You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

REVIEWER

Queer mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian


Pagkakakilanlang pangkasarian tawag sa malalim na damdamin ng isang indibidwal na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya nang siya’y ipanganak
Mag-asikaso ng tahanan tradisyunal na tungkulin ng mga babae sa ilang bansa
SEX tumutukoy sa kasarian ng tao batay sa kanilang pisyolohikal at biyolohikal na katangian
TRANSGENDER tawag sa mga tao na nagpapalit ng kanilang kasarian mula sa kanialang dating kasarian
CEDAW iba pang katawagan sa “United Nations Treaty for the Rights of Women
iba pang katawagan sa “The Women’s Convention
Anti-Violence Against Women and their Children batas ang nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at ng kanilang mga anak
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao nakaayon ang prinsipyo ng Yogyakarta
Karapatan sa unibersal na pagtatatag ng karapatang pantao prinsipyo ang nagsasaad na ang lahat ng tao ay isinilang nang malaya
at pantay sa dignidad at mga Karapatan
Gender and Development pananaw na tumutukoy sa isang proseso ng pag- unlad na mayroon pakikilahok , nagbibigay lakas at
pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao

• Noong unang panahon ang mga lalaki, maari niyang patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae kung makita niya
itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Sagot: Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan
• Ang gang rape sa mga LGBT ay laganap sa ilang bahagi ng South Africa,anong konklusyon ang ipinapahiwatig dito?
Sagot: Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon
• May ilang bansa ang nagsasagawa ng Female Genital Mutilation. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
Sagot: upang sila’y mapanatiling walang bahid dungis
• Paano nakaapekto ang foot binding sa mga sinaunang kababaihan sa China?
Sagot: Nalimitahan ang pagkilos at pakikisalamuha
• Bakit pinaglalaanan ng oras ang mga paaralan na maisulong ang Gender and Development?
Sagot: Upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian sa bawat
paaralan
• Gumawa ng pamamaraan kung paano mapapaunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan sa ating lipunan
Sagot: Pagbutihin ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa kababaihan
• Alternatibong solusyon para maiwasan ang pagdami ng tinatawag na “House husband”sa kasalukuyan
Sagot: Marapat lamang mabigyan sila ng pagkakataon na makahanap ng trabaho para di na sila ang gagawa sa mga
gawaing pantahanan
• Isang sitwasyon na nagpapakita ng iyong pang- unawa sa mga prinsipyo ng Anti- Violence Against Women
Sagot: Suportahan ang pamahalaan na pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki
• Konklusyon tungkol sa tunay na kalagayan ng ating mga LGBT sa lipunan
Sagot: Nagkaroon na rin sila ng pantay na Karapatan sa ating lipunan
• Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan
Sagot: Pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
• Patotohanan na ang CEDAW ay talagang mahigpit na ipinapatupad sa Pilipinas
Sagot: Bumaba ang bahagdan ng kaso ng diskriminasyon ang nitatala sa ating bansa
• Maraming kababaihan ang nakararanas ng diskriminasyon sa trabaho, sa paanong kalagayan naipapakita ang ganitong
sitwasyon
Sagot: Magkaibang pasahod sa mga lalaki at babae sa parehas na posisyon
• Ayon sa ulat ng United Nations Human Rights Council, ang mga sumusunod na pahayag ay ang nagsasaad ng kawastuhan
1. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.
2.Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
3. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na pananakit
• Patutuhanan ang pahayag: “LGBT Rights are Human Rights”
Sagot: Lahat ng tao ay may pantay na karapatan anuman ang oryentasyong sekswal ang kinabibilangan
• Ang Gender and Development ay may nakalaang budget. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender
and Development
Sagot: Upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian
• “LGBT rights are human rights “.
Sagot: Lahat ng tao babae, lalaki o LGBT man ay may pantay na Karapatan
• Bakit may pagkakataon na may ilang bansa sa Gitnang Silangan ay pinipigilang maglakbay ang kanilang mga kababaihan?
Sagot: Dahil maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal
• May ilang bansa ang nagsasagawa ng Female Genital Mutilation sa pamamagitan ng pagtanggal sa ilang bahagi ng ari ng
kanyang pagkababae. Paano maaring makaapekto sa kalagayang pangkalusugan ng mga kababaihan ang pagsasagawa ng
FGM ?
Sagot: Impeksiyon ang maaring maranasan nila
• Kung paiiralin ang mga polisiya ng Gender and Development, paano makatutulong ang mga ito sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng kasarian sa ating lipunan
Sagot: Marereporma ang mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
• Anuman ang kasarian ang bawat isa ay may karapatan sa edukasyon.
Sagot: Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga Karapatang Pantao
• Sa mga usapin na sangkot ang mga isyu ng karahasan, paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga
mamamayan
Sagot: Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan
• Paano naipapakita ang mga palatandaan ng tinatawag na “ women in specially difficult circumstances
Sagot: Ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan at biktima ng pang-aabuso at karahasan
• May iba’t ibang resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) tungkol sa mga LGBTQ+.
Paano nakatulong sa mga LGBT ang mga programa ng pamahalaan
Sagot: Nagkaroon ng malaking oportunidad sa trabaho ang mga LGBT
• Hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic
violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito.Paano mailalarawan ang kahihinatnan nito sa mga kalalakihan
Sagot: Dahil dito ay natututo na rin ang mga kalalakihan na humingi ng tawad, nangangakong magbabago
• Kung paiiralin ang mga polisiya ng Gender and Development, paano makatutulong ang mga ito sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng kasarian sa ating lipunan
Sagot: Marereporma ang mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian

You might also like