You are on page 1of 27

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 9
MODYUL 1: ANG PAPEL NG TAO SA
LIPUNAN
• Aralin 1:Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
• Aralin 2: Lipunang Pampolitika, Prinsipyo Ng Subsidiarity At Prinsipyo Ng Pagkakaisa
• Aralin 3: Lipunang Pang-Ekonomiya (Economic Society)
• Aralin 4: Lipunang Sibil (Civil Society), Media at Simbahan
MODYUL 1: ANG PAPEL NG TAO SA
LIPUNAN
• Aralin 1:Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
PAGKATAPOS NG ARALING ITO, ANG
MGA MAG-AARAL AY INAASAHANG:

1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat


2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan
3. Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na
makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan
KABUTIHANG PANLAHAT
Ang buhay ng tao ay panlipunan.
Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay
para sa kanyang sarili lamang. kinakailangan
niyang makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa
ito sa mga itinalagang likas na katangian ng mga
nilikha ayon sa Likas na batas.
ANO ANG LIPUNAN?
Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang "lipon" na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may mga
kinabibilangang pangkat na may iisang layunin o
tunguhin. Sa isang banda, madalas gamitin ang salitang
komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ito ay galing sa
salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay
common o nagkakapareho.
ANO ANG KABUTIHANG
PANLAHAT?
Kailangang maunawaan na ang layunin ng lipunan ay hindi ang
kabutihan lamang ng indibidwal o ang koleksyon ng indibidwal
na kabutihan ng mga taong bumubuo nito. Kapag ganito ang
paniniwalang mangingibabaw, patuloy na mabibigyan ng laya
ang mga malalakas na apihin ang mga mahihina. Ang tunay na
tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na
nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG
PANLAHAT
ANG KABUTIHANG PANLAHAT AY
BINUBUO NG TATLONG MAHAHALAGANG
ELEMENTO
(Compendium of the Social Doctrine of the Church)
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang
kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao,
hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilanin at
pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad
nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at
hayaang gamitin ng tao sa lipunan. Upang maging
makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng
namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay
kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat- Ang pag-unlad ang
kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling
kailangang maibigay sa mga tao.
3.Ang kapayapaan (peace). Kalimitang sinasabi na
ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng
aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya,
lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang
kapayapaan
ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalang ng kaguluhan.
ISAISIP NATIN !
1.Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging
madali ba o mahirap ang pagkamit ng tunay na layunin ng
lipunan? Pangatwiranan.

2.Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa


pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang
bawat isa.
MODYUL 1: ANG PAPEL NG TAO SA
LIPUNAN
• Aralin 2: Lipunang Pampolitika, Prinsipyo Ng Subsidiarity At
Prinsipyo Ng Pagkakaisa
Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging
kailangan upang magtagumpay ang kasamaan ay
ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All
that is necessary for the triumph of evil is that
good men do nothing)?
Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ay ang
paghahanap ng mga matalik na kaibigan sa Junior High
School. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag
naging kaibigan mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang
kasamang sumusubok ng maraming karanasan, mga
kabiruan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming
mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang
pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay.
LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG
SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG
PAGKAKAISA (SOLIDARITY)

Sa patuloy na pagdami ng tao sa lipunan, higit na kinakailangan ang


isang maayos at organisadong sistema ng pamamahala upang matugunan
ang mga pangangailangan ng tao.Isa sa napatunayang epektibong paraan
ay ang paghahalal ng mga karapat-dapat na mamuno sa iba’t ibang
posisyon sa pamahalaan upang sila ang mamahala sa maayos na daloy ng
pagbibigay ng serbisyong pampubliko.
Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga
kasapi sa mga tumatayong lider kahit sa una'y ayaw
naman talaga. Bakit? Mayroong nakikita sa kanilang
pag-aalab ng kalooban. May matatayog silang
pangarap na nakikita nilang maaaring maabot sa
pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin
upang makita ang potensiyal ng grupo o pamayanan.
LIPUNANG PAMPOLITIKA
Ang lipunang pampolitika ay ugnayan na naka-angkla sa
pananagutan. Ang pananagutan na ito ay sa pinuno na dapat
mangalaga ng nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
Iginagawad sa pinuno ng buong pamayanan ang tiwala na
pangunahan ang grupo patungo sa pupuntahan, paglingap sa
pangangailangan ng bawat kasapi, at pangangasiwa sa
pagsasamasama ng grupo.
PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
(SOLIDARITY)
Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang
pinamumunuan naman ay sumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa
ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na
pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan.
Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa
mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at
talino.
Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan
ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang
estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa:
“May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa,
tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako
naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo
ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo”. Tungkulin
nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.
“May kailangan kang gawin na hindi mo kayang
gawin ng mag-isa, tungkulin ko ngayong
tulungan ka sa abot ng aking makakaya. Ako
naman ay may kailangang gawin nang mag-isa,
tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng
makakaya mo”.
Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-
unlad ng ating lipunan.
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba base sa iyong sariling karanasan.
MGA KASALUKUYANG PANGYAYARI SA INYONG NAGING EPEKTO NITO SA IYONG SARILI
LUGAR NGAYONG PANAHON NG PANDEMIYA

Hal. Nag patupad ng bagong curfew at itinaas muli sa 18 Hindi ako nakakapag libang sa labas kasama ang aking mga
anyos pataas lang ang puwedeng lumabas. kaibigan.

   

   

   

   

   

• Ano ang naging realisayon mo sa mga epekto ng kasalukuyang pangyayari sa iyong paligid ngayong panahon
ng pandemiya?
• Anu-ano ang pagkakapareho ng mga inilagay mong pangyayari sa mga napapanood mong kasalukuyang
sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng media?

You might also like