You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagapakatao 9
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?


A. ang pagtulong sa paaralan
B. ang pagpatayo ng mga pampublikong gusali
C. ang pag kupkop sa mga dukha
D. ang pagtulong ng pamahalaan sa pamayanan

2. Anong dahilan kung manatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________.
A. kontribusyon C. pagmamahalan
B. gampanin D. katalinuhan

3. Alin ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan?


A. kabuuan ng dignidad
B. kabutihang-panlahat
C. kaangkupan sa iba
D. may takot sa batas

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin para sa mga Out of School Youth?
A. Hikayatin silang mag-aral sa pamamagitan ng ALS program.
B. Imungkahi sa kanila na makilahok sa panlipunang protesta.
C. Hikayating mag apply ng trabaho sa ibang bansa.
D. I-suggest na makilahok sa pang komunidad na gawain.

5. Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?


A. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
B. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
C. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng pagkakaisa.
D. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.

6. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng komunidad?


A. pamilya C. paaralan
B. simbahan D. bansa

7. Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moral sa mga kabataan?


A. Hikayating sumali sa mga paligsahang lokal.
B. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay.
C. Gabayan na mag-aral sa semenaryo.
D. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampolitikang adhikain.

8. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?


A. institusyong pinapairal ng batas
B. Institusyong binubuo ng prinsipyong pulitikal
C. isang pangkat na nag-uugnayang tao
D. isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?


A. paaralan C. bahay-aliwan
B. pamilya D. simbahan

10. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang _________.
A. kabutihan para sa sarili
B. kabutihan para sa iba
C. kakainin sa susunod na araw
D. maka-mundong gawain

11. Aling pagkilos ang nagpapakita ng mahusay na daloy ng pamamahala sa isang lipunan?
A. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
B. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
C. sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
D. pagkilos para lamang sa mga namumuno sa bayan

12. Saan maaaring ihambing ang isang pamayanan?


A. Pamilya C. organisasyon
B. barkadahan D. magkasintahan

13. Ano ang pinagbabatayan upang maging isang pinuno ang isang indibidwal?
A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
B. kakayahang gumawa ng batas
C. angking talino at kakayahan
D. pagkapanalo sa halalan

_____________________________________________________________________________________________
BALETE INTEGRATED SCHOOL Together We
Can Make Things Happen
Balete, Batangas City
School ID: 301470
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City
14. Sino ang isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
A. Ninoy Aquino C. Malala Yuosafzai
B. Martin Luther King D. Nelson Mandela

15. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, mga nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na pinagbabahaginan sa
paglipas ng panahon ng isang pamayanan?
A. politika C. pamayanan
B. kultura D. panlipunan

16. Ang sumusunod ay ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa:


A. pagkakaroon ng kaalitan C. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
B. bayanihan at kapit-bahayan D.pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

17. Alin ang HINDI halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity?


A. pagsisingil ng buwis
B. pagbibigay daan sa Public Bidding
C. pagsasapribado ng mga gasolinahan
D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

18. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng mamamayan?
A. batas C. kabataan
B. mamamayan D. pinuno

19. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning
ito?
A. lipunang politikal C. komunidad
B. pamayanan D. pamilya

20. Alin ang kinikilala na tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika?


A. mamamayan C. pinuno ng simbahan
B. pangulo D. kabutihang panlahat

21. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


A. Sa ganitong paraan natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

22. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang-pantao
D. ingatan ang interes ng marami

23. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan
D. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga bata.

24. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
A. Iba-iba ang ating kakayahan.
B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
C. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
D. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa

25. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. batas C. kabataan
B. pinuno D. mamamayan

26. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na ___________.


A. Walang nagmamalabis sa lipunan.
B. Ang lahat ay magiging masunurin.
C. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
D. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

27. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
A. pag-unlad C. kabutihang panlahat
B. pagkakaisa D. pagtataguyod ng pananagutan

28. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
A. Pangulo
B. Mamamayan
C. pinuno ng simbahan
D. kabutihang panlahat

_____________________________________________________________________________________________
BALETE INTEGRATED SCHOOL Together We
Can Make Things Happen
Balete, Batangas City
School ID: 301470
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City
29. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman
kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
C. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya
nararamdaman ang labis na kasiyahan.
D. Lahat ng nabanggit

30. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


A. magdudulot ito ng kasiyahan
B. makapagpapabuti sa tao
C. ito ay ayon sa mabuti
D. walang nasasaktan

Prepared by: Checked by: Noted:

WILLIAM R. DE VILLA MARITES APOLONIA O. HERNANDEZ DEMETRIA P. ANDAL


Teacher III Master Teacher I Officer in Charge

_____________________________________________________________________________________________
BALETE INTEGRATED SCHOOL Together We
Can Make Things Happen
Balete, Batangas City
School ID: 301470

You might also like