You are on page 1of 17

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/
Pagbibinata
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan sa
Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hilirio D. Dela Cruz, Jr.


Editor: Agnes Caberoy, Phoebe Mae Catedrilla at Michelle Pardillo
Tagasuri: Reynaldo Tagala, Eps - 1
Tagaguhit: Hilirio D. Dela Cruz, Jr.
Tagalapat: Maylene F. Grigana
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, CESO V- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI- Schools Division Superintendent
Nerissa A. Alfafara, CESE- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barerra- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Ang- ug- REPS, ADM
Cynthia Diaz- REPS, EsP
Donna S. Panes- Chief, CID
Judith B. Alba- EPS, ADM, LRMS
Aurelio C. Cagang- EPS, EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pinagpalang Araw! Magigiting at mabubuting loob naming mag-aaral!


Kumusta ka? Handa ka na ba para sa bagong yugto ng iyong pag-aaral sa
Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang 7? Halika! Simulan natin.
Maraming pagkakataon sa ating buhay ang sumubok sa ating sariling
kakayahan. Ang ating mga ginagawa ay repleksyon ng kakayahan, talento, at
ng ating tiwala sa sarili. Mahalaga ang tiwala sa sarili lalo na sa pagharap ng
mga pagbabago sa panahon ng kabataan. Ang isang kabataang tulad mo ay
may malaking kakayahan na makatugon sa mga pagbabago kung may tiwala
at positibong pananaw sa sarili, talento at kakayahan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan:

Masusuri at makilala ng mag-aaral ang pagbabago sa kanyang sarili.


● Mapapahalagahan ng mga mag-aaral ang unti-unting pagbabagong
pisikal bilang nagdadalaga at nagbibinata.

Sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:


Ano-ano ang mga paraan upang makilala ang mga pagbabago sa sarili?
Paano mo positibong tinanggap ang mga pagbabago sa sarili?
Subukin

Panuto: Ilarawan ang iyong sarili sa pamamagitan ng


pagguhit sa gulang na pito (7) at gulang na sampu (10).
Gamitin ang kahon sa ibaba.

Ako sa gulang na Pito (7) Ako sa gulang na Sampu (10)

1. Magtala ng tatlong pagbabagong-pisikal at dalawang pagbabago sa pag-


ugali na napansin sa nakapaskil na larawan.
Pagbabagong-pisikal
a.

b.

c.
Pagbabago sa pag-uugali

d.

e.

2. Ano-ano ang iyong naramdaman habang sinusulat ang mga pagbabago


sa sarili? 5 puntos.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
MGA ANGKOP AT INAASAHANG
Quarter 1 KAKAYAHAN AT KILOS SA
Week 1 PANAHON NG PAGDADALAGA/
PAGBIBINATA

COMPETENCY CODES:

▪ Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8


o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (ESP7PS-Ia-1.1)

a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing


edad
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/
sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/
nagbibinata

▪ Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili na may


pagtataya sa mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata. (ESP7PS-Ia-1.2)
Balikan

PANUTO: Kapanayamin ang iyong mga magulang tungkol sa


kung ano ang kanilang karanasan sa mga pagbabago sa
katawan noong sila ay nasa edad 10-16 taong gulang. (5 puntos)

Tuklasin
PANUTO: Maglunsad ng isang pag-aaral tungkol sa
pamilya,mga kaibigan at kapitbahay sa inyong barangay hinggil sa mga
karanasan nila kasama ka noong ikaw ay nasa gulang na isa (1)
hanggang siyam (9) na taong gulang ka pa lang. Gamitin ang mga gabay
na tanong sa ibaba. Isulat sa iyong kwaderno ang mga kasagutan.

1. Ano ang pagkalarawan sa iyo ng iyong pamilya noong ikaw ay


nasa gulang na isa (1) hanggang siyam (11) na taon pa lamang?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Sino-sino ang iyong mga kaibigan at ano-ano ang inyong


karaniwang pinaggagagawa noong kayo ay bata pa lamang?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.
3. Papaano ka ba napapasaya ng mga tao sa iyong paligid? at Ano
ang nagpapalungkot o nagpapaiyak sa iyo noong ikaw ay bata
pa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.

4. Ano-ano ang mga ipinapagawa sa iyo noong ikaw ay bata pa? at


bakit kaya sa palagay mo ipinapagawa ito sa iyo?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Suriin
PANUTO: Isulat ang iyong mga gawain ayon sa oras o
panahon na nakatala o nakaguhit sa ibaba at ipaliwanag

Umaga Tanghali Gabi


Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting
pagbabago (transitional period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay
patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata (adolecence).

Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/


Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto:

1. Pangkaisipan
• Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.
• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
• Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo
at may pinaniniwalaan.
2. Pandamdamin
• Madalas na mainitin ang ulo
• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa
klase, at pangangatawan.
• Madalas malalim ang iniisip

3. Panlipunan
• Lumalayo sa magulang, naniniwalang makaluma ang mga
ito.
• Higit na nagpapakita ng interest sa katapat na kasarian
ang mga babae kaysa mga lalaki.
• Dumadalang ang pangangailangan na makasama ang
pamilya.
4. Moral
• Alam kung ano ang tama at mali
• Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya
o desisyon.
• Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.

Mga mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa


bawat yugto ng pagtanda ng tao:

1. Gabay
2. Motibasyon
3. Kakayahang iakma ang sarili

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isa sa pinakamasaya ngunit


sa iba’y nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat tao.
Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao sa
pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim na taong gulang.
Puberty Stage – isang yugto ng buhay na may maraming
nagaganap na pagbabago. Ito’y mula 10-16 na taong gulang. Ito
ay sanhi ng kaniyang pituitary gland na naghuhudyat sa ibang
bahagi ng katawan na may kinalaman sa kasarian. Ang
glandulang ito ay tumutulong sa paglaki ng katawan at pag-
unlad ng kaisipan.

Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata:

1. Pagsulong ng Taas at Bigat – sa panahong ito, ang isang normal


at malusog na batang lalaki ay tumatangkad ng 7 hanggang 12
sentimetro at ang babae naman mula sa 6 hanggang 11
sentimetro.
2. Pagbabago sa Sukat ng Katawan – sa mga babae naman ay ang
pag-umbok ng dibdib at paglapad ng balakang. Ang pag-unlad ng
kalamnan ng lalaki ay nagdudulot sa kanila ng higit na lakas at
kakayahang gumawa ng mabibigat na gawain.

3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian – sa panahong ito ay


nagkakaroon ng buwanang daloy o pagreregla at nagsisimulang
magkahugis ang dibdib ng babae. Bukod dito ay lumalapad ang
balakang, tumutubo ang balahibo sa kilikili at ibabaw ng ari ng
mga kababaihan. Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng bigote
at mga balahibo sa binti, dibdib at sa maselang na bahagi ng
katawan. Lumalabas na rin ang lagukan o adam’s apple ng lalaki
at nagbabago ang boses na kung minsan ay bumababa o
pumipiyok.

• Ang Dysmenorrhea ay ang pamimintig ng puson o ang pagkirot


nito tuwing magkakaroon ng regla ang babae sanhi ng pag-urong
ng laman ng bahay-bata at ang unti-unting pagdaloy ng dugo
mula sa paligid nito
• Ang Menopause ay paghinto ng pagreregla. Ito’y hudyat din na
kawalan ng kapasidad upang magka-anak sa gulang na 45-50
kung wala ng pagdaloy ng regla.
• Ang Pagreregla ay dumarating minsan sa isang buwan ayon sa
bilang ng menstrual cycle. Mahalagang magkaroon ng
pansariling kalendaryo ukol sa pagreregla upang malaman ang
iyong cycle at kung kailan ka magkakaroon mula ng regla.

Mga dapat gawin sa panahon ng Pagreregla:

1. Maligo araw araw.


2. Ugaliing na linisin ang iba pang bahagi ng katawan.
3. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung
kinakailangan.
4. Gumamit ng deodorant, tawas o kalamansi sa kilikili at singit
upang mabawasan ang amoy ng katawan.
5. Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang tigyawat.
6. Magpalit ng damit at panty bago matulog.
7. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng sariwang
katas ng prutas.
8. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong ito sa maayos na
pagdaloy ng regla.

• Ang Pagtutuli ay isang simpleng operasyon kung saan inaalis ang


sobrang balat na bumabalot sa glan o ulo ng tunod.
Ginagawa sa mga lalaking 10 hanggang 14 na taong gulang.

Mga dapat gawin sa panahon ng Pagtutuli:

1. Gumamit ng maluwang na panahon, shorts o padyama, upang


mahanginan at matuyo agad ang sugat.
2. Kailangan palitan ang ballot ng tunod at linisin ito araw-araw
3. Magsabon at magbanlaw ng mabuti sa mga kamay bago
hawakan ang sugat.
4. Linisin ang sugat ng katas ng pinakuluang dahon ng bayabas
habang ito ay sariwa pa.
5. Kumain ng masustansyang pagkain upang mapabilis ang
paghilom ng sugat.
6. Iwasang kumain ng malalansang pagkain tulad ng hipon, bagoong,
malasadong itlog, at iba pa.
Pagyamanin
PANUTO: Paano mo mapamahalaan ang dalampu’t apat
na oras basi sa iyong gawain? Itala sa ito sa loob ng
kahon.

Halimbawa:
6:00 – 7:00 magluto at mag-
almusal
8:00 – 9:00 ________

Panuto: Mga karagdagang tanong. Isulat ang akmang sagot sa tanong.


1. Ano ang naramdaman mo habang sinusulat ang mga gawain
na gusto mong gawin sa mga oras na ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit mo ito gustong gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Sa papaanong paraan mo gustong paunlarin ang mga gawaing
ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Isaisip

PANUTO: Suriin at pagnilayan ang iyong pagkakilala sa


iyong sarili.Isulat sa ibaba ang ito.

Mga Magagandang- ugali at parti ng katawan na taglay ko:


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Mga ugali at parti ng katawan na nais baguhin:


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Isagawa
PANUTO: Iguhit ang simbolo ng gusto mong maging
paglaki mo. Bakit at papaano mo aabutin ang gusto mong maging paglaki
mo?
PANUTO: Sumulat ng isang maikling kwentong ng buhay na
naglalarawan ng iyong gustong papel na gagampanan paglaki mo.

ANG KWENTO NG AKING BUHAY”

Rubric sa pagbuo ng Kwentong Buhay


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Naipakita at nailalahad ng malinaw ang
sariliing kwentong Buhay. 5
Paggamit ng Tamang pagkagamit ng maliit at malaking
bantas at malaki at titik. Nagamit ng wasto ang lahat ng 3
maliit na titik bantas.
Kalinisan at Wasto at malinis na pagkasulat
kaayusan 2
Paggamit ng mga Tamang paggamit ng salita
salita 5
Kabuuan 15 puntos
Tayahin

PANUTO: Sagutan ang sumusunod. Isulat lamang sa


patlang ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
tama at Mali kung hindi ito naayon sa iyong kalooban.

Halimbawa: Nakapagmemorya sa tamang paghugas ng kamay.

________ 1. Tumutulong sa mga gawaing-bahay.


________ 2. Lumiliban sa klase.
________ 3. Gumagalang sa mga nakakatanda.
________ 4. Respeto sa mga magulang.
________ 5. Nakikilahok sa mga gawaing purok/barangay/komunidad.
________ 6. Pagmamahal sa magulang.
________ 7. Ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang anak dahil
mahal ko ang pamilya ko.
________ 8. Sumusunod sa mga kautusan ng gobyerno.
________ 9. Hindi papansin ang mga taong sikat at walang silbi sa
pamayanan.
________ 10. Lumalabas ng bahay kahit curfew na.

Karagdagang Gawain

PANUTO: Sumulat ng maikling panalangin hinggil sa mga pagbabagong


nagaganap sa iyong pagdadalaga/ pagbibinata.
Rubric para sa maikling panalangin
Kraytirya Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang lahat ng salita na nakapaloob sa
panalangin. Malinaw na nailahad ang saloobin 20
ng mag-aaral.
Organisasyon Malinaw, organisado at simple ang
pagkakalahad ng ideya. Magkakaugnay ang 5
mga pangungsap at maayos ang transisyon sa
mga susunod na talata.
Mekaniks Nasunod ang mga panuntunan sa pagsulat ng
panalangin tulad ng mga uri/ bahagi at baybay 5
ng salita, pagkakaayos ng pangungusap at dami
o bilang salita
Kabuuan 30 puntos
Susi sa Pagwawasto

10. Mali
9. Mali
8. Tama
7. Tama
6. Tama
5. Tama
4. Tama
3. Tama
2. Mali
1. Tama
Tayahin

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Module (pahina 1-24)
• https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-
sapagpapakatao-q1q2
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like