You are on page 1of 4

Department of Education

REGION III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
MALINO INTEGRATED SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9

Pangalan:____________________________________ pangkat:_____________ petsa:_______________ marka:_______


Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat bilang.

Para sa bilang 1-4, tukuyin kung aling elemento ng kabutihang panlahat ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin mula sa
tatlong pagpipilian ang titik ng tamang sagot at isulat bago ang bilang.
a. paggalang sa indibidwal na tao b. tawag ng katarungan o kapakanang c. Ang kapayapaan
panlipunang panlahat
1. Si Joel ay isang volunteer teacher na nagtuturo sa mga batang lansangan kung paano bumasa, sumulat at
magbilang.
2. Kung mapapansin, isa ang barangay Malino sa mga pinakamalinis na barangay sa siyudad ng San Fernando.
Madalang lang din ang kaguluhan sa lugar na ito kaya isa ito sa mga lugar na magandang tirhan.
3. Sinisikap ng pamahalaan na bigyan ng barangay Health Stations ang bawat barangay upang mailapit ang
serbisyong pangkalulsugan sa lahat ng mamamayan sa bansa.
4. Isa sa mga programa ng pamahalaan ay ang libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga State Universities sa bansa

Para sa bilang 5-7, basahin ang kasunod na teksto. Pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na katanungan.
Si Kapitan Tanos ay ang kasalukuyang kapitan ng Baranggay Nagkaisa. Bilang pinuno, hangad niya ang mabuting
buhay para sa kaniyang mga nasasakupan kaya naman, kasama ng kanyang mga katuwang sa pagpapalakad ng
baranggay, ay naglunsad sila ng iba’t-ibang programa gaya ng livelihood program, health services, tulong para sa paaralan
at mga mag-aaral, clean-up drive at marami pang iba. Sakop ng health services at livelihood program ang lahat ng
miyembro ng baranggay. Bilang kapalit nito ay hiling ng baranggay na lahat ay sumali sa tuwing may clean up drive.
Subalit, marami sa mga ito ay hindi pumupunta. Dahil dito, maging ang ibang tao na dating tumutulong ay nawalan na ng
gana at nahinto ang programa.
5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan kay Kapitan Tanos?
a. Si Kapitan Tanos ay masipag na Lider ng baranggay
b. Si Kapitan Tanos ay may pinapanigan sa pagtulong
c. Si Kapitan Tanos ay kumikita sa kanyang mga proyekto
d. Lahat ng nabanggit
6. Maganda ang intensiyon ni Kapitan Tanos para sa kaniyang nasasakupan, ngunit, sa dami ng kaniyang proyekto,
ilan dito ay hindi naisakatuparan. Isa dito ay ang hindi pagtulong ng mga taong inaasahang tumulong lalo na yung
mga nakinabang sa livelihood at health services ng baranggay. Aling hadlang sa kabutihang panlahat ang ipinakita
sa sitwasyon?
a. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
b. Ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin
c. Pakiramdam na sila ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagawa ng iba
d. Lahat ng nabanggit
7. Dahil sa nangyaring hindi pagsipot ng ilang residente, naramdaman ni Aling Maring na parang hindi patas ang
nangyayari kaya nung sumunod na clean up drive ay hindi na sila sumipot. Aling hadlang ang ipinakita rito?
a. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
b. Ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin
c.Pakiramdam na sila ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagawa ng iba
d. Lahat ng nabanggit
8. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kng ano ang magagawea
mo para iyong bansa”. Ang pangungusap ay:
a. tama dahil, responsibilidad ng bawat indibidwal na pagsilbihan ang bayan
b. tama, dahil tanging ang mga mamamayan lamang ang may kapangyarihan na mapaunlad ang bansa
c. mali, dahil responsibilidad ng pamahalaan na pagsilbihan ang mga mamamayan
d. mali, dahil tanging pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na mapaunlad ang bansa
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lpunan
c. mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. mali dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
a. tama, dahil ito angmahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas
c. mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo
ang kabutihang indibidwal
d. mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat.
11. Bilang isang mag-aaral, papaano ka makakatulong sa proyektong pangkabuhayan ng iyong baranggay?
a. Magbigay ng donasyon upang magkaroon ng pondo ang baranggay
b. Maglaan ng oras upang makatulong sa mga proyekto ng baranggay gaya ng information drive
c. Magvolunteer sa pamimigay ng relief goods sa mga mahihirap na mamamayan
d. Lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ihambing sa isang pamayanan?
a. pamilya c. organisasyon
b. barkadahan d. magkasintahan
13. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
a. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. sabay
d. mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
14. Alin sa mga sumusunod ang sinasabing may hawak ng tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan?
a. mga batas c. mamamayan
b. kabataan d. pinuno
15. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang nagsasaad ng paraan kung paano nagiging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas
16. Sino sa mga sumusunod ang sinasabing tunay na BOSS ng isang lipunang pampolitika?
a. mamamayan c. pangulo
b. pangulo at mamamayan d. halal ng bayan
17. Ito ay ang tumutukoy sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayan
upang higit na matupad abng layunin nito.
a. lipunang pulitikal c. pamayanan
b. komunidad d. pamilya

Para sa bilang 18-20, tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang ipinapakita ng bawat
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
a. nasusunod ang subsidiarity c.hindi nasusunod ang subsidiarity
b. nasusunod ang solidarity d. hindi nasusunod ang solidarity
18. Nagkaroon ng alitan ang magkapitbahay na si Josie at Inday. Dahil sa hindi na sila maawat ay dinala na sila sa
mga purok lider upang sila na ang mamagitan sa kanilang away.
19. Hindi magkasundo ang baranggay tungkol sa polisiya ng pagtatayo ng isang MRF malapit sa Eskwelahan.
20. Matapos ang pagpupulong ng Kapitan, Kagawad at ng mga purok leaders, nagkaroon sila ng kasunduan na
paiigtingin na ang pagpapatupad sa curfew lalo na sa mga kabataan
21. Ang mga sumusunod ay ang pangangailangan ng tao na hindi niya makakamit kung wala ang pamahalaan maliban
sa isa. Alin ito?
a. pangangailangang pangkabuhayan c. pangkultural
b. pangkapayapaan d. pagkain sa araw-araw
22. Alin ang umiiral sa isang pamayanang sinusunod ang subsidiarity?
a. paghihintay ng utos mula sa nasa itaas bago gawin ang isang bagay
b. limitasyon sa mga bagay na maaaring gawin ng isang indibidwal
c. walang pananagutan ang nasa mababang antas
d. pagsaalang-alang ng dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan
23. Bakit kailangang makibahagi ng bawat indibidwal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang uri ng
pamumuhay ng bawat isang kasapi nito?
a. dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan
b. dahil inaatasan siya ng pamahalaan na maging bahagi nito
c. dahil wala siyang karapatang tumanggi sa utos ng mga pinuno
d. dahil kailangan niyang bayaran ang serbisyong kaniyang nakukuha sa pamahalaan
24. Saan nag-uugat ang paniniwalang “ Ang tao ay pantay-pantay”?
a. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
c. Lahat ay iisa ang mithiin
d. Likha ang lahat ng Diyos
25. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
26. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya
itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit
27. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa
kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
28. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan
29. Bahagi ng pagiging tao ng isang tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating
katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ano ang nais ipahiwatig ng salaysay?
a. Hindi lahat ng tao ay kayang maging isang news reporter
b. Ang maliit na tao ay kayang sumabak sa basketball basta siya ay masipag pag practice
c. Lahat ng tao ay may potential sa pagkanta
d. Walang hindi nakukuha sa pageensayo
30. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa “bukod tangi mong paraan”?
a. Ito ay ang bagay na mayroon ka na wala sa iba
b. Ito ay ang bagay na magpapaiba sa iyo sa pangkat o organisasyong kinabibilangan mo
c. Parehong a at b
d. Wala sa nabanggit

Para sa bilang 31-33, Piliin mula sa kahon kung alin mga maaaring idulot ng magandang ekonomiya. Isulat
ang sagot pagkatapos ng bilang.
Hanap buhay para sa mga tao murang bilihin mataas na sahod

Maayos na serbisyo ng pamahalaan subsidy para sa mga mahihirap na pamilya

Libreng pabahay libreng tuition fee mababang employment rate

31. __________________
32. __________________
33. __________________
34. Paano masasabing mabuti ang ekonomiya?
a. Ang mabuting ekonomiya ay nagbibigay daan para lumago ang kayamanan ng isang tao
b. Mabuti ang ekonomiya kung ito ay nakatutulong sa mga mahirap para sa kanilang mapngangailangan
c. Mabuti ang ekonomiya kung magkakalapit ang agwat ng pamumuhay ng mga tao
d. Masasabing mabuti ang ekonomiya kung nanatili ang balanse ng mga mahihirap at mayayaman
35. Para kanino nga ba ang ekonomiya?
a. negosyante
b. mahihirap
c. manggagawa
d. lahat ng nabanggit
36. Sa pag-aaral sa ekonomiya, alin sa mga sumusunod ang pinaka kailangang pagtuunan ng pansin?
a. kakapusan c. pangangailangan at kagustuhan
b. alokasyon d. produksiyon

Para sa bilang 37-39, magbigay ng mga patunay ng pagkakaroon ng lipunang ekonomiya sa baranggay ng
Malino.
37. ___________________
38. ___________________
39. ___________________

Para sa bilang 40-42, piliin mula sa kahon ang mga maaaring ituring na lipunang sibil. Isulat ito sa patlang
pagkatapos ng bilang.

Media Butil Party List simbahang katolika Department of Health

Department of Education Miss World Foundation City Government of San Fernando

40. ___________________
41. ___________________
42. ___________________
43. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
a. Iba’t-iba tayo ng mga kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
44. Bakit gumagawa at nagpapatupad ng batas ang pamahalaan?
a. upang tiyaking lahat ay magiging masunurin
b. upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat
c. upang bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
d. upang walang magmalabis sa lipunan
45. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
46. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi layunin ng lipunang sibil?
a. pang-ekonomiyang pag-unlad
b. gender equality
c. libreng pabahay
d. pangangalaga sa kalikasan
47. Bakit tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?
a. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
c. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
d. Ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.
48. Alin sa mga sumusunod ang bunga ng ating pananatili sa isang institusyong panrelihiyon?
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
Para sa bilang 49-50, magbigay ng paraan kung paano makikilahok ang isang mag-aaral sa isang lipunang
sibil upang makamit ang nais na pagbabago.
49. ____________________________________________________________________________________________
50. ____________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:
Kim Harold Mallari

You might also like