You are on page 1of 2

Department of Education

Region 02
Division of Nueva Vizcaya
SOLANO HIGH SCHOOL
Solano
SUMMATIVE TEST

Name:___________________________________ Yr./Sec.:______________________
A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa:
a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng
kanyang ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya matematika, pagguhit at pagdidisenyo.
b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga
kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawain na ito nang sama-sama.
c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang patahian at lumaon ay akahiligan na niya
itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang
negosyo.
d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang
kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach
programs at refief operations.
______2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
______3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
_______4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?
· Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
· Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.
· Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
· Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t bang larawan.
a. persuasive, outdoor, clerical, mechanical
b. naturalist, visual, existential, intrapersonal
c. outdoor, artistic, mechanical, social service
d. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual
_______5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
a. Larangan: musical b. Larangan: musical, artistic
Tuon: tao Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary d. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, ideya Tuon: tao, datos, ideya
______6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang- akademiko/bokasyunal?
a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag- aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang- akademiko o teknikal-bokasyonal
______7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
______8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya sa
kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya
nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang
ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang matwirang gawin ni Liza?
a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang- pansin ang nauuso.
c. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang nararapat na pagtuunan ng
pansin.

Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal, o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na
ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng
paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman.
Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na ginagawa
ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig.
May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng
natatanging kasanayan.
______9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at pandamdamin.
b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig
d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig
______10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa
hilig ay:
a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay
c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa
d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.

II. Pagkilala: Kilalanin kung anong uri ng katalinuhan (Multiple Intelligence) at Larangan ng Hilig ang binabanggit sa mga
katanungan. Piliin ang kasagutan mula sa kahon ng pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
“Hindi tinatanggap ang may bura”, kailangang maingat sa pagpili.

A. Logical/Mathematical D. Musical/Rhythmic G. Intrapersonal

B. Interpersonal E. Visual/ Spatial H. Naturalist

C. Existential F. Verbal/Linguistic I. Bodily/Kinesthetic

____________1. Mabilis natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.(Hal. Architect)


____________2. Talino sa pagbigkas o pagsulat, pagkukwento at pagmememorya ng mga salita.
____________3. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.(Hal. Accountant)
____________4. Ang Talinong ito ay naghahanap at paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating kinagagalawan. (Philosopher)
____________5. Ito ang talino sa inter-aksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.(Politiko)
____________6. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa
lahat ng larangan.(hal. Magsasaka)
____________7. Mas natututo sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng
pagsasayaw o paglalaro
____________8. Ang taong nagtataglay nito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika.
____________9. Sa talinong ito, natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. (hal. Negosyante)
___________10. Kahusayan sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamagitan ng

B.Pagtatapat-tapat: Basahin at unawain ang mga katanungan sa Hanay A .Itapat ang tinutukoy na kahiligan sa Hanay A sa Hanay B
HANAY A HANAY B
1.)Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas. a)Mechanical

2.)Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero b)Scientific

3.)Paggawa sa mga gawaing pang-opisina c)Artistic

4.)Kinahihiligang magbasa at magsulat d)Musical

5.)Nagiging malikhain at Pagdidisenyo ng mga bagay-bagay e)Outdoor

6.)Kinahihiligan ang pagkukumpuni at pag-aayos ng mga f)Social Service


Sirang gamit
7.)Pagtuklas ng bagong kaalaman o pag-iimbento g)Persuasive

8.)Nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao h.) Literary

Prepared by:
Grade 7 Teachers

Checked and Verified by:


Helen Grace J. Tabor
Head Teacher III, EsP Dep’t.

You might also like