You are on page 1of 36

Araling Panlipunan 10

2021 - 2022 3
MGA ISYU AT HAMON SA KASARIAN

Panimula

Sa modyul na ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang usapin na may


kinalaman sa kasarian gayundin ang kahalagahan ng paggalang at
pagtanggap sa iba’t ibang pagtingin hinggil dito.

Mga Sakop ng Modyul

Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

Mga Modyul Most Essential Learning Competencies


Natatalakay ang mga uri ng kasarian
(gender) at sex at gender roles sa iba’t
Aralin 1: Kasarian at Seksuwalidad
ibang bahagi ng daigdig

Nasusuri ang diskriminasyon at


Aralin 2: Mga Salik at Dahilan sa diskriminasyon sa kababaihan,
Pag-usbong ng Diskriminasyon kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay, Bi –
Batay sa Kasarian sexual , Transgender)

Napahahalagahan ang tugon ng


Aralin 3: Tugon sa mga Isyu sa pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa
Kasarian at Lipunan mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

Nakagagawa ng hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at
Aralin 4: Mga Panukalang Solusyon
paggalang sa kasarian na nagtataguyod
sa Pagkakamit ng Gender Equality
ng pagkakapantaypantay ng tao bilang
ng mga Bansa sa Daigdig
kasapi ng pamayanan

2|AP 10
Talaan ng Nilalaman

Pahina

Panimula……………….……………………………… 2

Sakop ng Modyul …………………………………… 2

Aralin 1 ………………………………………………... 4 - 12

Aralin 2 ……………………………………………….. 13 - 19

Aralin 3 ……………………………………………….. 20 - 27

Aralin 4 .………………………………………………. 28 - 34

Pamantayan sa Pagganap (Performance Task)…34 - 35

Talasanggunian ………………………………… 35 – 36

3|AP 10
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga
epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan
upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Aralin 1: Kasarian at Seksuwalidad

Makikita sa larawan ang mga gender symbol at oryentasyong


seksuwal.
Mahalagang mapag-usapan at mabigyang-linaw ang konsepto
ng gender o kasarian sa atin dahil kaugnay ito ng pagkilala natin sa ating
mga sarili. Kapag naisagawa natin ito, mas mauunawaan natin an gating
sarili at mas mabisa rin nating maipapahayag an gating mga naiisip.
Gabay rin ang pag-unawang ito upang lalong maunawaan ang ating
mga karapatan bilang mga indibidwal.

Mahalagang Tanong: Paano binuo ng mga institusyong panlipunan ang


pagtingin sa kasarian?

Tiyak na Layunin
Sa loob ng isang linggo, kayong mga mag-aaral ay inaasahang
a. nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex gender
roles sa iba’t ibang bahagi ng mundo

b. natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian


(gender roles) sa iba’t ibang larangan at institusyong
panlipunan (trabaho, edukasyon, pamilya, pamahalaan at
relihiyon).

4|AP 10
Tukuyin kung sa anong kasarian mas naiuugnay ang nakalista sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa kahon. Pagkatapos, sagutin ang
pamprosesong tanong.

1. haligi ng tahanan

2. ilaw ng tahanan

3. driver ng pampasaherong sasakyan

4. mananahi ng damit

5. sekretarya

Pamprosesong Tanong:

Ano ang iyong pinagbatayan sa pagsagot sa nakalista sa bawat bilang?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Ano sa iyong palagay ang kahulugan ng kasarian? Paano ito naiiba sa


seks at seksuwalidad?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Sa iyong palagay, magdudulot ba ng problema sa lipunan ang pag-


uugnay ng gawain sa partikular na kasarian? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

5|AP 10
TALAKAYIN NATIN.
Isang malawak na usapin ang kasarian. Hindi lamang ito nahahati
sa dalawang kategorya tulad ng madalas na maisip ng marami. Kapag
napapag-usapan ang kasarian, unang pumapasok sa atin ang
dalawang kategorya lamang – ang babae at lalaki. Ngunit hindi na
lamang dalawa ang kategorya ng kasarian. Mayroong bakla, lesbian, o
LGBTQI kung tawagin ng iba.

Ano nga ba ang kasarian? Ano ang kaibahan nito sa seks at


seksuwalidad? Paano binuo ng tao ang pagtingin sa kasarian?

Batayang Konsepto ng Kasarian


Seks o ari Ito nakabatay sa biyolohikal o pisikal na kaibahan
sa pagitan ng babae at lalaki.

Pisikal na anyo Ito ay isang paraan din upang matukoy ang seks ng
isang tao.

Gender (kasarian) Ito ay nagmula sa sosyolohikal na perspektiba.


(mga kategorya: Nahahati ito sa mga kategorya na itinakda ng
babae, lalake, kultura at lipunan na ginagalawan ng mga tao.
bakla, lesbian, Itinakda rin ng kultura at lipunan ang mga tungkulin,
bisexual at iba pa) katangian, at katayuan na nakaatas sa bawat
kategorya.

Tungkulin (gender Ito ay tumutukoy sa mga gawain na nakakabit sa


roles) bawat kategorya.
Halimbawa: trabaho – may mga trabaho na
panlalaki at pambabae. Ang mga gawaing bahay
ay madalas tinutukoy sa mga babae kagaya ng
pag-aalaga ng mga anak.

Katangian Ito ay tumutukoy sa kaugalian na idinikit sa iba’t


ibang kasarian. Halimbawa: ang paggiging
malakas ay katangian na madalas idinidikit sa mga
lalaki at ang pagiging mahina ay sa mga babae o
kaya naman ay sa bakla.

Katayuan Ito ay tumutukoy sa posisyon ng bawat kasarian sa


lipunan. Sa bansa, may mga pagkakataon na
tinitingnan na mataas ang lalaki kaysa babae,
bakla, at lesbian.

6|AP 10
Seksuwalidad Ito ay tumutukoy sa oryentasyong seksuwal ng mga
tao. Ito ang pagkakagusto sa ibang kasarian o
kaya ay sa kaparehong kasarian. Tumutukoy ito sa
pagkakakilanlan sa sarili o kung paano
kinakategorya ang sarili sa iba’t ibang kasarian.

LGBTQI Ito ay isang acronym na tumutukoy sa mga lesbian,


gay bisexual, transgender, queer at intersexed.
Sakop nito ang mga kasariang hindi maituturing
bilang babae o lalaki lamang. Ito ay naglalayong
mag-representa o kumatawan sa mga indibidwal
na may killing sa pakikipagrelasyon sa kapwa nila
ng kasarian o hindi ibinibilang ang sarili bilang
babae o lalaki.

Queer Isang “umbrella term which embraces a matrix of


sexual preferences, orientations, and habits of the
not-exclusively-heterosexual-and-monogamous
majority” ayon sa Amnesty International USA – isang
organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao.
Tumutukoy ito sa mas malawak na kategorya ng
seksuwalidad nang hindi nagkakahon sa indibidwal
bilang gay, lesbian, bisexual, o transgender lamang.

Intersex Ito ay isang kondisyon kung saan hindi matukoy


kung lalaki o babae ang isang indibidwal. Ang
kalituhang ito ay maaaring mayroon itong
dalawang ari tinatawag ding hermaphrodite o
kakaibang kombinasyon ng chromosomes o
hormones.

Ganito ang nagiging pagtingin sa bawat kasarian dahil ito ang


idinidikta ng kultura at lipunan ng ating bansa. Kailangang tandaan na
ang lahat ng ito ay hinubog ng iba’t ibang institusyong panlipunan at
hindi talaga natural na katangian ng bawat kasarian. Ang mga ito ay
itinuturo, naipapasa at natututuhan.

7|AP 10
Pagsusuri ng Ilustrasyon

Paano maikakategorya ang isang indibidwal batay sa kanyang gender


identity, gender expression, sex at sexual orientation? Isa isahin at
ipaliwanag.

INSTITUSYONG PANLIPUNAN NA HUMUHUBOG SA KASARIAN


Tahanan (Pamilya) Dito unang tinuturuan at natututo ng iba’t ibang
bagay ang tao. Ang unang institusyong panlipunan
na direktang humuhubog sa pagtingin ng tao sa
maraming bagay tulad ng gender. (halimbawa:
mga gawaing bahay, pagtrato ng mga magulang
sa anak na babae at lalaki, mga uri ng laruan para
sa anak na babae at lalaki)

Paaralan Dito pormal na natututo ang mga tao. Lahat ng


natututuhan sa paaralan ay kinikilala bilang
pamantayan sa lipunan. Halos lahat ng tao ay
nakatutuntong sa paaralan kung kaya malaki rin
ang impluwensiya nito sa paghubog ng kasarian.
Kadalasan, magkakaiba ang iniatas sa paaralan na
katangian, tungkulin, at katayuan sa pagtingin sa
iba’t ibang kasarian. (halimbawa: ang turing ng
mga guro sa batang babae at lalaki, magkaibang
turing sa kasarian sa mga kurso sa kolehiyo)

Simbahan Ang tao ay mayroong pinaniniwalaang relihiyon sa


kanilang buhay. Ito ang kanilang gabay upang
mabuhay nang maluwalhati at mapayapa. Dahil sa
itinuturing na gabay sa pamumuhay ang relihiyon,

8|AP 10
lahat ng nakasulat sa banal na aklat ay sinusunod.
(halimbawa: hinihikayat ang mga babae na
maging pasibo at magpailalim sa posisyon ng mga
lalaki, hindi rin kinikilala ang iba pang kasarian na
labas sa babae at lalaki sa maraming relihiyon sa
Pilipinas.

Media Ito ang daluyan ng impormasyon ng tao.


Tumutukoy ito sa TV, radio, internet at diyaryo.
Malaki ang impluwensiya ng media sa paghubog
ng pagtingin sa kasarian sa bansa. Hindi
magkapareho ang representasyon ng mga babae
at lalaki sa media. (halimbawa: ang mga babae ay
emosyonal, pasibo, walang imik at nasa ilalim ng
kapangyarihan ng kalalakihan, ang mga lalaki
walang emosyon, laging nasa kompetisyon, hindi
umiiyak at matapang, ang mga bakla ay
katatawanan at hindi dapat sineseryoso, ang mga
lesbian ay pinakikitang marahas at gustong maging
lalaki). Dahil malawak ang naaabot ng media sa
bansa, lahat ng mapapanood, mababasa o
mapakikinggan dito ay naituturing na wasto o
angkop. Kailangang maging malinaw na ang
kalakhan ng ipinalalabas ng media ay stereotype
ng kasarian at hindi nangangahulugan na laging
wasto o angkop.

Trabaho Makikita din sa ganitong aspekto ang hindi pantay


na trato sa kasarian. May mga trabaho na hindi
pantay ang pagbibigay ng sahod sa babae at
lalaki. May mga kompanya na hindi tumatanggap
ng mga mula sa grupo ng LGBTQI. Maoobserbahan
sa isang lipunan na sa pangkalahatan nasa mataas
na posisyon sa trabaho ang kalalakihan, sa pribado
man o sa publiko.

Pamahalaan Ito ang may malaking impluwensiya sa ating


lipunan. Ito ang nagtatakda ng batas sa bansa at
nagpapanatili ng isang kaayusan sa isang takdang
panahon sa lipunan. Malaki ang epekto nito sa
paghubog ng pagtingin sa kasarian. Sa serbisyong
pampubliko, maaaring sa lipunan ay madalas na
lalaki ang nakaupo sa posisyon sa gobyerno.

9|AP 10
Ang mga institusyong panlipunan na ito ang humubog at
nakakaimpluwensiya nang malaki sa pagtingin sa iba’t ibang kasarian.
Mula sa tahanan hanggang sa pamahalaan ay naipapakita ang hindi
pantay na tingin sa bawat kasarian. Ito ang dahilan kung bakit mayroon
tayong gender bias.

Alamin ang pagkakaiba ng babae at lalaki. Maglista ng mga


katangian ng babae at lalaki.

BABAE LALAKI

Pagkatapos maglista, i-cross out ang mga katangian na dikta lamang ng


lipunan. Ano ang mga katangian na dikta lamang ng lipunan. Ano ang
mapapansin sa mga natirang salita?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

10 | A P 1 0
Aralin 1: Kasarian at Seksuwalidad (Modyul 3)
Araling Panlipunan 10 – Kontemporaryong Isyu

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon: ___________

A. Pagtutukoy. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

____________________1. Ito ay isang katangiang kultural na isang


pagkakakilanlang nakamit na natututuhan sa pamamagitan ng
socialization.
____________________2. Ito ay tumutukoy sa seksuwal na oryentasyon ng
isang tao. Nagkakaroon ng uri nito dahil sa kultura, pagpapalaki
(upbringing), impluwensiya ng mga kaibigan at media.
____________________3. Ang pangunahing institusyon na may malaking
impluwensiya sa paghubog sa kaisipan ng isang bata na siyang
gagabay sakaniya sa kaniyang paglaki.
____________________4. Ito ay nagsisilbing daluyan ng impormasyon ng
tao. Ito ang nagbibigay ng manipestasyon sa pagturing sa kasarian.

____________________5. Ito rin ay tinatawag na hermaphrodite.


B. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang
pangungusap at MALI kung hindi.
_______________1. Magkatuwang ang mga lalaki at babae sa
pagtaguyod ng relihiyon at malaki ang tungkulin nila sa pagbubukas
ng mga pagkakataon para sa pagsamba sa Diyos.
_______________2. Sa murang edad ay napipigilan na ang ekspresyon
ng mga bata sa kanilang kasarian na taliwas sa kanilang biyolohikal
na seks.
_______________3. Ipinapakita ng mga institusyong panlipunan na
pantay ang turing sa lahat ng kasarian.
_______________4. Malaki ang benepisyo para sa mga babaeng
nagtatrabaho na bagong panganak.
_______________5. Ang pagkakaroon ng kabuwanan ng mga
kababaihan ang humahadlang sa mga trabahong may matinding
pisikal na pangangailangan.

11 | A P 1 0
. Ilagay ang mga ito sa loob ng isang brown envelope
at ipasa ito sa ating paaralan.

 Ang kasarian ay ang pagkakakilanlan ng mga kalidad ng


pagkababae at pagkalalaki sa isang tao.

 Ang seksuwalidad ay ang batayan ng kagutustuhan ng


isang babae at lalaki sa kapwa nila na nakadepende sa
paniniwala, kapaligiran at pakikisalamuha sa iba.

 May ginagampanan ang bawat kasarian sa isang lipunan


sa iba-ibang kalakaran na patuloy na nagbabago tulad
ng trabaho, edukasyon, pamilya, pamahalaan, relihiyon
at media.

 Nakabatay sa tatlong salik ang usapin ng LGBT: dikta ng


kalikasan, dikta ng lipunan at sariling pagpili at
pagpapasiya.

Paano nahuhubog ng
mga institusyong panlipunan
ang pagtingin sa kasarian?

12 | A P 1 0
Aralin 2: Mga Salik at Dahilan sa Pag-usbong ng Diskriminasyon Batay sa
Kasarian
Nagkaroon ng pamantayan sa kung ano ang nararapat at
di’nararapat na gawin, madama, at isipin para sa bawat kasarian;
halimbawa, sa mga lipunang patriyarkal at matriyarkal, mat mataas na
pagtingin para sa isang uri ng kasarian lamang. Dahil dito, umusbong ang
konsepto ng diskriminasyon.

Tiyak na Layunin

Sa loob ng isang linggo, kayong mga mag-aaral ay inaasahang


matatamo ang sumusunod na kakayahan:

1. nasusuri ang konsepto ng diskriminasyon


2. nailalahad ang diskriminasyon sa:
2.1 kababaihan
2.2 kalalakihan
2.3 LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)

Paano nakararanas ng diskriminasyon ang kababaihan at mga LGBT


batay sa kanilang kasarian? Magbigay ng tigtatlong halimbawa.

Diskriminasyon Batay sa Kasarian


Kababaihan LGBTQI+ Kalalakihan

TALAKAYIN NATIN.

Isang mabigat na isyung panlipunan na may kaugnayan sa


pagkakapantay (equality) na kinakaharap ng Pilipinas at iba pang bansa
sa daigdig sa kasalukuyan ang gender inequality o gender discrimination.
Ang Diskriminasyon ayon sa International Labor Organization (ILO), ito
ang “anumang pagtatangi (distinction), paghihiwalay (exclusion), o
preperensiya (preference) batay sa lahi, kulay, sex, relihiyon, opinyong
politikal, nasyonalidad o panlipunang pinagmulan na nagbubunga ng
pagkasira o pagbalewala sa pagkakapantay sa oportunidad at pagtrato
13 | A P 1 0
sa empleyo.” Ang gender discrimination at racial discrimination ay ang
dalawa sa mga pangunahing anyo ng diskriminasyon na umiiral sa
maraming bansa sa daigdig sa kasalukuyan.

Nangyayari ang gender discrimination kapag ang isang indibidwal


ay nakatatanggap ng hindi pantay na pagtrato batay sa kasarian. Ayon
sa Artikulo1 ng United Nations Convention on the Elimination of all Forms
of Discrimination Against Women (CEDAW) na pinagtibay noong 1979,
ang gender discrimination ay “ang anumang pagtatangi, ekslusyon o
restriksiyon na isinasagawa batay sa kasarian o sex na may epekto o
layong hadlangan o mapawalang-bisa ang pagkilala, pagtatamasa o
pagtupad ng kababaihan, anuman ang kanilang marital status, ng
prinsipyo ng pagkakapantay ng mga lalaki at babae, ng karapatang
pantao at mga batayang kalayaang (fundamental freedoms) politikal,
ekonomiko, panlipunan, kultural, sibil o sa kahit na anong larangan.”Dahil
sa gender discrimination o ang pagtanggi o restriksiyon alinsunod sa mga
gampanin at pamantayang likha ng lipunan (socially constructed gender
roles and norms), ang mga kadalagahan (girls) at kababaihan (women)
gayundin ang mga transgender, ay nahahadlangan na magtamasa ng
lahat ng mga karapatang pantao (full human rights) at walang tulad na
oportunidad sa mga binata (boys) at kalalakihan (men) sa edukasyon,
makabuluhang karera o propesyon, impluwensiyang politikal, at
pagsulong ng ekonomiko.

Ang gender bias ay ang hindi pantay na pagturing sa iba-ibang


kasarian. Maraming manipestasyon ang gender bias na nagpapakita ng
diskriminasyon sa bawat kasarian.

Isa sa manipestasyon ng gender bias ay ang multiple burden o


patong-patong na gawain na pasan-pasan ng kababaihan. May
tinatawag na gender division of labor o pagtatakda ng trabaho ayon sa
kasarian. Pagdating sa bahay, ang kababaihan din ang inaasahang
mag-alaga sa mga anak at mag-aasikaso sa mga pangangailangan sa
bahay. Dito naikabit na sa bawat kasarian ang mga gawain.

Manipestasyon rin ng gender bias ang stereotyping. Ito ang


pagkakahon ng isang kasarian sa isang mga takdang katangian,
kakayahan at tungkulin na nilikha lamang ng lipunan. Nalilimitahan nito
ang bawat tao sa kanilang tunay na kakayahan dahil may nakatakda
nang tungkulin na iniatas ang lipunan sa kaniya. Kapag ang babae at
lalaki ay hindi sumusunod sa mga “nakatakda o inaasahang” katangian,
kakayahan, at tungkulin na ibinigay ng lipunan sa kanila, sila ay
makararanas ng diskriminasyon. Ang gender bias ay isang diskriminasyon.

14 | A P 1 0
Diskriminasyon Batay sa Kasarian
Ang pagkakaiba at hindi pagkapantay-pantay sa pagtrato
ng mga kasarian ay makikita sa ating lipunan tulad ng aspektong
politikal, panghanapbuhay, at maging sa tahanan.

Aspeto Paliwanag
Sa Politika Kalalakihan ang may pinakamalaking
kapangyarihan sa lipunan. Limitado ang
nakukuhang serbisyo tulad ng kalusugan,
edukasyon, trabaho, sweldo at maging pagkain
ng mga babae at homoseksuwal kung
ikukumpara sa kalalakihan.

Sa Tahanan Sa paggawa ng desisyon at paghanap ng


mapagkukunan ng pangangailanagn sa
tahanan. Itinuturing na magkaibaang
kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa
pagtugon sa pang-ekonomiyang
pangangailangan.

Sa Paghahanapbuhay Nakakatanggap ng mababang sahod at


temporaryong trabaho ang mga babae.
Itinatalaga sa mababang posisyon at
binibigyan ng mas mababang sahod. Ang
kalalakihan ang humahawak ng mas mataas
na posisyon at mas mataas na sahod.
Sa maraming ekonomiya sa mundo, ang
kababaihan at kabataan ay agrabiyado.
Natatali ang mga babae sa pinansiyal na
suporta ng kanilang mga kaanak na lalaki. Pati
ang media ay nakapagpapalala sa
diskriminasyon sa kasarian sapagkat ipinakikita
nito ang kababaihan bilang mga sexual object
para sa mga kalalakihan. Ang pang-aabuso ay
mas madalas maranasan ng kababaihan at ng
mga homoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan.

Mga diskriminasyong 1. Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho


nararanasan ng mga 2. Mga pag-iinsulto at pangungutya
LGBT: 3. Hindi pagpapatuloy sa mga
establisyemento dahil sa kanilang
kasuotan o pagkilos
4. Karanasan tulad ng pambubugbog o

15 | A P 1 0
pagpatay
5. Bullying sa paaralan

Mga bansang madalang makaranas ng


diskriminasyon ang mga LGBT: Netherlands,
Sweden, at Denmark sa Europe, Canada,
Argentina, at ilang states sa United States.
Namumuhay ang mga homosekwal nang
malaya at walang diskriminasyon.
Tumatanggap din ang mga bansang ito ng
mga gay refugee na lumikas mula sa kanilang
bansa bunsod ng pag-uusig sa mga
homoseksuwal.

Itinuturing na panghaharass sa iba’t ibang


kasarian:
1. Pagbabanta at paninigaw
2. Panghihipo o paghawak sa bahagi ng
katawan nito
3. Panunukso o pagsasabi ng mga
komentong nakaiinsulto, pagkalat ng
mga usap-usapan tungkol sa kasarian ng
isang tao (verbal o sa pamamagitan ng
social media)
4. Panghihiya at panghahamak ng mga tao
dahil sa kanilang kasarian
5.
Mga salik na nagiging 1. Relihiyon at Kultura (dalawa lamang na
dahilan ng kasarian ang tanggap ayon sa
pagkakaroon ng tradisyonal paniniwala na sinang-ayunan
diskriminasyon sa ng mga Banal na Aklat)
kasarian 2. Pisikal na kaanyuan
3. Trabaho (may mga trabaho na nilikha
para sa mga lalaki lamang)
4. Edukasyon (mga kursong dapat para sa
lalaki o babae lamang)
Gender Inequality Ito ang nagsasaliksik at kumakalap ng mga
Index (GII) datos upang sukatin ang agwat ng
diskriminasyon sa pagitan ng kababaihan at
kalalakihan.

3 aspeto ng pagsukat ng gender inequality:


1. Reproductive health – binubuo ng ratio ng

16 | A P 1 0
maternal mortality at adolescent birth
rate
2. Empowerment – binubuo ng dami ng
nagsisilbing babae sa isang parliament,
bilang ng mga manggagawang babae
at lalaking nasa edad 15 pataas, at
bilang ng mga babae at lalaking edad 25
pataas na nakapagtapos ng
sekondaryang edukasyon
3. Economic status – binubuo rin ng bilang
ng mga manggagawang babae at
lalaking edad nasa edad 15 pataas.

Layon ng GII na sukatin ang distribusyon ng pag-unlad sa pagitan


ng mga babae at lalaki sa isang bansa. Kung mas mataas ang GII ng
isang bansa, nangangahulugan na mas malaki ang gender inequality sa
pagitan ng kababaihan at kalalakihan. Dahil sa GII, nagkaroon ng
basehan upang malaman kung anong mga bansa ang dapat pang
ituon ang atensiyon sa personal at propesyonal na pag-unlad ng
kababaihan nito.

Ano – ano ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng


pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian? Talakayin ito.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya.

1. Gender discrimination
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________.

17 | A P 1 0
2. Gender equality
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________.
3. Women empowerment
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________.

Aralin 2: Mga Salik at Dahilan sa Pag-usbong ng Diskriminasyon Batay sa


Kasarian (Modyul 3)
Araling Panlipunan 10 – Kontemporaryong Isyu

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon: ___________

Pagpipilian. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin at pagturing sa tao


dahil lamang sa kaniyang uri.
a. economic status c. diskriminasyon
b. stereotyping d. gender gap

_____2. Ito ay ang gawain ng pagtrato sa isang tao bilang kasangkapan


lamang sa kaligayang seksuwal.
a. stereotyping c. sexual objectification
b. diskriminasyon d. public hearings

_____3. Ang bansang tumatanggap ng isang gay refugee.


a. Australia c. Canada
b. Bhutan d. Dominican Republic

_____4. Ito ay isang aspeto sa ating lipunan na itinuturing nito na


magkaiba ang kakayahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa
pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
a. Sa Paghahapbuhay c. Sa Politika
b. Sa Tahanan d. Sa Relihiyon

18 | A P 1 0
_____5. Ang aspeto sa Gender Inequality Index na binubuo ng bilang ng
mga manggagawang babae at lalaki na nasa edad 15 pataas.
a. economic status c. diskriminasyon
b. stereotyping d. gender gap

 Maraming mga isyu tungkol sa seksuwalidad at kasarian ang


kinakaharap ng buong daigdig. Sa maraming bansa at kultura,
hindi pa din lubos na tinatanggap at iginagalang ang mga LGBT.

 Maging ang mga kababaihan sa maraming bahagi ng mundo ay


patuloy na nakakaranas ng diskriminasyon batay sa kanilang
kasarian. Bagaman nadagdagan na ang mga karapatang
ipinagkaloob sa kababaihan sa paglipas ng panahon, nananatiling
patriyarkal ang maraming lipunan kaya’t hindi pa rin pantay ang
mga pagkakataong naibibigay sa kababaihan at kalalakihan
pagdating sa trabaho. Nalilimitahan ang papel ng kababaihan sa
loob lamang ng tahanan, mas malala, mas malaki ang porsiyento
ng pang-aabuso sa kanila at sa mga homoseksuwal kaysa sa
kalalakihan.

Bilang isang mag-aaral na


Agustino, paano natin
maipapakita ang paggalang sa
karapatan ng bawat mamamayan
sa pagpili ng kasarian at
seksuwalidad?

19 | A P 1 0
Aralin 3: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

Makikita sa itaas ang logo ng Karapatang Pantao. Dahil sa


lumalaganap na diskriminasyon na nakabatay sa kasarian, hindi
maiiwasan ang paglaban ng kababaihan, bakla, lesbian at transgender.
Itinutulak sila ng pagkakataon upang tumindig at ipagtanggol ang
kanilang kalayaan sa pagpapasya para sa sarili. Kung gayon,
mahalagang malaman natin ang iba’t ibang pagsisikap upang
mabigyan ng pantay na karapatan ang kababaihan, bakla, lesbian at
transgender.

Tiyak na Layunin
Sa loob ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang
matatamo ang sumusunod na kakayahan:
1. nalalaman ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa bansa

2. nasusuri ang tugon ng mamamayan sa Pilipinas sa mga isyu


ng karahasan at diskriminasyon

3. naigagalang ang mga batas laban sa karahasan at


diskriminasyon

20 | A P 1 0
Ilagay sa patlang ang tamang sagot. Pumili ng sagot sa mga salita
sa loob ng kahon sa ibaba.

1. Ito ang pandaigdigang kasunduan ng mga bansa na


nagpoprotekta ng karapatan ng LGBTQ laban sa diskriminasyon
at karahasan. Layunin nitong maisulong ang paggalang at
pagtiyak sa pagtatamo ng karapatang pantao anoman ang
oryentasyong seksuwal nito o gender identity.
_____________________________________________________
2. Nararapat na magkaroon ng pantay na _______________________
ang mga lalaki, babae, bakla, lesbian at transgender at ano pa
mang kasarian.
3 – 5. Ang lahat ng tao ay ipinanganak nang _____________________
at may ______________________ na karapatan at __________________.
6 – 8. Ang lahat ng karapatang pantao ay ______________________,
________________________, at ____________________________.
9 – 10. Ang _________________________ at _____________________ ay
integral sa dignidad at katauhan ng bawat indibidwal.

seksuwal na oryentasyon malaya


Yogyakarta Principles pantay
pangkasariang identidad karapatan
dignidad hindi nahahati
unibersal magkakaugnay

Pamprosesong Tanong:
1. Pamilyar ka ba sa mga salitang nabanggit sa itaas?
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.

2. Alam mo ba ang mga batayang prinsipyo na nagbibigay-


proteksiyon sa kababaihan at LGBTQ?
_______________________________________________________________
____________________________________________________________.

21 | A P 1 0
3. Matapos mong sagutan ang gawain na ito, masasabi mo bang
malawak na ang iyong kaalaman hinggil sa mga hakbang
upang labanan ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan
at LGBTQ?
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

TALAKAYIN NATIN.
Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at mayroong pantay na
dignidad at karapatan. Walang taong mas mataas o mas mababa kaysa
sa iba. Ang karapatang pantao ay unibersal, interdependent at indivisible
ayon sa United Nations. Nangangahulugan ito na kahit nasaang lugar
tayo, tayo ay dapat kilalaning tao na may unibersal na karapatang
pantao tulad ng iba. Ang seksuwal na oryentasyon (sexual orientation) at
pangkasariang pagkakakilanlan (gender identity) ay integral o mahalaga
sa katauhan at dignidad ng bawat indibidwal. Hindi ito nararapat na
gawing basehan ng diskriminasyon at karahasan laban sa kababaihan,
bakla, lesbian, at transgender, at ano pa mang pangkasariang
pagkakakilanlan.

KONTEKSTO NG ISYU SA KASARIAN


1. Diskriminasyon at Tinitingnan ito noong bilang isang sakit.
kasarian sa LGBTQ Pinandidirihan at nilalayuan ang mga
noong 1900s. bakla at lesbian noon at sila ay pilit na
pinagbabago. Itinuturing na isang krimen
kaya napipilitan silang magtago. Dahil dito
lihim na nagtatag ng samahan o
organisasyon na siyang kakalinga at
nakakaunawa sa kanila. Grupo na may
iisang adbokasiya ng pantay na karapatan
para sa mga LGBTQI.

2. Panawagan na 1848 - Itong ang taon kung saan


makalahok ang mga nagsimulang manawagan ang kilusang
kababaihan sa pangkababaihan para sa kanilang
eleksiyon karapatan sa pagboto. Isa-isang nagbigay
ng suporta ang estado ng US sa paglahok
ng kababaihan sa eleksiyon.

1920 - Ipinahayag sa buong bansa ng US


ang pagkilala sa karapatan sa pagboto ng
kababaihan. Isang malaking hakbang ito

22 | A P 1 0
patungo sa inaasam na pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian. Ilan pang
kahilingan ay ang pantay na suweldo ng
mga manggagawang babae.

3. Nanawagan ng 1960s hanggang 1970s ay naging aktibo sa


pantay na karapatan Pilipinas ang mga kilusang kababaihan.
ang mga kababaihan GABRIELA (General Assembly Binding
kapareho ng mga Women for Reforms, Integrity, Equality,
kalalakihan. Leadership, and Action) samahan na
nanawagan ng pantay na karapatan
pareho sa mga kalalakihan.

Matagumpay nilang naipaglaban ang


pagkilala sa mahalagang partisipasyon ng
kababaihan sa politika, ekonomiya,
lipunan, at kultura.

Sa ngayon, bagaman nararanasan pa rin ang diskriminasyon at


karahasan sa kababaihan at LGBTQI, ay may pagsisikap ang mga
samahang pandaigdig ng mga bansa na itaguyod ang pantay na
karapatan nila.

PAGTUGON SA ISYU SA KASARIAN SA PANDAIGDIGANG


1. Yogyakarta Principles Ito ang aplikasyon ng Internasyonal na
Batas sa Karapatang Pantao kaugnay ng
Seksuwal na Oryentasyon at Pangkasariang
Identidad. Ito ang mga prinsipyo na
inaasahang sundin ng mga bansa upang
matigil na ang karahasan at diskriminasyon
sa LGBTQI.

a. Seksuwal oryentasyon Ito ay tumutukoy sa kapasidad ng bawat


indibidwal sa malalim na emosyon sa
kapuwa niya maging ito man ay kapuwa
babae o lalaki o kabaliktaran na kasarian o
sa parehong kasarian.

b. Pangkasariang Ito ay tumutukoy sa sariling pakiramdam ng


identidad indibidwal hinggil sa kaniyang sarili. Ito ay
maaaring kapareho ng kaniyang seks
(babae o lalaki) o maaari din naming hindi

23 | A P 1 0
kapareho ng kaniyang seks. Ito ay
pagbibigay identidad ng tao sa kaniyang
sarili.

2. Ang Convention on Ito ay isang pandaigdigang kasunduan na


the Elimination of All naglalaman ng prinsipyo na kumikilala sa
Forms of pantay na paglahok at karapatan ng
Discrimination Against kababaihan sa larangan ng politika,
Women (CEDAW) lipunan, kultura, sibil, at ekonomiya.

PAGTUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG KASARIAN


Republic Act 9710: Magna Ito ay isang komprehensibong batas para
Carta of Women sa karapatang pantao ng kababaihan na
naglalayong alisin ang diskriminasyon sa
pamamagitan ng pagkilala, proteksyon,
katuparan, at pagsusulong ng mga
karapatan ng mga kababaihang Pilipino,
lalo na ang mga kabilang sa mga
marginalized na sektor ng lipunan.
Naghahatid ito ng isang balangkas ng mga
karapatan para sa mga kababaihan batay
sa direktang batas sa internasyonal.
(https://pcw.gov.ph/republic-act-9710-
magna-carta-of-women/)

Anti- Violence Against Ito ay batas na tinitiyak na mabibigyan ng


Women and Their Children proteksiyon ang mga kababaihan laban sa
(RA 9262) umiiral at nagpapatuloy na karahasan na
nakabatay sa kasarian.

Sa pangkabuoan malawak at masalimuot ang karanasan ng mga


kababaihan at LGBTQI upang matamasa ang kanilang pantay na
karapatan sa lipunan. May dalawang anyo na isinagawa at nagtulungan
upang itaguyod ang karapatan at ang proteksiyon laban sa karahasan
at diskriminasyon.

1. Extralegal – ito ang pagkilos ng iba’t ibang samahan ng


kababaihan o LGBTQI para itaguyod ang kanilang karapatan.

2. Legal – dito nagagamit na ang batas upang proteksiyonan ang


kababaihan at LGBTQI.

24 | A P 1 0
Kung noon ay kasangkapan ang batas sa pagsasagawa ng
diskriminasyon at pandarahas sa kanila, ngayon ay pumapabor na sa
kanila ang batas dahil pinatutunayan nila sa harap nito na sila ay mga
taong ipinanganak na malaya at may pantay na dignidad at
karapatan.

Magbigay ng isang prinsipyo o artikulo sa mga batas


pandaigdigan at magbigay ng sitwasyon kung saan nilabag ito.

1. Yogyakarta Principles

Prinsipyo ________________________________________________________

Sitwasyon _______________________________________________________

2. Magna Carta Women

Seksiyon ________________________________________________________

Sitwasyon _______________________________________________________

3. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Artikulo/Seksiyon ________________________________________________

Sitwasyon _______________________________________________________

4. CEDAW

Artikulo __________________________________________________________

Sitwasyon _______________________________________________________

25 | A P 1 0
Aralin 3: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (Modyul 3)
Araling Panlipunan 10 – Kontemporaryong Isyu

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon: ___________

A. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang
pangungusap at MALI kung hindi.

__________1. Itinuturing na isang krimen ang paggiging homoseksuwal.

__________2. Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at mayroong


pantay na dignidad at karapatan.

__________3. Ang mga kalalakihan ang pangunahing biktima ng


pamamaltrato dahil sa kanilang kasarian.

__________4. Patuloy na lumalaban ang mga kababaihan para sa


kanilang pantay na karapatan sa lipunan.

__________5. Ang mga karahasan sa kababaihan at sa kanyang mga


anak ay itinuturing na isang krimen.

B. Pagtutukoy. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

____________________1. Ang samahan sa Pilipinas na nanawagan ng


pantay na karapatan ng mga kababaihan na kapareho ng sa
kalalakihan.
____________________2. Isang pandaigdigang kasunduan na
naglalaman ng prinsipyo na kumikilala sa pantay na karapatan ng
mga kababaihan.
____________________3. Ang institusyon sa ating lipunan na may
pangunahing tungkulin ay itaguyod ang batas na Magna Carta for
Women.
____________________4. Ang batas na binuo upang matutukan ang
pagsugpo sa karahasan sa kababaihan.
____________________5. Ito ay isang prinsipyo na isinagawa upang
tukuyin ang pangkalahatang karapatan ng LGBTQI.

26 | A P 1 0
 Ang mga tugon sa mga isyu sa Kasarian sa Lipunan ay
nahahati sa dalawa:

 Legal (a. Antas pandaigdig – Yogyakarta Principles, The


Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women (CEDAW); b. Antas pambansa – Magna
Carta of Women, Anti-Violence against Women and Their
Children (VAWC)

 Extralegal (a. Antas pandaigdig – Kilusang kababaihan


noong 1948, Stonewall Riot/Kilusang LGBTQI; b. Antas
Pambansa – Gabriela, Kilusang Kababaihan para sa
Pambansang Demokrasya, Bahaghari, Progay, Lesbond,
Kilusang LGBTQI

Paano tinutugonan sa Pilipinas at sa iba pang panig ng daigdig ang


diskriminasyon at karahasang nakabatay sa kasarian?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________.

27 | A P 1 0
Aralin 4: Mga Panukalang Solusyon sa Pagkakamit ng
Gender Equality ng mga Bansa sa Daigdig
Mahalaga ang pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng babae at
lalaki sa lahat ng lipunan sa daigdig. Malaki ang ibinibigay na
pagpapahalaga sa mga kababaihan dahil sa patuloy na kaunlaran sa
ekonomiya, agham, teknolohiya at edukasyon sa lipunan.

Tiyak na Layunin
Sa loob ng isang linggo, ang mga mag-aaral inaasahang
matatamo ang sumusunod na kakayahan:
1. nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan sa
pangangalaga ng karapatang pantao

2. nakapagmumungkahi ng mga paraan ng paglutas sa mga


paglabag ng karapatang pantao

3. nakabubuo ng dokumentaryo na nagsusulong ng


paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili
ng kasarian at seksuwalidad

Ano-ano ang mga magagandang alaala na maiuugnay mo sa


mga kababaihan ng iyong buhay? Bumuo ng isang concept map sa
isang malinis na papel at ilista ang mga karanasan o alaala mo ng mga
kababaihang bahagi ng iyong buhay.

TALAKAYIN NATIN.

Binigyang kahulugan ng Republic Act No. 9710 (Magna Carta for


Women ang gender equality bilang ang “prinsipyo na pinaninindigan
(asserting) ang pagkakapantay (equality) ng lalaki at babae at ng
kanilang karapatan na magtamasa ng pantay na mga kondisyon para
sa realisasyon ng kanilang buong potensiyal bilang mga tao (full human
potentials) para makapag-ambag at makinabang sa mga bunga ng

28 | A P 1 0
pag-unlad, at kung saan ang Estado ay may pagkilala na ang lahat ng
tao (human beings) ay malaya at pantay sa dignidad at karapatan.”

Ang mga Konsepto o Prinsipyo para Makamit ang Gender Equality


1. Women Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak sa
Empowerment kakayahan o abilidad ng mga babae na
gumawa ng mga estratehikong
pagpapasiya sa buhay sa konteksto kung
saan ang mga nasabing kakayahan ay
dating naipagkait sa kanya dahil sa pagiging
babae.

2. Gender Equity Ito ay tumutukoy sa patakaran,


kasangkapan (instruments), programa,
serbisyo at aksiyon na tumutugon sa
desbentahang posisyon (disadvantage
position) ng kababaihan sa lipunan sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng may
pagkiling at pagsang –ayong aksiyon
(preferential and affirmative actions).

3. Gender Ito ay tumutukoy sa mga estratehiya para


Mainstreaming maipasok at maipakaloob ang mga
alalahanin (concerns) at karanasan
(experiences) ng mga babae gayundin ng
mga lalaki bilang integral na dimensiyon sa
disenyo, implementasyon, pagbabantay
(monitoring) at ebalwasyon ng mga
patakaran at programa sa lahat ng
aspektong politikal, ekonomiks, at
panlipunan para ang mga babae at lalaki
ay pantay na makinabang at ng hindi
mapanatili ang kawalan ng pagkakapantay.

4. Gender and Ito ay tumutukoy sa perspektibong


Development (GAD) pangkaunlaran at proseso na participatory
at empowering, equitable, sustainable,
malaya sa karahasan, may paggalang sa
mga katapatang pantao, may pagsuporta
sa kakayahang kumilos nang malaya , at
aktuwalisasyon ng mga potensiyal bilang
tao.

29 | A P 1 0
5. Gender parity Ito ay nangangahulugan sa pantay na
representasyon ng babae at lalaki sa isang
partikular na lugar.

6. Gender perspective Ito ay ang pamamaraan ng pagtingin o


pagsusuri kung saan binibigyang-tuon o
pansin ang impact ng gender sa mga tao
partikular sa mga oportunidad, gampaning
panlipunan at interaksiyon.

7. Gender planning Ito ay isang planning approach na kumikilala


sa pagkakaiba ng gampanin (roles) at
pangangailangan ng babae at lalaki sa
lipunan tulad ng konstruksiyon ng mga
palikuran sa mga gusali na hindi lamang
para sa mga babae at lalaki kundi pati na rin
sa mga LGBTQI at sa mga pangangailangan
ng mga ina na magpapasuso ng mga
sanggol sa mga mall at iba pang
pampublikong gusali at lugar.

8. Gender-blind Ito ay tumutukoy sa mga tao, polisiya o


institusyon na hindi kumikilala sa gender
bilang mahalagang tagapagtakda sa mga
pagpapasiya sa buhay na iniaalok ng
lipunan. (halimbawa, sa recruitement dapat
walang halaga ang paggiging babae o
lalaki o transgender, kundi ang personalidad
at kakayahan o kasanayan ang dapat
maging kwalipikasyon at pamantayan.

9. Gender awareness Ito ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad na


matukoy ang mga problemang umusbong
mula sa gender inequality at gender
discrimination, kahit na ang mga ito ay
napakahirap Makita sa panlabas o sadyang
nakatago.

10. Gender sensitivity Binibigyang-kahulugan bilang “kakayahan


na matukoy ang mga isyu at problema sa
paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.

30 | A P 1 0
Ang gender equality partikular sa pagitan ng babae at lalaki ay ang isa
sa pinakamahahalagang karapatan na pinoprotektahan at isinusulong
ng United Nations (UN). Nakapaloob mismo sa Charter at napakaraming
kasunduan at resolusyon gaya ng:

1. Universal Declaration of Human Rights (1948)


2. CEDAW (1979)
3. Beijing Declaration and Platform for Action (1995)
4. Milleniu Development Goals o MDGs (2000)
5. Sustainable Development Goals o SDGs (2015)

Ang pagkilala sa pagkakapantay ng babae at lalaki ay pagsusulong ng


gender equality.

Samantala, sa pagkilala at pagsulong ng pantay na karapatan ng mga


LGBTQI, masasabing sadyang huling-huli ang United Nations at daigdig sa
pangkalahatan.

1. 2006 nagkaroon lamang ng kauna-unahang pagtalakay ang


United Nations at ang sangay politikal nito patikular ang United
Nations Human Rights Council (UNCHR) ukol sa pagkakapantay.

2. Anuman ang sexual orientation at gender identity matapos ang


joint statement na inihain ng 54 na bansa sa pangunguna ng
Norway.

3. 2008 – joint statement na nilagdaan ng 66 na bansa sa


pangunguna ng Argentina kung saan tinutukoy ang mga
nangyayaring paglabag sa karapatang pantao batay sa sexual
orientation at gender orientation. Walang nangyari dahil sa
pagtutol ng maraming bansang Muslim sa pangunguna ng Arab
League.

4. 2011 – nakapagpatibay ang 23 bansa na inihain ng South Africa sa


UNHRC na inatasan na magbalangakas ng ulat na
magdodokumento sa mga aksiyon ng karahasan laban sa mga
indibidwal batay sa kanilang sexual orientation at gender identity.

5. 2014 – isang resolusyon ang pinagtibay ng UNHRC na nag-aatas sa


UN High Commissioner on Human Rights na palawakin ang 2011
Report na may hangarin na magkaroon ng pagbabahagi ang
mga bansa ng “good practices” at mga paraan sa paglaban sa
karahasan at diskriminasyon, sa aplikasyon ng mga kasalukyang

31 | A P 1 0
umiiral na mga pandaigdigang batas at pamantayan sa
karapatang pantao.

6. 2016 – pinagtibay ng UNHRC ang pangatlong resolusyon ukol sa


human rights, sexual orientation at gender identity, inatasan nito
ang paghirang ng isang rapporteur o independent expert o
investigator na mag-iimbestiga sa mga sanhi ng karahasan at
diskriminasyon laban sa mga tao dahil sa kanilang gender identity
at sexual orientation, at talakayin sa mga pamahalaan ang mga
hakbang na maaaring ipatupad para mapangalagaan ang
karapatan ng mga LGBTQI.

https://www.adb.org/sites/default/files/infographics/thumbnails/infographic-sdg-5-gender-equality-thumbnail.png

Dahil sa matinding suliranin pa rin sa gender discrimination at gender


inequality sa pagtatapos ng MDG3 noong 2015, ipinagpatuloy ng UN sa
pamamagitan ng UNDP ang pagpapatupad ng MDG3 na naging SDG 5.
Layunin ng Goal 5 (Gender Equality ang Empowerment for women and
Girls) na magkaroon ng malaking pagbawas sa napakalaki pa ring
gender gap o disparity.

32 | A P 1 0
Suriin ang bawat sitwasyon. Punan ang mga hinihinging
impormasyon sa bawat bilang.

1. Hindi pinayagan ng asawa si Armin a magtrabaho sa opisina dahil


sa gusto siyang manatili sa bahat at alagaan ang kanilang mga
ana.
Uri ng karahasan: ________________________________________________
Taong nagsagawa ng karahasan:________________________________
Mga posibleng epekto:___________________________________________
Mga maaaring sumbungan:______________________________________

Aralin 4: Mga Panukalang Solusyon sa Pagkakamit ng Gender Equality ng


mga Bansa sa Daigdig (Modyul 3)
Araling Panlipunan 10 – Kontemporaryong Isyu

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon: ___________

A. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng salita ayon sa paksang


tinalakay. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_____________________1. NEEGRD ILDNB – ito ay tumutukoy sa mga


institusyon na hindi kumikilala sa gender bilang mahalagang
tagapagtakda sa mga pagpapasiya sabuhay na inaalok ng lipunan.

_____________________2. GDSS – ito ay inilunsad noong 2016 upang isulong


at palawigin ang partisipasyon at katayuan ng mga kababaihan sa mga
bansang kasapi ng UN.

_____________________3. RDGNEE YETQIULA - Ito ang isa sa


pinakamahahalagang karapatan na pinoprotektahan at isinusulong ng
United Nations (UN).

_____________________4. 1097 AR # - ito ang batas na nagbigay ng


kahulugan sa gender equality.

_____________________5. RRUAEPTPOR – ito ay imbestigador na mag-


iimbestiga sa mga sanhi ng karahasan at diskriminasyon laban sa mga
tao dahil sa kanyang sexual orientation.
33 | A P 1 0
Hindi lamang isyu ng mga babae at transgender at ng
pamahalaan ang gender equality kundi ito ay isyu ng lahat ng tao. Sa
pang-araw-araw nating pagpapasiya at pamumuhay kailangan nating
maging gender sensitive at gender blind. Sa ating pagsulat, pananalita at
pakikipag-usap, magsimula tayong gumamit ng mga gender neutral na
mga salita o terminolohiya. Sa halip na tawaging congressman o
congresswoman, gamitin ang gender neutral na terminong
congressperson, at sa halip na mankind ay ang dapat gamitin ay ang
salitang humankind.

Bakit mahalaga ang isyu ng gender equality sa aking bansa, komunidad,


pamilya at sarili? Isa-isahin at ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Pamantayan sa Pagganap (Ikatlong Markahan)


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at
hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Layunin: Nakalilikha ng isang photo essay gamit ang mga piling


larawan na tatalakay sa sarili mong pagpapakahulugan kung paano
maisusulong ang paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa
pagpili ng gender identity at seksuwalidad, pagbuwag sa gender
discrimination at pagsasabuhay at pagkakamit ng gender equality sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

Gampanin (Role): Isang photographer.

34 | A P 1 0
Madla (Audience): Secretary General ng United Nations at mga
opisyales nito

Sitwasyon: Naghahanap ng isang magaling na photographer ang


United Nations. Sa pamamagitan ng kanyang mga kuhang larawan ay
naipapahayag niya ang kaniyang saloobin sa kung paano maibibigay
ang pantay na karapatan sa lahat ng mamamayan anoman ang
kaniyang kasarian. Ito ang kaya niyang gawin upang maipaabot ang
kaalamang ito sa mga mas nakababata at mas nakatatanda sa
pamayanan.

Produkto: Photo-Essay. Ipaliwanag.

Pamantayan: (20 puntos)

1. Masining (Masining ang mga larawan at ang paraan ng paglalahad


nito);
2. Kaugnayan sa Paksa (Angkop sa napiling paksa ang mga
larawan);
3. Paliwanag (Angkop ang paliwanag na ginawa)

Isulat ito sa long size bond paper. Ipasa ito kasama ng mga
gawain sa “Gawin Natin” sa loob ng Brown envelope.

Talasanggunian:
Antonio, E. D. (2017). Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Manila, Philippines: Rex Book Store.

Limos, M. A., & Padalhin, N. E. (2018). Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City: The Library
Publishing House, Inc.

Mercado, M. M., & Hernandez, R. A. (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Vibal Group
Inc.

https://news.mb.com.ph/2020/06/12/ptv-says-sorry-for-using-wrong-photo-in-june-12-broadcast/
6.15.2020 2:54pm

https://radyo.inquirer.net/248636/dating-pangulong-emilio-aguinaldo-tinukoy-bilang-andres-
bonifacio-ptv-humingi-ng-paumanhin/ptv-4-2 6.15.2020 2:58pm

Read more: https://radyo.inquirer.net/248636/dating-pangulong-emilio-aguinaldo-tinukoy-bilang-


andres-bonifacio-ptv-humingi-ng-paumanhin/ptv-4-2#ixzz6PPnZ25nY
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

35 | A P 1 0
http://media.istockphoto.com/vectors/girl-having-an-idea-vector-
id501573712?k=6&m=501573712&s=612x612&w=0&h=44TAp0QliKk8Db2njoM2760k7ZWLKXTvyMg0ur7
kN0s=

https://media.mnn.com/assets/images/2009/01/deforestation_0.jpg.1080x0_q100_crop-scale.jpg

https://3.bp.blogspot.com/-ci-7w5gsa5A/VhYLz6Jc5iI/AAAAAAAAD_E/FV4SnhtNFvM/w1200-h630-
p-k-no-nu/Storm%2Bsurge%2BPEDRING.jpg

http://blogs.agu.org/geospace/files/2014/11/Flood_damage_in_Manila_Philippines_2012._Photo-
_AusAID_10695554446.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/20/Lagoa_vermelha_na_Mina_do_Los
al_05.jpg/220px-Lagoa_vermelha_na_Mina_do_Losal_05.jpg

https://assets.rappler.com/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/68D415A13B6B4F7F8F05AFD
4CD337D29/20180214-ipo-watershed-01.jpg

https://www.untvweb.com/news/wp-content/uploads/2018/10/AIR-POLLUTION.jpg

https://assets.rappler.com/BDA23816D0464E728541EBCE11B06819/img/DE8E4B5CD6654D04B5940D
7E2D268BF4/baseco-summer-manila-bay-swimming-may-18-2018-
003_DE8E4B5CD6654D04B5940D7E2D268BF4.jpg

https://www.slideshare.net/ruthferrer2/ang-dalawang-approaches-sa-pagtugon-sa-hamong-
pangkapaligiran

https://www.slideshare.net/nwied/approach-2

Inihanda ni: Gng Nesell Oribe – Guro sa Araling Panlipunan 10

36 | A P 1 0

You might also like