You are on page 1of 18

Republika ng Filipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


SA PAGSULAT SA
FILIPINO SA PILING
LARANGAN: TECH-VOC
12
PAMAGAT NG ARALIN:

MGA KATANGIAN AT ELEMENTO NG


KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
_______________________________________________________
Linggo 2 at 3

Kuwarter 1/3 MELC BLG. 2

MELC: Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa:


a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit
CS_FT11/12PT-0a-c-93

Pangalan ng Guro: ______JENNIE JANE CERIA____________


Paaralan: _______MAGSINGAL NATIONAL HIGH SCHOOL________

1
PAUNANG SALITA

Sa kasalukuyan, nahaharap ang ating bansa sa isang krisis na dulot ng


pandemya. Hindi lamang gawing pangkalusugan, kabuhayan at pamumuhay
ang lubos na naapektuhan, maging ang edukasyon.
Kung kaya’t gumawa ang Kagawaran ng Edukasyon ng mga hakbang
upang maipagpatuloy ang pamamahagi ng de-kalidad na edukasyon sa gitna
ng suliraning kinahaharap ng bansa. At isa sa mga hakbang na ito ay ang
pagbuo ng mga kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng bawat Filipinong
mag-aaral.
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito binuo upang maging kaagapay
sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga mag-aaral. Nakapaloob sa SLK na ito
ang mga gawain na maaaring isagawa sa tulong at pag-alalay ng mga
magulang. Kalakip din dito ang munting pagtalakay sa aralin at mga gawain
na makatutulong sa lubos na pagkaunawa sa aralin.
Ang mga gawaing nakapaloob sa SLK na ito ay binigyang-tuon at
iniangkop sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral. Sapagkat
naniniwala ang kagawaran na walang anumang hahadlang sa paghahatid ng
kaalaman, gayundin walang makapipigil sa pagkamit sa mga pangarap ng
bawat batang Filipino.

2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na


sulatin ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit
(CS_FT11/12PT-0a-c-93)
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. Nakakikilala ng mga teknikal-bokayunal na sulatin ayon
sa layunin, gamit, katangian, anyo at target na gagamit.
2. Nakabubuo ng isang halimbawa ng teknikal-bokasyunal
na sulatin sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa
layunin, gamit, katangian, anyo at target na gagamit
nito.
3. Nakapaglalahad ng kahalagahan ng pagkilala sa mga
teknikal-bokasyunal na sulatin.
4. Nakasusuri ng isang halimbawa ng sulating teknikal-
bokasyunal ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo at
target na gagamit nito.

PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Ang bahaging ito ay gawain bilang pag-alala sa iyong mga


natutuhan sa ating nakaraang talakayan na magbibigay ideya
sa inyo kung ano ang mga pag-aaralan natin sa kit na ito.
Basahing mabuti ang panuto at sagutin ang gawain.

PANUTO: Bago tuluyang lumusong sa pagtalakay sa aralin, pagnilayan muna


ang mga sumusunod na katanungan. Gumamit ng ibang papel para sa
kasagutan.

1. Naranasan mo na bang magluto ng isang pagkain? _____________________


2. Ano ang pagkain na niluto mo? _____________________________________
3. Para kanino ang pagkain na niluto mo? _______________________________
4. Ano ang mga isinaalang alang mo sa pagluluto ng pagkain na niluto mo?
_________________________________________________________________.

3
MAIKLING PAGTALAKAY

Sa ating nakaraang gawain, pinagnilayan ninyo ang mga


katanungan na may kaugnayan sa ating aralin. Ngayon, atin nang
simulan ang pagtalakay sa ating paksa. Maaaring humingi ng gabay
sa inyong magulang sa pag-unawa rito.

Handa na ba kayong matuto? Tara na!

Sa nakaraang gawain, sinagot ninyo ang mga katanungan hinggil sa


pagluluto, para kanino ang niluto ninyo at ano ang mga isinaalang-alang ninyo sa
pagluluto ng pagkain na ito.
Gayundin sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, may mga dapat tayong
isaalang alang sa paggawa ng mga ito upang maging matagumpay at mas
maunawaan ang mensaheng nais nitong iparating.
Ang mga dapat ninyong bigyang- pansin ay ang mga elemento. Ano nga ba
ang mga ito?

Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal

1. Awdiyens- nagisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang


tagapakinig, manonood o mambabasa.
2. Layunin- ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala
ng mensahe.
3. Estilo- kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung
papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe.
4. Pormat- tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.
5. Sitwasyon- pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng
mensahe.
6. Nilalaman- dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang menahe ng
komunikasyon.
7. Gamit- ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang
mensahe.

Natalakay na natin ang mga element na dapat nating isaalang-alang sa


paggawa ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin, ngayon naman, ating kilalanin ang
mga teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo at target
na gagamit nito.

Iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

1. Manwal

A. Layunin- Naglalayong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon


tungkol sa isang bagay o paksa
B. Gamit- Ang manwal ay ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa ng
mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo
ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.

4
C. Katangian-
1. Tiyak kung para kanino ang manwal at kung sino ang mga
gagamit nito
2. Payak, maiksi, at tiyak ang pagkakabuo ng mga inilagay sa
manwal.
3. Binibigyang-halaga kung ano ang pangunahing paksang
tinatalakay nito
4. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsulat ng manwal at
maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa
isang particular na trabaho
5. Tiyak at madaling maunawaan ng mga mambabasa ang mga
inilahad saa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at
kamalian sa pagsunod sa mga nakasaad dito
D. Anyo- 1. User Manual- kilala bilang instructional manual, users guide o
owner’s manual na isang manwal sa paggamit na kalimitang
kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago gamitin.
2. Employee’s manual handbook- ang mga itinakda para sa mga
empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga
kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa
kompanya
E. Target na gagamit- Mga empleyado ng isang kompanya, Mga bagong
miyembro ng organisasyon, Nagsisilbng gabay sa mga bumili ng
mga produktong nangangailangan ng pagbuo bago gamitin.
2. Liham Pangnegosyo

A. Layunin- Layunin nitong iparating ang kahilingan sa isang serbisyo,


suplay, produkto at marami pang iba . Kung minsan
ipinaparating din sa pamamagitan nito ang mga hinaing at
reklamo sa isang organisasyon na maaaring may malaking
banta o epekto sa takbo ng kanilang negosyo
B. Gamit- Ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan
C. Katangian-1. Malinaw ngunit magalang
2. Maikli ngunit buong buo
3. Tiyak
4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa
5. Wasto ang gramatika
6. Maganda sa paningin
D. Anyo- 1. Liham Aplikasyon- Ang liham na ito ay isinusulat upang
humanap ng trabaho
2. Liham pagpapakilala- Isinusulat ang liham na ito upang
irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay/
produkto na iniendorso.
E. Target na gagamit- Ito ay mahalagang instrument ng komunikasyon sa
pagitan ng mga mangangalakal at kanilang kostumer o iba pang
taong nais makipagkalakalan sa kanila

5
3. Memorandum

A. Layunin- Layunin nitong magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga


patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat.
B. Gamit- Ginagamit upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa
dati na, kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho
C. Katangian- Organisado at malinaw upang maunawaan nang mabuti, maikli,
pinakikilos ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin
D. Anyo- 1. Memorandum para sa kahilingan
2. Memorandum para sa kabatiran
3. Memorandum para sa pagtugon
E. Target na gagamit- Mga empleyado at namamahala sa isang organisasyon
o kompanya
4. Flyers/Leaflets

A. Layunin- Nilalayon nitong magbigay ng impormasyon tungkol sa isang


negosyo.
B. Gamit- Ginagamit ito upang maipakilala ang isang produkto o taong
ikinakampanya. Ginagamit din ito bilang pabatid sa mga
okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto at ibang patalastas.
C. Katangian- Simple ang mensahe, may mga disenyo at makatawag-pansin
D. Anyo- Handbill, poster at pamphlet
E. Target na gagamit- Negosyante at maliliit o nagsisimulang negosyo,
gayundin ang mga magkakaroon ng pagdiriwang.

5. Promo Materials

A. Layunin- Layunin nitong manghikayat sa mga mamimili sa pamamagitan


ng pagbibigay ng mas mababang halaga sa mga produkto o
serbisyo.
B. Gamit- Ginagamit ito upang makaakit ng mga potensyal na kostumer.
C. Katangian-1. Detalyado ang oagkakabuo ng nilalaman nito
2. Madling basahin at unawain
3. Impormatibo
4. Naglalaman ng mga larawan
D. Anyo- Ang ilan sa mga anyo ng material pampromosyon ay flyer, leaflet,
patalastas, brochure, poster at iba pa.
E. Target na gagamit- Kompanya o negosyo

6. Deskripsiyon ng Produkto
A. Layunin- Layunin nitong magbigay ng impormasyon sa mga mamimili
tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo at
iba pang produktong nais ibenta
B. Gamit- Ginagamit ito upang ilarawan ang produktong ibinebenta upang
maging kaakit-akit sa mga mamimili
C. Katangian-Tiyak, wasto at makatotohanan
D. Anyo- patalata at bulleted list
E. Target na gagamit- Negosyante

6
7. Feasibility Study

A. Layunin- Layunin ng feasibility study na pag-aralan o suriing mabuti ang


pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao o sitwasyong
nakaaapekto sa negosyo o sa kompanya bago magpatupad ng
anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon upang
matiyak ang tagumpay
B. Gamit- Ang feasibility study ay ginagamit sa pagbuo ng bagong
negosyo at pagkakaroon o paglulunsad ng bagong produkto sa
merkado.
C. Katangian- 1. Komprehensibo at pormal ang paggamit ng mga salita.
2. May mga ispesipikong bahagi
3. Kinapalolooban ng mga salitang teknikal na may kinalaman
sa proyekto.
4. May kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at iba
pang katulad na mga larangan.
5. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman
D. Anyo- Deskripsiyon ng Proyekto, Market Feasibility, Technical
Feasibility, Financial/Economic Feasibility,
Organizational/Maneagerial feasibility
E. Target na gagamit- Ang mga nagbabalak magpatayo ng negosyo at
negosyante.

8. Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/produkto

A. Layunin- Naglalahad ng dokumentasyon sa mga proseso kung paano


binubuo o ginagawa ang isang bagay
B. Gamit- Ginagamit ito upang maglahad ng sinusunod na proseso o
hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto.
C. Katangian-1. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang
maging malinaw ito sa mga mambabasa
2. Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga
pangungusap na nagsasaad ng mga hakbang upang hindi
magdulot ng kalituhan sa mga babasa
3. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan ang
dokumentasyon na nagdadagdag ng kalinawan sa ipinapakitang
paraan ng paggawa
D. Anyo- End-user documentation, Requirements documentation,
Marketing documentation, Technical documentation
E. Target na gagamit- Indibidwal na gustong matuto sa paggawa ng isang
bagay o produkto
9. Naratibong Ulat

A. Layunin- Naglalayong maiparating sa kaalaman ng mga kinauukulan ang


mga impormasyon hinggil sa isang proyekto, gawain o
pagsasaliksik na isinasakatuparan.
B. Gamit- Ginagamit ito upang magsalaysay ng magkakasunod na
pangyayari hinggil sa isang bagay na isinasakatuparan.
C. Katangian- 1. Pormal subalit magaan ang gamit ng wika

7
2. Kronolohikal na ayos o tama ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
3. May mahahalagang element ng isang talatang nagsasalaysay
gaya ng konteksto, mga kalahok na tao at resolusyon.
D. Anyo- Kronolohikal na salaysay
E. Target na gagamit- Mga propesyonal na nangangailangang mag0-ulat ng
isang kronolohikal na salaysay tulad ng:
1. Pulisya sa paglalarawan sa aksidente
2. Doktor sa paglalarawan sa operasyon at kalagayan ng
pasyente
3. Human resource na nagpapaliwanag ng maling asal ng
empleyado; at marami pang iba.

10. Paunawa/Babala/Anunsiyo

A. Layunin- Magbigay ng komunikasyon tungkol sa mahahalagang detalye


sa mga taong kailangang makaalam ng mga ito
B. Gamit- Ginagamit ang anunsiyo upang ipaalam ng isang tao ang isang
balita. Ginagamit naman ang babala upang magbigay ng
instruksiyon upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa
at/o maiwasan ang pagkasira ng kagamitan sa normal na
operasyon. Ang paunawa ay ginagamit upang magbigay ng
instruksiyon hinggil sa mga pag-ingat na akma sa ilalim ng
particular na sirkumstansiya.
C. Katangian-Simple at mabilis maintindihan ang mga salita, malikhain,
kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa at
nakaaakit sa mata dahil sa kulay.
D. Anyo- Karaniwang nasa anyo ng liham o memorandum ang anunsiyo
samantalang ang babala at paunawa ay karaniwang nakapaloob
sa manwal, polyeto at iba pa.
E. Target na gagamit- Mga taong nangangailangan ng impormasyon hinggil
sa isang bagay o ang mga taong kailangang magsagawa ng
isang gawain.

11. Menu ng pagkain

A. Layunin- Layunin nitong magbigay ng impormasyon sa mga taong nais


kumain sa isang restawran.
B. Gamit- Ginagamit upang lumikha ng identidad upang makahikayat ng
mga konsyumer/kostumer
C. Katangian-1. Nakaayos batay sa uri ng pagkain.
2. Nakalagay ang halaga
3. Malinaw na inilalarawan ang mga pagkain
4. Nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin
5. Tiyak at malinaw
D. Anyo- A La Carte,Static Menu, Du Jour Menu, Cycle Menu, at Fixed
Menu
E. Target na gagamit- Mga kostumer sa isang restawran

8
MGA HALIMBAWA

Upang mapagtibay ang konseptong inyong natutuhan


sa aralin natin ay narito ang isang halimbawa.

Pag-aralan at suriin itong mabuti.

Ang nasa larawan ay


isang halimbawa ng
label ng vitamins.
Ginawa ang label na ito
nang sa gayon ay
makita ng mga
konsyumer ang mga
benepisyo at
impormasyon tungkol
sa bitaminang ito.

Larawang kuha ni Marilyn G. Tabilang

9
PAGSASANAY

Naunawaan ba ninyo ang ating aralin?


Kung gayon, maghanda na para sa ating
pagsasanay.
Ang ating pagsasanay ay mahahati sa tatlong
bahagi- ang madali, katamtaman at mahirap na antas.
Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto.
Maaaring humingi ng gabay sa inyong mga magulang sa
pagsagot ng mga gawain.

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na impormasyong hinihingi ng
talahanayan. Gumamit ng ibang papel para sa iyong kasagutan.

Teknikal Layunin Gamit Katangian Anyo Target na


- (Magbigay gagamit
bokasyu ng isa)
nal na
sulatin
1. Naglalayong 2. 3. Liham 4.
humingi ng aplikasyon
isang at liham
serbisyo, pagpapakil
suplay, ala
produkto at
marami
pang iba
Menu ng 5. Ginagamit 6. 7. Mga
pagkain upang kostumer
lumikha ng sa isang
identidad restawran
upang
makahikayat
ng mga
konsyumer/k
ostumer
Manwal Naglalayong 8. User 9. 10.
magpaliwan Manual
ag at Employees
maglahad Manual
ng mga
impormasyo
n tungkol sa
isang bagay
o paksa

10
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng isang facebook post na naglalahad ng mga safety tips
upang maiwasan ang COVID-19. Isaalang-alang ang layunin, gamit, katangian,
anyo at target na gagamit nito.

Tatayain ang facebook post gamit ang pamatayan sa ibaba:

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Pagkakabuo Naisaalang-alang layunin, 15
gamit, katangian, anyo at
target na gagamit ng
komunikasyong teknikal
Nilalaman Malinaw na nailahad ang 10
mensahe ng post.
Gramatika Wasto ang gramatika at gamit 5
ng mga salita
Kabuoan 30

Gawain 3
Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng pagkilala sa sulating teknikal-bokasyunal
sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na katanungan. Gumamit ng
ibang papel para sa iyong kasagutan.

1. Bakit mahalagang alamin ang


A. layunin
B. gamit
C. katangian
D. anyo, at
E. target na gagamit
sa pagkilala sa iba’t ibang sulating teknikal-bokasyunal? Maglahad ng
pagpapaliwanag sa bawat element.

2. Ano sa palagay mo ang maitutulong ng pagkilala sa mga sulating teknikal-


bokasyunal na sulatin sa mundo ng trabaho?

11
PAGLALAGOM

Tandaan!
Sa pagkilala ng sulating teknikal-bokasyunal,
kailangang isaalang-alang ang dahilan kung bakit ito
ginawa, ang kahalagahan nito at ang mga inaasahang
tagatanggap nito. Sa kabuuan, kailangang alamin ang
layunin, gamit, katangian, anyo at target na gagamit para
sa lubos nap ag-unawa sa sulating ito.

APLIKASYON

Sa bahaging ito, ating ilapat ang inyong natutuhan sa


pamamagitan ng gawain sa ibaba.
Unawaing mabuti ang panuto.
Tara na!

Gawain
Panuto: Gumupit ng halimbawa ng user’s guide o label ng isang gamot o
vitamins. Idikit ito sa isang bond paper at suriin ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan. Gumamit ng ibang papel
para sa mga kasagutan.

Mga katanungan:
1. Tungkol saan ang larawan?
________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang nilalaman ng larawan?
________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng mensaheng nakapaloob sa larawan?
________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Sino ang inaasahang gagamit at makikinabang sa mga impormasyong
isinasaad sa larawan?
________________________________________________________
______________________________________________________________

12
PAGTATAYA

A. Panuto: Pagtapatin ang mga konseptonhg matatagpuan sa Hanay A sa mga


salitang naglalarawan sa mga ito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang. Gumamit ng ibang papel sagutan.

Hanay A Hanay B

_________1. Pormat A. Ito ay ginagamit sa pagbuo ng bagong


negosyo at pagkakaroon o
paglulunsad ng bagong produkto sa
merkado.
_________2. Awdiyens B.Ito ang dahilan kung bakit
kinakailangang maganap ang
pagpapadala ng mensahe
_________3. Naratibong ulat C.Tumutukoy ito sa ginabayang
estruktura ng mensaheng ipadadala
_________4. Feasibility Study D.Ginagamit ito upang magsalaysay ng
magkakasunod na pangyayari hinggil
sa isang bagay na isinasakatuparan.
_________5. Gamit E. Ito ay pagtukoy sa estado kaugnay sa
layuning nais iparating ng mensahe.
_________6. Layunin F. Dito nakasaad ang daloy ng ideya ng
kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
_________7. Deskripsiyon ng produkto G. Kinapalolooban ito ng tono, boses,
pananaw, at iba pang paraan kung
papaanong mahusay na maipadadala
ang mensahe.
_________8. Nilalaman H.Nagsisilbing tagatanggap ng mensahe.
_________9. Estilo I.Ito ang pagpapakita ng halaga kung
bakit kinakilangan na maipadala ang
mensahe.
_________10. Sitwasyon J.Ginagamit ito upang ilarawan ang
produktong ibinebenta upang maging
kaakit-akit sa mga mamimili

13
B. Panuto: Paghambingin ang sumusunod na sulating teknikal-bokasyunal
ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo, at target na gagamit. Gumamit ng
ibang papel para sa kasagutan.

Liham Pangnegosyo Memorandum

Pagkakaiba

Pamantayan

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Malinaw na naipakita 15
ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng
dalawang konsepto
Paglalahad Lohikal ang 10
pagkakalahad ng mga
ideya at gumamit ng
mga halimbawa
Gramatika Mahusay ang paggamit 5
ng wika at wasto ang
gramatika
Kabuoan 30

14
SANGGUNIAN
A. Aklat
Francisco, Christian George at Mary Grace Gonzales,Filipino Sa Piling Larangan
(Tech-Voc) (Manila:REX Book Store, 2017),4-5, 29-30,63,80-81, 96-97,
145,169.
Santos Corazon L. at April J. Perez, Filipino Sa Piling Larang Tech-Voc Kagamitan
ng Mag-aaral (Philippines: VICARISH Publications and Trading, Inc., 2018),
171, 187, 196.

B. Internet

Argente, James Llamera. “Handout-17”. Scribd. November 21, 2017


https://www.scribd.com/document/365054031/07-Handout-17
Ausa, Dandrev. “Flyers, Leaflets at Promotional Materials”. Scibd. October 12, 2016
https://www.scrbd.com/presentation/327377301/Flyers-Leaflets-At-
Promotional-Materials
Basilio, Kristel Gail. “Paunawa-Babala-Anunsyo”. Scribd. January 7, 2019
https://www.scribd.com/Presentation/396951424/PAUNAWA-BABALA-
ANUNSYO
Cruz, Raquel. “Handout 3- Liham Pangnegosyo”. Scribd. July 22, 2018
www.scribd.com/document/384397814/Handout-3-liham-Pangnegosyo
Giron,Manolo.“Mga Katangian at Kalikasan ng Manwal”.Slideshare.January 18, 2017
https://www.slideshare.net/mrblueoflds/mga-katangian-at-kalikasan-ng-
manwal
Javagat, Recyl Mae. “Mga Gabay ng Pagsulat ng Liham Pangnegosyo at
Memorandum Kto12”. Slideshare. June 29, 2017
https://www.slideshare.net/mrsrecylmaelee/aralin-4-liham-pangnegosyo-
memorandum
Karnes, KC. “What is Technical Documentation? Examples and Topics”. Clevertop.
February 18, 2020
https://clevertop.com/blog/technical-documentation/
Kwon, Elle. “G4-naratibong Ulat”. Scribd. November 26, 2018
https://www.scribd.com/document/394201090/G4-NARATIBONG-ULAT-docx
Manarpaac, Lea Galano. “Deskripsiyon ng Produkto.” Scribd. November 6, 2017
https://www.scribd.com/document/363612165/Deskripsiyon-Ng-Produkto
San Jose, Cecille Robles.“Handout ng Paksang Manwal”.Scribd. September 9, 2018
https://www.sribd.com/document/388189776/Handout-ng-paksang-manwal
Scott. “Types of Menu: Different Menu Types in Restaurants 2020. Binwise.
December 13, 2019
https://home.binwise.com/blog/types-of-menu

15
MGA SAGOT

Gawain 1

Teknikal- Layunin Gamit Katangian Anyo Target na


bokasyun (Magbigay gagamit
al na ng isa)
sulatin
1. LihamNaglalayong 2. Ginagamit sa 3. Malinaw Liham 4. mga
Pangnegohumingi ng mga tanggapan ngunit aplikasyon mangangal
syo isang at sa mundo ng magalang at liham akal at
serbisyo, kalakalan pagpapakila gustong
suplay, la makipagkal
produkto at akalan
marami pang
iba
Menu ng 5. Layunin Ginagamit 6. 7. A La Mga
pagkain nitong upang lumikha Nakaayos Carte kostumer
magbigay ng ng identidad batay sa sa isang
impormasyo upang uri ng restawran
n sa mga makahikayat ng pagkain
taong nais mga
kumain sa konsyumer/kost
isang umer
restawran
Manwal Naglalayong 8. ginagamit sa Tiyak at 9. User 10. Mga
magpaliwan pagsasanay, payak Manual empleyado
ag at pag-oorganisa Employees ng isang
maglahad ng ng mga gawain Manual kompanya,
mga sa trabaho, mga taong
impormasyo pagbuo ng mga bumili ng
n tungkol sa mekanismo, gamit na
isang bagay pagpapatakbo nangangail
o paksa ng mga angan ng
kagamitan o pagbuo
makinarya,
pagseserbisyo
ng mga
produkto o
pagkukumpuni
ng mga
produkto.

16
MGA SAGOT

Gawain 2

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Pagkakabuo Naisaalang-alang layunin, 15
gamit, katangian, anyo at
target na gagamit ng
komunikasyong teknikal
Nilalaman Malinaw na nailahad ang 10
mensahe ng post.
Gramatika Wasto ang gramatika at gamit 5
ng mga salita
Kabuoan 30

Gawain 3

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Malinaw ang 5
pagpapaliwanag sa mga
kasagutan
Pagkakabuo Lohikal ang pagkakalahad 3
ng mga ideya
Gramatika Wasto ang gramatika 2
Kabuoan 10

Pagtataya A

1. C 6. B
2. H 7. J
3. D 8. F
4. A 9. G
5. l 10. E

17
MGA SAGOT

Pagtataya B

Liham
Memorandum Pagkakatulad Pangnegosyo
Ang dalawang sulatin
May layuning May layuning magparating
ay parehong
magbigay ng anunsiyo ng kahilingan sa isang
nabibilang sa teknikal-
o patakaran na serbisyo at iba pa.
bokasyunal na sulatin.
kailangang mabatid. Ginagamit ito sa
Ginagamit ito sa
Ginagamit upang paghahanap ng trabaho,
mundo ng kalakalan
paalalahanan ang mga paghingi ng impormasyon
empleyado. at iba pa.

Aplikasyon

Pamantayan

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Malinaw na naipakita 15
ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng
dalawang konsepto
Paglalahad Lohikal ang 10
pagkakalahad ng mga
ideya at gumamit ng
mga halimbawa
Gramatika Mahusay ang paggamit 5
ng wika at wasto ang
gramatika
Kabuoan 30

18

You might also like