You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 13: Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


(Patryotismo)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Ann T. De Villa


Editor: Edwin F. Gamba
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph.D, RGC/ Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Raneth A. Yago (Technical)
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul 15
Pagtanggap sa Kakulangan sa mga
Personal na Salik sa Pagtatakda ng
Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Negosyo o Hanapbuhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Modyul para sa araling Pagtanggap sa Kakulangan sa mga Personal na Salik sa
Pagtatakda ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal, Negosyo o
Hanapbuhay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa


Pagtanggap sa Kakulangan sa mga Personal na Salik sa Pagtatakda ng Kursong
Akademiko o Teknikal Bokasyonal, Negosyo o Hanapbuhay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Ang aralin para sa araw na ito ay:
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang
mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga
pangarap maging ang pagsaalangalang sa mga:

a. sariling kalakasan at kahinaan at pagbalangkas ng mga hakbang upang magamit


ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan

b. pagtanggap ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na kailangan


sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay EsP7PB-IVa-13.2

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


A. natutukoy ang mga kakulangan sa pansariling salik na kailangan sa
pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyonal, negosyo o hanpabuhay;
B. napapahalagahan ang mga pamamaraan na kailangang gawin sa pagharap
ng mga kawalan o kakulangan sa mga personal na salik (KAYA KO); at
C. nakasasagot ng buong katapatan sa Personal Assessment Form

PAUNANG PAGSUBOK
KROSWORD: Punan ng angkop na salita ang bawat kahon. Basahin at unawain
ang paglalarawan sa bawat salitang tinutukoy.

Pababa
mga tao na makakasama sa
panahon ng pagsubok
pagkakataon na umunlad
pagkilos o paggawa

Pahalang
sapat na pokus
4. paraan ng pagharap at
pagtingin ng tao sa problema
BALIK-ARAL
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

______1. Ayon kay Roselle Ambubuyog, “Hindi mahalaga ang paningin ng tao, mas
mahalaga ang __________ niya sa buhay.

atensiyon B. gampanin C. mahal D. pananaw

______2. Kailangang __________ ng tao ang kanyang kahinaan.

balewalain B. ikahiya C. kilalanin D. talikuran

______3. Isipin mo na ang iyong kahinaan ay may kaakibat na _________.


alalahanin B. kalakasan C. kalungkutan D. kasiyahan

______4. Humingi ng _________ o tulong sa iba.

atensiyon B. opinyon C. oras D. payo

_______5. Maglaan ng __________ upang pag-aralan at magsanay na gawin ang bagay


na nahihirapan kang gawin.

lugar B. oras C. salapi D. tao

ARALIN:
Pagtanggap sa Kakulangan sa mga Personal na Salik sa
Pagtatakda ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal,
Negosyo o Hanapbuhay
Gawain 1: Personal Assessment Form
Panuto: Tukuyin kung ano ang iyong pinaplano kaugnay sa iyong kurso,
trabaho, teknikal-bokasyonal o negosyong nais makamit. Gamiting gabay ang
mga naging sagot sa mga pagsasanay sa Modyul 13.
Pangalan:____________________________________________________ Edad: ______________________________

Strand sa Senior High School: ______________________________________________________________________

Kurso sa Kolehiyo o Teknikal- Bokasyonal: __________________________________________________________

Minimithing Trabaho o Negosyo: _____________________________ Inaasahang Kita: Php__________________

Kinakailangang Kakayahan: ________________________________________________________________________

Talentong mayroon ka: _____________________________________ Hilig o Interes: _________________________

Magandang Katangian o Taglay na mga Pagpapahalaga: ______________________________________________


Pagkukunan ng Pantustos sa Pag-aaral: _____________________________________________________________

Sa ginawang pagsagot, ano-ano ang nakita mong mga personal o pansariling salik
na kailangang isaalang-alang sa pagkamit ng iyong mithiin sa buhay:

___________________________
3.____________________________

Gawain 2: Panuto: Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng mga


angkop na salita sa bawat patlang. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon.

batayan mithiin personal


harapin kahinaan pansarili

Sa sinundang modyul, binigyang-linaw natin na ang ating mga 1.____________ ay


nararapat na 2.____________ at lampasan. Sa pagtatakda ng iyong 3.___________, isa
rin sa dapat mong alamin at isaalang-alang ay ang mga 4.____________ na salik na
nakakaapekto sa pagtatakda ng iyong pangarap at mithiin sa buhay. Mahalagang
magsagawa ng pagsusuring 5.____________ (self-assessment) upang gamiting
6.____________ kung tama o mali ang iyong tinatahak sa pagtamo ng iyong mga
pangarap.

Gawain 3: K-A-Y-A K-O!

Narito ang ilan sa mga paraan na maari mong gamitin sa pag-abot ng iyong mithiin
sa kabila ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik.

Panuto: Buuin ang mga salitang kukumpleto sa akronim na K-A-Y-A K-O! Punan
ng angkop na titik ang bawat patlang.

1. K__R__ KT__R - Ito ay tumutukoy sa kilos na dinidikta ng isip, konsiyensya,


dignidad at kalayaan ng bawat indibidwal. Ang tamang karakter ang huhubog
sa mas maayos na pagharap at pagtugon sa iyong mga kakulangan.

2. A__S__YO__ - Hindi sapat na kinikilala mo ang mga kakulangan. Mahalaga


na mayroon kang ginagawa upang malampasan ang mga kawalang ito.

3. YA__AP__N ANG K__HIN__AN - Mahalin at pahalagahan ang iyong sarili


kasama ng iyong mga kakulangan at kahinaan. Tanggapin na hindi lahat ay
kaya mong gawin ngunit maaari mo namang alamin o pag-aralan.

4. AT__ __SI__ON – kailangan mong pagtuunan ng sapat na pokus ang iyong


mga pangarap at mithiin. Isipin na ang bawat gingawa sa kasalukuyan ay
bahagi ng iyong pagkamit ng iyong ninanais.
5. KA__ AM__Y – Hindi mo makakaya ang lahat ng pagsubok at tagumpay kung
walang tulong ng mga tao sa ating paligid. Tandaan, piliin ang mga taong
makakasama sa pagsubok dahil sila ang totoong nagmamahal at
naghahangad ng iyong kabutihan.

6. OP__RT__NI__AD – Huwag palampasin ang pagkakataon na umunlad ang


sarili, ang pamilya at ibahagi ito sa iyong kapuwa. Tandaan, walang
masamang sumubok at mabigo. Ang mahalaga ay handa kang ituloy ang
pagkamit ng tagumpay.

Laging tandaan, K-A-Y-A K-O (Karakter, Aksiyon, Yakapin ang Kahinaan,


Atensiyon, Karamay, Oportunidad)! Kaya Mo!

MGA PAGSASANAY

Gawain A: Suriin Natin!

Basahin ang magkaibang sitwasyon nina Marco at Maya. Suriin ang mga personal
na salik na nakakaapekto sa dalawang tinedyer sa kwento. Sagutan ang tsart upang
mapaghambing ang kanilang kalagayan.

Si Marco ay 13 taong gulang. Mahusay siya sa larangan ng matematika.


Katunayan, madalas siyang isali sa mga tagisan ng talino sa asignaturang
ito. Bukod sa pagiging matalino, aktibo rin siya sa paglalaro ng online
games. Madalas niyang gugulin ang kanyang libreng oras sa paglalaro ng
Mobile Legends. Dahil dito, napabayaan niya ang ibang asignatura. Mataas
ang kanyang marka sa Mathematics ngunit hindi siya nakakapagpasa ng
mga proyekto sa iba pang aralin. Labis na nalungkot ang kanyang ina dahil
nanganganib na mawala ang kanyang scholarship na makakatulong sana
ng malaki sa pag-aaral niya hanggang kolehiyo. Nais ni Marco na kumuha
ng kursong Computer Engineering.

Si Maya ay mula sa pamilya ng mga guro. Hindi pa man siya nag-aaral


ng kolehiyo, inaasahan na ng lahat ng tao na kukuha siya ng kursong
edukasyon. Bunso siya sa magkakapatid kaya’t lahat ng suporta ay
ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang, ate at kuya. Sa panahon
ng quarantine nahilig si Maya sa paggawa ng tinapay at cakes. Masarap
ang kaniyang nagagawa at masaya siya sa natuklasang kakayahan.
Madalas na siyang manuod ng baking tutorial videos online. Dahil dito,
nabuo ang pagnanais niya na maging isang pastry chef at magtayo ng
isang bakery balang araw. Malayo ito sa pagiging guro tulad ng lahat ng
miyembro ng kaniyang pamilya. Ngunit dahil mahal niya ang pamilya,
susundin niya ang gusto nila para sa kanya.
Planong Kurso,
Hilig o
Trabaho o Kakayahan Talento Pagpapahalaga
Interes
Negosyo

Marco

Maya

Gawain B: Pagnilayan

Panuto: Matapos sagutan ang tsart, suriin ang kalagayan ni Marco at Maya sa
kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa anong salik nakulangan si Marco?_________________________________________


______________________________________________________________________________
2. Paano ito makakaapekto sa kurso, trabaho o negosyo na maari niyang tahakin
balang araw?_________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa sitwasyon naman ni Maya, sa anong salik siya nagkulang?__________________
______________________________________________________________________________
4. Ano kaya ang maaaring maging epekto kung itutuloy niya ang pagiging guro?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain C. Payong Kaibigan!
Panuto: Isulat sa mga kahon ang maari mong maging payo sa mga dapat gawin
ni Marco at Maya sa pagtanggap sa kanilang mga kakulangan sa mga personal
na salik na kinakailangan sa pag-abot ng kanilang minimithi sa buhay.
Para kay Marco
Para kay Maya

_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
PAGLALAHAT
Panuto: Ilahad ang mga natutunan sa aralin para sa araw na ito sa pamamagitan
ng pagbuo sa mga pangungusap. Dugtungan ang mga parirala sa ibaba.

Sa araw na ito nalaman ko na


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Bilang isang tinedyer, magagawa kong tanggapin ang aking mga


kakulangan at kahinaan sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin ang spoken poetry at pagnilayan ang mensahe
nito para sa isang kabataang tulad mo.
Di ko malaman, tungo ko kung saan…

Saan, saan nga ba dadalhin nitong kapalaran?

Pag-unlad ng sarili mithiin kong tinuran…

Tinuran ngunit ‘di-sigurado ….’di sigurado kung saan

Saan sa dako paroon ang aking hangganan….

Ako’y isa lamang hamak na kabataan,

Mahina, marupok, mapusok

Maraming gusto, paminsa’y nalilito

May takot, pangamba at mga agam-agam

Ngunit…ngunit… sa isang-daang duda ay mayroong sigurado

Sa pagtupad ng mithiin ako ay desidido

Kahinaan, handa kong harapin at lampasan

Lampasan ng sarili kong kakayahan,

Kakayahan ang aking sandata sa pagsagwan..

Sagwan sa dagat ng buhay na ang dulo ay walang nakakaalam.

Ang aking kawalan ay pilit na pinupunan

Nang suporta, tiwala at pagmamahal ng magulang,

Pamilya sila ang karamay at kasangga

Kasangga, kasama ay Panginoong Lumikha!

Pagkatapos basahin ang tula, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mensahe ng tula sa isang kabataang tulad mo? Sang-ayon ka ba sa


ibig ipabatid nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bilang isang tinedyer, bakit mahalaga ang pagtanggap sa mga kawalan o


kakulangan ng mga pansarili o personal na salik sa pagtatakda ng mga
mithiin? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang


PK kung ito ay halimbawa ng Pagharap sa Kakulangan at DPK kung hindi.
Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________1. Nais ni Mela na maging isang flight attendant. Gusto ng kanyang


nanay na maging arkitekto siya katulad ng kanyang ate. Kinausap niya ang ina at
sinabi ang kanyang nais at nararamdaman.

_____________2. Mahirap ang pamilya ni Ben. Dahil dito, hindi na siya nangarap na
makatuntong ng kolehiyo at makatapos ng pag-aaral. Tinanggap niya na ‘di na siya
uunlad.

_____________3. Hilig ni Sia ang pagluluto. Pinili niyang elective sa TLE ay Cookery at
Cullinary Arts naman ang pangarap niyang kurso sa kolehiyo. Salat siya sa gamit sa
bahay upang mas lalo pang masanay sa pagluluto kung kaya sinsamantala niya ang
oras ng klase para makapagensanyo.

_____________4. Matalik na magkaibigan sina Ann at Mae. Nais ni Ann na maging


guro ngunit siya ay mahiyain. Tintulungan siya ni Mae na mapagtagumpayan ang
hiya sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

_____________5. Matalino at masipag na mag-aaral si Ryan. Madalas niyang


pakopyahin ang kaibigang si Cedrick sa mga awtput at proyekto sa paaralan. Dahil
dito, nasanay si Cedrick na umasa at kumopya sa mga gawa ni Ryan.
PANAPOS NA PAGSUSULIT ARALIN (Gawain 3)
PK Karakter
DPK Aksiyon
PK
PK Yakapin ang Kahinaan
DPK Atensiyon
Karamay
ARALIN (Gawain 2) ARALIN (Gawain 1) BALIK-ARAL PAUNANG
kahinaan Talento/ D PAGSUBOK
Kakayahan
C karamay
harapin
Hilig / Interes
B atensiyon
Kakayahang
mithiin D oportunidad
Pinasyal
karakter
personal
Pagpapahalaga B
aksiyon
pansarili
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Pampamahalaang Publikasyon

Dep Ed Most Essential Learning Competencies (EsP7PB-IVa-13.2)

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi)

pahina 121-146

B. Online o Elektronikong Pinagmulan

Bitmoji

http://puzzlemaker.biz

You might also like