You are on page 1of 7

1

SA NA YANG PA PEL SA
PA GKATUT O SA
AR ALING PA NL IPU NAN 10
KWARTER 3 LINGGO 1 ARALIN 1

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________


Baitang at Pangkat: ___________________________________________
Petsa:_______________________________________________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC


Natatalakay ang mga uri at kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig. (MELC)

Mga Tiyak na Layunin:


1.Naihahambing ang pagkakaiba ng konsepto ng Gender at Sex.
2.Nasusuri ang oryentasyong sekswal at gender identity ng bawat indibidwal batay
sa mga katangiang inilahad.
3.Naipapahayag ang pagsuporta sa karapatan ng mga LGBTQIA.
II. PANIMULANG KONSEPTO
Konsepto ng Kasarian
Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang
salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang kasarian. Halina’t ating
alamin ang kahulugan ng gender at sex. Ang sex ay tumutukoy sa bayolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang
ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin kilos at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

ORYENTASYONG SEKSWAL
Sa paglipas ng panahon dahil sa pag-unlad at paglaganap ng kaalamang feminismo
nagkaroon ng pagbabago sa gampanin ng babae ,lalaki , at pagtanggap at pagkilala sa
ating LGBTQIA, nagkaroon ng kanya-kanyang gampanin ang bawat isa. Ang
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim

2
ona atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at malalim na pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, ,iba sa kaniya, kasariang higit sa isa.
Ang oryentasyong sekswal ay may dalawang uri:

Homosexual taong nakakaranas ng pagnanasa sa mga


taong nabibilang sa katulad ng kasarian
Heterosexual taong nagkakaroon ng atraksiyon sa
miyembro ng kabilang kasarian, lalaki na
nagkakagusto sa babae , babae na
nagkakagusto sa lalaki.
Ang Gender Identity ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao na maaring makatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya ay ipinanganak.
Mga Uri ng Gender Identity:

Lesbian(Tomboy) Babaeng nakakaramdam ng atraksiyong pisikal sa kapwa


babae.
Gay (Bakla) Lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kaparehong
kasarian.
Bisexual Taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.
Transgender Nagsasaad ng pagkakakilanlan o ekspresyon ng kasarian ng
isang tao na naiiba mula sa kasarian na itinalaga nila noong
ipinanganak.
Queener Mga taong hindi sang-ayon na mapasailaim sa anumang uri
ng kasarian,subalit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay
wala sa kategorya ng babae o lalaki, o parehong
kombinasyonng lalaki o babae.
Hindi sigurado sa kanilang oryentasyong
sekswal/pagkakakilanlang pangkasarian
Intersex Hermaphrodism,taong may parehong ari ng lalaki at babae.
Asexual Mga taong walang nararamdaman atraksyong sekswal sa
anumang kasarian.

Gender Roles ng Pilipinas sa Iba’t-ibang Panahon


GENDER ROLES
PANAHON BABAE LALAKI
Pre- Kolonyal Pagmamay-ari ng mga Mas malawak ang
kalalakihan karapatang tinatamasa
Espanyol Limitado ang karapatan ng Malawak ang tinatamasang
kababaihan karapatan
Superyor pa rin ang mga
kalalakihan
Panahon ng Nagpakita ng kabayanihan Nanguna samga pag-aalsa
Pag-aalsa at lumahok sap ag-aalsa
3
laban sa
Espanyol
Amerikano Nagtamasa ng pantay na May karapatang makapag-
karapatan sa mga aral, bumoto at ihalal
kalalakihan gaya ng pag-
aaral,may kakayahang
bumoto, at makilahok sa
pulitika
Hapones Naging kabahagi ng Nanguna sa pakikipaglaban
kalalakihan sa sa mga Hapones.
pakikipaglaban

III. MGA GAWAIN


GAWAIN I: I-LISTA MO!

Panuto: Piliin ang mga konsepto na may kaugnayan sa Sex at Gender at isulat sa tamang
hanay nito.

Lalaki pagkakaroon ng buwanang dalaw haligi ng tahanan feminine

Babae binata ilaw ng tahanan

Dalaginding circumcision masculine

SEX GENDER

_________________________ _______________________

_________________________ ________________________

_________________________ ________________________

_________________________ ________________________
_________________________ ________________________

GAWAIN 2: HULAAN MO! ANO BA, AKO?

Panuto: Suriin ang oryentasyong sekswal na ipinapahayag ng bawat sitwasyon. Isulat ang
sagot sa patlang.

_________1. Si Debbie at Lessie ay matalik na magkaibigan subalit lingid sa kaalaman ni


Lessie ay may malalim na pagtingin si Debbie sa kanya.

4
_________2. Hindi maintindihan ni Nick ang kanyang sarili sapagkat pareho siyang
nakakaramdan ng pagkagusto sa isang babae at sa kapwa niya lalaki.

_________3. Kung titingnan mo si Roy ay isang maskuladong binata. Subalit ang puso
niya’y kasintulad ng mamon na malambot na umiibig sa kapwa niya lalaki.

_________4. Si Elsa ay 32 taong gulang na subalit sa kaniyang edad hindi siya nagkaroon
ng atraksiyon sa alinmang kasarian.

_________5. Kakaiba at pambihira ang katangian ni Anassanda sapagkat siya’y


nagtataglay ng dalawang kasariang panglalaki at pangbabae.

_________6. Ako’y isang tunay na lalaki na umiibig at gustong makapangasawa ng babae,


ako’y isang tunay na babae na nais makapangasawa din ng lalaki.

_________7. Taong nakakanas ng pagkakagusto sa taong nabibilang sa kaparehas na


kasarian

__________8. Hindi ako sigurado sa aking oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang


pangkasarian

__________9. Ang aking pisikal na katawan ay lalaki subalit ang aking pananamit ay
katulad ng isang babae.

__________10. Pagpapakasal ng dalawang taong magkaparehas ang kasarian.

GAWAIN 3: “SLOGAN PARA SA KARAPATAN”


Panuto: Maglahad ng mga gawain sa inyong komunidad na nagpapakita ng paggalang sa
karapatan ng ating mga LGBTQIA.Bilang isang mag-aaral paano ka nakikibahagi upang
ipakita ang inyong paggalang sa kanilang karapatan?

5
IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS
Rubrik sa Paggawa ng “Slogan Para sa Karapatan”

Pamantayan Pahayag Puntos


Nilalaman Ang ginawang Campaign Slogan ay 10
madaling unawain ng mambabasa at
angkop sa tema
Organisasyon Maayos at may malaking kaugnayan sa 10
paksa ang Campaign Slogan
Pagkamalikhain Nakahihikayat ang campaign slogan sa 5
mambabasa at madaling makaagwa
atensiyon
Kabuuang 25
Puntos

V. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I: I-LISTA Mo!


SEX GENDER
Lalaki feminine
Babae masculine
Dalaginding haligi ng tahanan
binata ilaw ng tahanan
circumcision
pagkakaroon ng buwanang dalaw

GAWAIN 2: HULAAN MO! ANO BA AKO?


1.TOMBOY 6. HETEROSEXUAL
2. BISEXUAL 7.HOMOSEXUAL
3. BAKLA 8. QUEER
4. ASEXUAL 9.TRANSGENDER
5. INTERSEX 10.HOMOSEXUAL

6
VI. SANGGUNIAN
Aklat
Relova,Donna V,et al Batayang Aklat sa Kontemporaneong Isyu Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan (Draft Copy)MGA ISYU SA HAMONG PANGKASARIAN pp257-273
https://tl.goinstrong.com.

Learning Activity Sheet (LAS)


Development Team

Araling Panlipunan 10 (Kontemporaneong Isyu) Kwarter 3


Learning Activity Sheets (Linggo 1)

Writer Grace S. Morta Teacher III,Mauraro High School

Content Editors Imelda C. Capa MT -II, Tiwi Agro-Industrial


Nilo L. Mayor School
Vivian N. Pangan MT-1, Anislag National High
School
MT-1, Malabog National High
School
Language Nick P. Azana P-1, Villahermosa High School
Editors Alejo San M. Rontas P-1, Jovellar High School

Lay-out Artists Lymuel C. Sanchez Teacher III, Tiwi Agro-Industrial


Richard A. Ilarde School
Arnie Ogates Teacher II, Bariw National High
Ramilo Bacol School
Teacher I, Malabog National
High School
ADAS III, SDO Albay

Education Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay


Program
Supervisor
Qtr.3. LAS 1, Grade 10

You might also like