You are on page 1of 12

Modyul 4 :

TUGON SA MGA ISYU SA


KASARIAN AT LIPUNAN

Sa araling ito ay iyong matututunan ang maraming bagay


tungkol sa mga tugon sa mga isyu ng kasarian at lipunan.

Mahalaga na maunawaan ang iba’t ibang diskriminasyon at


mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at
LGBTQ+. Sa araling ito ay bibigyan kayo ng mga kaalaman at
kalinawagan kung paano tugunan ang iba’t ibang isyu ng
diskriminasyon at karahasan sa kasarian tungo sa pagkakaroon
ng isang lipunang may respeto at pagkakapantay-pantay.

Sa modyul na ito, magiging sentro ng mga talakayan at gawain


ang paraan ng pagtatanong at pagtuklas upang mapagtibay ang
iyong kaalaman hinggil sa mga isyu ng kasarian at lipunan.

Ngunit bago ka magpatuloy ay basahin muna ang inaasahang


magagawa para sa araling ito.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard):


Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap
at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies):


1. Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon;
2. Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon;
3. Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
ALAMIN NATIN!
Ito ang unang bahagi ng Inquiry-Based learning kung
saan magiging pokus ng gawain ang pagsusuring tanong
(inquiry-questions) at ang inisyal na pagtuklas sa
pagpapatibay ng iyong kaalaman.

1. Ano-ano ang kasalukuyang


diskriminasyon o di-pagkakapantay-
pantay dahil sa kasarian ang
kasalukuyang nararanasan sa aming
paaralan?
2. Paano ba dapat tugunan ang mga
diskriminasyon at karahasang dinaranas
ng mga kababaihan, kalalakihan at
LGBTQ+ sa ating pamayanan?

Sa pagtatapos ng modyul, muling balikan ang mga


pagsusuring tanong (inquiry-questions) ng aralin.
PAG-USAPAN NATIN

GAWAIN BLG 1:

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA:


 Bumuo ng pagpapakahulugan sa mga
sumusunod:
Pangkat Una: Gender at Sex
Pangkat Ikalawa: Transgender at
Transsexual
Pangkat Ikatlo: Gender Equality at
Gender Equity
Pangkat Ikaapat: Women’s rights
 Bumuo ng kahulugan at magbigay ng mga
konkretong halimbawa.
 Iulat sa harap ng klase ang nabuong
kahulugan pagkatapos ng 15 minuto.
 Isulat sa Flip Chart ang mahalagang
detalye at pag-usapan ito sa harap ng klase. Pinagkunan: CoolClips.com

Gawain 2: HEADLINE-SURI
Panuto: Suriin ang mga larawan at ilahad ang opinyon at pananaw ukol sa mga
isyung pang-kasarian na nakapaloob sa mga larawan. Pagkatapos , sagutin ang mga
pamprosesong tanong.
Pinagkunan: ABSCBNNews.com at GMANewsTV.com

Para sa malinaw na pag-unawa sa isyu ng kasarian at lipunan,


maaring maging pagpilian ang panonood ng mga balita na nasa
larawan sa Youtube gamit ang link na nasa ibaba:

 https://www.youtube.com/watch?v=k5XfsvhB_CA
 https://www.youtube.com/watch?v=F4j8ZqngIbY
 https://www.youtube.com/watch?v=15Ex3Tqp59Y
 https://www.youtube.com/watch?v=MfRsVoDBYJ8

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga isyu ng diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay ang
ipinapakita sa mga larawang nasa itaas?
2. Sa iyong palagay, ang konsepto o pananaw sa kasarian ba ang pangunahing
dahilan kung bakit nangyayari ang mga diskriminasyon at karahasan na nasa
larawan? Ipaliwanag.
3. Batay sa iyong mga nakitang larawan, ano ang nalalaman mong ginagawa
ng iba’t ibang samahan upang mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan,
kalalakihan at LGBTQ+ sa anumang uri ng diskriminasyon at karahasan sa
kasarian?
4. Epektibo ba ang mga pagtugon na kanilang ginagawa? Ipaliwanag.
Isyu ng Kasarian
at Lipunan
Pinagkunan: UN Sustainable Development Goals

Sustainable Development Goals 5:


Makamit ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng kasarian at bigyan ng
kapangyarihan ang lahat ng kababaihan at babae
 Ipinapahayag dito na ang pagkakapantay-pantay ng lalaki, babae at
LGBTQ+ ay mahalagang bahagi ng karapatang-pantao at
pangunahing pamantayan para sa demokrasya. Ito ay kinakailangang
pundasyon upang makamit ang mapayapa, maunlad at sustainable na
mundo. Bahagi nito ang pagbibigay sa mga kababaihan at LGBTQ+
ng pantay na pagkakataon sa edukasyon, kalusugan, sa pagkakaroon
ng maayos na hanapbuhay at representasyon at pakikilahok sa mga
prosesong politikal at pang-ekonomiya. Kaya naman, ang pagsulong
ng SDG 5 ay bahagi ng pagkamit ng maayos at maunlad na lipunan.

Mga Prinsipyo ng Yogyakarta

 Noong ika-6 hanggang 9 ng Nobyembre 2006 ay nasa 27 eksperto sa


sexual orientation and gender identity (SOGIE) na nagmula sa iba’t
ibang panig ng daigdig ang nagtipon-tipon upang pagtibayin ang mga
prinsipyong makatutulong sa pagkapantay-pantay ng LGBTQ+. Ilan
sa mga prinsipyong pinagtibay ay ang mga sumusunod:
a. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at
karapatan. Bawat isa, anuman ang sexual orientation at gender
identity ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang-pantao.
b. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang
pantao nang walang diskriminasyon nag-uugat sa isyung
pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat at pantay-pantay sa
batas at sa proteksiyon nito.
c. Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho,
pagkakaroon ng makatarungang kondisyon sa paggawa at
proteksyon laban sa pag-aalis sa trabaho dahil sa diskriminasyong
nag-uugat sa kasarian.
d. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, makasali sa mga
usaping pampubliko kabilang ang karapatang mahalal, at
matanggap sa trabaho sa mga papmpubiko at pribadong ahensya
gaya ng pagseserbisyo sa pulisya at military na walang
diskriminasyong sanhi ng sexual orientation at gender identity ng
isang tao.
Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women
 Ang CEDAW ay karaniwang inilalarawan bilang International Bill for
Women, kilala din ito bilang “The Women’s Convention o ang
United Nations Treaty for the Rights of Women”. Layunin nitong
itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan
nito ang estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.
Anti-Violence against Women and their Children Act
(VOWC)
 Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak. Nagbibigay rin ito ng lunas at proteksyon sa
mga biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag ito.

Magna Carta for Women o RA 9710

 Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay,
alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrument,
lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination agains Women (CEDAW).
PAUNLARIN NATIN
Sa bahaging ito higit na nabibigyang diin ang lalong
mapalalim ang pag-unawa sa paksang tinatalakay sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon mula
mismo sa konteksto ng inyong komunidad na
kinabibilangan.

GAWAIN BLG 3:
PAKIKIPANAYAM
DESKRIPSYON: Magkaroon ng
pagpapangkat at magsagawa ng
pakikipanayam sa mga sumusunod na
indibidwal:

Pinagkunan: image.app.google

Unang pangkat Ikalawang pangkat


1 babae, lalaki, lesbian, Ang Focal person at mga
Gay/Transgender mula sa mga miyembro ng School Gender and
mag-aaral Development Committee (SGAD)

Ikatlong pangkat Ikaapat na pangkat


Ang Focal person at mga ang Guidance Counsellor ng
miyembro ng Barangay Gender and paaralan.
Development Com mittee (BGAD)

Pinagkunan: Ang mga larawan ay mula sa Pinterest.com


Gamitin ang mga gabay na tanong sa pagsasagawa ng
pakikipanayam:
Para sa mga Para sa makikipanayam
makikipanayam sa mga sa guidance
mag-aaral: counsellor ng
1. Paano ang nagiging pakikitungo sa paaralan:
iyo ng mga sumusunod base sa 1. Ano-ano ang mga uri ng
iyong oryentasyong sekswal o diskriminasyon o pang-aabuso
pagiging dahil sa oryentasyong sekswal
babae/lalaki/lesbian/Gay/Transgen ang nakararating sa inyong
der? tanggapan?
a. Pamilya 2. Paano ang naging pagtugon ng
b. Mga Kaibigan inyong tanggapan sa mga kaso
c. Komunidad ng pang-aabuso o diskrimasyon
d. Paaralan dahil sa oryentasyong sekswal
2. Ano-anong halimbawa ng ng isang tao?
diskriminasyon ang iyong 3. Para sa iyo, paano maipapakita
nararanasan base sa iyong kasarian ang paggalang sa sekswalidad at
o oryentasyong sekswal? kasarian ng isang indibidwal?
3. Para sa iyo, paano maipapakita ang
paggalang sa sekswalidad at
kasarian ng isang indibidwal?
Para sa makikipanayamn sa Focal person ng Gender and
Development ng paaralan at barangay:
1. Meron na bang nagawa ang iyong tanggapan na mga information, education,
& communication (IEC) materials para sa pagsusulong ng adbokasiya ng
Gender and Development (GAD)?
2. Ano ang mga kasalukuyang programa, proyekto at gawain na ipinatutupad ng
iyong tanggapan upang maisulong ang pagkapantay-pantay sa isyu ng
kasarian?
3. Sa kasalukuyan, ano ang inyong mga panukalang pagwawasto upang mas
maging epektibo pa ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng
kasarian?

Ang matatapos na PAKIKIPANAYAM ay iiskoran o


bibigyang puntos gamit ang rubrik sa ibaba:
Rubrik sa Pakikipanayam
PAMANTAYAN LUBOS NA MAHUSAY HINDI KAILANGAN
MAHUSAY GAANONG PANG
MAHUSAY MAGSANAY
NILALAMAN Tama at May isa o May ilang mali Karamihan sa
angkop ang dalawang mali sa mga ibinigay ibinigay na
lahat ng sa mga ibinigay na datos o datos o
ibinigay na na datos o impormasyon impormasyon
datos o impormasyon ay mali
impormasyon
PAGLALAHAD Lubhang Malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi
malinaw at nauunawaan malinaw at maunawaan
nauunawaan ang nauunawaan ang mga
ang pagkakalahad ang nailahad na
pagkakalahad ng mga datos pagkakalahad datos
ng mga datos ng mga datos
EBIDENSYA May sapat na May ilang May isa o Walang
ebidensyang ebidensyang dalawang ebidensyang
naipakita naipakita ebidensyang naipakita
naipakita
PAGHIHIKAYAT Nakahihikayat Nakahihikayat Bahagyang Hindi
ng lubos ang ang output nakahihikayat nakahihikayat
output ang output ang output

TALAKAYIN NATIN
Sa bahaging ito,isinasagawa ng pag-uulat o
presentasyon ng mga nakalap na impormasyon sa
isinagawang pagsusuri. Higit pang maipapakita ang
inyong ganap na pagkaunawa sa pamamagitan ng
paglinang sa mapanuri o kritikal na pag-iisip.

GAWAIN BLG. 4:PAKIKIPANAYAM, IULAT MO!


DESKRIPSYON: Magkaroon ng talakayan gamit ang 3-2-1 tsart sa tulong ng
mga nakalap na datos sa isinagawang pakikipanayam.
bagong impormasyon tungkol sa konsepto ng kasarian at oryentasyong
sekswal batay sa mga datos na nakalap mula sa komunidad.

paraan na higit na makakatulong upang matagumpay na maisulong ang


pagkakapantay-pantay sa lipunan ano man ang kasarian at oryentasyong
sekswal ng isang indibidwal.

katanungan na nabuo mula sa isinagawang pakikipanayam.

SURIIN NATIN
Ito ay mga mapaghamong pagsasanay na inilalaan
kapag naging lubusan na ang pagkatuto ng mga mag-
aaral base sa resulta ng mga gawain at pagsasanay sa
PAUNLARIN NATIN at TIYAKIN NATIN.

GAWAIN BLG. 5: INFORMATION RETRIEVAL PLAN


(PAGTUKOY SA DETALYE AT PAHIWATIG)
Panuto: Tukuyin ang mahahalagang punto o detalye sa naging pag-uulat gamit
ang INFORMATION RETRIEVAL PLAN. Ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig
o sabihin tungkol sa tamang pagtugon sa mga isyu ng kasarian at lipunan.
PUNTO MAHAHALAGANG SINASABI NITO O
BLG. PUNTO/DETALYE NAKUHA SA IPINAHIHIWATIG SA
PAG-UULAT NG BAWAT PAGTUGON SA MGA ISYU
PANGKAT NG KASARIAN AT LIPUNAN
PAHALAGAHAN NATIN
Ito ang pinakapuso sa proseso ng Inquiry-Based
Learning. Dito inaasahang malilinang ang mabubuting
pagpapahalaga o pagpapahalagang pangkatauhan na
binibigyang-diin sa bawat aralin.

GAWAIN BLG. 6: 60 SECONDS strategy


(RESPOND, REFLECT, REVIEW)
Sagutin ang pagsusuring tanong o Inquiry Questions.
Maisasagawa pa rin ito sa tulong ng natapos na data
retrieval plan.
RESPOND –sagutin ang
pagsusuring tanong o Inquiry Questions
gamit ang natapos na information retrieval
plan.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

REFLECT – magbigay ng pananaw o opinyon sa maaring


ipinahihiwatig o sinasabi ng mga impormasyon/detalye na nailista sa
information retrieval plan.
__________________________________________________________________
REFLECT __________________________________________________________________

REVIEW –magbigay ng feedback o positive affirmation tungkol


sa ibinigay na kasagutan ng mga mag-aaral.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

REVIEW
ISAGAWA NATIN!
Ito ang inaasahang pagganap, makatotohanan at
maghahanda sa mga mag-aaral sa totoong buhay. Sa
bahaging ito ay higit na makikilala ang kahalagahan ng
natutuhan sapagkat makikita kung paano ito maisasalin
sa isang makatotohanang gawain.

GAWAIN BLG. 7: ADBOKASIYA MO, ISULONG MO!


Panuto: Magsagawa ng pagsusulong ng impormasyon tungkol sa mga Isyu sa
Kasarian at Lipunan sa mga kapwa ninyo mag-aaral lalo na sa kung paano
maiiwasan at masolusyunan ang karahasan at diskriminasyon. Isagawa ito sa
paggawa ng leaflet na nagpapakita ng inyong adbokasiya. Bibigyan ng iskor ang
adbokasiya gamit ang rubriks sa ibaba:
Krayterya Napakahusay Mahusay Di-Gaanong Hindi Mahusay
4 3 Mahusay 1
2
Pagganap Lubos na Naging Di-gaanong Hindi naging
naging makatotohanan makatotohanan makatotohanan
makatotohanan ang ang ang
ang pagsusulong ng pagsusulong ng pagsusulong ng
pagsusulong ng adbokasiya. adbokasiya. adbokasiya.
adbokasiya.
Kagamitan Angkop na Angkop at Di-gaanong Hindi angkop at
(leaflets etc.) angkop at lubos nagpamalas ng angkop at di- hindi malikhain
na nagpamalas pagkamalikhain gaanong ang ginamit na
ng ang ginamit na naging kagamitan
pagkamalikhain kagamitan. malikhain ang
ang ginamit na ginamit na
kagamitan. kagamitan.
Kahandaan ng Higit na Nagpakita ng Hindi gaanong Mabagal at
pangkat nagpakita ng kahusayan at mahusay at hindi mahusay
kahusayan at kahandaan sa handa sa sa gawain ang
kahandaan sa gawain ang gawain ang pangkat.
gawain ang pangkat. pangkat.
pangkat.
Pagsunod sa Lubusang Nakasunod sa Hindi Hindi
oras nakasunod sa oras na itinakda nakasunod sa nakasunod sa
oras na itinakda sa oras na itinakda oras na itinakda
sa pagsasagawa dahil nahuli ng dahil nahuli ng
pagsasagawa ng gawain. 1-2 araw. 3 o higit pang
ng gawain. araw.

You might also like