You are on page 1of 2

Department of Education

Region 02
Division of Nueva Vizcaya
SOLANO HIGH SCHOOL
Solano, Nueva Vizcaya

SUMMATIVE TEST IN ESP 9


4th Quarter

Name: _____________________________________Year and Section:________________________

TEST I: TAMA O MALI: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung angkop ang ipinahihiwatig ng
pangungusap at MALI kung hindi angkop ang ipinapahayag.

______1. Malahalagang magsuri ng sarili ang isang mag-aaral bago siya


kumuha ng kurso sa kolehiyo.
______2. Ang pagpaplano sa kursong nais kuhanin ay hindi na kailangang
paghandaan.
______3. Ang determinasyon at pagsisikap ay hindi na kailangan sa pagkakamit
ng minimithi kung matalino ang isang tao.
______4. Ang isang huwarang empleyado ay mas komportableng nagtatrabaho
ng mag-isa sa halip na nakikipagtulungan sa iba.
______5. Pinakamahalagang salik sa pagkakamit ng nais na kurso ay ang pagaaral
nang mabuti.
______6. Ang pagkakaroon ng direksyon o layunin ay makatutulong ng malaki
sa buhay.
______7. Hindi na kailangang alamin kung ano ang iyong mga kasanayan kung
ikaw ay nagtatrabaho na.
______8. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang interes at
potensyal sa pagpili ng hanapbuhay o kurso
______9. Ang napiling kurso o hanapbuhay ay siyang makakasama sa
mahabang panahon.
______10. Dapat isaalang-alang ang mahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay
o kurso sa kolehiyo.

TEST II. MARAMIHANG PAGPIPILI:


Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot
____1. Ang bawat tao’y may kakayahang tuklasin at paunlarin ang kasanayan sa
isang gawain dahil sa taglay niyang:
a. konsensya b. dignidad c. Karapatan d. talino
____2. Ang career orientation sa paaralan ay naglalayong:
a. matuklasan ang talinong taglay ng mga mag-aaral
b. gabayan ang mga mag-aaral sa mga kursong maaari nilang kunin sa kolehiyo
c. matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang suliraning pang akademiko
d. gabayan ang mga mag-aaral sa tamang kilos sa loob at labas ng paaralan
____3. Ang ibinibigay na college admission test sa mga kolehiyo at pamantasan
ay naglalayong matuklasan ang:
a. kaalamang taglay ng mag-aaral b. kakayahang pinansyal ng mag-aaral
c. kalagayang emosyonal ng mag-aaral d. pagpapahalagang taglay ng mag-aaral
____4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan sa pag-aaral ng
iba’t ibang asignaturang sa paaralan:
a. malilinang ang talino, kasanayan at pagpapahalaga b. makakuha ng mataas na marka
c. makakilala ng iba’t ibang guro d. makasasalamuha ng iba’t-ibang kapwa kabataan
____5. Ang pagkilala sa mga kasanayang kailangan sa isang kurso o trabaho
ay nakatutulong upang:
a. magkaroon ng kamalayan sa mga kursong kailangan sa industriya.
b. matuklasan kung akma ba ng kasanayang taglay ng isang tao sa
kursong nais niyang kunin o trabahong nais pasukan.
c. makapamili ng magandang kolehiyo o pamantasang papasukan.
d. makahikayat pa ng ibang kaibigan sa pagkuha ng isang kurso o trabaho.
____6. Ang apprenticeship ay isang patakaran na umiral noon sa Europa na
naglalayong:
a. maturuan ng mga kasanayan at pagpapahalaga ang mga nagnanais pumasok sa isang trabaho.
b. matutong makisalamuha sa iba’t-ibang tao ang isang bago pa lamang na magtatrabaho.
c. makasunod ang bawat magulang sa umiiral na kalakaran ng panahong iyon na bigyang
pagsasanay ang kanilang mga anak.
d. makatuklas ng mga bagong magiging maestro sa iba’t ibang larangan
____7. Ang kasanayan ay tumutukoy sa :
a. kakayahang makipagkapwa sa trabaho.
b. kakayahang gamitin ang kaalaman sa pagsasagawa ng isang gawain.
c. mga ideya o kaisipang nabuo ng isang tao
d. mga kayang gawin ng kamay at iba pang bahagi ng katawan.
____8. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa isang gawain ay nakatutulong sa:
a. maayos na pagsasagawa ng gawain.
b. pagpapaunlad ng katauhan.
c. paglutas sa suliraning pinansyal.
d. pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
____9. Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho kung walang
kasanayan ang isang manggagawa sapagkat:
a. walang magtiyagang magturo sa kanya.
b. hindi siya sigurado sa kanyang ginagawa.
c. lagi siyang binabantayan ng supervisor.
d. wala siyang interes sa gawain.
____10. Makatutulong sa pagkakaroon ng kasanayan sa trabaho ang pagbibigay ng:
a. bonus
b. pagsasanay o training.
c. counseling
d. incentives
____11. Nananaig ang damdaming ito kapag ang isang tao’y may kasanayan sa
trabaho.
a. kaligayahan
b. kapanatagan
c. tiwala sa sarili
d. kaaliwan
____12. Mahalagang isaisip ng isang kabataang tulad mo na kailangan paunlarin ang
kanyang kasanayan upang:
a. mapabilis ang promotion sa trabaho
b. magawa nang maayos ang gawain
c. makilala ang husay sa paggawa
d. makaangat sa iba pang mga kamanggagawa
____13. Ang pagpapahalagang ito ang nararapat pairalin sa panahong tinuturuan ang
isang bago pa lamang sa trabaho.
a. sikap
b. tiyaga
c. bukas na isipan
d. hinahon
____14. Higit na kailangan ang mataas na antas ng kasanayan kung ang trabaho ay may kaugnayan sa
tao tulad ng sa medisina, pagtuturo, imprastrakturang pambayan, pagluluto, pagmamaneho, at iba pa,
sapagkat:
a. anumang pagkakamali’y buhay ang apektado
b. malaking halaga ng pera ang masasayang
c. maaapektuhan ang reputasyon ng kompanyang pinapasukan
d. higit na mabigat ang kaparusahan kapag nagkamali sa gawain
____15. Anong saloobin ang nararapat manaig kung iwinawasto ka sa isang maling nakasanayan?
a. pasasalamat
b. utang na loob
c. kababaang-loob
d. kahinahunan

TEST III PAGPAPALIWANAG. Ipaliwanag nang buong husay ang mga katanungan.Pumili ng isa at sagutin.
1. Bakit mahalagang paunlarin ng tao ang mga kakayahang taglay niya?
2. Paano nalilinang ng isang magtatapos sa kolehiyo ang kanyang mga kasanayan

You might also like