You are on page 1of 2

Kate Zyla A.

Cadag
Grade 9 STE

“KABUTIHANG PANLAHAT”

“ Ano ang Kabutihang Panlahat? “. Sa simpleng pananalita, masasabing ito ay kabutihan ng


bawat isang nasa lipunan. Kailangan maunawaan na ang layunin ng lipunan ay hindi kabutihan
lamang ng indibidwal o ang koleksyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito.
Kapag ganito ang paniniwalang pangingibabaw, patuloy na mabibigyan ng lay ang mga malalakas
na apihin ng mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng kumonidad
na nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.

Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang "lipon" na nangangahulugang pangkat. Ang mga
tao ay may mga kinabibilangang pangkat na may iisang layunin o tunguhin. Sa isang banda,
madalas gamitin ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ito ay galing sa salitang
Latin na communis na ang ibig sabihin ay common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay
binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi
ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang halaga ang mga natatanging
katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang mga layunin o
tunguhin sa buhay.

Ang kabutihang panlahat ay ang pangunahing layunin ng lipunan. Ito ay isang pagpapahalaga
na kaiba sa pansariling kapakanan. Dapat maunawaan na ang bawat lipunan ay nakatuon hindi
lamang sa kabutihan ng indibidwal kundi ng lahat ng taong bumubuo nito. Ang kabutihan ng
nakararami ay kaiba rin sa kabutihan panalahat sapagkat walang sinuman sa lipunan ang mapag
– iiwanan.
“LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG
PAGKAKAISA”

Ang lipunang politika ang tawag sa sistemang nagbibigay pansin sa organisasyon,


kaayusan at pamahalaan. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay
sa kasaysayan ng tao at bayan. Sila ang intasan na manguna sa lipunan, hindi upang
paglingkuran o nasa itaas ng iba kundi upang paglingkuran ang iba. Utang na loob
nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa bayan.

Ugnayan naka-angkla sa pananagutan ang pananagutan ng pinuno na


pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan ang tiawala na
pangunahan ang grupo patungo sa pupuntahan paglingap sa pangangailangan ng
bawat kasapi at pangangasiwa sa pagsasama-sama ng grupo.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-
aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

You might also like