You are on page 1of 2

ESP 9 LEARNING ACTIVITY SHEET 6

Quarter 2

Name: ______________________________________ Date: ______________________


Section & Grade Level: _________________________ Score: _____________________

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


ESP 9
FEBRUARY 8-12, 2021

Learning
Day & Time Learning competency Learning Tasks Mode of Delivery
Area
Feb. 8, 1.Napatutunayan na sa ESP9 Module –
2021 pamamagitan ng paggawa, Week 6, Gawain Modular Distance
MONDAY nakapagpapamalas ang tao ng mga 4-6 pp. 28-30 Modality
pagpapahalaga na makatutulong
1:00-2:00
upang patuloy na maiangat, bunga Activity Sheet on Personal
ng kanyang paglilingkod, ang antas Pagpapahalaga submission of the
kultural at moral ng lipunan at sa Paggawa parents/guardian or
makamit niya ang kaganapan ng cluster volunteer to
ESP 9 kanyang pagkatao. the teacher in the
2.Nakabubuo ng sintesis tungkol sa school grade level
kabutihang naidudulot ng paggawa hub.
gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa
taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang
kurso o trabahong teknikal-
Bokasyonal

Title of the Activity: Pagpapahalaga sa Paggawa


Learning Competency:
1.Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng
lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao.
2.Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o
trabahong teknikal-Bokasyonal

GAWAIN 1: Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:
a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
2. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang
pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din
siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng
isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang silid
para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa
lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa
paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador.
Iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at
hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.

Prepared by:
Ma Lourdes O. Moredo ____________________________________
Mathematics Teacher Parent’s Signature
3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa pangungusap ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
5. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng
kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat
sa yari ng mga damit ng mga banyaga
c. Si Romeo na nag-e-export ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na
inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo
6. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
8. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. sa prosesong pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. sa kalidad ng produktong nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. sa katotohanang ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan
niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang
kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapang kinakailangan sa pagpapayaman ng
paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang
ng tao ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kanya ng kanyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang
lahat ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.

Prepared by:
Ma Lourdes O. Moredo ____________________________________
Mathematics Teacher Parent’s Signature

You might also like