You are on page 1of 4

Pang- Paaralan Tabaco National High School Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao

araw-araw
na Tala sa Purok Markahan Ikalawang Markahan
Pagtuturo-
DLP Guro MA. SANTA MAEY P. BROŇA Petsa January 3, 2024
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa
Pangnilalaman Likas na Batas Moral (Natural Law).
B. Pamantayan sa Nakabubuo ang mag-aaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol sa
Pagganap mga kabataan
tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral.
C. Mga Kasanayan sa 1. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas
Pagkatuto Moral (Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao
at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang
katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat EsP9TT-IId-
6.3
2. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay
sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat EsP9TT-IId-6.4
Modyul 6: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
II. NILALAMAN
(INTERVENTION)

A. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 9


1. Mga Pahina ng Gabay
Gabay Pang-Kurikulum
sa Guro
2. Mga Pahina ng Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-
Kagamitan Pang aaral, pp.65-78
Mag-aaral
3. Textbook pages Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-
aaral, pp.65-78
4. Karagdagang
kagamitan mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery
portal ng learning Mode SMILE
resources
tulong biswal, activity sheets for intervention
B. Iba pang kagamitan DLL mula sa Lucena Division (downloaded from the internet link was not
copied)
III. PAMARAAN/DULOG
A. Balik-aral sa nakaraang Pangunahing Gawain. (Routinary Preliminary Activities…)
aralin, pagsisimula ng Sisimulan sa mga Pangunahing Gawain:
bagong aralin at 1. Pagtsek ng liban sa klase
paghahabi sa layunin 2. Pangungumusta
ng aralin. Paglalahad 3. Pagsiguro na nasa maayos at komportableng upuan ang lahat
ng layunin. 4. Pagpapaalala ng kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin/pamantayan
ng MABUTING TAO.

Pagbabalik-aral:
1. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
2. Paano malalaman ang mabuti?
3. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral?

Pag-uugnay sa susunod na aralin at Paglalahad ng layunin:


Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin
B. Pagtalakay ng bagong Gawain 1: Panuto: Sabihin ang 20 kung ang batas ay nakabatay sa LBM at 24
konsepto at paglalahad naman kung hindi. (Maaring magdagdag o palitan ang mga iminumungkahing
ng bagong kasanayan halimbawa)
Gawain
 Pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan
 Paghikayat sa mag-aaral na pumasok at gumawa ng mga gawaing
pampaaralan
 Universal Declaration of Human Rights
 Maging Makatao
 First Do No Harm
C. Gawain sa paglinang sa
kabihasaan
Gawain 2 Intervention
Panuto:
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng gawain
2. Ipaliwanag ang panuto
3. Bigyan ng sapat na oras para sa gawain

Panuto: Pagnilayan at isulat sa loob ng tsart ang mga batas na ipinapatupad sa inyong tahanan,
paaralan, pamayanan o lipunan na nakabatay sa Likas na Batas Moral. Tukuyin din kung
bakit mo nasabing ang mga ito ay nakabatay sa Likas na Batas Moral. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba ng tsart.

Mga Batas na Nakabatay sa Likas Patunay o dahilan kung bakit nasabing ito ay nakabatay sa
na Batas Moral Likas na Batas Moral (LBM)
(sa tahanan)
1.

(sa paaralan)
2.

(sa pamayanan o lipunan)


3.

Mga Tanong:
1. Ano ang dapat na taglayin o katangian ng isang batas upang matukoy na ito ay nakabatay sa
Likas na Batas Moral?
2. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
3. Paano makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at pagkamit ng kabutihang panlahat
ang pagsunod sa mga batas na ito?
4. Mula sa mga naisulat mong batas, alin sa mga ito ang hindi makatutugon sa kabutihang panlahat?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Alin naman sa mga ito ang sinasang-ayunan mo na makatutugon sa kabutihang panlahat?
Ipaliwanag ang iyong sagot

D. Paglalahat ng Aralin/
Pagpapalalim Ang batas ay ginawa ng tao para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
Mahalagang nauunawan natin ang bawat salik ng batas at ang mga saligang
pinagmulan kung papaano nabuo ang mga ito. Araw-araw ay may mga batas
tayong tinututulan at mas marami ang mga batas na higit nating kinagigiliwan
dahil sa hatid nitong kabutihan. Ngayon ay higit nating pahahalagahan ang
mabuti at ang tama, ang naaayon sa batas at makabubuti sa lahat.

E. Paglalapat ng aralin sa
pang- araw- araw na Ano ang nararapat gawin sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
buhay
F. Pagtataya ng Aralin
Pagbabatayan ang resulta ng ibinigay na gawain bilang Interbensyon

G. Karagdagang gawain Takdang-Aralin/Home-based Activity


para sa takdang-aralin Pag-aralan ang natapos na aralin (modyul 6). Maghanda para sa Summative
at remediation Test sa Biyernes.
(Takdang-Aralin)
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng
80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy ng
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking puno
ng departamento/
punongguro /superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

ANNOTATIONS

Inihanda ni:

MA. SANTA MAEY P. BROŃA


MTI - EsP 9 Coordinator

Nabatid:

WINSTON M. CARGULLO
MTI – OIC, EsP Department

You might also like