You are on page 1of 12

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBAC
K

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Rosquites, Brigitte A. Saguipado, Jubiely M.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan
Baitang 9
Heading
Ikalawang Markahan

Kasanayang
Pampagkatuto 6.4. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral
DLC (No. & na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Statement)

Dulog o
Approach Value Analysis

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Panlahat na C- Pangkabatiran: Nasusuri ang batas batay sa pagtugon nito sa


Layunin kabutihang panlahat.
(Objectives)
DLC A- Pandamdamin: Napahahalagahan ang mga batas na umiiral
upang makamit ang kabutihang panlahat.

B- Saykomotor: Naipakikita ang pagsang-ayon o pagtutol sa


umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat.

PAKSA Pagtugon sa umiiral na batas tungo sa kabutihang panlahat.


(TOPIC)

Inaasahang
Pagpapahalaga
(Value to be Kabutihang Panlahat (Common Good)
developed)
2

1. Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1


https://fdocuments.in/document/grade-9-esp-
modulepdf.html?
fbclid=IwAR0k0iIk5F2sg4auLBS4ZTQeDZmkY10rL2ng
BUBflmVfNTMzUutMNm1j9HQ

2. Universal Declaration of Human Rights. (1948, December


10). United Nations.
https://www.un.org/en/about-us/universal-declaration-of-
SANGGUNIAN human-rights
(APA 7th Edition
format) 3. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.
(References) October 11, 2013.
varied https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-
constitution/

4. Lee, S. (2016, February 15). common good. Encyclopedia


Britannica. https://www.britannica.com/topic/common-
good

5. The Meaning and Purposes of Law. (n.d.). Lumen


Learning. https://courses.lumenlearning.com/wmopen-
introbusiness/chapter/meaning-and-purposes-of-the-law/

MGA
KAGAMITAN Laptop, web camera, microphone, headset, powerpoint
(Materials) presentation

PANLINANG
NA GAWAIN Pamamaraan/Strategy: Voting Question Magic hat
(Motivation) Panuto: Gamitin ang raise hand button upang name picker
sagutin kung naranasan mo na ang mga
sumusunod na sitwasyon. 
Naranasan mo na bang …

1. Sa pagpili ng desisyon ay inuna mo ang


kapwa bago ang iyong sarili?
2. Makibahagi sa isang community service?
3. Lumabag sa isang batas sa paaralan?

Mga Tanong:

1. Maaari mo bang ibahagi ang karanasan


mong ito? 
3

2. Anong nararamdaman mo habang nasa


sitwasyon na ito?
3. Naging masaya ka ba sa resulta ng
pangyayaring iyon?

Dulog o Approach:  Value Analysis Google Docs


Pamamaraan/Strategy:  Rational discussion that
demands reasons and evidence

Panuto: Sumulat sa unang column ng tig-isang


batas na sinusunod sa bahay, paaralan, at
komunidad. Sa pangalawang column naman ay
ang tugon kung ikaw ay sang-ayon o hindi at
bakit. Magbigay ng konkretong halimbawa.
Maghanda sa pagbahagi ng iyong mga sagot. 

PANGUNAHIN Sang-ayon o Dahilan


G GAWAIN di sang-ayon
(Activity)
Bahay

Paaralan

Komunidad

MGA
KATANUNGAN 1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang Dotstorm
(Analysis) pagkakaroon ng batas? (c)
C-A-B

2. Paano mo masasabi na ang isang batas ay


tumutugon sa kabutihang panlahat? (c)

3. Sa iyong palagay, bakit mahalagang


isulong ang kabutihang panlahat? (a)

4. Sa iyong karanasan, bakit mahalaga na


ang mga batas ay naka-angkla sa
4

kabutihang panlahat?(a)

5. Sa paanong paraan mo maipapakita ang


iyong posisyon sa mga umiiral na batas
ukol sa pagtugon nito sa kabutihang
panlahat? (b)

6. Anu-ano ang mga hakbang na maaari


mong gawin upang maipakita ang iyong
suporta sa mga umiiral na batas na
tumutugon sa kabutihang panlahat? (b)

PAGTATALAK
AY Balangkas Powerpoint
(Abstraction) Presentation
A. Kabutihang panlahat 
1. Kahalagahan ng kabutihang
panlahat 
B. Depinisyon ng batas
1. Kahalagahan ng batas 
2. Human Rights Law

Nilalaman

          Ano ba ang kabutihang panlahat? Ano ang


kaisa isang batas? Talaga bang mahalaga ito sa
mga tao? 

           Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa


kabutihan ng buong lipunan. Sa kabutihang
panlahat, isinasaalang-alang ang makabubuti para
sa bawat miyembrong nasasakupan. Isinasantabi
ang sariling interes para sa kapakanan ng buong
komunidad.  Ayon sa tanyag na pilosopo na sa St.
Thomas Aquinas, ang kabutihang panlahat ay ang
pagsulong sa ikagiginhawa ng komunidad. Ang
gobyerno ang isa sa mga institusyon na
nagsisilbing instrumento upang matugunan ang
kabutihang panlahat. Ito rin ay kasangkapan
upang ating masuri kung ang mga batas o
polisiya, institusyon at ang ating mga personal na
desisyon ay tumutugon dito. Ituring bilang
pinakamataas na halaga ang tao: ito ang kaisa-
isang batas. Mahalaga na ating maisapuso’t isip
na ituring ang ating kapwa bilang tao. Ibig sabihin
nito, hindi tayo gagawa ng ikasasama at
ikapapahamak nila. Importante na tayo bilang tao,
5

lagi’t lagi tayong gumagawa ng kabutihan. Gaya


ng sabi ng Pilosopong si Sto.Tomas De Aquino,
lahat ng tao ay may kakayahang mag isip at
gumawa ng kabutihan.

     Sumagi ba sa iyong isipan kung anong lagay


ng lipunan kung walang pinatutupad na batas?
Maaring maging magulo at wala sa ayos ang
pagkilos ng bawat isa sa lipunan. Sa puntong ito,
mabibigyan natin ng kahulugan ang batas. Ang
batas ay tumutukoy sa mga alituntunin ng kilos o
pag-uugali na iniatas ng mga awtoridad.
Nararapat itong sundin ng mga mamamayan dahil
nakapaloob sa bawat batas ang kaukulang parusa
sakaling may paglabag (lumenlearning, n.d).
Isinusulong nito ang karapatan upang
maprotektahan ang tao sa iba’t ibang aspeto ng
buhay.

         Mahalagang mapanatili ang kapayapaan at


kaayusan sa lipunan kaya naman may mga
layunin ang mga batas:
1. Magtatag ng pamantayan – ito ay upang
maipahayag ang mga angkop at
katanggap-tanggap na kilos sa komunidad.
2. Pagpapanatili ng kaayusan – sa
pagkakataong ang batas ay
maisakatuparan, mayroon itong mga
pamantayan na siyang sinusundan.
3. Pagsasa-ayos ng mga alitan – hindi
maiiwasan sa isang lipunan na may iba’t
ibang opinion at pananaw, ang magkaroon
ng hindi pagkakaunawaan
4. Pagprotekta sa kalayaan at karapatan –
Maiwasan ang mga paglabag o
panghihimasok ng mga tao, organisasyon
o pamahalaan.

Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga


Karapatan ng Tao (Universal Declaration of
Human Rights) ay tinatag ng mga nagkaisang
bansa (United Nations). Bilang pangunahing tala
ng karapatang pantao, dito nakabase ang mga
batas upang protektahan ang dignidad ng bawat
mamamayan sa isang bansa. Gayundin ang pag-
iingat sa dangal ng bawat isa. Alinsunod dito ay
6

hindi sinusuportahan ng deklarasyon na ito ang


anumang paglabag at paninira sa isang
indibidwal. May paniniwala itong ang pagbibigay
ng pantay na karapatan sa bawat babae at lalaki ay
magreresulta sa isang panlipunang progreso at
mas mabuting pamantayan ng buhay. Ang mga
batas na ipapatupad sa isang bansa ay tumutugon
dito. Kaya naman may mga batas laban sa pang-
aabuso, pagbibigay suporta sa edukasyon at
pagtatalaga ng lider tuwing eleksyon.

PAGLALAPAT
(Application) Pamamaraan/Strategy: Debate Interval
Panuto:  Timer

1. Ang klase ay hahatiin sa dalawang


pangkat. Bigbigyan sila ng sampung (10)
minuto upang makapag saliksik at magtala
ng mga ideya para sa debate. Magbibigay
rin ang guro ng mga sanggunian na
magagamit bilang karagdagang
impormasyon.
2. Magtatalaga lamang ng isang taga
pahayag sa bawat pangkat. Magkakaroon
ng limang rounds. Kada round ay bibigyan
lamang sila ng tig-isang minuto. 

Paksa: Pagbaba ng criminal responsibility sa edad


na 9-anyos. 

Tugon: Sang-ayon o Hindi sang-ayon.


Rubrics
7

PAGSUSULIT
(Evaluation/ Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple choice, Binary Socrates
Assessment) choice, at Sanaysay.

A.1-5
Panuto: MULTIPLE CHOICE
Basahin ang mga pangungusap at piliin ang
tamang sagot. 

1. Ito ang batas kung saan ito ay naglalayon na


pangalagaan at protektahan ang dignidad at
dangal ng tao. 

a) Universal Human Rights Act  


b) The Act on Equality between Women and
Men     
c) Anti-Violence Against Women and Their
8

Children Act of 2004


d) Human Rights Victims Reparation and
Recognition Act of 2013

2. “Ang batas ay instrumento upang matugunan


ang kabutihang panlahat”. Ang pahayag ay: 

a) Tama, dahil ang batas ay ginawa upang


gabayan ang mga tao sa kanilang pang
araw-araw na buhay. 
b) Mali, dahil ang batas ay para lamang sa
iilang tao at ito ay tumutugon sa mga
isyung panlipunan. 
c) Tama, dahil ang batas ay binuo bilang
daan upang matulungan ang buong
komunidad. 
d) Mali, dahil ang batas ay ginawa ng
gobyerno upang tugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang


sa layunin ng batas? 

a) Ang batas ay nagsisilbing proteksyon sa


karapatan at kalayaan ng tao. 
b) Ang batas ay nagpapanatili ng kaayusan sa
lipunan.
c) Ang batas ang nagsisilbing gabay sa
kanilang pamumuhay.
d) Ang batas ang nagsasaayos ng mga
kaguluhang nangyayari sa lipunan. 

4. Ito ang kaisa-isang batas:

a) Kabutihang panlahat
b) Sampung utos ng Diyos
c) Likas na Batas Moral 
d) Maging Makatao

5. Ang batas ay: 

a) Ang batas ay mga inaasahang kilos na


iniatas ng awtoridad.
b) Ang batas ay alinsunod sa sampung utos
ng Diyos. 
c) Ang batas ay ang nagdidikta ng tama o
mali upang mapanatili ang pagiging
mabuting tao ng mga mamamayan.
9

d) Ang batas ay ang mga bagay na dapat


sundin upang magkaroon ng tamang
direksyon sa buhay.

B.  6-10
Panuto: TAMA o MALI
Basahin ang mga pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama at M naman kung mali. Isulat
ang sagot sa patlang.

____6.Ang Universal Human Rights Law ay isa


sa mga batas na tumutugon sa kabutihang
panlahat.
____7.Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang batas
ang susi tungo sa kabutihang panlahat. 
____8.Naka angkla ang Universal Declaration of
Human Rights sa kaisa-isang batas. 
____9. Dapat na isaalang-alang ang kabutihang
panlahat sa pagbuo ng batas.
____10.Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang mga
tao ay may kakayahang mag-isip at gumawa ng
kabutihan.

C. SANAYSAY
Panuto: Sagutang ng 1-3 pangungusap ang mga
sumusunod na tanong. 

1. Sa iyong palagay, bakit kailangan natin


maging kritikal hinggil sa pagtugon ng
mga batas sa kabutihang panlahat? 
2. Sa paanong paraan mo masusuri ang batas
batay sa pagtugon nito sa kabutihang
panlahat?

Mga Kasagutan:

A.

1. B
2. C
3. C
4. D
5. A

B.

1. T
10

2. M
3. T
4. T
5. T

C.

1. Sa aking palagay, kailangang maging


kritikal hinggil sa mga batas kung ito ay
nakatutugon sa kabutihang panlahat dahil
ang mga batas na ito ay sumusulong ng
pagkakapantay-pantay sa bawat
mamayan.Kailangan maging kritikal
upang masuring maigi ang mga batas
upang masigurado na ang layunin nito ay
para sa komunidad at hindi para sa sariling
interes. 
2. Maaari kong masuri ang mga batas sa
pamamagitan ng pananaliksik. Maari
akong magbasa tungkol sa batas,
maghanap ng mga kaugnay na artikulo na
maaaring magbigay sa akin ng
impormasyon. 

TAKDANG-
ARALIN Panuto: Pumili ng isang batas na ipinatutupad sa Google Drive
(Assignment) Pilipinas. Suriin at magsaliksik tungkol dito.
Pagkatapos magsaliksik tungkol sa iyong napiling
batas, ikaw ay gagawa ng posisyong papel na
nagsasaad ng iyong pagtutol o pag sang-ayon
batay sa pagtugon ng batas tungo sa kabutihang
panlahat. 
Mga alituntunin: 

 Ang posisyong papel ay hindi dapat


bababa sa 300 na salita at hindi lalagpas
sa 500 na salita. 
 Ang font ng posisyong papel ay Arial, 12
at may 1.5 na spacing. 
 Ang mga batayang aklat na ginamit ay
nararapat na ilagay sa dulo ng papel na
naka APA format. 
 Ito ay ipapasa sashared google drive ng
klase. 
11

Rubrics

Pagtatapos na
Gawain Pamamaraan/Strategy: Rest and Relaxation Classroom
(Closing Activity) Panuto: Sandaling papipikitin ang mga mag-aaral Sharescreen
habang binabanggit ng guro ang mga kataga sa
ibaba. pagkatapos nito ay mag-iiwan ng isang
quote. 

1. Sapat ka 
2. Malakas ka
3. Kahanga-hanga ang iyong personalidad. 
4. Kayang-kaya mo ito.
5. Maraming naniniwala sa iyo. 
6. Tanggap ka namin. 
7. Mabuti kang tao
8. Mahalin mo ang sarili mo 
9. Mahusay ka
10. Magpatuloy ka
12

At bilang pagtatapos ay mag-iiwan ang guro ng


kasabihan mula kay Dr. Wayne W. Dyer. 

You might also like