You are on page 1of 8

DETAILED LESSON PLAN

Paaralan Oro Site High School Baitang / 9


Antas
Guro Julie-Ann A. Nayve Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Araw at Oras Sabado / 7:15-8:15 Markahan Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa kung bakit may Lipunang Pulitikal
Pangnilalaman at ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang mag-aaral kung ang Prinsipyo ng


Pagganap Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa.

C. Mga Kasanayan sa Naipaliliwanag ang:


Pagkatuto
Isulat ang code ng bawat a. Dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
kasanayan b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng pagkakaisa EsP9PL-Ic-2.1

II. NILALAMAN: Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng


Pagkakaisa
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng guro pahina 13-22
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Modyul ng mag-aaral pahina 21-34
Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Internet
Kalamata mula Modyul
sa portal ng Gabay Pangkurikulom
Learning Source
B. Iba pang Kagamitang Laptop
Panturo PowerPoint Presentation
Mga Pantulong Biswal
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-aral sa nakaraang PAGBATI “Magandang umaga po
aralin at/o pagsisimula “Magandang umaga sa inyong lahat” ma’am”
ng bagong aralin
“Bago tayo mag simula ay tignan niyo muna ang
paligid niyo kung may nakakalat, pulutin at
itapon sa basurahan.”

“Salamat class.”

PAGTALA NG LIBAN SA KLASE


“Class monitor, may absent po ba tayo “Wala po ma’am”
ngayon?
“Kapag class nag-absent dahil di mabuti yung
pakiramdam niyo magbigay po kayo ng
excuse letter.
“Naintindihan po ba yun class? “Opo ma’am!”

PAGBABALIK-ARAL
“Ngayon ay mag babalik-aral tayo.
“Ano ba class yung last discussion natin?
Mag-aaral 1: “Tungkol po
ma’am sa Kabutihang
Panlahat.”

“Sino ngayon ang nakakaalala ng kahulugan ng Mag-aaral 2: “Ang lipunan ay


salitang lipunan at komunidad? hango sa wikang Filipino na
lipon na nangangahulugang
pangkat.”

Mag-aaral 3: “Ang
komunidad ay lipon ng mga
tao na may magkakatulad na
interes, ugali at
pagpapahalaga sa isang
bahagi na partikular na lugar
sa lipunan.”

“Napag usapan din natin sa nakaraang aralin


Mag-aaral 4: “Ang unang
ang tatlong mahalagang kondisyon upang
kondisyon po ay (1) Ang
makamit ng lipunan ang kabutihang panlahat. lahat ng tao ay dapat
Ano-ano ang mga ito? mabigyan ng pagkakataong
makakilos Ng malaya na
ginagabayan ng diyalogo,
pagmamahal, at katarungan,
pangalawa (2) Ang
pangunahing karapatang
pantao ay nararapat na
mapangalagaan at ang
panghuli ay (3) Ang bawat
indibidwal ay nararapat na
mapaunlad patungo sa
kanyang kaganapan.”

“Maraming Salamat sainyo! Pakatatandaan


natin na ipinagkaloob ng Diyos ang lipunan sa
tao upang ito ang tumugon sa pag unlad ng
ating pagkatao, sa paglinang ng ating mga
kakayahan at maging ang paghubog sa ating
personal na paglago bilang tao.”

“Naintidihan po ba?”
“Opo ma’am!”

“Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin ay


sagutang muna natin ang Gawain 1.
Panuto:
(1) Balikan mo ang alam mo tungkol sa
lipunang politikal. Mag-isip ng mga
salitang maiuugnay mo dito.
(2) Isulat ito sa mga bilog sa ibaba. Gamiting
gabay ang pormat sa ibaba.

B. Paghahabi sa layunin 2.3. Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng


ng aralin aralin.
2.4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung
umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya,
paaralan, pamayanan (baranggay), at
lipunan/bansa.

C. Pag-uugnay ng mga “May tanong ako sainyo, sino sainyong palagay Mag-aaral 1: “Pangulo”
halimbawa sa bagong ang tunay na “boss” sa isang lipunan?” Mag-aaral 2: “Mga politiko”
aralin Mag-aaral 3: “Teacher”

“Okay! Lahat po ng sagot niyo ay tama. Bakit?


Lagi po nating pakakatandaan na ang lipunan ay
pinatatakbo ng lahat ng kasapi ng lipunan. Ibig
sabihin kapwa boss maging ikaw man ay
estudyante, politiko, kahit ikaw man ay
pangkaraniwang mamayan lamang, ang lahat ng
tao sa lipunan ay may ugnayan at lahat ay may
ginagampanan na mahalagang tungkulin.”

D. Pagtatalakay ng bagong “Ngayong araw ay tutuklasin natin ang dalawang


konsepto at paglalahad mahalagang prinsipyo na dapat umiral sa isang
ng bagong kasanayan lipunan o isang pamayanan. Ito ay ang Prinsipyo
ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity
(Pagkakaisa). Handa na po bang makinig ang “Opo ma’am.”
lahat?

“Ang unang lipunan na kinagisnan ng bawat


indibidwal ay ang kanyang sariling pamilya.”
“Dito nagsisimulang mabuo at mahubog ang
bawat kasapi. Sa pamilya din nagsisimulang
umusbong ang prinsipyo ng pagtutulungan.
Binibigyang halaga sa loob ng pamilya ang
pagmamahalan, pagkukusa, pagmamalasakit at
pagkakaisa at ang pagpapahalagang ito ay ating
nadadala at naipakikita sa ating pamayanan at
mga kaibigan.”

“Tulad ng isang barkadahan, ang mga tao sa


isang lipunan ay pinagsasama-sama ng kanilang
kinagisnang lugar. Pinagbubuklod ng tradisyon,
mga kaugalian, hilig, interes, pangarap,
pilosopiya, pananampalataya at mga hangarin sa
buhay. May mga kwento silang pinagdadaanan at
nabubuo ang kanilang kultura.”

Kultura ang tawag sa mga


nabuong gawi ng pamayanan. Ito
ang mga tradisyon, nakasanayan,
mga pamamaraan ng
pagpapasiya, at mga hangarin na
kanilang pinagbahagian sa
paglipas ng panahon.

“Ngunit paano makakamit ng lipunan ang layunin


nito kung mayroon silang iba't ibang paniniwala at
opinyon? Dito na papasok ang lipunang
pampulitikal.”
Lipunang Pampulitikal
- “Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos Ng
lipunan.”
- “Ito ay upang masiguro na ang bawat
mamamayan o indibidwal ay malayang
magkakaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang sariling mithiin at sikaping
matugunan ang layunin ng lipunan.”
“Pakatatandaan natin na ang pag-unlad ng isang
lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng
pagaambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa
kabuuang pagsisikap ng lipunan.”

“Naintindihan po ba?”
“Opo ma’am”
“Ngayon, upang mas maging maayos ang lipunan,
dito na papasok ang dalawang mahalagang
prinsipyo. Ito ay ang Prinsipyo ng Subsidiarity
at Prinsipyo ng Solidarity (Pagkakaisa).”

“Bago tayo magpatuloy mayroon ako ditong


simpleng gawain na na tiyak ay masasagutan nyo
agad.”

Pagbibigay tulong ng
pamahalaan sa mga
mamamayang higit na
nangangailangan.

Pagtulong ng mga mamamayan


sa kanyang kapwa mamamayan.

“Dito ay mayroon akong dalawang kahon na


naglalaman ng kahulugan ng mga salitang
Subsidiarity at Solidarity. Simple lamang ang
gagawin ninyo. Tutukuyin lamang ninyo kung ano
sa palagay ninyo ang tamang kahulugan ng
Subsidiarity at Solidarity.”

“Naunawaan po ba?” “Opo ma’am”


“Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para
sagutan ito.”

(Matapos ang 10 segundo)

“Sino po ang makakasagot kung alin ang tamang


kahulugan ng Subsidiarity“
Mag-aaral 2: “Ang
Subsidiarity ay pagbibigay
tulong ng pamahalaan sa
mga mamamayang higit na
nangangailangan.”

“At ang Solidarity?” Mag-aaral 3: “Ang Solidarity


ay ang pagtulong ng mga
mamamayan sa kanyang
kapwa mamamayan.
“Magaling!”

“Ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity


(Pagkakaisa) ay dalawang mahalagang kaisipan
na dapat umiiral at isagawa ng mga kasapi ng
isang lipunan, na kung saan ginagamit ng bawat
isa ang kanya-kanyang kakayahan upang
makatulong at makibahagi sa isang lipunan.”

Prinsipyo ng Subsidiarity
“Ito ay ang mga hakbang at pagtulong ng
pamahalaan sa mga nasasakupan nito upang
magawa ang makapagpapaunlad sa mga
mamamayan."

“Isang kongkretong halimbawa ng Subsidiarity ay


ang 4’ps”

Sa pamamagitan ng 4’ps tinutulungan ng


pamahalaanang mga mamamayan upang kahit
papaano ay makaranas ng kaginhawaan sa
buhay.

Prinsipyo ng Solidarity (Pagkakaisa)


“Ito ay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga
mamamayan sa isang lipunan/pamayanan.”

“Dito ay nagkakaroon ng bayanihan at


pagkakaisa sa bawat kasapi ng pamayanan.

E. Paglinang sa “Sa ating aralin ngayong araw, magbibigay ako


Kabihasnan (Pagpapalalim) sainyo ng activity.”
“Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan
sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno.”

1. Ipakita ang pagkakaiba ng pamayanan at


lipunan.

2. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?

3. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng


pakikipagtulungan at pakikipagbukluran sa loob
ng lipunan?

4. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa


lipunan bilang kapwa-pananagutan ng pinuno at
mamayan?

5. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa


lipunan? Ano ang dapat na atitud sa lipunan?

F. Paglalahat ng Aralin Tandaan:


“Ating pakatatandaan na sa Lipunang Politikal,
hindi mahalaga kung sino ang tumutulong o kung
sino ang tinutulungan, ang mahalaga ay
namamayani ang kabutihang panlahat para sa
pag unlad ng bawat isa.”

G. Paglalapat ng Aralin sa Gawain


pang araw-araw na
buhay (Pagsasabuhay Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang
ng mga Pagkatuto) pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.

Ano-ano ang Ano ang Ano-anong


konsepto at aking hakbang ang
kaalamang pagkaunawa aking
pumukaw sa at gagawin
akin? reyalisasyon upang
sa bawat mailapat ang
konsepto at mga pang-
kaalamang unawa at
ito? reyalisasyong
ito sa aking
buhay?
H. Takdang Aralin Takdang Aralin:
Panuto: Basahin ang Edukasyon sa
Pagpapakatao Baitang 9 pp. 36-49.

IV. Mga Tala

V. Pagninilay (Reflection)

A. Ilan ang mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa
pagtataya/ paunang
pagtataya
B. Paano ko ginamit ang
resulta ng
pagtataya/pagtatasa sa
aking pagtuturo?
C. Anu-anong
pamamaraan ang
natuklasan/napatunayan
kong mabisa sa
pagtururo ng araling
ito?
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation

E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?

Inihanda ni:
Julie-Ann A. Nayve
Guro sa ESP

You might also like