You are on page 1of 16

PAKIKIPAGKAPWA

MODYUL SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
(Q2 Week 1)
PANIMULA:

Likas sa tao ang makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa bawat aspekto ng kaniyang buhay, tiyak na mayroong papel
na ginagampanan ang kaniyang kapwa. Sino ba ang iyong kapwa? Gaano kahalaga para sa iyo ang pagbuo ng ugnayan sa
kanila? Ano-ano ang mga ugnayang nabuo sa pagitan mo at ng iyong kapwa?

Tanyag ang Pilipino dahil sa kaniyang magiliw na pagharap, maingat na pakikipag-ugnayan, at malapit na
relasyon sa kaniyang kapwa. Katunayan, ito ang isa sa mga sinasabing kalakasan ng mga Pilipino.

Sa mga taong nakakasalamuha mo sa iyong araw-araw na buhay, subukan mong magbalik-tanaw at suriin kung
paano sila nakakaapekto sa iyong ginagalawang lipunan. Tanungin mo ang iyong sarili, mahirap bang mamuhay sa isang
lipunan na wala kang maituturing na kapwa?
LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga taong itinuturing na kapwa

2. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang


kapwasa kanya sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal
PAGTALAKAY SA ARALIN:

01 Sino ang kapwa ko?

02 Maituturing ko bang sarili ko ang


kapwa ko?

03 Kaiba ba siya sa katauhan ko?

04 Kailangan ko ba siya sa buhay ko?


SINO ANG KAPWA MO?

Ang kapwa ay tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang


kapaligiran. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa
isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapwa. Ang lipunan ay
binubuo ng mga taong may pangangailangang makipag-ugnayan
sa isa’t isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng
sosyolohiya at pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang tao
ay isang panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil kasama
niya ang kapwa kundi dahil ang lahat ng bagay na kaniyang
ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili,
ay mula sa kapwa at para sa kapwa.
 
BAKIT SILA MAHALAGA SA BUHAY MO? MAY
EPEKTO BA SILA SA BUHAY MO?
Mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan
niya ang kanyang kapwa. Ito ay dahil nabubuhay
siya sa pamamagitan ng kapwa at nagkakaroon ng
kahulugan ang kaniyang buhay dahil sa mga
natutuhan niya mula sa kaniyang kapwa. Ito ang
tinatawag ni Dr. Dy na mabuhay-sa-pamamagitan-
ng-kapwa. Kinikilala ng tao ang kahalagahan ng
iba sapagkat ang kaniyang mga pangangailangan ay
nagmumula sa ibang tao at natutugunan ng ibang
tao. Samakatuwid, nabubuhay siya dahil sa
ginagawa ng ibang tao para sa kanya.
Kailangan din ng tao ang kanyang kapwa sapagkat kailangan
niyang mabuhay-para-sa-kapwa. Ito ang tinatawag ni Dr.
Dy na pakikipagkapwa.Sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa ay nabubuo ng isang tao ang kanyang sarili
dahil higit na nagkakaroon ng kahulugan ang kanyang
pagkatao.
 
Paano ba mabuhay-para-sa-kapwa? Ito ay sa pamamagitan ng
paglilingkod sa kapwa at pagtataguyod ng pag-unlad at
ngkapwa para sa kanyang kapakanan at hindi para sa sarili.
Upang magawa ang paglilingkod na ito, kailangan ang
tatlong sangkap: diyalogo, pagmamahal at katarungan.
 
ANG TAO BILANG NILALANG

Makakamit ng tao ang kanyang Makitungo sa kapwa sa paraang


kaganapan sa pamamagitan ng gusto mo ring pakitunguhan ka.
makabuluhan at mabuting Naipakita rin sa Parabula ng
pakikipagkapwa. Sa buong Mabuting Samaritano kung
mundo, kinikilala ang sino ang ating kapwa at kung
kahalagahan ng mabuting paano tayo dapat makitungo sa
pakikitungo sa kapwa (Golden ating kapwa: ang
Rule) makabuluhang pakikipagkapwa
ay ang pagtugon sa
pangangilangan ng iba nang
may paggalang at pagmamahal.
Ang mga birtud ng katarungan (justice) at
pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag
ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang kailangang
matugunan ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa.
Kailangan ang katarungan upang maibigay ang
nararapat, na walang iba kundi ang pagglang sa
kanyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na
maaari nating ibigay nang higit pa sa itinakda ng
karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon
sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.
DIYALOGO

Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon


ang tao ng pagkakataon na makapagbahagi
sa kanyang kapwa ng mga bagay na
kanilang kailangan (materyal na bagay,
kaalaman, kasanayan at pati na ng kanyang
sarili). Kung malilinang ang kakayahan ng
taong makipagdiyalogo nang may kalakip
na pagmamahal, makakamit ng tao ang
kanyang kaganapan.
Walong antas ng pakikipagkapwa ayon sa mga
sikolohistang sina Enriquez at Santiago
1. PAKIKITUNGO – Pinakamababang antas ng
pakikipagkapwa. Ipinakikita ng isang tao ang
pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit hindi
niya ito kilala o kasama sa pangkat. Halimbawa ay
pagngiti, pagtango, pagbati sa mga nakakasalamuha
upang hindi mapagkamalang mayabang.
 
2. PAKIKISALAMUHA–Napalalalim ng bahagya ang
pakikitungo sa pamamagitan ng mga maikli at kaswal
na pakikipag-usap gaya ng pagtatanong ng oras o
pagbibigay ng komento ukol sa panahon.
 
3. PAKIKILAHOK – ang 4. PAKIKIBAGAY– Sa
taong nasa antas na ito antas na ito ay mayroong
ay maaaring nakikita na pagpapakita ng interes o
o nakikilahok na sa mga pagkawili sa mga gawain ng
gawain ng ibang tao ibang tao kung kaya
gaya ng pagdalo sa maaaring ginagawa rin ang
isang pagtitipon at nakikitang gawain ng iba
programa. gaya ng paglilinis ng sariling
  bakuran.
5. PAKIKISAMA – Kusang pagsama sa gawain ng iba kahit hindi pa lubusang
nauunawaan o nagugustuhan ito gaya ng pakikibahagi sa paglilinis ng kalye
ng pamayanan.
 
6. PAKIKIPAGPALAGAYANG-LOOB – Nagsisimula sa antas na ito ang
pagbubukas ng sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapwa na makikita sa
pagbabahagi ng mga personal na impormasyon ukol sa sarili.
 
7. PAKIKISANGKOT – Dito ay maituturing ng isang tao ang kanyang sarili
bilang kalahok o kasama sa anumang suliranin, layunin, o gawain ng
kanyang kapwa kung kaya nakikibahagi siya sa mga ito. Halimbawa: kung
may suliranin ang isang kapitbahay, maaaring siya ay dinadamayan o
tinutulungan upang malutas ang kanyang suliranin.
 
8. PAKIKIISA – Sa antas na ito ay naituturing ng isang tao na siya ay hindi iba
sa kanyang kapwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin o gawain. Dito ay
naipakikita ng isang tao ang kanyang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan
ng pakikiramay at pagtulong sa paglutas sa suliranin nito. Itinuturing niya na
ang suliranin ng kanyang kapwa ay suliranin din niya.
●  
PAANO MAIPAPAKITA ANG MABUTING
PAKIKIPAGKAPWA?

1. Iwasan ang pagsasabi ng masasakit na salita, biro, o tukso sa pagtawag ng pansin ng


kasamahan. Karaniwan ito ay bansag o alyas na ginagamit upang bigyang tatak ang taong
kausap.

2. Iwasang palakihin ang maliliit ng bagay.

3. Iwasang manisi ng sino man lalo sa panahon ng pagkakamali.

4. Pag-isipan muna ang sasabihin upang maiwasan ang hindi magandang sasabihin

5. Putulin ang maling paniniwala na ang tao ay may karapaang manakit ng kapwa tulad na
pangmamaliit sa kanila.
 
PAGLALAHAT
 
Ang tao ay likas na panlipunang nilalang,
kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang
kapwa upang malinang siya sa aspetong
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at
politikal. Ang birtud ng katarungan at
pagmamahal ay kailangan sa pagpapatatag
ng pakikipagkapwa. Ang pagiging ganap
niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa
kapwa na siyang tunay na indikasyon ng
pagmamahal.
PAGTATAYA:
Suriin ang sarili at ilahad kung paano tutugunan ang bawat pangangailangang
isinasaad ng bawat sitwasyon.

1. Tuwing Pasko, nagdaraos ang simbahan ng taunang “Alay-kapwa sa Kapus-palad.” Ano ang maaari mong gawin?

2. Nasunugan ang kaibigan mo. Gusto mo sana siyang bigyan ng mga damit subalit sapat lamang ang nasa iyo para sa pang
araw-araw na kailangan. Ano ang gagawin mo?

3. Maraming bata sa inyong lugar ang hindi nag-aaral dahil sa kakulangan ng salapi. Tuwing bakasyon, wala kang masyadong
inaasikaso kundi ang magcellphone at computer games. Ano ang maaari mong gawin para sa mga bata sa inyong lugar?

4. Dumarami ang populasyon ng inyong paaralan. Dahil dito, nag-isip ng mga proyekto ang namamahala para sa pagpapatayo
ng iba pang gusali upang matugunan ang lumalaking populasyon. Isa na rito ang “BINGO for a cause.” Nagbebenta ang guro
ninyo ng tiket sa Bingo. Ano ang maaari mong gawin?

5. Napansin mong barado ang daanan ng mga tubig sa kanal sa inyong pook kaya nagbabaha sa tuwing uulan. Libre ang Linggo
mo para sa anumang nais mong gawin. Paano ka makatutulong?

You might also like