You are on page 1of 22

MODYUL 1: LAYUNIN NG

LIPUNAN KABUTIHANG PANLAHAT

KABUTIHANG PANLAHAT
❖Ang buhay ng tao ay panlipunan.
“Walang sinumang tao ang maaaring
mabuhay para sa kanyang sarili
lamang.”
KABUTIHANG PANLAHAT

❖Kinakailangan niyang makibahagi at


mamuhay sa lipunan. Isa ito sa mga
itinalagang likas na katangian ng mga
nilikha ayon sa Likas na batas.
LIPUNAN

❖Ang salitang lipunan ay nagmula sa


salitang "lipon" na nangangahulugang
pangkat. Ang mga tao ay may mga
kinabibilangang pangkat na may iisang
layunin o tunguhin.
LIPUNAN

❖Ang mga tao ay may mga


kinabibilangang pangkat na may iisang
layunin o tunguhin. Sa isang banda,
madalas gamitin ang salitang komunidad
upang tukuyin ang lipunan.
LIPUNAN

❖Lipunan = communis
- ibig sabihin ay common o
nagkakapareho.
❖Ang isang komunidad ay binubuo
ng mga
indibidwal
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
ANO ANG
KABUTIHANG
PANLAHAT?
❖Ito ay kabutihan ng bawat isang nasa lipunan.
❖Ang layunin ng lipunan ay hindi ang
kabutihan lamang ng
indibidwal o ang koleksyon ng indibidwal
na kabutihan ng mga taong bumubuo nito.
“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN.
Binubuo ng LIPUNAN ang TAO.” Dr.
Manuel Dy Jr.
Philosophy Professor Ateneo de Manila
University
Click here
TANDAAN: Ang tunguhin
ay hindi ang kabutihan
para lamang sa isa o
iilang
komunidad kundi ang
kabutihan ng
buong
lipunan. Kabutihan
ng
LAHAT, hindi ng
NAKARARAMI.

Click here
KABUTIHANG PANLAHAT

“Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa


tunguhin ng bawat indibidwal. Makakamit ng tao ang
kanyang
personal na kabutihan sa pagiging bahagi nya ng
lipunan.” - Santo Thomas Aquinas

“Ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang


kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.”
– John Rawls

3 ELEMENTO NG
KABUTIHANG PANLAHAT
❑ Ang Kabutihang Panlahat ay binubuo ng tatlong
mahahalagang elemento
Compendiumof the Social Doctrine of the Church)

UNA

PANGALAWA
PANGATLO

3 ELEMENTO NG
KABUTIHANG PANLAHAT
⮚UNA:
= Ang Paggalang sa indibidwal na tao.
= Upang maging makatarungan ang lipunan, kailangang
nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal
ay kinikilala, iginagalang , pinoprotektahan at pinahahalagahan.
Halimbawa nito ay ang paggamit ng tao ng kanyang bokasyon,
tungo sa paglinang ng kanyang sarili.
PREV.

3 ELEMENTO NG
KABUTIHANG PANLAHAT
⮚PANGALAWA:
= Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling
kailangang maibigay sa mga tao.
= Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng
katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
PREV.

3 ELEMENTO NG
KABUTIHANG PANLAHAT
⮚PANGATLO:
=Ang Kapayapaan
=Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat
indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon
ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
PREV.

3 HADLANG SA
PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kanyang
personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki
ang naiaambag nya kaysa sa nagagawa ng iba

3 KONDISYON SA
PAGKAMIT SA
KABUTIHANG PANLAHAT
1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya gabay ang
diyalogo,pagmamahal at karunungan.
2. Ang pangunahing karapatan ng tao ay nararapat pahalagahn

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo


sa kanyang kapanapan.
TANDAAN:
nakabatay sa iyong puso at
pagmamalasakit mo sa iyong
kapwa.”

“Huwag mong itanong kung ano ang


magagawa ng iyong bansa para sa
“Hindi namimili ng edad o antas sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
buhay ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
pagtiyak na mananaig ang - Pres. John F. Kennedy
kabutihang panlahat. Ito ay
TAYAHIN ANG IYONG PAG

UNAWA 1. Ano ang kahulugan ng


lipunan?
2. ano ang tunay na layunin ng lipunan?
Paano ito makakmit?
3. Paano makatutulong ang lipunan sa
pagkamit ng kaganapan ng pagkatao?
4. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating
bansa, magiging madali ba o mahirap ang
pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?
Pangatwiranan.
TAYAHIN ANG IYONG PAG

UNAWA 5. Paano malalampasan


ang mga balakid sa pagkamit ng tunay
na layunin ng lipunan? Magbigay ng
halimbawa sa bawat isa at ipaliwanag
ito.
6. Ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa pagkamit ng
tunay na layunin ng lipunan?
Ipaliwanag ang bawat isa.

You might also like