You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

4
EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN- EPP
(ICT)
Ikalawang Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (ICT) – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Meriam Carmen M. Cotejo, Michelle DR. Tejada, Roanne Mae S. Mangali,
Alvin Q. Fontanilla, Anna Liza B. Quinton, Jazmin C. Balangue, Maria Angeline Delos
Santos, Reynaldo E. Mateos
Editor: Meriam Carmen M. Cotejo, Maria Angeline Delos Santos
Tagasuri: Meriam Carmen M. Cotejo, Maria Angeline Delos Santos
Tagaguhit: Eric De Guia – BLR Production Division , Anna Liza B. Quinton, Jazmin C.
Balangue, Maria Angeline Delos Santos, Reynaldo E. Mateos
Tagalapat: Meriam Carmen M. Cotejo, Anna Liza B. Quinton
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS/EPP-TLE-TVL
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: navotas.city@deped.gov.ph
____________________________________________
Nilalaman

Subukin .......................................................................................1

Modyul 1......................................................................................2

Modyul 2......................................................................................8

Modyul 3......................................................................................12

Modyul 4......................................................................................16

Modyul 5......................................................................................20

Modyul 6......................................................................................26

Modyul 7......................................................................................30

Modyul 8......................................................................................34

Tayahin .......................................................................................42

Susi sa Pagwawasto......................................................................44

Sanggunian ………………………………………………………………46
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. May puwesto sa loob ng isdaan ng palengke ang inyong pamilya at minsan ikaw
ang pinagbantay ng iyong nanay, nakita mong mali ang timbangan ninyo ng isda,
ano ang dapat mong gawin?
a. Magsawalang kibo sa iyong nakita
b. Magkunwari na hindi mo alam para kumita ng mas malaki
c. Ayusin ang timbangan upang maging patas sa mga mamimili
d. Itago ang timbangan sa lugar na hindi makikita ng mga mamimili

2. May isa kang bagong mamimili ng itlog nais daw niyang malalaki ang iyong ibigay
sa kanya, nagdesisyon siya na babalikan na lamang ang kanyang pinamiling
itlog. Paano mo maipapakita na ikaw ay may mabuting katangian ng isang
entrepreneur?
a. Tama ang bilang at laki ng itlog kahit hindi nakikita ng mamimili
b. Samahan ng basag na itlog at magkunwaring aksidente ang pagkabasag
ng itlog
c. Singilin ng dagdag presyo ang mamimili dahil malalaki lahat ang nais
niyang itlog
d. Piliin ang malalaking itlog at samahan ng maliliit sa gitna para hindi halata
ng mamimili

3. Ang pamilya ni Jose ay naninirahan malapit sa karagatan. Ano sa tingin ninyo


ang maaring hanapbuhay ng kanyang ama?
a. pagsasaka c. pangingisda
b. pangangaso d. pagkakaingin

4. Nagsara ang damitan nila Shiela dahil sa pandemic. Magaling siya sa paggamit
ng social media gaya ng Facebook. Ano ang maari niyang gawin upang magamit
ang kanyang kaalaman para kumita?
a. mag-online selling
b. maghintay matapos ang pandemic
c. ibenta ng palugi ang mga paninda
d. mamuhunan sa ibang produkto

5. Ito ay dinisenyo upang makasira ng computer.


a. Software c. Malware
b. Application d. Internet

1
6. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang
dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan
ng hindi naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service
Provider.
d. Upang masiguro na kahit mga kaibigan mo ay makakasali sa usapan.

7. Ito ay elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application


software. Maaari itong maipadala sa pamamagitan ng e-mail o isang koneksyon
sa network, paglipat sa flash drive at hard drive.
a. hard copy c. soft copy
b. network d. xerox
8. Alin sa mga ito ang software na nilikha ng Microsoft Corporation na naglalaman
ng spreadsheet?
a. Microsoft Excel c. Microsoft Publisher
b. Microsoft Word d. Microsoft PowerPoint
9. Anong button ang iki-click ni Roberto kung nais niyang sagutin ang email ng
kanyang guro?
a. Message c. Drafts
b. Reply d. Done
10. Si Danilo ay nasa ika-apat na baitang at inatasan ng kaniyang guro sa EPP upang
gumawa ng isang dokumento na may lamang graph, tables, larawan at mga
paliwanag hinggil sa kanilang proyekto sa pagtitinda. Ano sa mga sumusunod na
computer software ang maari niyang gamitin
a. Publishing Tool c. Spreadsheet Tool
b. Photo Editing Tool d. Word Processing Tool

MODYUL 1

Ang mga aralin sa module na ito ay dinisenyo at nilikha ng may pagsasaalang-


alang sa iyong kakayahan para matuto bilang mag-aaral. Maingat ang pagtalakay
sa mga lugar, bagay, kaugalian, relihiyon at kultura na pinahahalagahan at
kinamulatan ng inyong pamilya at sa inyong pamayanan. Sa aralin ito ay
Maipaliliwanag mo ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship” upang
makatulong sa pagsisimula ng isang negosyo.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin


Pamantayan sa Pagkatuto:
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagahan ng “Entrepreneurship”

2
LC. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”
EPP4IE-0a-1
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● natatalakay ang katangian ng isang entrepreneur
● naiisa-isa ang pamamaraan sa pagbebenta ng produkto
● naipagmamalaki ang mga katangian ng isang entrepreneur
● nakikilala ang sariling kakayahang magagamit sa paghahanapbuhay

Aralin Kahulugan at Kahalagahan ng


1 “Entrepreneurship”
Sa modyul na ito, ating tutuklasin ang iyong mga talento at kakayahan. Ating
aalamin ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”
Mahalaga rin nating malaman kung paano paunlarin ang ating kaalaman sa
pagnenegosyo na naiiba sa iba. Maging malikhain at mag-isip ng mga ikauunlad ng
ating bansa at kapakipakinabang na siyang magagamit sa mga pang araw araw
nating pamumuhay. Laging tandaan kung paano pa natin mas mapapaunlad ang
ating pamumuhay na hindi nanlalamang ng kapwa tao.

Panuto: Basahing mabuti upang maunawaan ang layunin sa araling ito.

⮚ Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na entreprende na


nangangahulugang “isagawa.”

⮚ Ang entrepreneur ay isang tao o indibidwal na nagsasaayos , nangangasiwa


at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

Kung nagnanais kang maging isang entrepreneur dapat ikaw may may
determinasyon at kaalaman sa negosyo,at marketing skills upang maging
matagumpay.siguraduhing ang mga produkto at serbisyo ay
kapakipakinabang upang masigurado na kikita ka.

Mga kahalagahan ng entrepreneur:


✔ Ang mga entrepreneur ay nakapagbibigay ng mga bagong hanapbuhay.
✔ Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa
pamilihan.
✔ Ang mga entrepreneur ay nakakadiskubre ng mga makabagong paraan
na magpahusay g mga kasanayan.

3
✔ Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng makabagong teknolohiya,
industriya at produkto sa pamilihan.
✔ Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng
produksiyon tulad ng lupa,paggawa, at puhunan upang makalikha ng
produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.

⮚ Katangian ng entrepreneur
Ang pamamahala ng negosyo bilang entrepreneur ay
✔ handang makipagsapalaran
✔ matatag na loob
✔ may tiwala sa sarili
✔ kakayahan sa pagpaplano
✔ magaling gumawa ng desisyon
✔ masipag sa pagtatrabaho
✔ masigasig
✔ marunong lumutas sa suliranin

⮚ Ang isang entrepreneur ay napapaunlad ang pamamahala, nauunawaan ang


pangangailangan ng mga tao at handang tumulong sa pamamagitan ng
kaniyang negosyo. Siya ay hindi mapagsamantala sa pagtataas ng presyo ng
paninda. Bagkus siya ay naglilingkod sa mga nakakababa sa buhay.

⮚ Sa pangangasiwa ng negosyo,kailangang may kasanayan at kaalaman sa


produktong ipinagbibili. Ang pagtitinda ay maaaring simulan sa maliit na
puhunan. Ang maliit na tindahan ay maliit din ang naukol na pamamalakad.
Kung malugi ka man ay maliit din ang epekto nito. Ang pagtitipid ay isa ring
katangiang dapat taglayin. Kasama rito ang paggamit ng ilaw at tubig.
Kailangang magtipid at magkaroon ng malasakit sa tindahan.

MGA GAWAIN KAUGNAY SA PANGANGASIWA NG


TINDAHAN

Magiging madali ang pangangasiwa ng tindahan bilang entrepreneur kung


susundin ang sumusunod na gabay:
1. Linisin ang loob at labas ng tindahan, gayundin ang eskaparate, garapon,
at iba pang lalagyan.
2. Ayusin ang paninda ayon sa uri ng madaling makita at makuha kapag
may bumibili.
3. Tiyaking malinaw ang pagkakasulat ng presyo ng paninda.
4. Kung pagkaing luto ang ititinda, lagyan ng takip upang hindi dapuan ng
langaw at malagyan ng alikabok.
5. Magbigay ng tamang sukli at pagkukuwenta sa mga binili.
6. Maging matapat sa pakikipag-usap sa mamimili at ipamalas ang maayos
na serbisyo.

4
PAGTATALA NG MGA PANINDA

Para umasenso ang negosyo, kailangan ng maingat, at maayos na pagtatala


ukol dito. Ang mga talaang dapat isagawa ay ang sumusunod:
a. Talaan ng pagbibili. Makikita sa talaang ito ang mga panindang mabilis
na nabibili o nauubos.
b. Talaan ng mga binibiling paninda. Ito ay talaan ng mga panindang
napamili at mga panindang laging binibili.
c. Talaan ng mga panindang di nabibili. Nalalaman dito ang mga
panindang nakaimbak at hindi mabili.

PAGTITINDA NG MGA PRODUKTO

Tandaan:

Maraming katangian ang dapat taglayin ng isang mahusay na entrepreneur. Isa


rito ang makapagbigay-saya sa mga mamimili kapag sila ay nasiyahan sa iyong
produkto at serbisyo. Dadami ang magtatangkilik sa iyo. Madaling ipagbili sa
mataas na halaga ang mga produkto kung mataas ang uri nito. Mahalaga ang
pagiging entrepreneur sa pag-unlad ng kabuhayan.

Ang mga produkto ninyo ay maaaring


maipagbili sa mga kaibigan,kamag-aral, guro,
kapitbahay, at magulang. Ang kasanayan at
kaalaman ay malilinang tungo sa wastong paraan
ng pagtitinda.
Ang mga produktong nagawa ay maaaring ilagay
sa estante nang madaling makita ng mga nais
bumili.Gumawa ng patalastas ukol sa produktong nais ipagbili. Ang
salaping kinita ay magagamit sa pangangailangan sa paaralan. Ang
nalinang na karanasan sa pagtitinda ay makatutulong sa kakayahan
kung nais magnegosyo.
Tingnan ang isang surbey sa Pamilihan sa Agora Market ng Navotas. Bigyang pansin
ang mga nakatalang paninda at mga produkto sa pamilihan. Tingnan at suriin ang
sumusunod na tala.
PAMANTAYANG
BAGAY PRODUKTO HALAGA
SUKAT

Manok itlog dosena P 175

karne kilo 190

paa kilo 150

ulo kilo 90

bituka kilo 90

dugo kilo 70
Dilis bagoong bote 100

5
Basahin ang talaan ni Mang Nestor sa paraan ng pagbebenta ng mga produkto.

⮚ ITLOG ng itik, manok, at pugo ipinagbibili ng por


dosena
▪ Pinagbubukod-bukod ayon sa laki
▪ Inilalagay sa basket o trey
▪ Maaaring ipagbili nang lansakan
kung marami
⮚ GATAS
▪ Pinakukuluan bagi ilagay sa
malinis na bote
▪ Kailangang walang mikrobyo ang
gatas
▪ Ipinagbibili ng nakabote
⮚ KARNE NG BAKA ipinagbibili ng por kilo

▪ Maaari ding ipagbiling buhay


▪ Iniluluwas sa pamilihang bayan
▪ Ang baka o kambing ay
ipinagbibili nang lansakan kung
maramihan
▪ Ang karne ay inilalagay sa palamigan upang manatiling
sariwa
PAMAMAHALA NG PRODUKTO

✔ Maaaring ipagbili kung sobra


✔ Pangasiwaan nang wasto at maayos ang produkto
✔ Panatiliing mahusay at mataas ang uri ng produkto
✔ Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang hindi malugi

PAG-IINGAT SA IPINAGBIBILING PRODUKTO

✔ Husto ang timbang


✔ Nabayaran ang buwis
✔ Walang sakit
✔ Nasuri ng inspector pangkalusugan

6
Panuto: Isulat ang mga nawawalang titik sa loob ng kahon upang mabuo ang mga
kahalagahan ng entrepreneurship.Basahin ng patula.

1. Gaano man kahirap ako ay magsisikap upang maabot lahat ng pangarap


d e t r m n s y n

2. Pag-aaralan ko tungkol lahat sayo, magsasaliksik ako upang


pagtagumpayan ko
k a l m a
s
n g o s o

3. Lahat ng bagay hindi masasayang, maliit man o malaki aking iingatan

k p a k p a k n a b n g

4. Ito ay kapakipakinabang , dahil dito akoy hindi tambay , kumikita ako sa


araw-araw, kaya laging may pasalubong sa aking may bahay.
h n a p u h y

5. Ito’y nakatutulong sa pag-unlad ng ating bansa kaya laking pasasalamat sa


ating lumikha
b g o n
t e k o l h y a

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga katangian ng isang mahusay na


entrepreneur.

Katangian na dapat
taglayin ng isang
mahusay na
ENTREPRENEUR

7
MODYUL 2

Ang mga aralin sa module na ito ay dinisenyo at nilikha ng may pagsasaalang-


alang sa iyong kakayahan para matuto bilang mag-aaral. Maingat ang pagtalakay
sa mga lugar, bagay, kaugalian, relihiyon at egosyoa pinahahalagahan at
kinamulatan ng inyong pamilya sa inyong komunidad. Sa araling ito ay
matatalakay ang ibat-ibang uri ng egosyo na naaayon sa pangangailangan mo, nang
iyong pamilya, at mga taong nakatira sa inyong komunidad.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin.
Aralin 1: Iba’t-ibang uri ng Negosyo.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang ibat-ibang uri ng negosyo.
EPP4IE-Ob-4
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na egosyo, kakayahan at pag-unawa:
● natutukoy ang mga uri ng negosyo sa pamayanan;
● naibabahagi ang sariling karanasan sa pagbili;
● nasasabi ang salitang may kaugnayan sa personal touch.

Aralin
2
Iba’t-ibang Uri ng Negosyo
Sa modyul na ito, ating tutuklasin ang iyong mga egosy at kakayahan. Ating
aalamin ang iba’t-ibang uri ng egosyo.

Mahalaga rin nating malaman kung paano paunlarin ang ating egosyo sa
pagnenegosyo na hindi kapareho sa iba. Maging malikhain at mag-isip ng mga
maaaring pagkakitaan na makakatulong egosy-unlad ng ating bansa. Mga bagay na
kapakipakinabang na siyang magagamit sa mga pang araw araw nating
pamumuhay. Laging tandaan kung paano pa natin mas mapapaunlad ang ating
pamumuhay ng matapat at hindi nanlalamang ng kapwa tao.

Mga uri ng negosyo:


a. Suriin ang mga larawan, alamin kung anong negosyo ang madaling
pagkakitaan sa inyong pamayanan.

8
b. May kakilala ka ba na kapareho ng mga negosyo na nasa ibaba?

Produkto at Serbisyo
Bilang isang entrepreneur, ikaw ay mamumuhunan sa isang negosyong gusto
mong pagkakitaan sa loob ng inyong tahanan o sa inyong komunidad.

Dalawang paraan para magkaroon ng sariling egosyo


1. Ang magprodyus ng sariling produkto
2. Ang magbigay ng serbisyo kapalit ang bayad o sweldo.

Napakahalagang malaman mo ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo upang


mapaghandaan mo ng may maingat na pagpapasya kung alin sa dalawa ang kaya
mong maialok sa mga mamimili ng naaayon sa kanilang pangangailangan at
kagustuhan.

PRODUKTO: Mga bagay na ginagawa, inaani o hinahango upang maibenta.


Mga paraan ng pagbebenta o pagbili:

a) wholesale: bultuhan o maramihan

https://snappygoat.com/free-public-domain-images-
market_bazaar_vegetables_tomatoes/cekCk3JxW-MTjuhVrjxcMEb7zsEEEWS8-
peh5TOXnVpZ.html#,0,117.47d7c8a2f8fae83e89bad43a6a068d31df7afec5

b) retail: tingian o kaunti

https://pxhere.com/en/pho
to/526424

Halimbawa ng mga taong nagbibigay ng produkto:

a) Mangingisda: nanghuhuli ng mga isda, hipon, alimasag, tahong, tulya,


talaba at iba pang mga yamang tubig.
b) Magsasaka: nagtatanim ng mga produktong pang agrikultura tulad ng
palay, gulay mga prutas at iba pa.
c) Mananahi: gumagawa ng mga damit, kurtina, kumot, punda, face mask
at iba pang tinatahi.

9
d) Tindero/tindera: mga taong bumibili o humahango ng mga paninda upang
ibentang muli.
e) Panadero: gumagawa at nagbebenta ng mga tinapay.
f) Tagaluto o cook: nagluluto ng mga ulam para ibenta.
g) Magkakarne: nagbebenta ng mga sariwang karne,tocino, longganisa,
imbutido sa mga palengke.
h) Manggagawa o factory workers: sila ang mga taong namamasukan sa mga
pabrika at gumagawa ng mga ibat-ibang produkto katulad ng sardinas,
meatloaf, cornedbeef at iba pa.
Ilan lamang sila sa mga mahahalagang tao na naglilingkod at nagbibigay sa
atin ng produkto.

SERBISYO: Ito ay paglilingkod o pagsisilbi ng naayon sa kakayahan o skills ng


isang tao. Kadalasan ay sila rin ang mga taong naglilingkod sa atin ng may “personal
touch”. Katulad na lamang ng isang guro na bumibisita sa bahay ng kanyang
estudyante para kamustahin kung bakit hindi nakakapasok, mga tricycle driver na
tumutulong magbuhat sa kanyang mga pasahero. Mga doctor at nurse na
nagkakalinga sa atin kung tayo ay may sakit at iba.

Halimbawa ng mga taong nagbibigay ng serbisyo na may personal touch:

a) guro: naglilingkod para magturo sa mga bata


b) egosy: nangagamot ng mga may sakit
c) pulis: nangangalaga sa kapayapaan
d) egosyo: nagnonotaryo at nagsasaayos ng mga dokumento,
sinasanguni ang mga pangangailangang may kinalaman sa batas.
e) egosy: nagsisilbi para manggupit
f) deliveryboy: naghahatid ng mga produkto sa bahay.
g) mekaniko: nagkukumpuni ng mga sirang gamit at makina
h) tsuper o driver: naghahatid sa pupuntahan gamit ang kanilang
sasakyan,tricycle na may motor o bisikletang padyak.
Ilan lamang sila sa mga mahahalagang tao na naglilingkod at nagbibigay sa atin ng
serbisyo.

TANDAAN: Kung nais mo na magnegosyo kahit nasa bahay lamang ay


mahalagang pag-aralan, matutunan at matuklasan mo ang mga bagay na
nakatala sa itaas. Sa ganitong pamamaraan ay hindi masasayang ang iyong
kasanayan, egosy, oras at puhunan para sa pagpapaunlad ng iyong itatayong
egosyo. Mahalagang gumawa ng talaan ng mga egosy.

10
Panuto: Pag-aralang Mabuti ang mga larawan. Mayroon bang ganitong uri ng egosyo
sa inyong komunidad? Isulat ang mga serbisyo o produktong naibibigay sa kaliwang
hanay.

Uri ng Negosyo Serbisyo o Produkto na Naibibigay

Note: Ang mga larawan ay kinuha sa stock images ng Microsoft 360

Panuto: Paghambingin ang Hanay A at B. Pagtapatin ang magkatugma. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1.karinderya a. pagupitan ng buhok
2. barber shop b.masisiguro na malinis ang
ibinebentang tubig
3.vulcanizing shop c.masasarap na tinapay
4.water refilling station d. pag-aayos ng gulong
5.panaderya e. iba’t-ibang uri ng ulam

11
MODYUL 3

Ang modyul na ito idinisenyo na naaayon sa iyong kakayahan. Ang aralin sa


modyul na ito ay naglalayong matalakay ang mga panuntunan sa paggamit ng
computer, internet at email. Gayundin ang mga iba’t ibang panganib na maaaring
maidulot ng paggamit ng mga ito.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin


Aralin 1: Mga Panuntunan sa Paggamit ng Computer, Internet
at Email
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet
at email. EPP4IE-Oc-5

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga di kanais-nais na
mga software ( virus at malware ), mga nilalaman at pag-aasal sa
internet. EPP4IE-Oc-6
● naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit in computer,
internet at email
● natutukoy ang mga uri ng malwares
● natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga computer
software.

Aralin Mga Panuntunan sa Paggamit ng


3 Computer, Internet at Email
Sa modernong panahon ngayon, ang paggamit ng computer, internet at email
ay ilan lamang sa mga paraan ng upang mapabilis ang komunikasyon. Ngunit paano
nga ba ang ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email? Anu-
ano ang mga panganib dulot ng malware at computer virus?

Sa module na ito malalaman ang ligtas at responsableng paggamit ng computer,


internet at email. Gayundin ang mga panganib na dulot ng malware at computer
virus.

12
Alamin Natin
Anu-anong mga kagamitan ang makikita mo sa iyong bahay at sa paaralan na
produkto ng makabagong teknolohiya? Sa iyong palagay, makatutulong ba ang
mga kagamitang ito? Bakit?
Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan,
kasangkapan, at teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang makakuha g
impormasyon, maproseso ito, maitago at maibahagi. Itinuturing din itong Sining at
Agham ng pagtatala ( recording ), pag-iingat ( storage ), pagsasaayos ( organizing ),
pakikipagpalitan ( exchange ) at pagpapalaganap ng impormasyon ( dissemination ).
Kasiya-siyang gawain ang paggamit ng computer, internet at email. Ngunit
may kalakip na mga salik sa paggamit ng mga ito. Ang ilan sa mga ito ay:

● Exposure o pagkakalantad ng mga di-naangkop na mteryales.

● Viruses, Adware at Spyware na maaaring makapinsala sa mga files at memory


ng computer at makasira sa maayos na paggana nito.
● Paniligalig at Pananakot o Harrassment at Cyber Bullying

● Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft

( ang larawan ang sariling likha ng may


akda)2020

13
Magkaroon ng malinaw
na patakaran ang
paaralan sa paggamit
ng computer at email
Huwag ibigay ang
Gamitin lamang ang mga
password kaninuman (
ligtas na search engines
maliban sa mga
sa internet.
magulang ) at
siguraduhing naka log- Mga Bagay na Dapat
Isaalang-alang Para sa
Ligtas na Paggamit ng
Internet
Alamin ang I-shutdown ang
pagkakaiba ng publiko computer at i-off ang
at pribadong koneksyon ng internet
impormasyon. kung tapos nang
gamitin ang mga ito.
Pumili ng password na
mahirap mahulaan at
palitan ito kung
kinakailangan.

Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung paano nagkakasakit ang
tao nang dahil sa virus, gayundin ang computer. Tinatawag itong computer virus
at malware.

ANO ANG MALWARE?

Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng


computer. Sa pamamagitan ng malware, maaaring illegal na makuha ang
sensitibong impormasyon mula sa computer.
Mga Ilang Karaniwang Uri ng Malware
Software na awtomatikong nagpe-play, nagpapakita o
Virus nagda-download ng mga anunsyo o advertisement sa
computer.
Isang nakakapinsalang program sa computer na
Worm
nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa iba
Spyware Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga
tao nang hindi nila alam.
Programa na nakakapinsala ng computer at maaaring
Adware
magbura ng files at iba pa.
Malware na nagtatala ng lahat ng pinipindot sa keyboard
Keyloggers keystrokes at ipinadadala ito sa umaatake upang magnakaw
ng password at personal data ng biktima.
Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono
Dialers gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na
internet connection.
Isang mapanirang program na nagkukunwaring isang
kapaki-pakinabang na application ngunit pipinsala ng iyong
Trojan Horse
computer.

14
Ano ang computer virus?

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira


ng lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit
at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang
walang pahintulot mula sa gumagamit o user.
Mga ilang palatandaan na ang computer ay may Virus:

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware at computer


virus sa computer:
● Pag update ng computer at software.

● Paglalagay ng anti-virus software sa computer.

● Regular na pag-iiscan ng mga dokumento.

● Pagbubukas ng mga websites na kapaki-pakinabang.

Panuto: Isulat ang TAMA sa HANAY B kung wasto ang pahayag sa HANAY A.
Kung mali naman ang isinasaad ng pahayag sa HANAY A, isulat ang iyong dahilan
kung bakit mali ang naging pahayag.

HANAY A HANAY B
1.Maaaring magbigay ng personal na impormasyon
kaninuman.
2. Gumawa ng password na madaling hulaan.
3. Magkaroon ng malinaw na patakaran sa paggamit ng
computer.
4. I-log out ang account bago i-off ang computer.
5. Gumamit ng kahit anong search engines.

15
Panuto: Gayahin ang graphic organizer sa isang papel. Isulat sa loob ng kahon
ang sagot upang mabuo hinihingi nito.

Mga bagay na dapat isaalang-alang sa ligtas na


paggamit ng computer, internet at email.

MODYUL 4

Sa paksang ito ay maipamamalas ang kaalaman at kasanayan sa


pagpapaliwanag sa paggamit ng computer, internet, at email sa ligtas at
responsableng pamamaraan at bilang mapagkukunan ng iba’t-ibang uri ng
impormasyon.
Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng
kagamitan at pasilidad sa Information and Communication Technology (ICT) katulad
ng computer, email, at internet. Kailangang mahusay na mapag-aralan ang mga
gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet, at email sa
paaralan.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin:


Aralin 1: Paggamit ng Computer, Internet, at Email sa Ligtas at
Responsableng Pamamaraan
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer,
Internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan
(EPP4IE-0d- 7 EPP4IE-0d-8)

16
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● nagagamit ang computer, Internet,at email sa ligtas at responsableng
pamamaraan

● naipaliliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer at Internet bilang


mapagkukunan ng iba’t ibang uri ng impormasyon.

Paggamit ng Computer, Internet,


Aralin
at Email sa Ligtas at
4
Responsableng Pamamaraan
Sa araling ito matututunan ninyo ang paggamit ng Computer, Internet, at E-
mail sa ligtas at responsableng pamamaraan. Dito malalaman ang ibat- ibang dapat
gawin ng mga mag aaral sa Paggamit ng Computer, Internet, at email.
Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng
kagamitan at pasilidad sa Information and Communication Technology (ICT) katulad
ng computer, email, at internet. Kailangang mahusay na mapag-aralan ang mga
gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet, at email sa
paaralan.

Basahin ang usapan ng magkakaibigang Carlo, Nilo at Jose sa ibaba.


Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

17
1. Ano ang pinag-uusapan ng magkakaibigan? Pamilyar ba kayo sa pinag-
uusapan nila?
2. Ano ang suliranin ni Carlo sa pag-uusap nilang tatlo?
3. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng computer, internet at email?
Makakatulong ba sa atin ito?
4. Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga ito? Ipaliwanag.

Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos


o impormasyon. Maaari itong gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento
na nasa anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng personal
computers, laptops, tablets, at mayroon namang mainframe computers na ginagamit
ng malalaking kompanya.
Ang Information and Communications Technology o ICT ay tumutukoy sa iba’t
ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-
imbak, lumikha, at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT ang
radyo, telebisyon, smart phones, computer, at internet.

Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa pangangalap ng iba’t


ibang uri ng impormasyon?

Sa pangangalap ng impormasyon sa internet, gumagamit tayo ng mga web


browser gaya ng Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome. Mga search
engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang binabasa natin upang mas mapadali
ang pangangalap ng impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o
keywords na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin at ibibigay na sa atin ng
search engine ang mga kawing o links sa mga website na maaaring may kinalaman
sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong maaaring makuha sa
internet, gaya ng teksto, musika, video, at animation.

Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng


computer, internet, at email ay ang sumusunod:

- Tiyakin/itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin at kung gaano


katagal maaaring gumamit ng kompyuter, internet at email.

- Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito upang ang


kapakipakinabang na nilalaman lamang ang mababasa at maida-download gamit
ang Internet.

- Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online. Sundin


ang tamang gabay na itinakda sa paggamit ng mga social networking, instant
messaging, email, online gaming, at webcam.

18
Tamang Posisyon sa Paggamit ng Computer

Entrepreneurship and Information Communication Technology Entrepreneur & ICT – Anife S. Angelo

Ngunit, may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito.


Ang ilan sa mga ito ay:

1. Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na materyales.


Maaari kang makakita ng materyales na tahasang seksuwal, marahas, at
ipinagbabawal o ilegal.

2. Viruses, Adware, at Spyware


Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng Internet na maaaring
makapinsala sa mga files at memory ng computer at makasira sa maayos
nitong paggana.
3. Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying
Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay sa peligro dahil sa
pakikipag-ugnayan sa mga hindi kakilala.

4. Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft


Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay gamitin ng ibang tao sa
paggawa ng krimen. Maaaring ding makuha ang impormasyon na hindi mo
nalalaman o binibigyang pahintulot. Ito ang tinatawag na identity theft o
fraud.

Panuto: Isulat sa strips ng papel/colored paper ang bawat patakarang mabubuo at


idikit ang mga ito sa ibaba sa bawat kategoryang nakasulat.

Patakaran
sa Patakaran
Paggamit sa
ng Paggamit
Computer ng
Email

19
Panuto: Magbigay ng limang(5) kahalagahan ng tamang paggamit ng tamang
paggamit ng computer, internet at email ang naisabuhay mo na?

1.
2.
3.
4.
5.

MODYUL 5

Ang modyul na ito ay dinesenyo ayon sa iyong kakayahan. Ang ating


edukasyon taong pampaaralan 2020-2021 ay sinasabing new normal. Iba’t ibang
paraan ng pagkatuto ang ginagamit upang maipagpatuloy ang pangarap ng mga
kabataan. Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa paggamit ng makabagong
teknolohiya. Ito ay naging bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay sa panahon
ng pandemya.

Ang mga araling tatalakayin dito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman sa


paggamit ng web browser at basic features ng isang search engine sa pangangalap
ng impormasyon. Tatalakayin rin ang tamang pagsasaayos at pag-save ng files sa
computer gayundin ng mga bahagi ng isang computer file system.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang Aralin:
Aralin 1: Computer File System, Web Browser at Basic Features ng Search
Engine
Pamantayan sa Pagkatuto:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

● nakagagamit ng computer file system sa pagsasaayos at pag-save ng files


sa computer EPP4IE-0e-9
● nagagamit ang web browser at ang basic features ng isang search engine
sa pangangalap ng impormasyon. EPP4IE-0e-10
● nailalarawan ang web browser at search engine
● nakikilala ang iba’t-ibang katangian ng web browser at search engine

20
Computer File System, Web
Aralin
Browser at Basic Features ng
5
Search Engine
Sa panahon ngayon, ang paggamit ng computer ay kasama na sa pang araw-
araw na buhay ng tao. May mga aplikasyon na kinakailangang pagtuunan ng pansin
o pag-aralang gamitin katulad ng pag-save ng file sa computer, paggamit ng web
browser at basic features ng isang search engine. Ito ay makakatulong upang maging
organisado, mabilis ang paghahanap at pagkalap ng impormasyon na makatutulong
sa pag-aaral.

COMPUTER FILE SYSTEM

Ang Computer File System ay ang pagsasaayos ng files sa computer upang


madali itong mahanap at ma-access. Karaniwan, ang mga file ay nakaayos sa isang
file system, na sumusubaybay kung saan matatagpuan ang mga file sa disk at
nagbibigay-daan sa pag-access ng gumagamit.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga programa sa computer, ang tao ay


maaaring magbukas, magbasa, magbago, makatipid, at magsara ng isang file ng
computer. Ang mga file ng computer ay maaaring buksan muli, mabago at makopya
ng isang di-makatuwirang bilang ng beses.

Mayroong iba't-ibang uri ng mga file ng computer na dinisenyo para sa iba't-


ibang mga layunin. Ang isang file ay maaaring idisenyo upang mag-imbak ng isang
larawan, mensahe, video, programa sa computer, o iba't ibang uri ng data.
Fig. 1

(fig. 1 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang computer gamit ang print screen)2020

Gumagamit ang mga computer ng mga partikular na uri ng mga file system
upang mag-imbak at mag-ayos ng data sa media, tulad ng isang hard drive, mga CD,
DVD, at BD sa isang optical drive o sa isang flash drive.

21
(fig. 2,3,4 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling kagamitan)2020

⮚ Soft copy ay isang dokumento na nai-save sa isang computer. Ito ay ang


elektronikong bersyon ng isang dokumento, na maaaring mabuksan at mai-
edit gamit ang isang software program. Ito ay maaaring maipadala sa
pamamagitan ng e-mail o sa isang koneksyon sa network, paglipat sa
flashdrive at hard drive.

⮚ Hard copy - isang naka-print na bersyon ng isang dokumento.

⮚ Ang filename ay ang pangalan na ginamit upang madaling makita ang isang
file na nakaimbak sa isang file system (computer/laptop). Ang mga file ay
maaaring i-save sa mga folder at sub-folder. Naisasaayos ang pag-save ng file
at napapadali ang paghahanap kung kakailanganin itong muli.

Fig. 5
(Figure 5: sariling layout ng may akda gamit ang powerpoint)2020

A. Paggawa ng folder

I-on ang iyong computer /laptop.

I-click ang start button.

I-click ng isang beses ang


documents. Fig. 6

Magbubukas ang
(fig.documents
6 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling kagamitan)

folder.

Fig. 7

(fig. 7 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling kagamitan)2020

5. I-click ang new folder. Magkakaroon ng new folder.


Fig. 8
(fig. 8 ay sariling kuha ng may akdsa
kaniyang sariling kagamitan)2020

22
6. Maaari kang mag type ng iyong magiging folder name.

B. Pag Save ng ginawang dokumento sa files/folder


1. I-click ang File. 2. I-click ang Save/Save As.

Fig. 9

(fig. 9 sariling kuha ng may akda sa kaniyang computer gamit ang print screen)2020

3. Hanapin kung saan mo nais I-save ang dokumento na ginawa mo.

4. Ilagay ang File Name ng dokumento na ginawa mo.

5. I-click ang save.


Fig. 10
(fig. 10 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling computer gamit ang print screen)2020

ANG WEB BROWSER

Ang isang web browser ay isang software application na ginagamit upang ma-
access at matingnan ang mga website. Kasama sa mga karaniwang web browser ang
Microsoft Edge, Google Chrome, Mozilla Firefox, at iba pa.

May kakayahan din ang web browser upang mag-render ng HTML. Sa tuwing
naglo-load ang isang browser ng isang web page, pinoproseso nito ang HTML, na
maaaring may kasamang teksto, mga link, sanggunian, mga imahe at iba pa.

Ipinakikita sa larawan ang iba’t ibang bahagi ang web browser.

Fig. 11

(fig. 11 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling computer gamit ang print screen)2020

Bahagi ng Isang Web Browser

Browser Window Buttons – minimize at maximize button. Maaari ring I-click


ang close button kung nais isara ang browser window.

23
Tab Name – Dito makikita ang pamagat ng web page na kasalukuyan mong
tinitingnan.

Navigation Buttons – Mahahanap mo ang toolbar nang direkta sa ilalim ng


bar ng Pamagat. Dito makikita ang back button, home button at ang refresh
button.

New Tab – Bagong window ay magbubukas ng bagong website.

Customize and Control Google Chrome –iba’t ibang options at commands ang
makikita dito upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.

Address bar – Mahahanap mo ang bar na ito sa itaas ng window ng iyong browser
at ang layunin nito ay ipakita sa iyo ang buong URL o web site address.

Display Window – Dito nakikita ang website na iyong pinuntahan ngayon.

Scroll bar – karaniwang matatagpuan sa kanan ng display window, ay nagbibigay-


daan sa iyo upang "mag-scroll" (ilipat pababa o pataas ang web page).

SEARCH ENGINE

Ang isang search engine sa web o search engine sa Internet ay isang sistema
ng software na idinisenyo upang maisagawa ang paghahanap sa web/internet. Ang
ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo, Alta Vista, at Lycos.
Mga Bahagi ng Search Engine Home Page

Fig. 12

(fig. 12 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling computer gamit ang print screen)2020

Search field o search box – Dito i-type ang keyword sa panaliksik na iyong
gagawin.

Google Search button – pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o
maaari ding pindutin ang Enter key sa keyboard upang masimulan ang
pagsasaliksik.

I’m Feeling Lucky – I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang
pumunta sa webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo.
Madalas na ito ang unang search result.

24
Mga Bahagi ng Search Engine Results Page

Fig. 13
(fig. 13 ay sariling kuha ng may akda sa kaniyang sariling computer gamit ang print screen)2020

Search Field –I-type lamang ang bagong keyword sa search field box kung nais
mong maghanap muli.

Search Button – pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari ding
pindutin ang enter key sa iyon keyboard.

Top Links – narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine katulad
ng web, imahe, balita, videos, at iba pa.

Page Title – ang pamagat ng web page na kasama sa search results.

Text Below the Title – maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-
bold text dito ang mga salitang ginamit mo bilang keywords.

Panuto: Paano ginagamit ang mga sumusunod na bahagi ng search engine results
page? Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Search Button b. Search Field


c. Page Title d. Text Below the Title

e. Top Links

________1. Pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari rin
pindutin ang enter key sa iyon keyboard.
________2. I-type lamang ang bagong keyword sa search field box kung nais
mong maghanap muli.
________3. Ang pamagat ng web page na kasama sa search results.
________4. Maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-bold text
dito ang mga salitang ginamit mo bilang keywords.
________5. Narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine. Ito
ang web, imahe, balita, videos, at iba pa.

25
Panuto: Ilagay ang numero (1-5) ng wastong pagkakasunod-sunod sa pag-save ng
dokumento sa files/folder.

_____ Hanapin mo kung saan mo nais I-save ang dokumento na iyong ginawa.
_____ I-click ang File.
_____ Ilagay ang File Name ng dokumento na iyong ginawa.
_____ I-click ang Save/Save As.
_____ I-click ang save.

MODYUL 6

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa isip mo. Narito upang


matulungan kang makabisado ang angkop na sa paggawa ng table at tsart gamit
ang electronic spreadsheet.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin
Aralin 1: Electronic Spreadsheet Tool
Pamantayan sa Pagkatuto:
● Nakagagawa ng table at tsart gamit ang electronic spreadsheet tool EPP4IE-
0h-15

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● nailalarawan ang kahulugan Electronic Spreadsheet Tool
● nagagamit ang spreadsheet application upang makagawa ng table at tsart.
● naisasaayos ang mga tsart sa pamamagitan ng design, layout at format
properties ng mga ito.

Aralin
Electronic Spreadsheet Tool
6
Sa modyul na ito, alamin natin ang kahulugan at angkop na gamit ng
electronic spreadsheet tool. At pagsasaayos ng tsart sa pamamagitan ng design,
layout at format ng mga ito. Sa paggamit ng laptop, desktop o kahit cellphone basta
may WPS apps, kung wala ay maaari kang mag download. Upang maka-pag–aral ka
ng electronic spreadsheet tool kahit nasa bahay ka lang.

26
Electronic Spreadsheet Tool

Ang impormasyong numerical (dami o bilang, presyo o halaga, timbang at


populasyon) at tekstuwal na impormasyon (pangalan, produkto at aytem) ay
maaaring magbigay ng mahalagang kaalaman sa atin kung ang mga ito ay
isasaayos at maipapakita gamit ang table at tsart.

Narito ang iba’t ibang Electronic Spreadsheet Tool

1. Paggawa ng table
Sa pagpasok ng mga datos sa electronic spreadsheet ang tekstuwal na
datos ay naka-align sa kaliwa, samantalang ang mga numerical na datos ay
naka-align sa kanan ng cell.

Halimbawa ng paggawa ng table sa spreadsheet


a. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.
b. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang pagkatapos
i-type ang datos sa bawat cell, pindutin ang enter key.
Cell A1: DONNA’S PIZZA HOUSE Cell B4: 700
Cell A2: Pizza Flavor Cell C4: 200
Cell B2: Kinita sa Site 1 Cell A5: Pepperoni
Cell C2: Kinita sa Site 2 Cell B5: 800
Cell A3: Hawaiian Cell C5: 200
Cell B3: 700 Cell A6: Seafood
Cell C3: 200 Cell B6: 900
Cell A4: Ham and Cheese Cell C6: 150

c. Ayusin ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa


pointer ng mouse sa linyang naghihiwalay sa dalawang column at hilahin ito.
Pagkatapos ma i-type ang datos at ma-adjust ang lapad ng columns ay
magkakaroon ka ng output katulad nito.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

d. I-click ang file tab at piliin ang save as. I-save ang workbook sa iyong folder
at bigyan ito ng file name na Spreadsheet Table.

27
2. Pag-format ng Table sa Spreadsheet
Upang magmukhang mas kaaya-aya ang table sa spreadsheet, maaaring i-
format ang properties ng table.

Hakbang sa pag-center ng mg teskto at pag-merge ng mga cells

a. Buksan ang iyong file, gamit ang mouse, I-select ang nais ninyong I-
merge at center button.

b. Sa Home tab makikita ang merge at center button.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

3. Paglalagay ng Border sa Table

a. I-select ang lahat ng cells na nais mong


lagyan ng table.
b. Mag right click sa loob ng selection.
(ang larawan
c. I-click ang Format Cells. ay sariling
kuha ng may

d. Pumili ng Line style, Color akda gamit


ang kanyang
computer)202
at Border. 0

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

4. Pagpalit ng Kulay sa Cells at Kulay sa Fonts

a. Gamit ang mouse, i-select ang cells na nais mong palitan ng kulay at fonts.

b. Pumili ng mga kulay at fonts na nais mong gamitin.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

5. Paggawa ng Tsart sa Spreadsheet

a. I-highlight ang cells na nais


mong gawan ng tsart.
b. I-click ang Insert tab, pumili
ng tsart.
c. Magkakaroon ng tsart sa
iyong spreadsheet.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

28
6. Paglagay ng Chart Title

a. I-click ang tsart na napili.


b. Magbubukas ang Chart Tools Tab at ang
options.
c. I-click ang layout na nasa ilaim ng Chart
Tools Tab
d. I-click ang Chart Title button at piliin ang
Above Chart upang magkaroon ng
textbox kung saan ita-type ang pamagat
ng tsart.
e. I-save ang file. (ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020

7. Pagpalit ng Fill Color ng Chart Area


Maari ding palitan ang fill color ng ating chart area. Sundan lamang ang
sumusunod na pamamaraan.
a. I-click ang tsart area na napili.
b. Upang mapalitan ang kasalukuyang
fill color, i-click ang format tab.
c. Sa shape style, makikita ang shape
fill button
d. I-click ang shape fill button at
mamili ng isang fill color para sa
chart area.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang computer)2020
Panuto: Basahin mabuti ang mga pangungusap. Pumili ng tamang sagot sa loob
ng kahon at isulat ang sagot sa patlang.

merge at center font size pie chart


font style change spreadsheet

_____ 1. Ginagamit ito sa pagpili ng iba’t ibang size ng font.


_____ 2. Isang uri ng tsart na hugis bilog.
_____ 3. Dito tayo pumipili ng iba’t ibang style ng font.
_____ 4. Isang application na maaaring makagawa ng table at tsart.
_____ 5. Kung nais mong igitna ang isang word, ito ang maaari mong gamitin

29
Panuto: Pagsunud-sunurin ang hakbang sa paggawa ng table. Lagyan ng A, B, C,
D at E sa bawat patlang.

_____ 1. I-click ang file tab at piliin ang save as. I-save ang workbook sa iyong folder
at bigyan ito ng file name na Spreadsheet Table.
_____ 2. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.
_____ 3. Ayusin ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa
pointer ng mouse sa linyang naghihiwalay sa dalawang column at hilahin ito.
_____ 4. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang
pagkatapos i-type ang datos sa bawat cell, pindutin ang enter key.
_____ 5. I-select ang nais ninyong I-merge at center button

MODYUL 7

Maliban sa sulat na nais nating ipadala sa ibang tao, maaaring may mga
dokumento rin tayong nais ilakip sa ating ipinapadala. Dati, inilalakip sa sulat ang
mga dokumento o gamit na nais ipadala. Ang mga dokumento o gamit na kalakip ng
sulat ay may karagdagang bayad depende sa timbang nito. Dahil sa mabilis na
paglawak ng teknolohiya, nakakapagpadala na tayo ng mensahe online. Kung ikaw
ay mag Gmail account, maari ka ng makapagpadala ng mensahe sa mabilis na
paraan.
Sa modyul na ito, malalaman natin kung paano tayo makakasagot sa mga
mensaheng ipinapadala sa atin gamit ang email. Kasabay nito ay matutunan rin
natin kung paano ang magpadala ng mensahe gamit ang email na may kalakip na
dokumento o iba pang media file upang mapabilis at mapagaan ang ating
pagpapadala ng kumpletong mensahe.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin:
Aralin 1: Pagsagot at Pagpapadala ng Email na may Attachment
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasasagot at nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o
iba pang media file. (EPP4IE-0h-17 EPP4IE-0i-18)
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kakayahang

30
● nakakasagot sa email ng iba
● nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento
● napahahalagahan ang mga panuntunan sa paggamit ng email

Aralin Pagsagot at Pagpapadala ng


7 Email na may Attachment
Sa araling ito, matututunan mo kung ano ang paraan sa pagsagot sa email
na ipinadala sa iyong Gmail account. Matututunan mo rin ang paraan kung paano
magpadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media file katulad ng
video, music o mga larawan. Sa pamamagitan nito mabilis mong maipapadala sa iba
ang mga nais mong mensahe gamit ang email.

Ang email ay isa sa mga batayang teknolohiya ng internet, isang


kasangkapang gamit ng halos lahat ng taong may koneksyon sa internet. Hahayaan
ka nito, nang walang bayad, na magpadala ng sulat nang walang hanggan ang haba
sa isang tao – o sa maraming tao nang sabay-sabay. Makakarating agad ito, at
makakasagot sila kaagad. Para ikaw ay makapagpadala ng email sa iba, kailangan
mong magkaroon ng email account. Ang ginagamit ng karamihan na email account
ay ang Google Gmail. Bukod sa ito ay libre, ito rin ay madaling gamitin.

Mahalaga ang pagtanggap ng mensahe sa kahit na anong uri o porma ng


komunikasyon. Ang maayos na pag-unawa sa natanggap na mensahe at pagsagot
dito ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang sumusunod na mga gawain ay
magbibigay sa atin ng kaalaman at kasanayan sa pagsagot at paglakip ng mga
dokumento sa email.
PAGSAGOT SA EMAIL NG IBA
Malaking tulong ang email sa mabilis na komunikasyon gamit ang internet.
Ang mga dokumento o datos na nailalagay sa sariling email ay madaling nakukuha
at nabubuksan saan mang lugar na may internet. Maaaring maglakip (attach) dito
ng mga larawan, video, at musika at ipadala ang mga mensaheng ito sa iba’t ibang
tao o organisasyon.

Narito ang paraan kung paano ang pagsagot sa email ng iba.

1. Mag-sign in sa iyong Gmail account upang makita at


malaman mo kung mayroong nagpadala na mensahe
sa iyo. I-click ang Inbox. I-click ang kaliwa ng mouse sa
subject ng email. Bubukas ang email saka mo makikita
ang buong laman nito.

31
2. I-click ang button ng “Reply” matapos basahin ang
mensahe.

3. I-type sa lumabas na message box o katawan ng


email ang iyong tugon sa mensahe.

4. Kapag tapos ka na at handa ka nang ipadala ang


email, i-click ang button ng “Send”. Matapos nito
matatanggap na ito agad ng orihinal na nagpadala
ng mensahe.

Ang reply ay isang tugon sa email na natanggap mo. Matatanggap ito ng taong
nagpadala ng orihinal na email. Ang mga tao ay maaaring sumagot nang pabalik-
balik nang walang katapusan.

PAGPAPADALA NG EMAIL NA MAY KALAKIP NA DOKUMENTO O IBA PANG


MEDIA FILES

Narito ang paraan kung paano magpadala ng mensahe na may kalakip na


dokumento o iba pang media files:

1. Mag-sign in sa iyong Gmail account .

2. Sa webmail ng Gmail, i-click ang buton ng


“Compose” sa kaliwa.

3. Sa kanang ibaba ng iskrin isang bagong panel


ang lilitaw. Dito mo gagawin ang email mo.

4. Sa “To” ang email address ng papadalhan,


eksakto dapat ito: kapag may kahit isang
karakter na mali, hindi ito makakarating
sa pupuntahan. Sa “Subject” inilalagay
kung saan patungkol ang iyong mensahe.

5. I-click ang “Attach Files”.

6. I-click ang “Browse” upang mahanap ang Folder kung saan nakalagay ang
ilalakip na file. Maaari mong ilakip ng isa-isa ang mga dokumento na nais mong

32
ipadala. Ang kabuuang laki ng files na maaari
mong ilakip sa email ay hanggang sa 25MB.

7. -click ang button ng “OPEN”.


(ang larawan ay sariling kuha ng may akda gamit ang kanyang
computer)2020

8. Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng attachment


names.

I-click ang button ng “Send”.

Panuto: Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang wastong sagot sa
bawat bilang.

1. Aling button ang iki-click kung nais makita at mabasa ang bagong email na
ipinadala sa iyo.?
I B X

2. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang email?
R E Y

3. Alin ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o iba pang
media files sa iyong email?
A T H

4. Ano ang iki-click kung tapos na ang paggawa ng email at handa na itong
ipadala?
E N

5. Ano ang iki-click para mapili ang dokumentong ilalakip sa email?


B W S

33
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may
kalakip na dokumento. Gamitin ang titik A, B, C, D, at E upang maipakita
ang pagkakasunod-sunod nito.
_____1. I-click ang Attach files link.
_____2. Buksan ang email na ipinadala sa iyo.
_____3. I-click ang “Browse” at “Browse file” na iyong ilalakip at i-click ang
OPEN.
_____4. Matapos itong basahin i-click ang “Reply”. I-type ang sagot sa mensahe
na ipinadala sa iyo.
_____5. I-click ang “Send”

MODYUL 8

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat batay sa antas ng iyong pag-iisip.


Ito ay narito upang matulungan kang maunawaan ang likas na katangian ng word
proceesing tool. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito
sa maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga
aralin ay inayos ayon sa pamantayan ng pagkakasunud-sunod ng aralin. Ngunit
ang pagkakasunud-sunod ng aralin ay maaaring mabago sa aklat na ginagamit mo
ngayon.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang Aralin:


Aralin 1: Drawing Tool at Photo Editing Tool
● Drawing Tool o Graphics Software
● Basic Photo Editing Tool
● Desktop Publishing Tool.
● Word Processing Tool

Pamantayan sa Pagkatuto:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusnod
na kaalaman, kakayahan at pang-unawa:

● nakaguguhit gamit ang Drawing Tool o Graphics Software EPP4IE -0i-19


● nakakapag-edit ng photo gamit ang Basic Photo Editing Tool EPP4IE -0j-20
● nakagagawa ng dokumento na may picture gamit ang Word Processing Tool o
Desktop Publishing Tool EPP4IE -0j-21

34
● nakagagawa ng maikling report na may kasamang mga table, tsart, at photo o
drawing gamit ang iba’t ibang tools na nakasanayan EPP4IE -0j-22

Aralin Drawing Tool at Photo Editing


8 Tool
Isa sa mga pangunahing bentahe ng isang produkto o serbisyo ang kanilang
logo at mga larawan na kanilang ginagamit para sa kanilang pagkakakilanlan o
trademark. Sa kasalukuyan ang mga larawan at logo ang ginagamit upang madaling
makapanghikayat ng mga mamimili at nagagamit sa pagbuo ng mga patalastas sa
mainstream media gaya ng telebisyon, cellphone at computer at mga Knowledge
Products tulad ng mga pahayagan, Brochure, Liflets at iba pa.
Sa aralin na ito ay tatalakayin ang paglikha ng larawan at paglilinang nito
gaya ng crop, resize at recolor. Isa pa sa layunin ng aralin na ito na magamit ang mga
nilikhang mga larawan sa pagbuo ng mga maikling report, dokumento at maging ang
mga Knowledge Products.

Pagbuo ng larawan na gagamitin sa pagbuo ng knowledge products.

A. PAGLIKHA NG LARAWAN GAMIT ANG DRAWING TOOL


1. Ang Drawing Tool ay uri ng Computer Software na nagtataglay ng mga
command na ginagamit sa pagbuo ng mga larawan. Isa sa halimbawa nito ay
ang Microsoft Paint na makikita sa ibaba ang mga bahagi nito.

2. Upang simulan ang gawain sa paglikha ng larawan


ay i-search sa iyong computer ang MS Paint. makikita
sa ibaba ang walang laman na canvas na
pagguguhitan ng larawan.

3. Maglagay ng hugis sa pamamagitan ng pag-click ng


shape tool upang masimulan ang binubuong
larawan.

4. I-click ang pencil tool at gumawa ng larawan na


iyong nais na iguhit.

35
5. Upang malagyan ng kulay ang ginawang larawan ay
i-double click ang bahagi na nais palitan ng kulay,
mula sa ribbon ay i-click ang bucket tool at pumili ng
kulay mula sa color palette.

6. Kung nais pang dagdagan ang kapal ng ginamit na


pagguhit ay gumamit ng brush tool. Kung saan
maaring pumili ng disenyo ng brush na gagamitin sa
paglalagay ng kulay sa larawan.

7. Upang higit na maging kaaya-aya ang larawan ay


burahin ang mga lagpas na kulay at guhit gamit ang
eraser tool.

8. Upang lalong mabigyan ng buhay ang ginawang


larawan ay maaring gumamit ng text tool upang
isulat ang mga detalye ng iyong larawan.

9. Kung tapos na ang gawain ay i-click ang file menu at i-click ang save. Sa
pagkakataong ito ay i-type ang filename ng larawan at pumili ng format. iba`t
ibang uri ng format ng larawan
a. Joint Photo Graphics (JPG)- ang format ng larawan na ito ay karaniwang
ginagamit sa computer upang ipadala mula sa email o ipakita mula sa
website. Ito ay mababang uri ng format na kung saan pinaliit nito ang laki
ng file upang maipakita mula sa screen ng computer.
b. Portable Network Graphics (PNG)- ang format ng larawan na ito ay
ginagamit upang ipakita lamang ang larawan na binuo samantalang ang
background nito ay naglalaho o nagiging transparent. kalimitan itong
ginamit ang format na ito sa pagbuo ng logo at paggawa ng electronic
signature.
c. Bitmap Format (BMP)- ang format na ito ay ginagamit upang muling ma-
edit ang larawan mula sa iba`t ibang Drawing Tool gaya ng MS Paint. Ito
ay malaking file kaya hindi ito kayang i-display o i-send sa email at website
kung kaya`t ito ang format ng larawan na maaring gamitin sa pagpiprint
sa tarpaulin at mga magazine.

d. Graphic Interchange Format (GIF)-ang format


ng larawan na ito ay ginagamit sa mga
larawang gumagalaw. ito ay kalimitang
ginagamit sa mga website upang magamit na
pang-akit sa mga mambabasa.

36
B. BASIC PHOTO EDITING TOOL
Paglilinang ng larawan gamit ang Basic Photo Editing Tool

1. Ang Photo Editing Tool ay computer software na ang


pangunahing mga command tools ay ginagamit sa pag-
edit, crop, resize, recolor at iba pa na mga pamamaraan
upang malinang ang isang larawan batay sa ninanais ng
manlilikha. Isa sa mga halimbawa nito ang Microsoft
Paint.

2. Kung nais na linangin o dagdagan ng detalye Ang


larawan ay i-click ang paste button mula sa file
menu. Mula sa picture folder ay makikita ang mga
larawan na nais na linangin at i-click ang ok button.

3. Kung nagagamit ang MS Paint sa pagbuo ng larawan


ay ginagamit din ito upang makapag-edit ng larawan.
Isa sa karniwang ginagamit na tool ang crop tool. Ito
ay ginagamit upang putulin ang bahagi ng larawan na
nais alisin at bigyan ng pansin ang bahagi ng larawan
na ititira.

4. Isa pa sa pangkaraniwang tool na ginagamit sa pag-eedit ng


larawan ay ang resize tool kung saan ito ay ginagamit
upang palakihin o paliitin ang larawan batay sa
kagustuhan o pangangailangan.

5. Mayroon ding recolor kung saan ginagamit upang baguhin


ang kulay, teskstura, maging ang tingkad ng kulay ng
larawan.

6. Kung tapos ng linangin ang larawan ay i-click ang file menu


at i-click ang save as button. Sa pagkakataong ito ay palitan
ng filename ang larawan at ang format nito batay sa iyong
pangangailangan sa proyekto.

C. DESKTOP PUBLISHING TOOL


Pagbuo ng maiksing report gamit ang Desktop Publishing Tool

37
1. Ang Desktop Publishing Tool ay uri ng computer
software na ginagamit sa pagbuo ng mga
Knowledge Products tulad ng mga brochure,
pulyetos, at mga sertipiko na ginagamit sa
panghihikayat. Ang isang halimbawa nito ay ang
Microsoft Publisher na makikita pangkaraniwan sa
desktop computer.

2. Iba`t iba ang uri ng mga knowledge product ito ay


tulad ng mga brochure, karatula, patalastas,
banner, pamplets at iba pa. Sa pagkakataon na ito
ay gagamitin ang Desktop Publishing Tool upang
makagawa ng maiksing report. Tulad ng MS Word ay halos parehas ang
mga command na ginagamit nito.

3. Upang makabuo ng karatula ay i-open ang MS


Publisher. Pumili ng format na nais gawin at i-
click ang blank.

4. Upang simulan ang maiksing report ay lagyan


muna ang canvass ng larawan. I-click ang insert
tab at i-click ang picture button mula rito ay
mamili ng larawan na gagamitin mula sa picture
folder na matatagpuan sa iyong computer.

5. I-format ang larawan batay sa kung ano ang


nais na maging porma nito sa gagawing report.

6. Kung tapos na ay simulan na ang pag-type ng


pamagat ng maiksing report na gagawin.i-click ang
draw text box upang mai-type ang impormasyon.

7. kung nai-type na ang pamagat ng maiksing report.


Ito na naman ay maaring paunlarin sa
pamamagitan ng pag-click ng WordArt mula sa
Insert Tab at pumili ng disenyo na nais gamitin.

8. Sa pagkakataon namang ito ay muling i-click


ang Draw Text Box mula sa Insert Tab upang i-
type ang detalye o impormasyon ng maiksing
report. maaring palitan ang font, size, at color
mula sa Home Tab.

38
9. Kung tapos na ang gawain ay i-click ang file tab, at
i-click ang save button, sa pagkakataon naman na
ito ay piliin ang JPG upang maging larawan o photo
ang maiksing report.

(ang larawan ay sariling kuha ng may akda


gamit ang kanyang computer)2020
D.WORD PROCESSING TOOL
Pagbuo ng dokumento na may lamang chart, table at photo gamit ang Word
Processing Tool.

1. Ang Word Processing Tool ay uri ng computer


software na ginagamit sa pagbuo ng mga
dokumento na nagtataglay ng mga teksto, tsart,
graph, larawan at mga table. Isa sa halimbawa
nito ay ang Microsoft Word.

2. Makikita sa ibaba ang larawan ng blank


document na gagamitin sa pagbuo ng
dokumento. Upang simulan ay i-format muna
ang blank document sa ninanais na anyo sa
pamamagitan ng pag-click ng Page Layout Tab.
Makikita sa ribbon ang iba`t ibang aplikasyon
tulad ng sukat ng papel na gagamitin, margin, at
orientation nito.

3. Upang makapaglagay ng larawan ay i-click


ang Insert Tab at i-click ang picture. Lalabas
sa icon na ito ang mga larawan na makikita
sa iyong Desktop Computer. Kung nakapili na
ng larawan ay i-click ang insert button.

4. Kung nais naman na paunlarin ang kalidad


ng larawan ay i-click ang larawan, at i-click
mula sa tab bar ang format, dito ay maaring
palitan ng kulay, palakihin o paliitin ang
larawan at maari rin na putulin ang larawan
batay sa iyong nais bigyan ng pansin.
5. Kapag natapos ng i-format ang larawan ay
simulan naman ang pagbuo ng table. Una,
i-click ang Insert tab at i-click ang table, dito
ay maari ng maglagay ng mga datos sa loob
ng kahon upang madaling maunawaan at
maprosesong matematikal.

39
6. Sa pagkakataon naman na ito ay lalagyan
naman ng graph o chart ang dokumento.
Upang makapaglagay ng chart ay i-click
ang Insert Tab at i-click ang chart dito ay
makapipili ng ninanais na anyo ng graph
upang ipakita ang grapikal na
representasyon ng mga datos na inilagay
mula sa table.
7. Upang higit na maunawaan ang ginawang dokumento ay mag-type ng mga
teksto na nagpapaliwanag ng mga datos, graph at iba pang impormasyon
tulad ng nasa ibabang larawan.
8. Kung tapos na ang gawain ay i-click ang
File tab at i-click ang Save Button, i-type
ang pamagat ng dokumento bilang
Filename nito upang madaling matukoy
ang nilalaman nito. Kung tapos na ay i-click
ang ok button at i-close na ang dokumento.

Planuhin natin
Panuto: Punan ang loob ng kahon upang makabuo ng plano o balangkas sa pagbuo
ng larawan o logo ng ninanais na produkto o serbisyo.
Mga
plano o balangkas
pangangailangan

Uri ng produkto o
serbisyo

Pangalan ng
produkto o
serbisyo

Mensahe o
layunin ng
produkto o
serbisyo

40
Mga larawan na
gagamitin sa
produkto o
serbisyo

Anong computer
software ang
gagamitin

1. Gamit ang nabuong logo o larawan mula sa Planuhin Natin, bumuo ng


maiksing report at dokumento gamit ang sumusunod na mga datos.
BUWAN NG OKTUBRE
Unang Lingo-Php. 500, Ikalawang Lingo- Php. 570,
Ikatlong Lingo-Php. 720 at Huling Lingo-Php 800

2. Gawing gabay sa pagbuo ng report at dokumento ang sumusunod na


kasanayan na iyong natutunan.

3. Gamitin ang rubriks na ibibigay ng iyong guro upang maging batayan sa


pagmamarka sa Gawain.
4. Gamitin ang batayan sa pagpapahalaga upang mabigyan ng pagkilala ang
iyong antas ng kasanayan na natutunan sa aralin na ito.

41
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. May isa kang bagong mamimili ng itlog nais daw niyang malalaki ang iyong ibigay
sa kanya, nagdesisyon siya na babalikan na lamang ang kanyang pinamiling itlog.
Paano mo maipapakita na ikaw ay may mabuting katangian ng isang entrepreneur?

a. Tama ang bilang at laki ng itlog kahit hindi nakikita ng mamimili


b. Samahan ng basag na itlog at magkunwaring aksidente ang pagkabasag
ng itlog
c. Singilin ng dagdag presyo ang mamimili dahil malalaki lahat ang nais
niyang itlog
d. Piliin ang malalaking itlog at samahan ng maliliit sa gitna para hindi halata
ng mamimili

2. May puwesto sa loob ng isdaan ng palengke ang inyong pamilya at minsan ikaw
ang pinagbantay ng iyong nanay, nakita mong mali ang timbangan ninyo ng isda,
ano ang dapat mong gawin?

a. Magsawalang kibo sa iyong nakita


b. Magkunwari na hindi mo alam para kumita ng mas malaki
c. Ayusin ang timbangan upang maging patas sa mga mamimili
d. Itago ang timbangan sa lugar na hindi makikita ng mga mamimili

3. Nagsara ang damitan nila Shiela dahil sa pandemic. Magaling siya sa paggamit
ng social media gaya ng Facebook. Ano ang maari niyang gawin upang magamit
ang kanyang kaalaman para kumita ?

a. mag-online selling
b. maghintay matapos ang pandemic
c. ibenta ng palugi ang mga paninda
d. mamuhunan sa ibang produkto

4. Ang pamilya ni Jose ay naninirahan malapit sa karagatan. Ano sa tingin ninyo


ang maaring hanapbuhay ng kanyang ama?

a. pagsasaka c. pangingisda
b. pangangaso d. pagkakaingin

5. Ito ay dinisenyo upang makasira ng computer.

42
a. Software c. Malware
b. Application d. Internet

6. Ito ay elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application


software. Maaari itong maipadala sa pamamagitan ng e-mail o isang koneksyon sa
network, paglipat sa flash drive at hard drive.

a. hard copy c. soft copy


b. network d. xerox

7. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat
mong gawin?

a. Panatilihin itong isang lihim.


b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka
na niyang padalhan ng hindi naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.
d. Upang masiguro na kahit mga kaibigan mo ay makakasali sa usapan

8. Si Danilo ay nasa ika-apat baitang at inatasan ng kaniyang guro sa EPP upang


gumawa ng isang dokumento na may lamang graph, tables, larawan at mga
paliwanag hinggil sa kanilang proyekto sa pagtitinda. Ano sa mga sumusunod na
computer software ang maari niyang gamitin

c. Publishing Tool c. Spreadsheet Tool


d. Photo Editing Tool d. Word Processing Tool

9. Alin sa mga ito ang software na nilikha ng Microsoft Corporation na naglalaman


ng spreadsheet?

a. Microsoft Excel c. Microsoft Publisher


b. Microsoft Word d. Microsoft PowerPoint

10. Anong button ang iki-click ni Roberto kung nais niyang sagutin ang email ng
kanyang guro?

a. Message c. Drafts
b. Reply d. Done

43
44
Isagawa Pagyamanin
Sariling sagot ng bata ayon Sariling sagot ng bata ayon
sa pinag-aralan sa pinag-aralan
Modyul 3
Isagawa Pagyamanin
E Paanakan 9. Spanish
A Bread
D Laboratories 10.
B Kababayan
Check-up 11. Shoe
C repair
Operation 12. Key
Duplicate
Emergency treatment 13.
Modyul 2
Isagawa
Pagyamanin
handang makipagsapalaran determinasy
matatag ang loob om
may tiwala sa sarili
masigasig kaalaman sa
marunong lumutas sa suliranin negosyo
may determinasyon
may kakayahan sa pagpaplano kapakipakin
masipag abang
maaari pang tumanggap ng ibang sagot
na maaaring katangian ng isang mahusay na
hanapbuhay
entrepreneur bagong
Modyul 1
Subukin
C 6. C
A 7. C
C 8. A
A 9. B
C 10. D
45
Tayahin Isagawa Pagyamanin
A 6. Sariling sagot ng bata ayon Sariling sagot ng bata
C sa pinag-aralan ayon sa pinag-aralan
C 7.
C
A 8.
D
Modyul 8
Isagawa
BROWSE 5.
C
SEND 4.
ATTACH 3.
B REPLY 2.
D INBOX 1.
A Pagyamanin
E
Modyul 7
D
C merge at center 5.
B spreadsheet 4.
Font style change 3.
A Pie chart 2.
E Font size 1.
Isagawa Pagyamanin
Modyul 6
Isagawa Pagyamanin
3 1. a
1 2. b
4 3. c
2 4. d
5 5. e
Modyul 5
Isagawa Pagyamanin
Nagagamit sa tama ang 1. Huwag ibibigay kaninuman ang password
computer, internet at email. 2. Gamitin lamang nag computer sa pag aaral
3. Iwasang Mabasa ang computer
Nailalayo din tayo sa 4. Pumunta lamang sa mga lehitimong mga
kapahamakan na dulot ng website
di paggamit ng maayos po 5.Iwasan ang pagsagot sa mga email na kahina-
nito hinala
Modyul 4
Sanggunian
Samadan, Eden F., et. Al,.Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 . Vibal
Group, Inc. , 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Pjilippines, Page 125-
139

Department of Education, June 2016, Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan


ICT - Activity Sheets (2nd Quarter), nakuha mula sa
https://drive.google.com/drive/folders/11V2dvSiPfLFIf62swb5SrpLIbUhiQdf
s?fbclid=IwAR2S85lxeh_O8sAVxzsManDFt7lcB9naPR_ufqCd3QVApIsv8mMP
pWCT9KI

Department of Education, (2015) Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT 4-


Unang Edisyon, Kagamitan ng Guro, pahina 53-64

Department of Education, (2015) Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT 4-


Unang Edisyon, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 168-204

Acknowledgements:
Ang mga larawan ay sariling kuha ni Gng. Michelle Delos Reyes-Tejada na
may pahintulot ng mga individual na tao sa kanyang pamilya at sa kanilang
pamayanan.
1. NavotaAs Hanapbuhay Center
2. Delos Reyes Family
3. Pascual-Tejada Family
4. Flores Family

Miranda, N. P., Ocampo, O. B., Amita, R. Q., Reyes, V. E., De Ramos, M. M.,
Tiamzon, L. A., . . . Quintos, E. R. (2017). Araling Panlipunan Kagamitan ng
Mag-aaral (A. A. Abad, Ed.). Pasig City, Philippines: Department of Education.
Miranda, N. P., Ocampo, O. B., Amita, R. Q., Reyes, V. E., De Ramos, M. M.,
Tiamzon, L. A., . . . Quintos, E. R. (2017). Araling Panlipunan Kagamitan ng
Mag-aaral (A. A. Abad, Ed.). Pasig City, Philippines: Department of Education.

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like