You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas
Batangas City

3rd SUMMATIVE TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
S.Y. 2021 - 2022

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga nakasaad. Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay gawain ng tao na maaaring ginagamitan ng pisikal o mental na lakas na naglalayon na makabuo ng isang produkto na
makatutulong sa pag-unlad.
a. paggawa b. kilos c. trabaho d. dignidad

2. Sino ang nagsabi na ang paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o
kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos?
a. Pope John Paul II b. Juan Pablo c. Max Scheler d. Sto. Tomas de Aquino

3. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

4. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili

5. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa
bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit

6. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


a. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugugol upang malikha ang isang produkto
d. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

7. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang
makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman
ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral
sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at
pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

8. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:


a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi
lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong
pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya
na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga
magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho
rito ng ilang taon.

9. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga
banyaga
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong
mundo

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.

II. Panuto: Sa iyong sagutang papel, kilalanin kung ang mga nakasaad ay nagtataguyod ng dignidad ng tao sa paglilingkod. Lagyan ng
tsek ( / ) ang bilang na nagpapakita nito.

11. Bagamat pagod na sa trabaho si Leila bilang nurse ng isang ospital ay sinisikap pa rin niya na maalagaan ang kaniyang mga
pasyente sa abot ng kaniyang makakaya.
12. Dahil hindi ganoon kalaki ang suweldo bilang janitor, si Mang Ben ay madalas magpahinga sa trabaho dahilan upang siya ay laging
sitahin ng kaniyang manager.
13. Bilang guro ay ibinibigay ni Sir Jomar ang lahat ng kaniyang magagawa upang matulungan na maunawaan ng kaniyang mga mag-
aaral ang kanilang aralin.
14. Inuna ni Joy ang paglalaro ng online games bago niya ginawa ang iniutos na gawaing bahay ng kaniyang ina.
15. Nag-overtime sa trabaho si Teresa sapagkat nais niyang matapos ang mga deadline bago ang itinakdang oras.

III. Panuto: Magbigay ng limanh (5) halimbawa ng mga pangyayari o senaryo na nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kaniyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at nakakamit ang
kaganapan ng pagkatao.

16 – 20. Halimbawa ng mga Pagpapahalaga sa Paggawa

Prepared by: Checked by:

PRINCESS GERELYN D. VARGAS IRENE D. NORIEGA


ESP Teacher ESP Coordinator

Noted by:

APOLONIA MARITES O. HERNANDEZ


Master Teacher I

Approved:

SALLY M. EVANGELISTA
Principal III
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL

Two-way Table of Specification


3rd SUMMATIVE TEST in ESP 9
2021-2022

Level of Behavior (RBT) and Item Placement


Instructional Number % of
MELC (based on R.M. No. 306, s. 2020)
Time (h) of Items Items
R U Ap An E C

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang


2 10 50% 1–2 8 – 10
tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod 3-7

Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa,


nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng
2 10 50% 11 – 15 16 – 20
kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng
lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang
pagkatao.

Total 4 hrs. 20 100% 2 5 0 8 0 5

Scoring 1 pt. each 2 pts. each

Total Number of Points 33 pts. 2 5 0 16 0 10

Prepared by: Checked by:

PRINCESS GERELYN D. VARGAS IRENE D. NORIEGA


ESP Teacher ESP Coordinator

Noted by: Approved:

APOLONIA MARITES O. HERNANDEZ SALLY M. EVANGELISTA


Master Teacher I Principal III

You might also like