You are on page 1of 11

DAILY LESSON LOG Paaralan Busiing Integrtaed School Baitang/ Antas 9

(Pang-araw-araw na Guro Florante R. Pastor Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Setyembre 28-29,2023 Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Lipunang Sibil (Civil Society), Media at
Simbahan.

B. Pamantayan sa Pagganap Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng
mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang ginagampanang papel ng mga ito
Isulat ang code ng bawat tungo sa kabutihang panlahat. EsP9PL-Ig-4.1
kasanayan 2. Nakagagawa ng islogan tungkol sa katangian ng lipunang sibil.
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng lipunang sibil.

II. Nilalaman Modyul 4: Lipunang Sibil, Media at Simbahan


A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-5

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 50-54


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Tumawag ng 2 mag-aaral upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa napag-aralang modyul
at pagsisimula ng bagong gamit ang mga gabay na katanungan. (gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
aralin. 1. Sa inyong palagay, pantay ba ang pagtatamasa ng mga mamamayan ng mga biyaya ng
ekonomiya? Ipaliwanag.
2. Nagtagumpay kaya ang estado na paglapitin ang agwat sa pagitan ng mga nakaririwasa at
mga maralita? Ipaliwanag.
3. Paano tinutugunan ng mga mamamayan ang hindi pagkakapantay na ito?

B. Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang
mga titik sa notbuk. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba: a.
Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:


a. Ang lahat ay magiging masunurin.
b. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
c. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
d. Walang magmamalabis sa lipunan.

3. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

4. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:


a. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
b. Pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan.
c. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
d. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

5. Ang kahulugan ng mass media ay:


a. Impormasyong hawak ng marami.
b. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
c. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
d. Paghahatid ng maraming impormasyon.

6. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:


a. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
c. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
d. Ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.

7. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:


a. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
b. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
c. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
8. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. Panghihimasok ng estado.
9. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. Panghihimasok ng estado.
10. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. Panghihimasok ng estado.
11. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. Panghihimasok ng estado.
12. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
b. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

13. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:


a. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. Panghihimasok ng estado.

14. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang lipunang sibil.


a. Malayuang pagbibisikleta
b. Pagmamasid sa mga ibon
c. Pagtatanim ng mga puno
d. Pagsisid sa mga bahura (coral reefs)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A.Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
at pagganyak 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang ginagampanang papel ng mga
ito tungo sa kabutihang panlahat.
2. Nakagagawa ng islogan tungkol sa katangian ng Lipunang Sibil.
3. Naipahahayag ang kahulugan ng Lipunang Sibil.

B. Ipapakita ng guro sa bawat slide ang mga larawang nagpapakita ng mga isinasagawang
protesta ng mga mamamayan sa lipunan. Tatawag ang guro ng 3 mag-aaral upang
sumagot sa sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang ipinahahayag ng mga larawan?


2. Sa inyong palagay nakatutulong ba ang ginagawa nila?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin pag-oorganisa pag-unlad likas kusa paglilingkod

sarili solusyon pagtugon epekto interes

Pumili ng mga salitang nasa loob ng kahong may kaugnayan sa Lipunang Sibil. Tumawag ng
mag-aaral na siyang maglalagay sa Bubble Web, ibigay ang nabuong konseptong may
kaugnayan sa Lipunang Sibil gamit ang mga gabay na katanungan. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Costructivist Approach)

1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nasa Bubble Web sa Lipunang Sibil?
2. Mula sa mga salitang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng Lipunang Sibil?

LIPUNANG SIBIL
D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat kasapi ng pangkat ay magbabahagi ng kani-kanilang
konsepto at paglalahad ng mga nasaksihang paglilingkod at pagkakawanggawa sa kanilang lugar gabay ang sumusunod
bagong kasanayan #1 na talaan. Pasagutan sa papel ang tanong na, Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito
upang magpakaabala at magpakagastos gayong ni hindi naman nila tayo kilala?
Ipaliwanag. Pumili ng miyembro ng pangkat na magbabahagi sa buong klase ng sagot.
(gawin sa loob ng 10 minuto)(Reflective-Collaborative Approach)

Pangalan o Uri ng Uri ng Paglilingkod Panahong Inilaan Pananaw ng mga


Organisasyon Tao Tungkol sa
Resulta o Epekto ng
Serbisyo o
Kawanggawa

Sa dating limang pangkat, gagawang muli ng talaan ang bawat grupo tungkol sa mga
nabalitaang kilos-protesta ng ilang organisasyon o samahan sa lipunan. Magbabahaging muli
ang bawat kasapi ng pangkat gabay ang sumusunod na tanong:
1. May nabalitaan ka bang mga organisasyong nagsagawa ng kilos-protesta?
2. Tungkol sa anong usapín ang kanilang ipinoprotesta?
3. Ano kayâ ang nagtutulak sa mga taong ito upang iprotesta ang mga ganitong usapín?
Usaping Ipinoprotesta Pangalan o Uri ng Petsa o Taon
Organisasyon

E. Pagtalakay ng bagong Mula sa nakuhang Youtube video, panonoorin ng mag-aaral ang dokumentaryong Like You,
konsepto at paglalahad ng We Have Rights, Too. Itatala ng mag-aaral sa notbuk ang mga usaping pinalutang ng mga
bagong kasanayan #2 tauhan sa pinanood na pakikipanayam. Pag-iisahin sa pisara ang kanilang mga naitala upang
makabuo ng isang concept map. Tukuyin kung alin ang pangunahing usapin at bumalangkas
ng mga pagkilos na maaaring isakatuparan ng isang lipunang sibil upang matugunan ang
pangunahing usapin. (gawin sa loob ng 10 minuto)(Reflective/Consttructivist Approach)

F. Paglinang sa Kabihasahan May mga bagay na tinatamasa ang ating pamilya mula sa kagandahang-loob ng iba.
(Tungo sa Formative Isulat sa pisara ang mga uri ng paglilingkod na nakalap sa unang talaang ginawa at ang mga
Assessment) usaping ipinoprotestang nakalap sa pangalawang talaang isinagawa. Isulat sa notbuk ang
kabutihang maaaring idulot sa ating pamilya ng mga paglilingkod at pagproprotestang ito.
Ibahagi sa klase ang mga ito. (gawin sa loob ng 10 minuto)(Reflective Approach)

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pasagutan ang mga katanungan sa notbuk. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi

araw-araw na buhay ng kanilang opinyon sa klase. (gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)

1. Bakit mahalaga ang lipunang sibil?


2. Ano ang maaaring maging epekto ng mga paglilingkod at pagproprotestang ito?

H. Paglalahat sa aralin Ang Lipunang Sibil ay ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili sa sama-samang
pagtuwang sa isa’t isa. Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng mga negosyanteng may
pansariling interes. Ito ay pagsasagawa ng mga pagtugong sila mismo ang nagtataguyod
kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad
ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.

I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang islogan tungkol sa katangian ng lipunang sibil. Ipagawa ito sa bond paper.
(gawin sa loob ng 5minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya:
Angkop sa Paksa: 30%
Orihinalidad: 30%
Pagkamalikhain: 20%
Kalinisan: 20%

J. Karagdagang gawain para sa Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsaliksik tungkol sa sumusunod na paksa at
takdang-aralin at remediation maghanda para sa isang panel discussion.
Unang Pangkat Lipunang Sibil
Ikalawang Pangkat Ang Media
Ikatlong Pangkat Ang Simbahan
IV. MgaTala
V. Pagninilay

Ipinasa Ni:
FLORANTE R. PASTOR Ipinasa kay:
Guro AGRIFINA R.
RIEGO
Punong Guro

You might also like