You are on page 1of 8

CARTHEL SCIENCE EDUCATIONAL FOUNDATION INC.

San Vicente, San Manuel, Tarlac


SY 2020 – 2021

Junior High School Department


Learning Plan

Grade 10
Subject: Edukasyon Sa Pagpapakatao

Paksa: Isip at Kilos-loob: Tunay na Mabuti


1st Quarter Week 1 (September 14 – 18, 2020)

1. Desired Outcome: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nga


makabuluhang paggamit ng isip at kilos-loob bilang moral na niloalang ay susi sa
pamumuhay nang naaayon sa katotohanan at kabutihan.

2. Learning Content: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makamtan ang mga


sumusunod na mithiing resulta
 Natutukoy ang mga prinsipyo ng likas na batas moral
 Nakakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng
konsiyensiya
 Napatutunuyan na ang konsensiyang nahubog batay sa likas na batas moral ay
nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos
 Nakakagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang ginawa

References: Macabeo, (2019) Butil ng Pagpapahalaga. St. Agustine Publications, Inc.

3. Learning Task: Ang mga mag-aaral ay inaasahang sumali sa google meet


Code: qwq-pqzb-mvf

Sa nakalipas na panahon, ang nangingibabaw na depenisyon ng pagkatao ay ang “rational


animal” o ang “hayop na may matuwid na pag-iisip.” Nagging bunga ito ng pilosopiyang
duwalista o ang paniniwala na may dalawang sangkap ang daigdig – ang espiritu (spirit) at
ang materya (matter).

Nagging balbal na ngunit popular na paniniwala na ang katawan ng tao bilang materya ay
tahanan lamang ng isang di-nakikitang espiritu na siyang may tunay na halaga. Samantala,
ang tinatawag nating katawang-lupa ay walang halaga, na kadalasa’y itinuturing na punot
dulo ng kasamaan at kasalanan.

Ayon sa Pilosopiyang Cartesian o pilosopiya ni Rene Descartes, nagging resulta ng ganitong


pananaw sa daigdig at tao ang mahabang pagtingin sa katawan ng tao at kung minsan ay
ang karahasang ipinapataw sa katawan. Nagging resulta pa ito ng pagkukulang ng tao sa
wastong pansin sa mga bagay na material na kadalasa’y nagbubunga ng kahirapan o
kasalatan na pinagmulan ng degradsyon ng tao. Makikita ito sa mga pinakamahihirap na
bahagi ng daigdig kung saan may mga batang gutom at may mga taong kulang sa mga
pangunahing pangangailangan ng katawan, tulad ng tirahan, damit, gamut, at proteksiyon
laban sa karahasan.

May kamalayan ang tao kaya nakikilala niya ang mga nasa paligid. Dahil din sa kamalayan ay
nakikilala niya ang kanyang sarili at ang kanyang kapwa.

Ang uri ng kamalayan ay ang nagubukod-tangi sa tao sa lahat ng ibang nilalang at


sangkahayupan sa daigdig. Ang kamalayan, ayon sa penomolohiya ni Edmund Husserl, ay
binubuo ng dalawang bagay: ang malay-tao at ang nilalaman ng malay-tao.

Ang malay-tao ay parang larong walang tunay na kairalan kung walang naglalaro.
Samakatuwid, kung walang namamalayan ang tao, wala siyang malay. Katulad ito ng
paningin kung walang titinginan. Sa madaling salita, ang kamalayan ay nauuhaw sa
namamalayan dahil katutubo sa tao na mangailangan ng kaalaman. Ang kaalamang ito ay
nakapagpapayaman sa pagkatao niya, o natural na nakapagpapababa ng pagkatao niya ang
kawalan ng alam.

Mga Antas ng Kamalayan


Mga dalawang anta sang kamalayan: ang kamalayang tungkol sa bagay at ang kamlayang
tungkol sa kabuluhan.

1. Kamalayang tungkol sa bagay. Ang mga kaalaman o kaisipang tumutugon sa tanong na


“ano ka?” ay nauukol sa kamalayang tungkol sa bagay o gamit.

2. Kamalayang tungkol sa kabuluhan. Ang mga tumutugon sa tanong na “sino ka?” ay ukol sa
kabuluhan o pagkatao, at dahil ang tao ay may kalooban, siya ay may kalayaang lumikha ng
sariling landas at kahihinatnan.

4. Evidence of Learning: Ang mga mag-aaral ay masasagot ang mga gawain sa


modyul.

5. No. of weeks/days Spent:


 1 hour and a half on-line discussion
 2 hours self-learning of students.

6. Expected Outcomes: Masasagot ang lahat ng gawain na nakapaloob sa modyul.

Inihanda Ni:

Maria Martina Delos Santos


Guro

Inaprubahan Ni:

Jessica P. Malicdem
Punong-Guro

CARTHEL SCIENCE EDUCATIONAL FOUNDATION INC.


San Vicente, San Manuel, Tarlac
SY 2020 – 2021

Junior High School Department


Learning Plan

Grade 10
Subject: Edukasyon Sa Pagpapakatao

Paksa: Mapa ng Buhay: Likas na Batas Moral


1st Quarter Week 2 (September 21 – 25, 2020)
1. Desired Outcome: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay naipapamalas ng
mag-aaral ang pagpapasiya at pagkilos na nakabatay sa konsiyensiyang nahubog sa
likas na batas moral ay nagdudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan sa sarili,
kapwa, lipunan, at sa Diyos. Ito rin ay preperensiya sa kabutihan.

2. Learning Content: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makamtan ang mga


sumusunod na mithiing resulta:
 Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
 Natutukoy ang pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng
kalayaan
 Napapatunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon
sa tawag ng pagmamahal at lingcod

References: Macabeo, (2019) Butil ng Pagpapahalaga. St. Agustine Publications, Inc.

3. Learning Task: Ang mga mag-aaral ay inaasahang sumali sa google meet


code: (qwq-pqzb-mvf)

Madalas natuing naririnig ang payo na “Gawin mong gabay ang iyong konsensiya” o kaya
“Laging sundin ang iyong konsensiya” Ngunit nauunawaan nga ba natin ang kahulugan ng
mga paying ito?

Ikaw, ano ang konsensiya para sa iyo? Tingnan natin ang iba’t ibang kahulugan ng konsensiya
para sa iba’t ibang tao.

1. Para sa ilan, ang konsensiya ay ang pakiramdam ng pagkakasala, pagkabahala, kakulangan,


di pagkapalagay, o kaya’y hiya kapag nagkakamali.

2. madals naming sabihin ng mga taong makasarili na “Walang karapatan ang sinuman na
pagsabihan ako kung ano ang dapat kong gawin.” May ugali rin silang gagawin ang anumang
bagay basta hindi ito makasasakit ng kappa.
3. Ang grupo ng mga tamad at walang-kibo ay naghihintay ng ibang tao – halimbawa, ang
kanilang mga kaibigan – na ituro sa kanila ang bwat detalye ng kanilang dapat gawin. May
nag-iisip sa kanila na ang konsensiya ay nangangahulugan ng pagsunod lamang sa desisyon ng
barkada. Tinatanggap na lamang nila ang mga ideya at opinion ng grupo. Ang desisyon ng
grupo ay kanila na ring desisyon.

4. Sa isang praktikal na pananaw, makikita natin ang isa pang grupo na naniniwalang hangga’t
sinusunod nila ang mga batas ng pamahalaan at ng Simbahan ay sinusunod nila ang kanilang
konsensiya. Nabibitag sila sa paniniwalang basta labag sa batasa ang isang bagay, ito ay moral.

5. May gumagawa naman talaga ng sariling desisyon nang walang pagkundangan sa


kapakanan ng ibang tao. Para sa knaila, sapat na ang maging totoo sa knailang sarili. Sinasabi
nila: “Malinis ang aking konsensiya… Wala akong pakialam sa iba.” Para sa kanila, ang
karapatan sa sarili lamang ang mahalaga.

4. Evidence of Learning: Ang mga mag-aaral ay masasagot ang mga gawain sa


modyul.

5. No. of weeks/days Spent:


 1 hour and a half on-line discussion
 2 hours self-learning of students.

6. Expected Outcomes: Masasagot ang lahat ng gawain na nakapaloob sa modyul.

Inihanda Ni:

Maria Martina Delos Santos


Guro

Inaprubahan Ni:

Jessica P. Malicdem
Punong-Guro
CARTHEL SCIENCE EDUCATIONAL FOUNDATION INC.
San Vicente, San Manuel, Tarlac
SY 2020 – 2021

Junior High School Department


Learning Plan

Grade 10
Subject: Edukasyon Sa Pagpapakatao

Paksa: Mapa ng Buhay: Ang Buhay na Malaya


1st Quarter Week 3 (September 28 – October 2, 2020)
1. Desired Outcome: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay naipapamalas ng
mag-aaral ang tunay na kalayaan ay hindi ang paggawa ng mga bagay na nais mong gawin.
Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang kumilos at tumugon sa tawag ng pagmamahal at
paglilingkod

2. Learning Content: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makamtan ang mga


sumusunod na mithiing resulta:
 Natutukoy ang mga prinsipyo ng likas na batas moral
 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa
paghusga ng konsensiya
 Napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa likas na batas
moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkikilos
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang
ginawa

References: Macabeo, (2019) Butil ng Pagpapahalaga. St. Agustine Publications, Inc.

3. Learning Task: Ang mga mag-aaral ay inaasahang sumali sa google meet


code: (qwq-pqzb-mvf)

Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti
Walang tunay na kalayaan kundi sa paglilingkod ng
Kung ano ang mabuti at makatarungan.”

Madalas ay iniisp natin na ang kalayaan ay ang paggawa ng isang bagay na ating gusting
gawin, o kaya’y ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais nating sabihin. Ngunit
hindi ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng
mabuti at ito ay hindi sariling kalayaang hiwalay sa kalayaang panlahat kundi isang kalayaang
kabahagi ng kapwa sa sambayanan.

Binibigyang-diin ng Vatican II ang ganito: “Sa paggamit ng mga kalayaan, kailangang sundin
ang panuntunan ng personal at panlipunag pananagutan. Sa paggamit ng mga karapatang
moral, bawat tao at grupo at kailangang sundin ang batas moral upang magkaroon ng
paggalang sa mga karapatan ng iba, sa knailang mga tungkulin para sa kapwa, at sa kapakanan
ng lahat.”
Dahil nabubuhay tayo sa isang sambayanan, may kaakibat an gating kalayaan ng kaukulang
obligasyon na igalang ang kalayaan ng iba. Malaya tayo bilang kasapi ng isang sambayanan
ngunit may pananagutan tayo sa knail sa lahat ng ating malalayang kilos at gawa.

Kalayaan at Pananagutan

Sa pang-araw-araw na pamumuhay, ang kalayaan ay masasabing lakas o kakayahan ng


tao. Siya ay may kalayaan sa lahat ng bagay. Kung siya ay matalino o maalam, siya ay
malayang mag-isip. Kung siya ay may pisikal na kakayahan, siya ay malayang mag-isip. Kung
siya ay may pisikal na kakayahan, siya ay malayang magsagawa ng nais niyang gawin o
kamtin sa buhay sa pamamagitan ng kanyang katawan. Gayundin naman sa kabuhayan kung
saan ang mayaman ay higit na Malaya kaysa mahirap. Samakatwid, ang pagiging Malaya ay
pagiging malakas.

4. Evidence of Learning: Ang mga mag-aaral ay masasagot ang mga gawain sa


modyul.

5. No. of weeks/days Spent:


 1 hour and a half on-line discussion
 2 hours self-learning of students.

6. Expected Outcomes: Masasagot ang lahat ng gawain na nakapaloob sa modyul.

Inihanda Ni:

Maria Martina Delos Santos


Guro

Inaprubahan Ni:

Jessica P. Malicdem
Punong-Guro
CARTHEL SCIENCE EDUCATIONAL FOUNDATION INC.
San Vicente, San Manuel, Tarlac
SY 2020 – 2021

Junior High School Department


Learning Plan

Grade 10
Subject: Edukasyon Sa Pagpapakatao

Paksa: Mapa ng Buhay: Ang Tao Bilang Pinakamataas na Uri ng Nilalang1 st


1st Quarter Week 4 (October 5 – October 9, 2020)
1. Desired Outcome: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay naipapamalas ng
mag-aaral ang pag-unawa sa dignidad ng tao.

2. Learning Content: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makamtan ang mga


sumusunod na mithiing resulta:
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng dignidad ng tao
 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at
indigenous groups
 Napatunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi at
pagkawangis niya sa Diyos

References: Macabeo, (2019) Butil ng Pagpapahalaga. St. Agustine Publications, Inc.

3. Learning Task: Ang mga mag-aaral ay inaasahang sumali sa google meet


code: (qwq-pqzb-mvf)

Ang dignidad ng tao ay nagmula sa pagkakaroon niya ng kaluluwa. Ang kaluluwang ito ang
nagsasabing prinsipyo ng kanyang buhay. Ito ang nagbibigay sa kanya ng espiritwal bna
kalikasa, ang dahilan ng pagiging kawangis ng tao sa Diyos sapagkat it ang dahilan ng
kanyang pag-iisip at pagnanais. Ang kapangyarihang nagbibigay ng dahilan ukol sa mga
bagay-bagay ay ang kaisipan (intellect), gayong ang kapangyarihan ng tao na magpasiya at
isagawa ang bunga nito ay ang kanyang kalooban (will). Dahil sa dalawang kapangyarihang
ito, napangangalagaan niya ang kanyang dignidad, o maari ding mapababa o tuluyang masira.

Ang mga sitwasyon sa ating buhay na kinakailangang pagdesisyunan at isabuhay bunga


ng ating hinuhubog na kaisipan at ng malayang kalooban ay magbubunga ng mabuti para sa
sarili at sa kapwa. Gayunman, kung paiiralin ng tao ang pagkamakasarili, o ang pag-iisip o
pagkilos na para lamang sa kanyang ikabubuti, tiyak na ito ay matutukoy na masama na
makasisira naman sa kanyang dignidad.
Ang dignidad ay ang kabuuang halaga at pagkakakilanlan sa tao bilang tao. Siya ay
nilalang na may taglay na kakayahan na maghatid sa kanyang kaganapan bilang nilalang na
kawangis ng Diyos.
Sa bawat aksiyon o pananalita na gagawin ng tao ay kaugnay nito an kanyang dignidad.
Marapat lamang na isipin muna ang makailang ulit ang magiging eoekto ng aksiyong gagawin
o salitang bibitawan dahil ang dignidad ay nakabatay rito.

Ang tao ay may dignidad na siyang ikinaiba niya sa iba pang nilalang, tulad ng mga hayop na
walang isip at kalayaan. Ang mga hayaop ay nangangailangan ng amo upang sila’y matuto o
maturuan at manipulahin o alipinin dahil wal silang dignidad. Ngunit kung papansinin, ang
taong gumagawa ng hindi maganda sa mga hayop na ito ay mas nagiging mababa ang
dignidad.

Ang tao ay may damdaming pinahahalgahan, dangal na pinangangalagaan, at pangalang


iginagalang. Hindi nasusukat ang dignidad sa kulay ng balat o sa estado ng lipunan bagkus ay
sa kilos o salitang ipinahahayag at sa pakikipagkapwa.

4. Evidence of Learning: Ang mga mag-aaral ay masasagot ang mga gawain sa


modyul.

5. No. of weeks/days Spent:


 1 hour and a half on-line discussion
 2 hours self-learning of students.

6. Expected Outcomes: Masasagot ang lahat ng gawain na nakapaloob sa modyul.

Inihanda Ni:

Maria Martina Delos Santos


Guro

Inaprubahan Ni:

Jessica P. Malicdem
Punong-Guro

You might also like