You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-8 Baitang

Ikatlong Markahan - Modyul 5: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na
ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jemmalyn T. Tarala


Editor: Minerva D. Magtaan, Nida A. Leaño
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD., Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Pasasalamat sa Kapwa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul
para sa araling Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang ika-
21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang mga pangangailangan at sitwasyon
sa buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol


sa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain.Sa tulong-aral na ito, ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang
isang mag-aaral, ikaw ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi na ginamitan ng mga imahe
(icon) na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN –Sa bahaging ito malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang
Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK - Dito masusukat ang iyong matutuhan


at maunawaan sa mga naunang paksa.

BALIK-ARAL - Dito masusukat ang dati mong kaalaman at mga


dapat mo pang malaman sa paksa.

ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa aralin.

MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga


natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay hindi naglalayong
bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang
kabutihang ginawa sayo.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

A. natatalakay ang mga magagandang dulot ng pasasalamat sa tao;

B. nakabubuo ng tulang pasasalamat para sa mga frontliners; at

C. napahahalagahan ang mga tao at biyayang pinagkaloob ng Diyos.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang natututunan sa
pagtanaw ng utang na loob. Punan lamang ang patlang ng angkop na salita,
piliin ang sagot sa kahon.

halaga moral tao


karanasanan kasiyahan

1. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga material na bagay


o sa _____________________.

2. Pumipigil sa _____________________ na maging mainggitin sa iba.

3. Nagpapatibay ng _____________________ na pagkatao.

4. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang


_____________________.

5. Nagpapataas ng _____________________ sa sarili.

BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ay ingratitude
o entitlement mentality.
____________________________1. Ito ay kawalan ng pasasalamat; isang
masamang ugali na nakakapagpababa sa pagkatao.
____________________________2. Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang
natanggap mula sa kapwa.
____________________________3. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na
anomang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
____________________________4. Hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa
kapwa.
____________________________5. Ito ay mga taong hindi marunong
magpasalamat.

ARALIN
Ang pasasalamat ay ang pagbibigay ng bunyi, gantimpala, o pagkilala sa
isang tao. Ito ay isang paraan ng pagtanaw ng utang na loob sa mga taong
nakagawa sa'yo ng kabutihan.

Gawain 1.

Panuto: Punan ang kahon ng mga magagandang dulot ng pasasalamat sa


tao.

MAGANDANG DULOT
NG PASASALAMAT SA
TAO
Tanong:

1. Ano ang nararamadaman mo tuwing nagpapasalamat ka sa iyong kapwa?


Ipaliwanag.

2. Bilang isang mag-aaral, kanino ka madalas magpasalamat? Bakit?

Ang pinakamataas na anyo ng pagpapasalamat ay iniuukol natin sa Diyos


sapagkat sa Kaniya nanggaling lahat ng biyayang natatanggap natin sa araw-
araw. Ginagamit ng Diyos ang ating kapwa upang ipagkaloob ang Kanyang
mga tulong at biyaya.

Gawain 2.

Panuto: Itala ang mga dapat gawin upang maisapamuhay ang Pasasalamat.

MGA DAPAT GAWIN UPANG MAISABUHAY


ANG PASASALAMAT
Tanong:

1. Sino-sino ang mga gusto mong pasalamatan? Ipaliwanag kung bakit.

2. Bilang mag-aaral, paano mo maisapamumuhay ang pasasalamat?

Malaki ang epekto ng pasasalamat sa kapwa. Bukod sa benepisyong


naidudulot nito sa kalusugan, nagbibigay din ito ng kaligayahan sa buhay.

Gawain 3.

Panuto: Ang mga nakatala sa ibaba ay mga ugali at pananaw sa buhay ng


mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. I-level ang mga ito mula 1
hanggang 7 at ilagay sa graphic organizer.

• Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinalalakas ang mga


kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong ugnayan
• Pumipigil sa tao maging mainggitin
• Nagpapatibay ng moral ng pagkatao
• Nagpapataas ng halaga sa sarili
• Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal o sa
kasiyahan
• Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang
karanasan
• Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.

1
2
3
4
5
6
7
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at sagutin ang tanong.

1. Si Mang Kiko ay isang jeepney driver. Magmula nang maipatupad ang


enhanced community quarantine sa kanilang lugar ay hindi na siya
nakapamasada. Gamit ang naipong pera ay nagtayo siya ng maliit na lugawan
at mamihan. Gagamitin niya ang kikitain para sa paghahanda sa mga anak
niyang mag-aaral ngayong pasukan. Kung ikaw ang isa sa mga anak ni Mang
Kiko, ano ang iyong gagawin para masuklian ang sakripisyo niya?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kaarawan na ni Rose sa susunod na linggo. Inaasahan niya na makakauwi


ang kanyang mga magulang na OFW, ngunit dahil sa pandemic ay hindi
matutuloy ang pag-uwi ng mga ito. Nagpadala na lamang ng isang balikbayan
box ang magulang niya bilang regalo sa kaniyang kaarawan. Ano ang dapat
gawin ni Rose upang mapasalamatan ang mga magulang niya?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Si Gng. Ganza ay isang guro sa pampublikong paaralan. Sa loob ng 29 taon


niyang pagtuturo ay ngayon lamang niya mararanasan ang pagtuturo ng
online. Dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang tarabaho at mga mag-aaral ay
pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dapat gawin para makasabay sa new
normal. Kung ikaw ay magiging isa sa mga mag-aaral ni Gng. Ganza, ano ang
iyong gagawin upang mapahalagahan at mapasalamatan mo siya sa kaniyang
ginagawa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGSASANAY 2.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang ang DAPAT kung
ito ay gawain upang maisapamuhay ang pasasalamat at HINDI DAPAT kung
hindi at isulat ang tamang gagawin upang maitama ito

_______________1. Ipinaparamdam ni Sari sa kanyang mga kaibigan na


mahalaga ang mga ito sa pamamagitan ng pag-aalala at pagpapasalamat sa
mga kabutihang ginawa ng mga ito sa kanya

_______________2. Madalas simangutan ng tinderang si Allen ang mga


bumibili sa kanilang tindahan.

_______________3. Masaya ang pamilyang Alfonso sa naging resulta ng


entrance exam ni Basha kahit hindi sila sang-ayon sa kursong kinuha nito.

_______________4. Si Popoy ay nag-positive sa sakit na COVID. Pinagsasalitaan


niya nang masama ang lahat ng doktor at nurse na nakakasalamuha niya.

_______________5. Madalas magbigay ng barya o pagkain sa mga pulubi si Cali


kapag papasok sa trabaho.

Tanong:

1. Bakit mahalagang maisapamuhay ang pasasalamat sa kapwa? Ipaliwanag.


PAGSASANAY 3.

Panuto: Gumawa ng collage ng mga taong nais mong pasalamatan. Maaring


iguhit o gumupit ng larawan

Mga Kraytirya:

Kaayusan at Kalinisan 8

Mensahe 7
KABUUAN: 15
PAGLALAHAT
Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga natutunan sa aralin.

Ang Pasasalamat ay

Magagandang Dulot ng Mga dapat Gawin upang


Pasasalamat sa Tao Maisapamuhay ang
Pasasalamat
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isa sa mga bayani sa panahon ngayon ay ang mga frontliners. Bilang
pagbibigay pugay sa kanilang kabayanihan, magsulat ng isang tula ng
pasasalamat para sa kanila.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Lagyan ng 😊 kung ito


ay nagpapakita ng magandang dulot ng pasasalamat sa tao at ☹ naman
kung hindi.

_____1. Ang pasasalamat ay isang paraan ng pagtanaw ng utang na loob sa


mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan.

_____2. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan at galak sa puso ng isang tao.

_____3. Ito ay nagpapabigat sa kalooban ng kapwa at mga taong inaalayan ng


utang na loob.

_____4. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay nagbibigay ng masamang


impresyon sa isang tao.

_____5. Ito ay nagpapakita ng kasiyahan at kagalakan sa isang tao.


SUSI SA PAGWAWASTO
5. 😊 4. ☹ 3. ☹ 2. 😊 1. 😊

PANAPOS NA PAGSUSULIT
5. DAPAT 4. HINDI DAPAT 2. HINDI DAPAT 3. DAPAT 1. DAPAT
PAGSASANAY 2
5. entitlement mentality
ingratitude
3. entitlement mentality 4. 2. ingratitude 1. ingratitude
BALIK-ARAL
5. Halaga 4. karanasan 3. moral 2. tao 1. kasiyahan
PAUNANG PAGSUBOK

SANGGUNIAN
Edukasyon, Kagawaran ng. 2013. "Edukasyon sa Pagpapakato." In Modyul
para sa Mag-aaral, by Regina Mignon Bognot, Romualdes Comia and
Sheryll Gayola, 246-249.
preciousclamor. 2017. google.com. July 11. Accessed July 11, 2017.
https://brainly.ph/question/1038139.

You might also like