You are on page 1of 15

9

PAKSA

1. Lipunan At
Kabutihang
Panlahat

2. Elemeto Ng
Kabutihang
Panlahat

Kompetensi

Natutukoy ang mga


EDUKASYON
elemento ng
kabutihang panlahat SA
PAGPAPAKATAO
Nakapagsusuri ng mga
halimbawa ng
pagsasaalang- alang sa
kabutihang panlahat sa UNANG MARKAHAN
pamilya, paaralan, Modyul 1
pamayanan o lipunan

(Revised)
Panimula
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 9 ng
Modyul 1 para sa araling Lipunan at Kabutihang Panlahat!
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga konsepto na tungkol sa lipunan na
kinakailangan ng isang indibidwal sa pakikibahagi at pamumuhay sa pamayanang kanyang
kinabibilangan. Ang pagiging kasamang kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng
tunay na kaganapan na dapat maunawaan ng bawat indibidwal.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Sikaping sagutan ang mga Gawain bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasana

2
ARALIN
LIPUNAN AT KABUTIHANG
1.1
PANLAHAT

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Walang sinuman ang nabubuhay ng para sa sarili lamang.”?
Kung ikaw ang tatanungin, kaya mo bang mabuhay mag-isa? Bakit ba natin pinipiling maging bahagi
ng isang pangkat? Ang mga tanong na ito ay masasagot natin sa aralin ito.

BASAHIN AT UNAWAIN

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de


Manila Univeristy, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang ating mga pagkilos ay
ang ating reaksyon sa mga nakakalap natin sa pakikisalamuha sa iba. Mula sa ating
pagsilang, nabubuo at lumalawak ang pagkaunawa natin sa mundo ayon sa mga
kilos at gawi ng mga tao na nasa paligid natin. Ang wikang ating ginagamit, ang
ating paraan ng pananamit at maging ang mga pagpapahalaga at paniniwala ay
nakaayon sa kung ano ang itinuro sa atin ng lipunang ating ginagalawan. Sa mga
magulang, kaibigan, kamag-anak , kapitnahay at iba pang mga institusyon sa lipunan, nakukuha natin ang
konsepto ng tama at mali na siya nating sinasabuhay. Samakatuwid ang tao ay binubuo ng kanyang lipunan
ginagalawan at ang tao ang bumubuo sa lipunan.
Ngunit ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon”
na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang
tunguhin o layunin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito binubura ang
indibidwalidad o pagiging katangi-tangi ng mga kasapi.

Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan.
Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang hindi maging
sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na
nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na
nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Ang
komunidad ay bahagi ng lipunan. Maaring magkaroon ng ibat’t ibang komunidad sa isang lipunan
ngunit may iisang lipunan lamang na umiiral sa isang komunidad.

Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na The


Person and the Common Good (1966), hahanapin talaga ng taong
mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan.

Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o


ganap at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng
kaalaman at pagmamahal. Ang
kaalaman at pagmamahal ay kapwa maibabahagi lamang sa pamamagitan
ng pakikipag- ugnayan sa kapwa.

Pangalawa, hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o


kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan
lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha . Ang tao ay nilikha na
may kanya- kayang kalakasan at kahinaan. May mga pangangailangan tayo na dapat matugunan sa
pamamagitan ng ating kapwa. Hindi lamang ito materyal na pangangailangan kundi mas higit ang
tulong na maaaring maibigay ng lipunan upang magamit natin ang ating isip at kilos-loob at mahubog
ang mga birtud.. Pinipili ng tao na mapabilang sa isang pangkat na makakatulong upang mabuo niya
ang kanyang sarili.
Bagaman dito, hindi lahat ng pagtitipon ay bumubuo ng lipunan. Nagkakaroon lang ng lipunan
3
kung ang mga tao ay nagkakabuklod buklod para sa iisang mithiin at para sa kabutihang panlahat.

Ano ba talaga ang "kabutihang panlahat", at bakit nagkaroon ito ng mahalagang lugar sa ating
lipunan?

Ang kabutihang panlahat ay isang paniniwala na nagmula higit sa dalawang libong taon na ang
nakalilipas sa mga sulat ni Plato, Aristotle, at Cicero. Sa simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan
para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Isinasaalang alang ng kabutihang panlahat ang
pangailangan ng kolektibong pangkat at hindi ang kagustuhan ng nakakararami o ng ilan lang miyembro
ng pangkat. Ayon kay John Rawls, isang mamimilosopiyang Amerikano, na ang kabutihang panlahat
ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi
ng isang lipunan. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.

Hindi ito isang mabilis na proseso at hindi agarang makikita ang katuparan. Ang pagtatatag at
pagpapanatili ng kabutihang panlahat ay nangangailangan ng sama- samang pagtutulungan ng mga
mamamayan. Ipinaliwanag ni Sto. Tomas Aquinas na ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa
tunguhin ng bawat indibidwal. Ibig sabihin, hindi dapat ihiwalay ng mga tao ang kani-kanilang sarili sa
paghanap ng makabubuti sa bawat isa sa kanila kundi ang magtipon upang hanapin ang kabutihang
panlahat na magkakasama. Samakatuwid, upang mabuo natin ang sarili kailangan natin tulungan ang
lipunan na matamo ang kabutihang panlahat.

Binibigyang-linaw din ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa


moralidad ng tao, naaayon sa Likas na Batas Moral. Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan,
lalo kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat
dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kanyang naisin. Kung mangingibabaw naman
ang pagkakapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (de Torre, J.).

Kung magkagayon, hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang
panlipunan at pagkakapatiran, na palaging nangangailangan ng katarungan. Kaya nga tungkulin
ng lipunang matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa
katarungan. Sa ganitong paraan makikitang posible ang pagkamit ng kabutihang panlahat

4
ARALIN
1.2 ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT

Ang lipunan ay instrumento ng tao para sa kanyang kaganapan. Nabubuo ito sa oras na
magkaisa ang mga tao na gumawang bagay para sa kanilang kabutihan at kaunlaran na gusto rin nilang
lahat. Hindi lahat ng pagtitipon ay bumubuo ng lipunan . Nagkakaroon lamang ng isang lipunan kapag
ang mga tao ay nagbubuklod para sa iisang mithiin at para sa kabutihang panlahat. Ngunit paano mo ba
malalaman kung umiiral ang kabutihang panlahat sa isang lipunan?

BASAHIN AT UNAWAIN
Tulad ng tinalakay sa unang aralin, ang kabutihang panlahat ay nasa sentro ng anumang
sitwasyon kung saan ang dalawa o higit pang mga tao ay bumubuo ng isang grupo o lipunan. Kung wala
ito walang ibang dahilan upang mabuo ang isang pangkat. Ang kabutihang panlahat ay ang mithiing
kung saan nakikinabang ang lahat ng tao. Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church,
ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento.

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.


Ang mga namumuno at ang mga miyembro ng lipunan ay dapat igalang ang dignidad ng ating kapwa.
Sa paggalang sa dignidad ng tao napapaloob ang pagkilala, pagprotekta at pagpapahalaga sa mga
karapatan ng mga indibidwal na bahagi ng lipunan. Dapat pahintulutan ang bawat isa sa atin na matupad
ang ating mga bokasyon sa buhay, kabilang ang karapatang kumilos na naaayon sa sariling pasya ng
isang tao.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat


Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Sa
tulong ng mga namumuno dapat maibigay sa lahat ng miyembro ng lipunan ang mga pangangailangan
niya upang mabuhay ng may dignidad tulad ng pagkain, damit, kalusugan, trabaho, edukasyon at
kultura, angkop na impormasyon, karapatang magtatag ng isang pamilya, at iba pa.

3. Kapayapaan
Isa sa mga mahalagang pangangailangan ng tao ang kapanatagan ng loob. Upang makamit ito
kailangang masiguro ng mga namumuno ng lipunan na umiiral ng seguridad sa lipunan at mga
miyembro nito. Dapat mapanatili ang kaayusan sa lipunang ating ginagalawan ng malayo sa ayaw, gulo,
giyera o hindi pagkakaunawaan.

Kung titingnan natin ang mga elementong ito, kapansin- pansin na hindi madaling matamo ang
mga elementong ito. Hindi ito makukuha sa pagkilos lang ng iilan. Matatamo lang mga nasabing
elemento sa pamamagitan ng sama- samang pagkilos ng mga mamamayan at paglalaan ng kaukulang
panahon at pang-unawa.

5
Mga Gawain Tungo sa Pagkatuto

GAWAIN 1

Panuto: Punan ang sumusunod na diagram ng mga sumusunod na salita mula sa kahon. Ilagay sa loob
ng bilog na konektado sa salitang ako ang mga tao o grupo na bahagi ng iyong komunidad at sa
mga hindi kontektadong bilog naman ilagay ang iba pang bahagi ng lipunan.

media magulang kapitbahay paaralan kaibigan


kamag-anak pamahalaan simbahan sandatahan

media

komunidad

Lipunan

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang inyong nagkakaisang layunin?

2. Paano makatutulong o nakakaapekto sa iyo ang mga grupo o taong nakapaligid sa iyo?

3. Ano ang mga pagkilos ang magagawa mo upang makatulong sa mga tao o grupo na nakapaligid sa
iyo?

6
GAWAIN 2

Ideya mo, Iguhit Mo


Panuto: Gumuhit ng simbolo o larawan sa loob ng kahon na tingin mo’y kumakatawan sa kabutihang
panlahat. Sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba pagkatapos.

Pamprosesong Tanong

1. Bakit mo pinili ang simbolo o larawan na iyong iginuhit?


2. Paano nito inilalarawan ang kabutihang panlahat?

GAWAIN 3

I. Panuto: Sagutin ang tanong ng may pang- unawa. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Tingnan ang sumusunod na comics strip. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Inayos na naman pala ang Municipal


Hindi naman lahat ng
Library. Bakit ba pinagkakagastusan
pa iyon eh hindi na natin ginagamit tao may celphone at
iyon? Uso na ang celphone. hindi lahat ng lugar ay
Nasasayang lang ang pondo ng may signal.
gobyerno dito. Paano naman sila?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig ipakahulugan ng comics strip sa itaas patungkol sa kabutihang panlahat?
2. Para kanino ba ang kabutihang panlahat
3. Paano makakamit ang kabutihang panlahat?

7
GAWAIN 4

A. Ano na ang balita?


Mula sa mga balita sa telebisyon at internet at sa iyong naoobserbahan sa iyong paligid, ano
na ang kalagayan ng lipunan natin ngayon? Gamitin ang concept map na sa kabilang pahina para sa
iyong sagot.

Pilipinas
Ngayon

Pamprosesong Tanong:
1. Maituturing bang maayos ang lipunan natin ngayon? Bakit?

2. Ano- anong mga bagay ang ayaw mo sa ating lipunan?

3. Ano kaya ang pinagmulan ng mga problemang ito?

Pangarap kong Lipunan

Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan? Iguhit ang
iyong pangarap na lipunan. Kung walang kang kakayahan sa pagguhit , maaari mo itong ilarawan sa
pamamagitan ng tula. Ilagay ang iyong sagot sa espasyo sa ibaba.

8
Pamprosesong Tanong:
1. Nakikita ba ang mga elemento ng kabutihang panlahat sa lipunang pangarap mo?
2. May pagkakaiba ba ang katangian ng lipunan natin ngayon sa lipunan na pinapangarap mo?
Kung Mayroon, ano- ano ito?
3. Bakit kaya nagkaroon ng pagkakaiba ang dalawang paglalarawan?
4. Posible kayang matamo ang iyong pangarap na lipunan?
5. Ano- ano ang dapat gawin o mangyari upang matamo natin ang iyong pinapangarap na lipunan?

TANDAAN

May mga elemento para masabing umiiral ang kabutihang panlahat


sa isang lugar. Ito ay ay (a) paggalang sa indibidwal na tao, (b) tawag ng
katarungan at (c) kapayapaan. Ang mga indikasyong ito ang nagpapatunay
na nagagawa ng lipunan ang tunay na layunin nito.

GAWAIN 5

Suriin ang iyong barangay na kinabibilangan, nakikita mo ba ang mga palatandaan ng mga
elementong kabutihang panlahat? Isulat ang iyong mga obserbasyon sa iyong kwaderno gamit ang
sumusunod na talahanayan.

Pangalan ng Barangay na Kinabibililangan:

Elemento ng Kabutihang Mga halimbawa nito na Mga halimbawa na nakikita


Panlahat nakikita sa inyong barangay mong na paglabag dito
Paggalang sa dignidad ng
tao

Tawag ng katarungan

Kapayapaan

9
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. “K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay
Pangkurikulum” Mayo 2016 : p56

Kagawaran ng Edukasyon. “ Most Essential Learning Competencies Matrix” May 2020:


page 84-85

Kagawaran ng Edukasyon “Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-Aaral


“ Unang Edisyon” 2012 p1-23

Caberio, Sylvia T. et. al. “Kaganapan sa Paggawa” Rex Publishing (2007 Edition)
p.8-11

DedEd Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Internet Sources

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+14%3A15-
24&version=MBBTAG

https://www.caritas.org.au/learn/cst/the-common-good https://www.facinghistory.org/educator-
resources/current-events/covid-19-how-can- we-make-choices-promote-common-good

https://www.nytimes.com/2020/03/19/health/coronavirus-distancing-
transmission.html?action=click&module=RelatedLinks&pgtype=Article

https://plato.stanford.edu/archives/spr2018/entries/common-good/>
https://www.scu.edu/ethics/ethics-resources/ethical-decision-making/the-common- good

https://www.google.com/search?q=dr.+manuel+dy&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=

https://www.google.com/search?q=jacques+maritain&tbm=isch&ved

10
11
12
13
14
15

You might also like