You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

9
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikaapat na Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jade Amielou S. Roa, Rowena J. Ortega, Relly G. Castro,
Arllen L. Aquino
Editor: Apple C. Raflores
Tagasuri: Eloisa S. Sanchez
Tagaguhit: Eric De Guia - BLR Production Division
Tagalapat: Apple C. Raflores
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin .......................................................................................1

Modyul 1......................................................................................5

Modyul 2......................................................................................25

Tayahin .......................................................................................41

Susi sa Pagwawasto......................................................................45

Sanggunian ............................................................................. 46
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang


makipagkapwa at makibahagi sa buhay sa mundo (lifeworld) na ang
layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
A. makiangkop

B. makialam

C. makipagkasundo

D. makisimpatya

2. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit


niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at
ginusto nang may pananagutan dito?
A. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan.

B. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisipPagsunod sa


batas
C. Kalinawan ng isip at masayang kalooban.

D. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

1
3. Alin sa mga pansariling salik ang dapat pagbatayan sa pagpili ng
kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang
bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa
pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga
mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa
pagkuha ng datos at iba pa?
A. Hilig

B. Kasanayan (skills)

C. Pagpapahalaga

D. talento

4. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983),


ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang
talino o talento. Bilang nasa baitang 9, ano ang mahalagang
gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong
ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na
kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?

A. Pahalagahan at paunlarin

B. Pagtuunan ng pansin at palaguin

C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat

D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso

5. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay


naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na
Senior High School?

A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan

B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral

C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano

D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang


desisyon

2
6. Ang pagsulat ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay hindi
madalian o nabubuo sa ilang oras. Ang pahayag ay:

A. Tama, ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na


panahon.
B. Tama, kailangan ng maraming taon na pag-aaral para rito.
C. Mali, maaari kang makagawa nito sapagkat ikaw ay sapat na sa
gulang.
D. Mali, kahit sino ay maaring makagawa ng kaniyang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay.
7. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

A. Sarili, simbahan, at lipunan


B. Kapuwa, lipunan, at paaralan
C. Paaralan, kapuwa, at lipunan
D. Sarili, kapuwa, at lipunan

8. Ang mga sumusunod ay pangungusap para sa pagpapasya MALIBAN


sa:
A. Sa pagpapasya kailangan mo ng gabay.
B. Ikaw ay nasa kritikal na yugto ng iyong buhay.
C. Sa pagpapasya ang lahat ay pantay-pantay.
D. Kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong sarili, iba ang
gagawa nito sa iyo.

3
9. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maaaring mabago
o mapalitan.

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.


B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay
babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng
mga sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring
magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin.

10. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa
buhay ng kapangyarihan kung:

A. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.


B. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
C. Nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho
at komunidad.
D. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa.

4
MODYUL 1

Sa mga nagdaang aralin naunawaan mo ang kahalagahan ng kasipagan at


pagpupunyagi sa paggawa upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa. Naunawaan mo rin na ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin.

Sa modyul na ito, malalaman mo na mahalagang tugma ang mga pansariling


salik sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, at
negosyo o hanapbuhay sapagkat mayroon itong epekto sa pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

• Nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang talento, kakayahan at hilig (mula


Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o Negosyo
• Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang
mapaunlad ang kaniyang talento at kakayahan ayon sa kaniyang hilig,
mithiin, lokal at global na demand.
• Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

• Natutukoy ang kaniyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang


piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o
Negosyo (hal. Pagkuha ng impormasyon at pag unawa sa mga tracks sa Senior
High School)

5
Mga Pansariling Salik sa Pagpili
Aralin ng Track o Kursong Akademik,
1 Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports

Noong ikaw ay bata pa, mayroong kang pinapangarap na gustong “maging” sa


iyong paglaki,hanggang sa ito ay nasusugan sa EsP 7 Modyul 2 sa paksang Talento
Mo! Tuklasin,Kilalanin at paunlarin kung saan tinalakay dito kung bakit mahalaga
ang pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong angking talento at kakayahan, at muli
nakabuo ka sa iyong isipan kung ano nga ba ang nababagay na track o kurso para
sa iyo.

Ngayon, habang ikaw ay lumalaki ay may mga pagbabago sa iyong mga hilig
at interes, Sa unang bahagi ng Modyul na ito ay natalakay ang mga pansariling salik
na dapat isa alang alang sa pagpili ng track o kurso na angkop sa iyo, gayundin
naman ang mga panlabas na salik na maaaring makapukaw sa iyong isipan tulad
ng impluwensiya ng mga kaibigan, kagustuhan ng magulang at pangangailangan o
lumalaking demand ng Lipunan na maaaring magdulot ito sa iyo ng kalituhan kung
ano nga ba ang angkop na kurso para sa iyo.

Ikaw ay nasa ika-9 na baitang ngayon at nalalapit na ang iyong Senior High
School. Sa pagkakataong ito, dapat ay nakapili ka na ng tiyak, angkop at tamang
track o kurso para sa iyo, tungo sa iyong trabahong tatahakin o negosyong
papasukin. Sa unang bahagi ng modyul na ito ay natalakay ang mga pansariling
salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng track o kurso na angkop sa iyo. Gayundin
naman ang mga panlabas na salik na maaaring makapukaw sa iyong isipan tulad
ng impluwensiya ng mga kaibigan, kagustuhan ng magulang at pangangailangan o
lumalaking demand ng lipunan na maaaring magdulot ito sa iyo ng kalituhan kung
ano nga ba ang angkop na kurso para sa iyo.

6
MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG KURSO DAAN SA
MAAYOS AT MAUNLAD NA HINAHARAP

Kasabay ng iyong pagbibinata o pagdadalaga, nagbabago din ang iyong mga


mithiin at hilig. Maaaring noon ang nais mo ay maging guro ngunit dahil sa epekto
ng pandemya ng COVID-19 at nais mong makatulong sa kapwa, ang nais mo na sa
kasalukuyan ay maging isang Doktor.

Subalit tandaan na sa pagpili ng kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,


sining at palakasan o negosyo, mahalagang isaisip ang mga pansariling salik
sapagkat mayroong epekto ito upang maging maayos at maunlad ang iyong
hinaharap. At sa iyong pagpili dapat na mag-isip ng mabuti dahil inaasahan na ikaw
ay magiging mapanagutin sa piniling pasya.

Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong
sa iyong makita ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas
maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon, mas malinaw itong makikita. Mas
malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang
pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Malaya
kang lumapit sa mga taong pinagkakatiwaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting
payo. Hindi ito maiaalis sa iyo dahil sila ang mga taong matatakbuhan natin sa oras
na kailangan natin ng tulong. Sila ang may malaking impluwensya sa ating
pagkatao.

Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos-loob, hindi pa rin ito sa lahat ng
oras ay maaaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid sa atin
upang matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagay-bagay, at maggabay
tungo sa tamang pagpapasiya.

Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o
masama. Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para sa gawin ang sariling gusto
dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali sa pasiya o pagpili. Maipapayo na

7
suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang maging batayan sa maayos na
tatahaking karera. Ang isang kabataan na nais ng kalayaan at nais na maging
malaya ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang kapangyarihan na gamitin
sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili.

Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay


ay binubuo ng maraming pagpipilian. Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-
isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o magpasiya, makialam sa isang bagay
o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksiyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi
pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at maya kakayahang pumili, siya ay inaasahang
maging mapanagutan sa piniling pasiya at maging masaya para dito.

Narito ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o


teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.

Mga Talino o Talento mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):

1. Talento. Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang


tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kurso sa
iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10).

a. Visual Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis


matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya.
Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang
paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siya na makita sa
kaniyang isipan ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o
makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan
din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers,


cartoonists, story-boarders, architects, photographers, sculptors, town-
planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty
consultants.

8
b. Musical/ Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit ng ritmo, o
musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-
uulit ng isang karanasan.

Halimbawa ng mga taong may ganitong


talino ay: musicians, singers, composers,
DJ’s, music producers, piano tuners,
acoustic engineers, entertainers, party-
planners, environment and noise
advisors, voice coaches.

c. Verbal/ Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.


Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa
pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at
mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa,
nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa
pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan
ng pananalita. Madali para sa kaniya ang matuto ng ibang wika.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers,


journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers, poets, editors,
linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio
presents, voice-over artists.

d. Intrapersonal- Sa talinong ito natututo ang tao sa pamamagitan ng


damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang
magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong
talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at
natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon. Malalimang
pagkilala niya sa kaniyang angking talento, kakayahan, at kahinaan. At
lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa
paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa
komunidad na kaniyang ginagalawan.

9
e. Mathematical/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang
pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran at paglutas ng
suliranin (problem solving). Ito ay
talinong may kaugnay ng lohika,
paghahalaw at numero. Gaya ng
inaasahan, ang talinong ito ay may
kinalaman sa kahusayan sa
matematika, chess, computer
programming at iba pang kaugnay
na gawain. Gayunpaman, mas
malapit ang kaugnayan nito sa
kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract
patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: scientists, engineers,


computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders,
bankers bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-
shooters, directors.

f. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang


tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang
pangkat. Ang taong nabibilang dito ay
kadalasang bukas sa kaniyang
pakikipagkapuwa o extrovert. Siya ay
sensitibo at mabilis na nakatutugon
sa pagbabago ng damdamin,
motibasyon, at disposisyon sa
kapuwa. Mahusay siya sa pakikipag-
ugnayan nang may pagdama at pag-
unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno at tagasunod.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR


professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians, educators, sales-
people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organizers, carers,
advertising professionals, coaches and mentors.

10
g. Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa
pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas
natututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan,
tulad halimbawa ng pagsasayaw o
paglalaro. Sa kabuuan, mahusay
siya sa pagbubuo at paggawa ng
mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang
tinatawag na muscle memory ng
mga taong may ganitong talino.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators,
actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI’s,
performance artists, ergonomists, asteopaths, fishermen, drivers, crafts-
people, gardeners, chefs, acupunturists, healers, adventurers.

h. Existential- Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.


“Bakit ako nilikha?”, “Saan ako nangggaling?”, “Ano ang papel na
ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng
paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino
ay: Mga pilosopo, theorists, mga pari o pastor.

2. Kasanayan (Skills). Ito ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling.
Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o
kahusayan (proficiency). Upang makilala at matukoy mo ang iyong mga
kasanayan sa isang bagay, kailangang ikaw ay may hilig o interes, mga tiyak
na potensiyal at malawak na kaalaman. Kung hindi mo pa tukoy ang iyong
mga kasanayan, makabubuting tingnan at bigyan ng oras ang mga
sumusunod na kategorya na nakalista sa Career Planning Workbook (2006):

a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) - nakikipagtulungan


at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na
kumilos, mag-isip para sa iba.

11
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) - humahawak ng mga dokumento,
datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito,
lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kanya

c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) - nagpapaandar,


nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan;
nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga
functions.

d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) - lumulutas ng mga


mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at
damdamin sa malikhaing paraan.

3. Hilig. Ito ay ang mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto
mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Salungat dito ang mga gawain o
bagay na ayaw mong gawin.

Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga


Jobs/Career/Work environments, ito ay ang mga sumusunod: Realistic,
Investigative, Artistic, Social, Enterprising, at Conventional. Hindi lamang nasa
iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng
tatlong kombinasyon.

▪ Realistic - nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang


malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa
mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay
matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor.

▪ Investigative - nakatuon sa mga gawaing pang-agham at mayaman sa ideya


o malikhain sa mga kakayahang pang-agham. Ang mga taong nasa
ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang mag-isa kaysa gumawa
kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga

12
kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga pananaliksik. Mapanuri,
malalim, matatalino at task-oriented ang mga katangian nila.

▪ Artistic - ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang
malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan.
Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa mga sitwasyon kung saan
nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo, nang walang anumang
estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming
mga panuntunan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika,
sining, musika, pag-arte, pagsulat, at iba pa.

▪ Social - ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging


palakaibigan, popular at responsable. Gusto nila ang interaksyon at
pinaliligiran ng mga tao. Madalas na mas interesado sila sa mga talakayan
ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad ng mga gawain, kung
saan mabibigyan sila ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot,
tumulong, at mag-asikaso.

▪ Enterprising - likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging


mapanghikayat mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng
inaasahan o target goals. Ang mga taong may mataas na interes dito ay
madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay
madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensiya.

▪ Conventional - ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na


interes dito ay naghahanap ng mga panuntunan at direksyon; kumikilos
sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Sila ay maaaring
mailarawan bilang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon. Masaya sila sa
mga gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at
organisado ang record.

4. Pagpapahalaga. Ito ay pagpapamalas ng pagsisikap na abutin ang mga


ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Halimbawa ang isang gurong
nagbibigay ng mga aralin, takda at grado, at humihikayat sa kaniyang mga

13
mag-aaral na matuto at magsikap sa pag-aaral, ang mga pagpapahalaga ay
may kalakip na kaalaman at pagsasanay. Personal na alam ng guro ang
halaga at bunga ng kaalaman mula sa pormal na pag-aaral tungo sa
magandang hinaharap ng kaniyang mag-aaral.

5. Katayuang Pinansiyal. Mahalagang isaalang-alang mo ang kasalukuyang


kalagayan o ang kakayahang pinansyal ng iyong mga magulang. Gayundin,
ang mga taong nagbibigay ng suportang pinansyal sa iyong pag-aaral
hanggang sa Baitang 10 patungo sa paghahanda mo nang angkop at tamang
kurso. Makatutulong ang pansariling salik na ito upang ikaw ay magpasya
nang malaya at kumilos ayon sa ikabubuti ng iyong sarili at pagiging
produktibong bahagi ng lakas-paggawa. Sa ganoong paraan, makaaambag ka
sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

6. Mithiin. Kasama ng pagtupad ng mithin sa buhay ay ang pagkakaroon ng


matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang dapat
umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at
kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa
kabutihang panlahat. Kung ngayon palamang sa mura mong edad ay
matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi
malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap. Sa
huling pansariling salik na ito sa pagpili ng tamang kursong kukunin ay
masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay.
Dito na hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap
ang iyong mithiin sa buhay.

Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ay iilan lamang na


gabay tungo sa iyong maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na
nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High. Kaya, ngayon pa lamang mula
sa iyong kakayang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (free will) ay gamitin
ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasiya.

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa


pagpili ng track o kurso ngunit hindi lamang ito ang dapat mong bantayan. Marapat
lamang na alam mo rin ang mga panlabas na salik na maaring makaapekto sa iyong
pagpapasiya. Ilan sa mga panlabas na salik ay impluwensiya ng pamilya,

14
impluwensiya ng kaibigan o barkada, gabay ng guro o Guidance Advocate,
kakayahang pinansyal at local na demand. Ilan lamang ang mga ito sa mga
karaniwang panlabas na salik na nakaaapekto sa kabataang tuald mo.

Ang mga sumusunod ay tunay na layunin na iyong makakamit kung


makakapili ka ng angkop na track o kurso na iyong tatahakin sa iyong baitang 11.

1. Ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay -- Binibigyang halaga dito


ang pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong paggawa. Hindi lang natatapos sa pagkakaroon ng
mataas na sweldo at pag-angat ng antas ng iyong sariling buhay kundi mas
lalo mong naibibigay ang iyong buong husay sa lahat ng iyong gagawin gamit
ang iyong talento, hilig, interes at kakayahan.

2. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa -- Ang


pagiging produktibo ng isang manggagawa ay malaking tulong sa
pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan.
Siya ay maituturing na asset ng institusyong kaniyang kinabibilangan at
kumpanyang pinaglilingkuran.

3. Magiging bahagi ka sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa -- Ang


paninigurado sa patuloy ng pagiging produktibong manggagawa ay ang iyong
malaking bahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kung ang isang mag-
aaral ay maipamamalas ang tamang pamamahala sa oras sa pagtatapos ng
gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa takdang araw, mahusay na paggamit
ng teknolohiya, may maayos na pakikitungo sa iba at naabot ang itinakdang
layunin ay tiyak na magiging bahagi ka sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa at mapapabilang sa lumalaking bilang ng mga magagaling at
mahuhusay na manggagawa ng ating bansa.

Ang pag-unawa sa mga Track at Academic strand ay magsisilbing hakbang


upang makapili ng kursong may kaugnayan sa iyong hilig, talento o kakayahan.
Narito ang mga ilang impormasyon sa mga track o kurso na maari mong piliin na
angkop sa iyo.

15
Makatutulong ang mga kaalamang ito upang makapili ng Track o kursong
angkop sa iyo gayundin naman ang mga gustong mag-negosyo. Magkakaroon kayo
ng ideya kung ano ang kursong angkop sa iyo base sa iyong mithiin sa buhay na
gusto mong makamit at mga pagpapahalagang nais mong maisakatuparan.

TRACK MGA KAUGNAY NA KURSO


AKADEMIK
STEM
Science Pharmacy, Radiology Technology, Medical Technology,
Atmospheric Science and Environmental Science, Pathology,
Agricultural Science and fishery, Animal Science.
Technology Information Technology and Computer Studies, Multi-Media,
Animation, Programming, Computer Science and Information
system Management.
Engineering Mechanical, Electronics, Communication, Metallurgical,
Computer, Biomedical, Chemical, Geodetic, Electrical,
Meteorological, Mining and Geological Engineering.
ACADEMIC MGA KAUGNAY NA KURSO
Math BS Mathematics, Physics and Statistics
HESS MGA KAUGNAY NA KURSO
Humanities Philosophy, Literature, Liberal and Fine arts
Education Education major in Math, Science, Physics, Chemistry,
Reading, English, Educational Media/ Technology and Special
Education (SPED), Music
Social Sciences Physical Education and Health.
Communication, Psychology, Social Work, Criminology,
Sociology, Anthropology, Political Science, and Law.
BAM MGA KAUGNAY NA KURSO
Business Business Management, Banking and Financial Services,
Business Information Technology
Accountancy Bookkeeping and Accounting Technology
Management Management Sciences, Advertising and Public Relations, Hotel
Restaurant Management.
TRACK MGA KAUGNAY NA KURSO
TEKNIKAL- Auto Gas Mechanic, Auto Diesel Mechanic, Auto Electrical
BOKASYONAL Mechanic, Basic Banking, Basic Computer, Basic Cosmetology,
Basic Drafting, Basic Dressmaking, Basic Electronics, Basic
Tailoring, High Speed Sewing, Building Wiring Installation,
Computer Repair, Domestic Ref and Aircon Repair, Food
Processing, International Cuisine, Shielded Metal Arc Welding
(SMAW), Practical Nursing, Housekeeping, Care Giving, Basic
Carpentry.
(Hango sa Modyul 15 ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

16
Mahalagang ang lahat ng iyong makakamtan sa buhay ay maging bahagi nito
ang Diyos at maibalik mo ito sa Kanya sa pamamaraang pagbabalik mo sa iyong
kapwa. Ang pagbabalanse ng kahalagahan at epekto ng mga pansariling salik at
panlabas na salik ay higit na makapagbibigay sayo ng gabay sa tamang pagpapasya
na makatutulong upang ikaw ay maging isang produktibong mamamayan at maging
bahagi sa pag-unlad ng ating bansa.

17
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat kolum. Gamiting gabay ang halimbawa
sa ibaba

Mga halimbawa ng Makakatulong ba ito sa


May pagbabago bang
aking talento, aking pipiliing kursong
naganap ngayong ako
kakayahan at hilig akademiko, teknikal-
ay nasa ikasiyam na
noong ako ay nasa bokasyonal, sining at
baitang na?
ikapitong baitang pa palakasan o negosyo?
lang.
Halimbawa: Hilig ko ang Sa tulong ng Social Media, Dahil hilig ko ang
makipag-usap at kahit limitado sa makipag- ugnayan at
magbahagi ng aking kasalukuyan ang aking magbahagi ng aking
kaalaman sa aking pakikipag-usap sa aking kaalaman sa aking
kapwa kabataan. kapwa dahil sa pandemya, kapwa, maari akong
nagagawa ko pa ring kumuha ng kursong
magbahagi ng aking Bachelor of Secondary
kaalaman sa kanila. Education upang maging
Nalaman ko na maaari din ganap na Guro. At kahit
pa lang gamitin at Malaki ano man ang paraan ng
ang magiging tulong ng pagtuturo, online o
makabagong teknolohiya sa modular man. Pwede pa
pagbabahagi ng kaalaman rin maipagpatuloy ang
sa kapwa. pag-aaral at pagbabahagi
ng kaalaman.

1.

18
2.

3.

4.

Matapos mong suriin ang iyong sarili mula sa naunang gawain, sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga pansariling salik sa pagpili mo


ng iyong kurso at hanapbuhay?

2. Paano makatutulong sa iyo ang pagsasaalang-alang ng mga mga


pansariling salik sa pagpili ng iyong kurso at hanapbuhay?

19
Gawain 2

Panuto: Anong konsepto ang natutunan mo mula sa tinalakay na paksang, “Mga


Pansariling Salik Sa Pagpili Ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal, Sining At Palakasan, o Negosyo.” Sundan ang flow chart sa ibaba:

Taglay na Mga Angkop na Napiling Track o


Talento, Hilig, Track o kursong kursong
Kasanayan, Akademiko, Akademiko,
Teknikal- Teknikal-
Mithiin at
Bokasyonal, Bokasyonal,
Pagpapahalaga.
Sining at Sining at
Disenyo, at Disenyo, at
Talento: Isports Isports
Hilig: 1.
1.
Kasanayan/
Skills:
Mithiin:
2. 2.
Pagpapahalaga:

3. 3.

20
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong mga sagot sa flow chart na may kinalaman
sa kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng mga salik sa pagpili ng tamang kurso?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Isa-isahin ang mga hakbang ang iyong isasagawa upang mapaghandaan ang
pagsasakatuparan ng iyong piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at palakasan o Negosyo.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

21
Gawain 1

Panuto: Tayahin ang iyong pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng


batayang konsepto. Sundan ang flow chart.

Gawain 2
Panuto: Ang pagtatakda ng sariling tunguhin ay mahalagang hakbang upang
makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan
o negosyo. Punan ng mga hinihinging impormasyon ang matrix sa ibaba bilang
paghahanda sa gagawin.

22
Piniling Kurso
Hadlang Na Maaring Makapigil sa Pansariling Salik
Akademiko o
Pagkamit ng Piniling Kurso na Maaring
Teknikal-
Akademiko o Teknikal- Makatulong Upang
Bokasyonal,
Bokasyonal, Sining at Palakasan, Malampasan ang
Sining at Palakasan,
o o Negosyo Hadlang
Negosyo

Gawain 3: Force Field Analysis:

Panuto: Tingnan at pag-aralan ang halimbawa sa ibaba. Subukang bumuo ng isang


Force Field Analysis. Ito ay isang tool sa paglutas ng suliranin ng pagsasakatuparan
ng iyong plano. Kasama rito ang pagsusuri sa mga puwersa (Forces) na
nakakaaapekto sa iyong mga gawain na maaaring nakatutulong o nakasasagabal
patungo sa pagkamit ng iyong Career Goal o mithiin sa buhay.

23
24
MODYUL 2

Sa modyul 13 ay lubos mong naunawaan ang kahalagahan ng pagiging tugma


ng iyong mga personal na salik sa mga pangangailangan ng pipiliin mong track o
kurso sa Senior High School. Ang mga ito ay isang malaking tulong para sa iyo sa
pagkakaroon ng makabuluhang trabaho at negosyo na makatutulong sa pagiging
produktibo mo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahan na magagabayan ka upang magkaroon ka ng


tamang direksyon sa track o kurso ng iyong pipillin at sa pamamagitan nito makikita
mo ang kahalagahan nito sa iyong buhay. Inaasahan din na maipapamalas mo ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa mga sumusunod:

• Nakikilala ang kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


• Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay
• Nahihinuha na ang kaniyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
dapat na nagsasalamin ng kaniyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
• Nakapagbubuo ng Personal ng Pahayag ng Misyon sa Buhay

Aralin Personal na Pahayag ng


2 Misyon sa Buhay

Ang pagkamit ng kaganapan lalo na ang landas na tatahakin ay kadalasan


puno ng hamon at pagsubok, lalo na ang misyon na nakaatang sa balikat ay may
kahirapan upang mapagtagumpayan. Sa panahon ng kabataan na minsan ay
nasusuong sa pabago-bago ng isip at pasya at hindi malaman ang tinatahak sa

25
buhay. Napakahalaga na tiyak ang landas na tinatahak sapagkat ito ang susi na
makakatulong upang makamit ang mga layunin sa buhay.

Sa paggawa ng pagpapasiya na pipilling gawin, mahalaga na makailang ulit na


pinag- iisipan upang maging sigurado at hindi maligaw sa tatahaking daan.
Mahalagang sa pagkamit nito ay dapat naisalang-alang ang kabutihan para sa sarili,
kapwa at lipunan.

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Sa pagmulat pa lamang ng mga mata mula sa pagtulog ay nagpapasya na ang


tao. Ito ay maaaring sa pagligpit muna ng higaan, maghilamos muna bago kumain o
manalangin ng isang pasasalamat sa bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
Sa pasimulang pagpapasyang ito nagsisimula ang direksiyon ng iyong buhay sa
buong araw na mayroon ka.

Mula sa kanta ni Diana Ross na may pamagat na “Do You Know Where You’re
Going To,” mababasa mo ang mga linyang ito, “Do you know where you’re going to?
Do you like the things that life is showing you? Where are you going to?” Alam mo
nga ba ang direksiyon na tinatahak mo sa iyong buhay? Naitanong mo na ba sa iyong
sarili kung saan ka patungo?

Mahalagang alam mo at sigurado ka sa landas na iyong tatahakin. Ito ang


susi na makatutulong sa iyo upang makamit ang iyong layunin sa buhay. Noong
ikaw ay nasa Baitang 7, tinalakay ninyo roon ang tungkol sa tamang pagpapasiya.
Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.

26
Kailangan mo ng gabay kapag ikaw ay
magpapasiya. Tulad ng isang bulag, nahihirapan
siyang maglakad kung wala ang kaniyang tungkod
na panggabay. Ito ang nagsisilbing kasangkapan
niya upang marating ang kaniyang nais puntahan.
Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa
pagpapasiya upang hindi siya magkamali at
magkaroon siya ng tamang direksiyon sa pagkamit
ng mga layunin sa buhay.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective
People, “begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na
sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong
buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong
katangian, pagpapahalaga, at layunin. Dinagdag pa niya na nagkakaroon ng
kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay nagagampanan nang may
balanse ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan at iba pa. Bakit nga ba
mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao? Ito ang dalawang
kadahilanan:

1. Sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto


nito. Napakahalaga na maging mapanuri at sigurado ka sa iyong gagawin na
mga pagpapasiya.

2. Kung hindi ka ngayon magpapasiya para sa iyong kinabukasan, gagawin ito


ng iba para sa iyo. Maaaring ito ay ang iyong magulang, kaibigan, o media.
Kung kaya dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin.

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay. At


malaking tulong dito ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(Personal Mission Statement) na inyong napag-aralan sa ikaapat na bahagi ng inyong
modyul noong ikaw ay nasa Baitang 7. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano
mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.

27
Sa paglikha ng Personal na Misyon
sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka
ng pansariling pagtataya o personal
assessment sa iyong kasalukuyang buhay.
Ang resulta nito ay magiging kapaki-
pakinabang sa iyong mapanagutang pasiya
at kilos. Narito ang mga dapat isaalang-
alang sa pansariling pagtataya:

1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Ang pangunahin mong katangian ang
magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong
ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo, at paano mo isasakatuparan ang iyong
mga pagpapasiya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa


iyo kung saan nakabatay ang iyong pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang
iyong lakas, oras, at panahon.

3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon, laging


isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay
mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao.

Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras na


gawain. Ito ay kailangan mong pagnilayan,
paglaanan ng sapat na panahon. Sa oras na ito
ay mabuo mo, ito ang magiging saligan ng iyong
buhay. Dapat ito ay nakatuon sa kung ano ang
nais mong mangyari sa mga taglay mong
katangian at kung paano makakamit ang
tagumpay gamit ang mga ito. Ang PPMB ay
maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na
nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay. Magkagayon man, ito pa rin ang
magsisilbing saligan sa pagtahak mo sa tamang landas ng iyong buhay.

28
Sa pagbuo mo ng PPMB, dapat na masasagot nito ang mga sumusunod na
katanungan:

a. Ano ang layunin ko sa buhay?


b. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
c. Ano ang mga nais kong marating?
d. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay
sa aking buhay?

Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na
magiging mapanagutan ito upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Makatutulong ito upang makita ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo na
ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay. Anuman
ito ay dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan
at gagawin. Mula dito, kailangan maging malinaw sa iyo ang iyong pag-iral: ikaw ay
may misyon na dapat gampanan.

Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay o PPMB ay isang magandang


paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo.
Nagsisilbi itong simula na matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling
kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven


Habits of Highly Effective People, “begin with the end of mind”.
Sa simula pa lamang ay marapat na alam na natin kung ano
ang nais nating tahakin sa hinaharap. Ayon pa sa kaniya,
nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay
kung ito ay:

1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang


kahulugan niya bilang isang tao.

29
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang
pagpapahayag ng ating pagkabukod-tangi
3. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya,
trabaho, pamayanan at iba pa
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

Sa pagkakaroon ng PPMB, malaki ang posibilidad na magiging mapanagutan


ka upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Makakatulong ito
upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo at mayroon kang misyon
na dapat gampanan sa iyong buhay. Ang tunay na misyon ay ang maglingkod dahil
ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na
kaligayahan.

Gayundin dapat isinaalang-alang ang kraytiryang SMART sa paggawa ng


PPMB. Ito ay mahalaga upang maging kongkreto sa iyo ang iyong tatahakin sa
buhay.

Ang kraytiryang SMART:

• Tiyak (Specific). Kailangang ispesipiko at hindi magpabago-bago ng nais at


siguraduhin ang iyong gagawin.

• Nasusukat (Measurable). Sa pagsulat ng PPMB kailangan na ito ay kaya


mong gawin at isakatuparan at dapat tugma ito sa iyong kakayanan.

• Naaabot (Attainable). Tanungin ang sarili: Makatotohanan ba ang aking


PPMB? Kaya ko bang abutin ito? Mapanghamon ba ito?

• Angkop (Relevant). Tingnan at suriin kung ito ay makatutugon sa


pangangailangan ng kapwa at kailangang ituon ang isip na ang buhay ay
kailangan na ibahagi sa iba.

• Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Ito ay nagbibigay ng takdang


panahon o oras kung kailan mo isasakatuparan ang iyong isinulat.
Kailangang itakda din ito ng kung pangmatagalan o pangmadalian lamang
upang maging gabay sa pagpaplano at pagpapasiyang gagawin.

30
Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa
pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga
salita at karunungan sa lahat, lalo na sa kabataan, maliit na bata at pag-aalala
sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Halimbawa ng PPMB ng isang mag-aaral at ang mga hakbang upang lalong


mapatatag ang mga elemento nito:

Elemento Hakbang sa Gagawin Takdang Oras/Panahon


Pag-aaral ng mabuti • Pagbabalik-aral sa • 2 oras araw-araw
mga nagdaang aralin
• Regular na pag-aaral ng
mga asignatura
Pagsasagawa • Pananaliksik sa mga • Isang beses isang
ng problem ana Linggo
pananaliksik kinakaharap ng
lipunan
• Pananaliksik tungkol sa
mga bagay na
makakapukaw ng
atensyon sa kabataan
maliliit na bata
at mga tinedyer
Pag-alaala sa Diyos • Panalangin • Araw-araw
• Pagdalo sa Banal na Misa • Tuwing Linggo
• Pagsali sa mga gawain • Sabado at Linggo
sa simbahan at
organisasyon

31
Kung ang isang barkong naglalayag sa dagat sa gabi at sa panahon ng bagyo
ay makaranas ng kawalan ng direksiyon, ano kaya ang gagabay dito upang
maiwasan ang pagkaligaw ng daan at malayo sa kapahamakan? Ang sagot walang
iba kundi ang lighthouse. Ito ay tore o gusali na kumukuha ng ilaw mula sa mga
lampara o lenses at ginagamit bilang gabay ng mga naglalayag na barko laban sa
panganib o pagkalubog sa dagat. Sa ganitong paraan din ang Personal na Pahayag
na Misyon sa Buhay ay ang lighthouse na gagabay sa iyo upang maiwasan mo ang
pagkaligaw sa daan at makarating ka sa iyong paroroonan.

32
Gawain 1:
Panuto:

1. Magbigay ng limang (5) sitwasyon kung saan nagsasagawa ka ng pagpapasiya.

2. Punan ang mga sumusunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi ng mga


ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa mga pagpapasiyang ginawa mo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na magpasiya nang tama? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap? Isa-isahin at


ipaliwanag ang mga ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

33
Gawain 2
Panuto:
1. Gamit ang graphic organizer, isulat ang iyong mga pagpapahalaga sa buhay
gamit ang iyong kuwaderno.
2. Pagkatapos, pumili ng pinakamahalaga sa iyong mga isinagot at magbigay
ng paliwanag ukol dito.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang naramdamam mo pagkatapos ng gawain? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong naging basehan upang matukoy ang iyong pinakamahalagang
pinapahalagahan mo sa buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan makatutulong sa iyo ang mga pagpapahalagang ito upang


ikaw ay magtagumpay sa hinaharap? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

34
Gawain 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na kinakailangan sa pagbuo


ng PPMB.

35
Gawain 1
Panuto:
1. Gamit ang mga gabay na iyong napag-aralan sa modyul na ito, ikaw ay
gagawa ng iyong sariling Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o isang
motto.
2. Gawin ito sa isang malinis na papel. Pagandahin at kulayan.
3. Muli, sariling gawa at hindi copy paste.

36
Gawain 2
Panuto: Kung panonoorin ng mga tao sa telebisyon ang nangyari sa iyong buhay
sampung taon mula ngayon, ano ang gusto mong mapanood sa iyo ng mga tao ayon
sa mga plano na iyong ginawa bilang preparasyon rito? Iguhit ito sa loob ng
telebisyon na makikita sa ibaba. Kulayan at pagandahin.

Sagutin ang tanong:


1. Mula sa gawain, ano ang masasabi mo sa iyong sarili?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na suriin ang mga mithiin mo sa buhay? Ipaliwanag ang mga ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Ano ang iyong iginuhit sa telebisyon? Nasiyahan ka ba sa iyong pinanood? Bakit?


Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

37
Gawain 3
Panuto: Matapos masagutan ang unang gawain. Isulat naman sa loob ng
hexagon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng PPMB?

Gawain 4

Panuto: Batay sa natutuhan sa aralin, bumuo ng sariling PPMB at sa pagbuo nito


kinakailangan na makagawa ka ng mga hakbang upang lalong mapatatag ang mga
elemento nito. Gumamit ng matrix o talahanayan na makatutulong upang lalong
matiyak ang isusulat ng pahayag.

38
39
40
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem bago sumagot. Isulat sa
inyong kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Dahil sa kakulangan ng pantustos sa pag-aaral, malungkot si Andres


sapagkat hindi siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang.
Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat
ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Dahil dito, naisip niyang ito
ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa
kaniyang sarili at pamilya. Anong pansariling salik ang isinaalang-
alang ni Andres sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng
alternatibo bilang tugon sa tumataas na demand sa lipunan?
A. katayuang pinansyal
B. mithiin
C. pagpapahalaga
D. kasanayan
2. Si Lenard ay may angking galing at husay sa Matematika. Ang
kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama.
Samantala, ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa
kaniyang ina. Mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang
pipiliing kurso bago sa Junior High (Baitang 10). Kahanga- hanga si
Lenard dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa
kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya
sa pagpili ng kurso?
A. mithiin C. pagpapahalaga
B. kasanayan D. hilig

41
3. Alam ni Ging na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina
gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya.
Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa
kanilang munisipyo at iba pang institusyon. Unti-unti ay nagsulat
siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay
niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Ging?

A. katayuang pinansyal
B. mithiin
C. pagpapahalaga
D. hilig

4. Hindi lingid sa kaalaman ni Sonny ang mga naging puhunan ng


kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata
pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay
maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang
saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga
magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito, lalo na kapag
may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos
sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni
Sonny sa pagpili ng kurso?

A. hilig
B. pagpapahalaga
C. katayuang pinansyal
D. kasanayan

5. Bata pa lamang si Noli ay may interes na sa pagbabasa ng mga


Educational book, kasabay din nito ang pagguhit at minsang
pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga
paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng

42
kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya
ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga
sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni
Noli ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?

A. kasanayan
B. hilig
C. mithiin
D. pagpapahalaga

6. Ito ay pansariling pagtataya na binibigyang halaga ang iyong


pangunahing katangian.

A. Tipunin ang mga impormasyon


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Sukatin ang mga kakayahan
D. Suriin ang iyong ugali at katangian

7. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na


Pahayag ng Misyon sa Buhay MALIBAN sa:

A. Suriin ang iyong ugali at katangian


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Sukatin ang mga kakayahan
D. Tipunin ang mga impormasyon

8. Ito ay pansariling pagtataya na nangangalap ng iba’t ibang datos at


kaalaman sa paaralan, kapaligiran, social media at iba pa.

A. Suriin ang iyong ugali at katangian


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Sukatin ang mga kakayahan
D. Tipunin ang mga impormasyon

43
9. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakatuon ang iyong
lakas, oras, at panahon. Ano ito sa pansariling pagtataya?

A. Sukatin ang mga kakayahan


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Tipunin ang mga impormasyon
D. Suriin ang iyong ugali at katangian

10. Alin sa sumusunod ang HINDI kahulugan ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay?

A. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.


B. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na
nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
D. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

44
45
Tayahin
1. A
2. B
3. C
4. B
5. B
6. D
7. C
8. D
9. B
10. D
Subukin
1. D
2. E
3. B
4. A
5. C
6. A
7. D
8. C
9. C
10. C
Sanggunian

Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa


Mag-aaral pp. 232-242. Pasig City.

Gayola, S. T., Bontia, M. Y., Rivera, S. M., Celeste, E. G., Leano, M. R., Yumul, B.
O., Guevarra, G. A. (2015). Modyul 13: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng
Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports,
Negosyo o Hanapbuhay. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na
Baitang (Unang Edisyon ed., pp. 217-231). Kagawaran ng Edukasyon.

Gayola, S. T., Bontia, M. Y., Rivera, S. M., Celeste, E. G., Leano, M. R., Yumul, B.
O., Guevarra, G. A. (2015). Modyul 13: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng
Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports,
Negosyo o Hanapbuhay. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na
Baitang (Unang Edisyon ed., pp. 237-262). Kagawaran ng Edukasyon.

Gayola, S. T., Guevara, A. G., Bontia, M. Y., Rivera, S. M., Celeste, E. G., Leano, M.
R., Yumul, B. O, Miranda, A. G, Alagbate, N. R. et. al. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral pp. 232-246

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like