
C. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos
D. Pinamamahalaan ang Wastong Paggamit sa Oras
31. Ito nangangahulugan ng pagiging masaya at kuntento sa anumang bagay na mayroon ang isang tao, kung
sino
siya, at kung saan man sya.
A. Kaligayahan B. Paggawa C. Pagiging Simple D. Marunong Makuntento
32. Ito ay dapat isaisip, isapuso at isagawa ng bawat nilikha
A. Kaligayahan B. Paggawa C. Pagiging Simple D. Kasipagan
33. Ano ang tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad?
A. Kaligayahan B. Paggawa C. Pagiging Simple D. Kasipagan
34. Si Mariel na isang estudyante ay nais bumili ng regalo upang ibigay sa kaniyang magulang para sa nalalapit
nilang kaarawan. Ano ang dapat gawin ni Mariel upang maikatuparan niya ang kaniyang plano?
A. Magtipid B. Magsipag C. Magtrabaho D. Magbigay
35. Kailan mo masasabing hindi marunong makuntento ang isang tao?
A. Kung siya ay maligaya.
B. Kung alam niya ang pagkakaiba ng kailangan at kagustuhan.
C. Kung marunong siyang maging simple
D. Kung naghahangad siya ng higit pa.
36. Anong kahalagahan ng pagiging marunong makuntento ang mayroon ka kung hindi kana nagnanais ng mga
bagay na hindi mo kailangan?
A. Kaligayahan C. Pagiging Simple
B. Pagkilala sa kailangan at kagustuhan D. Pagiging marunong makuntento
37. Ang pagbibigay ay nag aantay ng kapalit.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
38. Ito ang tawag sa pagtitiyaga upang maabot at makamit ang layunin at mithiin sa buhay?
A. pagpupunyagi C. katalinuhan
B. malikhaing ideya D. kabayanihan sa bayan
39. Ito ang paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang
panahon. Ano ito?
A. pagtitipid C. pagtitiyaga
B. pag-iimpok D. pagtatago
41. Ano ang ipinapakitang pagpapahalaga kapag ang isang tao ay nagsisikap na gawin at tapusin ang isang
bagay ng may kalidad?
A. kaginhawan C. katarungan
B. kasipagan D. karangyaan
41. Base sa kwentong pinamagatang “Aral ng Damo” Anong pag-uugali mayroon ang damo?
A. Makuntento B. Di- Makuntento C. Kasipagan D. Pakikilahok
42. Ano naming pag-uugali mayroon sina G. Punongkahoy, Bb. Bulaklak, Bb. Gardenia, G. Saging, at G. Narra?
A. Makuntento B. Di- Makuntento C. Kasipagan D. Pakikilahok
43. Ano ang pagkakaiba ng pag-uugali ng ibang karakter kay damo?
A. Si damo ay hindi marunong makuntento di tulad ng ibang karakter na marunong makuntento.
B. Si damo ay marunong makuntento tulad ng ibang karakter na marunong din makuntento.
C. Si damo ay marunong makuntento di tulad ng ibang karakter na hindi marunong makuntento..
D. Wala, sapagkat lahat sila’y marunong makuntento.
44. Maganda bang ehemplo ang pag-uugaling ipinakita ni damo sa kwento?
A. Hindi, sapagkat di siya marunong makuntento
B. Hindi, sapagkat ikinukumpara niya ang kaniyang sarili sa iba.
C. Oo, sapagkat marunong siyang makitungo sa iba.
D. Oo, sapagkat marunong siyang makuntento at nagpapasalamat siya sa kung anong meron siya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

45. Ano ang iyong damdamin pagkatapos basahin ang maikling kwento?
A. Malungkot, sapagkat may ibang hindi padin marunong makuntento
B. Nakakadismaya, sapagkat pangit ang ugali nila
C. Masaya, sapagkat kahit papano ay may iba pading marunong makuntento
D. Wala
46. Ito ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw at sa gaano katagal iginugugol ang isang paggawa.
A. Oras B. Kasipagan C. Pagtitipid D. Pagpupunyagi
47. Ano ang ibig sabihin ng “Manana Habit”?
A. Kasipagan C. Mataas na tiwala sa sarili
B. Pagpapaliban sa Paggawa D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
48. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maging mas makatarungan MALIBAN SA:
A. Iwasan ang kasakiman
B. Iwasan ang diskriminasyon
C. Iwasan ang galit sa lipunan
D. Maging makasarili
49. Siya ang sumulat ng librong “Laborem Exorcens” nong 1981.
A. Dr. Manuel Dy Jr. B. Max Scheler C. Pope John Paull II D. Andre Sponville
_______ 50. Ang kasipagan, tiyaga, masigasig, malikhain at disiplina sa sarili ay nabibilang sa anong katangian ng
paggawa?
A. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
B. Nagtataglay ng Positibong Kakayahan
C. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos
D. Pinamamahalaan ang Wastong Paggamit sa Oras

Prepared by: Reviewed and Checked by: Noted:


Ellen Joy M. Dalit Catherine B. Fontillas Emelyn C. Lacerona
Teacher-I Head Teacher-I Principal-I

ANSWER KEY: ESP 3RDQ


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

1. A
2. D
3. D
4. A
5. A
6. D
7. C
8. D
9. A
10. C
11. A
12. C
13. B
14. A
15. C
16. C
17. B
18. D
19. A
20. C
21. A
22. D
23. A
24. C
25. A
26. C
27. B
28. BONUS
29. C
30. B
31. A
32. D
33. D
34. A
35. D
36. D
37. B
38. A
39. B
40. B
41. A
42. B
43. C
44. D
45. A OR C
46. A
47. B
48. D
49. C
50. A

You might also like