You are on page 1of 7

Module 6 :

MGA KARAPATANG-PANTAO

Sa araling ito ay iyong matutunan ang maraming bagay


tungkol sa mga iba’t ibang Karapatang Pantao.

Mahalaga na maunawaan ang kahalagahan nito nang sa


gayon ay maiwasan ang pang-aabuso sa mga tao sapagkat ikaw
mismo bilang kasapi ng lipunan ay batid mo kung ano ang iyong
mga karapatan. Mahalaga rin na maunawaan mo na kaakibat ng
ano mang karapatan ay ang responsibilidad at pananagutan. Kaya,
inaasahan ko ang iyong aktibong pakikilahok sa talakayan at lahat
ng mga magiging gawain.

Sa modyul din na ito, magiging pokus ng mga gawain ang


paaran ng pagtatanong at pagtuklas upang mapagtibay mo ang
iyong mga kaalaman hinggil sa tinataglay mong mga karapatang
pantao.

Ngunit bago ka magpatuloy ay basahin mo muna ang


inaasahang magagawa mo para sa araling ito.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayan at pakikilahok sa
mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at
may pagkakaisa.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard):


Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies):


1. Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang-pantao batay sa Universal Declaration of
Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas;
2. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang-pantao upang matugunan ang
iba’t ibang isyu at hamong panlipunan;
3. Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa kanilang taglay na
mga karapatang pantao.
CONNECTION: ALAMIN NATIN
Orienting and asking questions. Both the teacher and the students dive into
engaging and relevant questions from themselves to drive continued and self-
directed inquiry.

TANUNGIN NATIN!

Mga Pagsusuring Tanong (INQUIRY QUESTIONS):

1. Ano-ano ang mga karapatang-pantao ang binibigyang-pansin o


binibigyang-pagpapahalaga ng pamilya, simbahan, pamahalaan at
paaralan sa aming komunidad?
2. Naniniwala ba ang aming iba’t ibang sektor n gaming komunidad na
mahalaga ang bahaging ginagampanan ng karapatang-pantao sa
pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunan?

PAG-USAPAN NATIN

GAWAIN BLG 1: Ang mahalaga sa akin ay…


Mga Hakbang sa Pagsasagawa:
(1) Ang gawain ay magsisimula sa pagbibigay ng katanungan sa mga mag-aaral na:
“Bilang isang tao, ano ang itinuturing mong tatlong (3) mahahalagang bagay na
nasa iyo?
(2) Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa isang POST IT NOTE at
ipadikit ito sa pisara at i-pangkat ang mga magkakatulad na sagot.

Pagproseso sa Gawain:
(1) Inaasahan na ang maging kasagutan ng mga mag-aaral ay may kinalaman sa
edukasyon, pamilya, kapayapaan, pagkain, bahay, maayos na kapaligiran at iba
pa.
(2) Itanong sa mga mag-aaral, ano ang dapat gawin sa mga ibinigay nilang bagay
na kanilang pinahahalagahan.
(3) Inaasahang sagot ng mga mag-aaral ay dapat itong pahalagahan, protektahan,
pangalagaan at iba pa. Sa puntong ito ay iugnay na ang pagkakapareho nito sa
konsepto ng karapatang-pantao. Gaya ng mga nabanggit, ang karapatang
pantao ay may pangangailangan din na mabigyang pagpapahalaga, proteksyon
at pangangalaga.
GAWAIN BLG 2: KUNG IKAW AY…
(FISHBOWL DISCUSSSION)
UN Universal Declaration of Human Rights 1987 Constitution Bill of Rights

Kuha mula sa: https://www.google.com/search?q=un+declaration+of+human+rights

DESKRIPSYON:
(1) Ang gawaing ito ay nakatuon sa pagkuha ng mga reaksyon ng mga mag-aaral sa
iba’t ibang sitwasyong maaring kaharapin ng mga mamamayan sa bansa na may
kinalaman sa kanilang mga karapatang-pantao;
(2) Ang reaksyon ng mga mag-aaral sa bawat sitwasyon ay dapat nakabatay sa
mga karapatang nakalista sa UNDHR at 1987 Philippine Constitution Bill of
Rights. Kaya, bigyan muna ang mga mag-aaral ng 5-10 minuto upang basahin at
suriin ang UNDHR at Bill of Rights ng 1987 Philippine Constitution.
(3) Ang mga sitwasyon ay ay mga sumusunod:
- Kung ikaw ay dinadakip ng mga awtoridad ng batas
- Kung ikaw ay nililitis
- Kung ikaw ay maysakit
- Kung ang iyong bahay ay hinahalughog
- Kung ikaw ay pinagbibintangan na nagkasala sa batas
- Kung ikaw ay nakakulong
- Kung ikaw ay napasailalim sa isang pagsisiyasat o imbestigasyon
- Kung ikaw ay pipili ng susunod na opisyal ng pamahalaan
- Kung ikaw ay babae, miyembro ng LGBTQ+, bata, matanda o may
kapansanan
INVESTIGATION: PAUNLARIN NATIN
Involves planning, exploration, and collection of data using different
hands-on activity. It includes the use of tools to collect information
and data and the organization of data pool.

GAWAIN BLG 3: PAGSASAGAWA NG SURVEY


DESKRIPSYON: Gamit ang tsart sa ibaba ay magsagawa ng isang sarbey sa inyong
komunidad upang mabigyang kasagutan ang dalawang (2) pagsusuring tanong tungkol sa
karapatang pantao. Kumuha ng dalawang (2) respondents bawat kapaligiran/komunidad. Ang
sarbey ay isasagawa sa tahanan/pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan. Ito ay gagawin
sa pagpapangkat ng klase sa lima.

Kapaligiran/Komunidad Tanong 1 Tanong 2 Tanong 3


Ano sa tingin nyo Para sa iyo, ano Naniniwala ka ba
ang karapatang- ang kasalukuyang na mahalaga ang
pantao ang dapat kalagayan ng papel na
na higit karapatang ginagampanan ng
tinatamasa ng pantao ngayon sa karapatang-pantao
mga tao? ating bansa? Sa lalo na sa pagtugon
tingin mo, ito ba sa mga
ay nakaaapekto pangangailangang
sa iyong pang- panlipunan?
araw –araw na
buhay?
Pamilya/Tahanan

Paaralan

Simbahan

Pamahalaan (Barangay
na nakasasakop)

PRESENTATION: TALAKAYIN NATIN


Involves their analysis and interpretation of data. They create or
communicate their arguments for the proposition of a model.
AT
EVALUATION: SURIIN NATIN
Involves their analysis and interpretation of data. They create or
communicate their arguments for the proposition of a model.

GAWAIN BLG 4: MODIFIED FISHBOWL DISCUSSION


DESKRIPSYON: Gamit ang mga nakalap na kasagutan sa isinagawang sarbey ng mga
mag-aaral ay magsagawa ng talakayan sa karapatang-pantao at sa bahaging ginagampanan
nito upang matugunan ang mga isyung panlipunan.

HAKBANG SA PAGSASAGAWA:
(1) Ang FISHBOWL DISCUSSION ay nakatuon sa
Karapatang-pantao at kaugnayan nito sa iba’t ibang
Isyung panlipunan. Ang magiging kasagutan ng
bawat mag-aaral ay dapat nakabatay sa resulta
ng mga naging kasagutan ng mga respondents
sa kanilang isinagawang sarbey. Ito ay ang isyung
panlipunan na iuugnay sa karapatang pantao:
- Diskriminasyon sa Kasarian
- Paglabag at pangangalaga sa karapatang-pantao
- Katayuan ng mga kababaihan, at LGBTQ+
- Access at kalidad ng edukasyon
- Kawalan ng trabaho
(2) Gumawa ng 2 hanggang 3 bilog sa silid. Ang nasa loob na bilog o magsisilbing
FISHBOWL ay may limang upuan na kumakatawan sa limang pangkat.
Samantalang ang mga nasa ikalawa at ikatlong bilog na nasa labas ng
FISHBOWL ay mga miyembro ng iba’t ibang pangkat na tagapakinig sa magiging
talakayan.
(3) TANDAAN: Ang limang mag-aaral lamang na nasa loob ng FISHBOWL ang
magsasalita sa gawain ito. Sila ang lalahok sa talakayan at deliberasyon na
isasagawa mula sa mga ibibigay na katanungan ng guro. Lahat ng KALAHOK na
mag-aaral ay magpapakita ng RESPETO AT PAGGALANG sa bawat isa.
(4) Ang mga nasa labas ng FISHBOWL CIRCLE (ikawala at ikatlong bilog) na
miyembro ng iba’t ibang pangkat ay may responsibilidad sa pagbibigay ng
“FOOD FOR THOUGHT” - mga mahalaga at makabuluhang impormasyon na
maaring magamit sa talakayan. Ito ay ilalagay sa isang POST IT o STRIP OF
PAPER.
(5) Kapag ang miyembro ng bawat pangkat na nasa bilog ay nakapagsalita na,
maari ng magpalit ng miyembro ang mga pangkat. Ang proseso na ito ay
magpapatuloy hanggang sa matapos ang talakayan o deliberasyon tungkol sa
karapatang-pantao
(6) Kung maari, ang guro ay di lalahok sa talakayan, sa halip, siya ay magsisilbi
lamang na tagapagbigay ng tanong, o magsilbing tagapamagitan lalo na kapag
nagkakaroon ng mga di nakatutulong o di akmang pagbibigay ng impormasyon
tungkol sa paksa.

REFLECTION: PAHALAGAHAN NATIN


Think about learning, IBL process. It gives a reflective process for
students to judge their own inquiry.

GAWAIN BLG 5: PUNO NG KARAPATANG-PANTAO


DESKRIPSYON: Ipasulat sa mga mag-aaral sa isang POST-IT ang kanilang mga
natutunan tungkol sa karapatang-pantao at kahalagahan nito sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay. Pagkatapos, ipadikit ito sa isang puno na may sanga ngunit
walang dahon. Ang kanilang mga kasagutan ang magsisilbing dahon na bubuo sa
“PUNO NG KARAPATANG-PANTAO”.

ACTION: ISAGAWA NATIN!


Orienting and asking questions. Both the teacher and the
students dive into engaging and relevant questions from
themselves to drive continued and self-directed inquiry.
GAWAIN BLG 6: PLANO KO, ISASAGAWA KO!
DESKRIPSYON: Ngayon alam mo na ang iyong mga karapatan, bumuo ng simpleng
plano kung paano mo isusulong ang karapatang-pantao sa inyong komunidad. Gagawin
ito sa pagpapangkat na paraan.

Mga Hakbang na Paano ito isasagawa Kelan ito isasagawa


isasagawa

You might also like