You are on page 1of 21

WELCOME!!!

  
      ISYUNG        
PERSONAL
        AT 
      ISYUNG 
PANLIPUNAN
ANO ANG ISYUNG PERSONAL?

 Ang kahulugan ng isyung personal ay


nagaganap sa pagitan ng isang tao at
ilang malalapit sa kanya  at ang solusyon
ng isang isyung personal ay nasa kamay
ng indibidwal at maituturing ito na
pribadong bagay na dapat solusyunan sa
pribadong paraan. Ang isyung personal
ay mga usapin at problemang tangi
lamang  sayo nauugnay pero pwede at
maaaring apektado pa rin ang ibang tao.
Halimbawa ng isyung personal 
ay ang mga sumusunod:

1.mga isyu sa sekswal at intimacy
2.takot at pakiramdam ng pagkaiba sa 
ibang tao dahil sa isang medikal na 
kondisyon
3.Drug Addiction
4.Gambling
5.Crab Mentality
ANO ANG ISYUNG
PANLIPUNAN?

Ang isyung panlipunan ay ang mga 
mahahalagang ka paksa, usapin, 
kaganapan, pangyayari o suliranin na 
nangyayari sa ating lipunan o bansa. Ito 
ay may naidudulot na epekto mabuti man 
o masama sa ating sarili, pamilya, 
pamahalaan, simbahan, gobyerno at sa 
ekonomiya ng bansa.  
Ang limang halimbawa ng isyung 
panlipunan ay ang mga 
sumusunod: 
 Kahirapan  
 Salungatan sa Relihiyon
 Kakulangan ng edukasyon
 Kakulangan at kawalan ng trabaho
 Inequality
Halimbawa ng isyung panlipunan
ay ang mga sumusunod:

 Korapsyon,polusyon,kakulangan sa mga pasilidad 
sa ibat ibang sektor ng pamahalaan tulad sa 
edukasyon, sa mga ukol sa pangkalusugan tulad 
ng ospital, health centers clinic, ang utang ng 
pamahalaan sa ibang bansa, ang pagtaas ng mga 
bilihin at kung tumataas nga ba ang ekonomiya 
ng bansa, ang kahirapan,populasyon at higit sa 
lahat ang napapanahong pagpatay ng isang 
nilalang. Ilan lamang ito sa napapanahong isyu 
tungkol sa Pilipinas ngayon.
 Ikaw bilang bahagi ng lipunan ay 
may kinabibilangang 
institusyun, social groups,
status at may mga gampaning 
dapat gawin. Gayun din, mayroon 
kang paniniwala,
pagpapahalaga, norms na 
sinusunod, at nauunawaang simbolo. 
 
 Subalit hindi maiiwasan sa ating 
lipunan ng hindi pagkakasundo o 
pagkakaunawaan ng mga 
institusyun , mga pagkakaiba  ng 
pagpapahalaga  at paniniwala, at 
pagkakaiba ng opinion ng mga taong 
 kabilang sa magkaibang social
group.
 Ang hindi pagkakaunawaang ito ay 
maaaring magdulot ng iba’t ibang 
isyu at hamong panlipunan.
 Isang pampublikong isyung panlipunan

 Nakakaapekto  ito hindi lamang sa isang 
tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi 
mismo ng nasabing lipunan
 Karaniwang ang mga isyung panlipunan 
ay sumasalamin sa mga suliraning 
kinakaharap ng lipunan
 Walang maituturing  na iisang 
depenisyon ang suliraning panlipunan, 
subalit lubusang mauunawaan ito gamit 
ang Sociological Imagination.
 Sa pag­aaral ng mga hamon at 
isyung panlipunan, mahalaga ang 
pag­unawa sa mga istrukturang 
bumubuo rito maging ang kulturang 
naglalarawang sa isang lipunan

 Mahalaga ring makita ng bawat isa 
ang kaugnayan ng istrukturang 
panlipunan at kultura sa 
pagkakaroon ng mga suliranin at 
isyung panlipunan
AYON KAY C. WRIGHT MILLS
(1959)
Sociological Imagination
 Isang kakayahang makita ang kaugnayan ng 
mga personal na karansan ng isang tao at ang 
lipunang kanyang ginagalawan

 Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, 
masusuri natin ang koneksiyon at interaksiyon 
ng mga isyung personal at isyung panlipunan
HALIMBAWA:
 Ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa 
usaping pantrapiko lalo na sa kamaynilaan at 
mga karatig lugar

 Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging 
huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung 
susurin ang isyung ito, masasabing ang 
palagiang pagpasok ng huli ay bunga ng 
malawakang suliraning pantrapiko
Kung gagamitin ang 
Sociological Imagination, 
maiuugnay ng hindi lamang 
personal na isyung 
panlipunan na nakakaapekto 
sa isang indibidwal
ANO BA ANG KAIBAHAN NG ISYUNG
PERSONAL AT ISYUNG PANLIPUNAN?
 Isyung personal­ sinasabing nagaganap sa 
pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa 
kanya

­ang solusyon ng isang isyung personal ay 
nasa kamay ng indibidwal

­maituturing ito na pribadong bagay na 
dapat solusyunan sa pribadong paraan 
ISYUNG PANLIPUNAN

 Pampublikong bagay
 Karaniwang kaugnay ito ng krisis o 
suliranin sa mga institusyong 
panlipunan
 Ito ay nakakaapekto hindi lamang 
sa isang tao kundi sa lipunan sa 
kabuuan
 Mahalagang malaman mo na sa 
kabila ng pagkakaiba ng isyung 
personal at isyung panlipunan, ang 
dalawang ito ay magkaugnay

Halimbawa nito ay ang mga hamon at 
isyung pangkapaligiran
 Ang makalat na bakuran ay isang 
halimbawa ng isyung personal, kung ang 
isang barangay o bayan ay magiging 
makalat dulot ng kawalan ng maayos na 
sistema ng pagtatapon ng basura ito ay 
maituturing na isyung panlipunan
 Ito ay mga masamang epekto sa 
kalusugan at ekonomiya ng isang lugar 
kung ito ay mabaho, makalat, at walang 
maayos na sistema ng pagtatapon ng 
basura
 Mayroon din namang ilang pangyayari  na 
maituturing na isyung panlipunan subalit 
makikita ang epekto sa personal na buhay 
ng isang tao

Halimbawa:
DIGMAAN ito ay maituturing na isyung 
panlipunan subalit hindi maikakaila ang 
epekto nito maging sa personal na buhay 
ng mga tao sa lipunang puno ng 
kaguluhan at karanasan  
                  THANK YOU!!!!

BY: ISYUT AND BJANE

You might also like